You are on page 1of 2

I. Panuto: Basahin at sagutin ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

__________1. Paano mailalarawan ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Rizal?


A. Ito ay naglalaman ng mga pamahiin ng mga kastila.
B. Ito ay nagpapahayag ng pagmamalupit ng mga prayle sa mga Pilipino.
C. Ito ay naglalaman ng mga plano ng Pilipino para sa kalayaan.
D. Ito ay naglalahad ng nalalapit na rebolusyon sa Pilipinas.

_________2. Bakit naging mahalaga ang kartilya sa Katipunan?


A. Dahil naglalaman ito ng mga layunin ng katipunan.
B. Dahil naglalaman ito ng mga alituntunin sa buhay ng mga Katipunero.
C. Dahil naglalaman ito ng mga plano ng paghihimagsik.
D. Dahil naglalaman ito ng miyembro ng katipunan.

__________3. Bakit itinatag ang La Solidaridad?


A. Upang magkaisa ang lahat ng mga Pilipino.
B. Upang mapaunlad ang industriyang Pilipino.
C. Upang maihanda ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng himagsikan.
D. Upang maipaabot sa Espanya ang katiwaliang nangyayari sa Pilipinas.

__________4. Paano nakatulong ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Katipunan?


A. Sila ang naghanda ng mga sandatahang gagamitin ng mga katipunero.
B. Sila ang nagtago ng mga mahahalagang dokumento ng Katipunan.
C. Sila ang nagplano ng mga Gawain sa Katipunan.
D. Sila ang nag-alaga sa kanilang mga anak.

_________5. Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896?


A. Dahil hindi naging malinaw ang layunin nito.
B. Dahil nawalan ito ng mahusay na pinuno.
C. Dahil kakaunti lamang ang bilang ng mga Pilipino.
D. Dahil nagkulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino.

II. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ano ang inilalarawan ng mga ito. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik nito sa patlang.

A. Repormista B. La Liga Filipina C. Propaganda

D. El Filibusterismo E. Katipunan

__________6. Ito ang samahan na naglalayong makalaya ang Pilipinas sa pamamagitan ng himagsikan.

__________7. Ito ang nobelang naglalahad ng nalalapit na rebolusyon sa bansang Pilipinas.

__________8. Ito ang tawag sa makabayang Pilipino na humihingi ng pagbabago sa pamamahala ng


Espanyol.
__________9. Ito ang kilusan na nangampanya para sa pagbabago ng sistema ng pamamahala ng Espanyol.
__________10. Ito ang kilusang itinatag ni Jose Rizal na naglayong magpatupad ng mga reporma.

III. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay wasto. Kung MALI, palitan ang salitang
nakasalungguhit upang ito ay maging wasto. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

__________11. Ang sistemang mason ay isang paraan ng isang kasapi upang kumuha ng dalawang bagong
kasapi n hindi kakilala.
_________12. Ang katipunan ay naitatag noong Hulyo 5, 1892.
_________13. Ang bayani ay tawag sa ikatlong baitang sa miyembro ng Katipunan at gumagamit ng senyas na
GOMBURZA.
__________14. Ang itinuturing na Lakambini ng Katipunan ay si Gregoria de Jesus.

IV: Panuto: Punan ng detalye ang patlang upang mabuo ang talata tungkol sa Kilusang Sekularisasyon.

May dalawang uri ng paring Katoliko sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng Espanyol. Ang
mga paring (15)_____________________ ay kabilang sa order at mga Espanyol. Samantalang ang paring sekular
ay (16)_____________________________________. Ito din ang mga paring humihingi ng pagbabago sa
pamamahala ng Pilipinas.

Nang maganap ang pag-aalsa o mutiny sa (17)________________ ang mga paring humihingi ng
pagbabago ay napagbintangang namumuno dito. Ang mga paring ito ay sina (18)___________________
(19)____________________, at (20)______________________ sila ay pinatay sa pamamagitan ng
(21)____________________.

V. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Ipaliwanag ang naging epekto ng mga pangyayaring ito.
Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

22-23. Pagkakaroon ng pagpupulong sa Tejeros.


____________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________

24-25. Pagkakahati ng Katipunan sa dalawang grupo.


____________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________

26-27. Pakikipagkasundo ni Emilio Aguinaldo sa mga Espanyol sa Biak-na-Bato.


____________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________

VII: Panuto: Sagutin nang buong husay ang katanungan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

28-30. Bakit nabigo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?


____________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________

You might also like