You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
SAMPALOC NATIONAL HIGH SCHOOL
SAMPALOC, BOLINAO, PANGASINAN

SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 10
(QUARTER 3, WEEK 3-4)
Name:____________________________________Date:_________________________
Grade/Section:_____________________________Score:_________________________

PANUTO: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang
sagot. ISULAT ANG LETRA NG IYONG SAGOT SA PATLANG BAGO ANG BILANG.

_______1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng domestic violence?


A. Paninipa at pananampal C. Hindi pagkontrol sa paggastos ng pera
B. Pilit na pakikipagtalik D. pagseselos
_______2. Ang pagkakaroon ng lotus feet ay simbolo ng mga sumusunod maliban sa isa.
A. yaman C. karapat-dapat sa pagpapakasal
B. ganda D. busilak na kalooban
_______3. Paano nakaapekto ang foot binding sa mga sinaunang kababaihan sa China?
A. Hindi sila nakapag-asawa
B. Nalimitahan ang pagkilos at pakikisalamuha
C. Nahirapan silang makakuha ng trabaho
D. Nahirapan silang magkaroon ng anak
_______4. Ang pagsasagawa ng breast ironing o flattening ay nag-ugat sa maling
paniniwala. Ang mga sumusunod ay mga dahilan nito maliban sa isa.
A. Para makaiwas sa pagkagahasa C. Para hindi makapag-asawa
B. Para makaiwas sa maagang pagbubuntis D. Para hindi mahinto sa pag-aaral
_______5. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang
nararanasan ng kababaihan.
A. Tandang Sora C. Lakas ng Kababaihan
B. Gabriela D. Women Empowerment Council
_______6. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng lahat ng kasarian.
A. Diskriminasyon C. Karahasan
B. Isyung pangkasarian D. Pagkakakilanlang pangkasarian
_______7. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang
ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang
hayop.
_______8. Siya ay nakilala dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan
ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
A. Ellen Degeneres C. Imran Khan
B. Malala Yousafzai D. Molano Jamil
_______9. Ang mga sumusunod ay resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations
Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) maliban sa isa.
A. May mga panggagahasa sa mga lesbian
B. Ang LGBT ay may bias sa serbisyong medikal
C. Ang LGBT ay may malaking oportunidad sa trabaho
D. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT
_______10. Ito ang konsehong naglabas ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng
mga diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT.
A. United Nations Development Programme
B. United States Agency for International Development
C. United States Homosexuality Council
D. United Nations Human Rights Council
_______11. Ito ang bansang nagpasa ng batas na Anti-Homosexuality Act of 2014 na
nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan
ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
A. Uganda B. Pakistan C. India D. China
_______12. Ang foot binding ay sinaunang tradisyon ng bansang ___________.
A.Uganda B.China C.India D.Pakistan
_______13. Tumutukoy ito sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong
sa pisikal, seksuwal, o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A.Sexual exploitation C.Violence against women
B.Sexual discrimation D.Domestic violence
_______14. Ito ang bansang nagsasagawa ng sinaunang kaugalian na breast ironing o
breast flattening.
A.Uganda B.Pakistan C.China D.Cameroon
_______15. Ito ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China kung saan pinapaliit
ang kanilang mga paa hanggang sa tatlong pulgada.
A. Foot ironing B. Foot binding C. Foot shortening D. Foot flattening
PERFORMANE TASK
Panuto: Gumuhit ng poster na nagpapahayag ng paggalang at pagkakapantaypantay ng
bawat indibiduwal sa lipunan. Iguhit sa espaong nakalaan.
Rubrik sa Pagmamarka sa Poster

You might also like