You are on page 1of 2

FIRST GRADING PERIOD

SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan:_________________________ Baitang: ________________ Iskor:_____

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot .

1. Mga pahigang guhit na paikot sa globo na nakahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay mula sa
kanluran papuntang silangan.
A. Hating globo B.Ekwador C. Digri D. Latitude
2. Ito’y nabubuo kung pagsasamahin ang mga guhit latitude at guhit longitude sa mapa ng mundo o
globo.
A. Prime Meridian B. Digri C. International Dateline D. Grid
3. Ano ang naghahati sa globo bilang silangang hating globo at kanlurang hating globo?
A. Prime Meridian B. Ekwador C. Latitude D. Longhitud
4. Ito ay isang bilog na makikita sa mapa o globo na nagpapakita ng direksyon.
A. Ekwador B. Compass rose C. International Dateline D. Grid
5. Ito ay ang patag na representasyon ng mundo. Ginagamit ito bilang sanggunian sa paghahanap ng
lokasyon. Makikita rito ang ilang simbolo compass rose at ang iskala o pinaliit na sukat ng lugar. Ang
mapa ay may iba’t-ibang uri at ang iba’t-ibang uri ay may kanya-kanyang gamit.
A. Globo B. Compass rose C. Mapa D. Google map
6. Ito ay pinakadulong bahagi sa Northern Hemisphere kung saan direktang sumisikat ang araw.
A. International Dateline B. Tropic of Capricorn C. Tropic of Cancer D. Parilya
7. Ito ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng bagay na likha ng kalikasan. Inilalarawan nito ang
katangiang pisikal ng isang lugar.
A. Mapa ng Populasyon B. Mapang Pulitikal C. Mapang Pisikal D. Mapa ng Klima
8. Tumutukoy sa uri ng map ana nagpapakita ng hangganan ng nasasakupan ng isang lugar. Inilalarawan
nito ang dibisyong pangheograpiya ng isang lugar.
A. Mapa ng Populasyon B. Mapang Pulitikal C. Mapang Pisikal D. Mapa ng Klima
9. Ito ang pinakasimpleng uri ng mapa. Ito ay tumutukoy sa kung saan ang daan, layo at direksiyon ng
pupuntahang lugar.
A. Mapa ng Populasyon B. Mapang Pulitikal C. Mapa ng Lansangan D. Mapa ng Klima
10. Ito ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea.
A. Panatag Shoal B. Spratly Islands C. Suez Canal D. Benham Rise
11. Ang Suez Canal ay binuksan taong ____________.
A. 1989 B. 1896 C. 1869 D. 1689
12. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdig na kalakalan?
A. Napadali ang pakikipagkalakalan
B. Naging madali ang pagpasok ng mga ibang dayuhang mananakop
C. Naging maikli ang paglalakbay mula sa Maynila patungo sa ibang bansa
D. Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol sa iba’t ibang dako ng mga katutubong Pilipino
13.Pagtukoy sa lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam sa mga anyong tubig na nakapaligid nito.
A. Bisinal B. Insular C. Compass Rose D. Direksyon
14. Ang salitang ito ay literal na nangangahulugang "naliwanagan“.
A. Middlemen B. Ilustrado C. Indio D. Espanyol
15. Ang pinakamababa sa pangkat ng tao ay ang karaniwang mamamayang Pilipino na kilala sa tawag
na ____.
A. Middlemen B. Ilustrado C. Indio D. Espanyol
1. D
2. D
3. A
4. B
5. C
6. C
7. C
8. B
9. C
10. C
11. C
12. A
13. B
14. B
15. C

You might also like