You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

Schools Division of Zamboanga del Norte


LILOY III DISTRICT
Compra, Liloy, Zamboanga del Norte

______________________________________________________________________________
DISTRICT UNIFIED LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
QUARTER 1 W2, ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ____________


Paaralan: _________________________________________________ Petsa: ____________Iskor: _____________
Kilusang Propaganda at Katipunan
IMPORMASYON PARA SA MGA MAG -AARAL
Panimula

Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kilusan tungo sa pagbabago na itinatag noong 1892. Ang mga
pangunahing pinuno ng Kilusang Propaganda ay sina Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at iba pang mga
Pilipinong may pinag-aralan na nagtungo sa Spain. Ang ilan sa mga layunin ay ang sumusunod:
1. Gawing palagiang lalawigan ng Spain ang Pilipinas;
2. Ibalik ang pagpapadala ng kinatawang Pilipino sa Cortes, ang Batas ng Spain;
3. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa Pilipino sa harap ng batas;
4. Ilagay ang mga paring Pilipino sa mga parokya, at
5. Bigyan ng kalayaan ang mga Pilipino na magpahayag ng saloobin
Ang nais ng mga kasapi nito ay pagbabago upang guminhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino. Nakatulong ito sa
pagkakaroon ng kalayaan.
Si Marcelo H. del Pilar ay tumuligsa sa mga prayleng Espanyol sa kanyang kaunaunahang pahayagang Tagalog, ang
“Diyaryong Tagalog “. Naging patnugot siya ng “La Solidaridad “, ang pahayagang itinatag ng mga propagandista.
Si Jose Rizal ay nanguna sa paglaban sa di makatarungang pamamahala ng mga Espanyol. Nakilala ang kanyang dalawang
nobela, ang “Noli Me Tangere “at “ El Filibusterismo“. Dito niya inilarawan ang mga kamaliang ginawang mga Espanyol sa mga
Pilipino upang magkaroon ng higit na maayos na pamumuhay.
Ang La Liga Filipina ay isa ring samahang itinatag ng mga Pilipino. Nanguna sa pagtatag nito si Jose Rizal. Layunin ng
samahan na humiling ng mga pagbabago, matamo ang pagkakaisa ng buong bansa, proteksyon, mapaunlad ang edukasyon,
agrikultura at kalakalan, at pag-aaral.
Ito ay nabuwag dahil sa pagkadakip kay Rizal. Siya ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga. Maraming kasapi nito ang naghangad na
pag-ibayuhin ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.
La Solidaridad- Ito ang pahayag ng kilusang propaganda. Malaki ang nagawa nito sa layunin ng mga propagandista. Ngunit
dahil sa kakulangan ng pondo, hindi ito nagtagal.
Asociacion Hispano-Filipino - Ito ay itinatag upang humingi ng reporma para sa mga Pilipino.

Kilusang Katipunan
Si Andres Bonifacio, kasama ang ilang makabayan ay nagtatag ng Kataastaasan, Kagalang-galangang, Katipunan ng
mga Anak ng Bayan noong Hulyo 7, 1892. Ang paglaya ng Pilipinas ang pangunahing layunin. Tinawag na katipunero ang
mga kasapi ng katipunan. Mapanganib ang pagsapi dito dahil ito’y lihim na samahan ng mga manghihimagsik. Umabot sa libo
ang mga kasapi sa Luzon at Visayas.
Si Emilio Jacinto, ang “Utak ng Katipunan”, ay pinagkakatiwalaang kaibigan ni Bonifacio. Tinagurian siyang “Utak
ng Kalayaan ng Katipunan”.

Ang Kartilyang Katipunan


Ang kartilyang katipunan ang mithiin at hangarin ng katipunan. Ito ay ang sumusunod:
1. Upang maging kapaki-pakinabang ang buhay;
2. Mabuting gawa, magmula na pagnanasang makagawa ng mabuti hindi sa hangaring makinabang ang sarili;
3. Tunay na kadakilaan, na sa pagmamahal sa kapwa;
4. Lahat pantay-pantay anuman ang lahi;
5. Dakila ang dangal kaysa kayamanan;
6. Marangal ang tumutupad sa kanyang salita;
7. Ang nawalang panahon ay hindi na maibabalik;
8. Ang matalinong tao ay hindi masalita, hindi nagtatago ng lihim;
9. Ang lalaki ay nag-aakay sa asawa at mga anak tungo sa kabutihan, at
10. Huwag gawin sa asawa, anak na babae, o kapatid na babae ng iba ang ayaw mong gawin sa iyong asawa, anak o kapatid
na babae.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong
Pilipino (AP6PMK-Ic-5)
GAWAIN 1
Panuto: Pagtambalin ang layunin ng mga nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_______1. La Liga Filipina A. Tumuligsa sa mga Prayleng Espanyol sa kanyang kauna-unahang
pahayagang tagalog, ang “Diyaryong Tagalog“

_______ 2. Jose P. Rizal B. Ito ang pahayagan ng kilusang propaganda. Malaki ang nagawa nito
sa layunin ng mga propagandista

_______ 3. Marcelo H. Del Pilar C. Isang mapayapang kilusan tungo sa pagbabago na itinatag noong 1892

_______4. La Solidaridad D. Gumawa ng nobelang “Noli Me Tangere “ at “ El Filibusterismo“

_______ 5.Kilusang Propaganda E. Layunin ng samahan na humiling ng mga pagbabago, matamo ang
pagkakaisa ng buong bansa, proteksyon, mapaunlad ang edukasyon,
agrikultura at kalakalan, at pag-aaral.

GAWAIN 2
Panuto :Basahin ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

________1. Ang mga sumusunod na parirala ay mga layunin ng kilusang propaganda, alin ang hindi?
a. Lubusang kalayaan ng Pilipinas
b. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa Pilipino sa harap ng batas
c. Ilagay ang mga paring Pilipino sa mga parokya
d. Bigyan ng kalayaan ang mga Pilipino na magpahayag ng saloobin
________2. Sa iyong palagay, bakit itinatag ng mga propagandista ang kilusang propaganda?
a. Upang makilala sila sa buong bansa
b. Upang magkaroon ng posisyon sa pamahalaan
c. Upang magkaroon ng pagbabago at guminhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino
d. Upang maipakita ang kanilang kahusayan sa pagsulat
______ 3. Si Jose Rizal ang pangunahing nagtatag ng La Liga Filipina, alin sa mga sumusunod na parirala ang HINDI layunin ng
samahang ito?
a. Humiling ng pagbabago
b. Proteksyon
c. Karangyaan
d. Mapaunlad ang edukasyon
_______4. Ano ang pinakamahalagang naiambag ni Andres Bonifacio?
a. Kapatiran
b. Kilusan
c. Kalayaan o Demokrasya
d. Edukasyon
_______5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Kartilyang Katipunan?
a. Lahat pantay-pantay anuman ang lahi.
b. Marangal ang tumutupad sa kanyang salita.
c. Dakila ang dangal kaysa kayamanan.
d. Ang nawalang panahon ay pwede pang maibalik.

______________________
Parent’s Signature

Prepared by:
JOSEPHINE C. MARIBOJOC
Teacher III

QA by:
AIREEN T. PATROCINIO SELENE E. ONGCOL
Principal -I Head Teacher -I
Susi sa Pagwawasto
Araling Panlipunan 6, Q1w2

GAWAIN 1
1. E 2. D 3. A 4. B 5. C

GAWIN 2
1. A 2. C 3. C 4. C 5. B

You might also like