You are on page 1of 1

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VIII
Division of Southern Leyte
Macrohon District
AGUINALDO ELEMENTARY MG SCHOOL

Pangalan: ____________________________________Baitang: ___________Iskor: _____


5th Summative Test in Araling Panlipunan 5
1st Quarter
S.Y. 2022-2023
I. Isulat ang B sa linya kung ang pahayag ay tumutukoy sa pamahalaang barangay at S kung pamahalaang sultanato.
______1. Ang matatanda ay katu-katulong sa pagpapasya ng pinuno.
______2. Binubuo lamang ito ng 30 hanggang 100 pamilya.
______3. Binubuo itong 10 hanggang 12 nayon o higit pa.
______4. Hinango sa salitang Malayo ang pangalan ng sistemang ito.
______5. Isa sa mga tungkulin ng pinuno rito ang panalangin sa moske at pagbasa ng Koran.
II. Lagyan ng mukhang nakangiti ( ) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon.
______6. Paninisid ng perlas at kabibe
______7. Panghuhuli ng mga isda
______8. Pagtatanim o pagsasaka
______9. Pagpapatayo ng malalaking imprastraktura
______10. Pagpapanday
______11. Pagmimina ng ginto, pilak, at iba pang mineral
______12. Pagkukumpuni ng sirang kable ng kuryente
______13. Paghahabi ng tela
______14. Paggawa ng kagamitang pinatatakbo ng elektrisidad
______15. Pagbebenta ng mga kalakal at produkto.
III. Buuin ang analohiya sa pamamagitan ng pagpupuno ng tamang salita sa linya. Pumili ng sagot mula sa kahon
sa ibaba.
- Sipol - Islam
- Sharif Makhdum - hajj
- Sharif Kabungsuwan - Dian Masalanta
- Sambahan - bothoan
- Pagbibigay ng limos - Ramadan
- Pagano - baybayin

16. Salat: Pananalangin ng limang ulit – Zakat: _________________________


17. Shahada: Si Allah lamang ang nag-iisang Diyos - ______________________paglalakbay sa lungsod ng Mecca.
18. ________________________: panulat noon – lapis: panulat ngayon
19. Koran: banal na aklat ng mga Muslim – Moske: ________________________
20. Bathala: ___________________ - Allah : Islam
21. Abu Bakr: Sulu - ________________________: Maguindanao
22. a, b, c, d…: alpabeto ng mga Pilipino - ______________________: alpabeto ng mga ninuno
23. _____________________: Monoteismo – Pagano: Polyteismo
24. _____________________: Diyos ngPag-ibig – Sidapa: Diyos ng Kamatayan
25. _____________________: buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim – Saum: pag-aayuno mula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog ng buwan.

You might also like