You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN (AP) 10

Summative Test – 3rd Quarter


Pangalan: __________________________ Marka: __________
Baitang: ___________________________ Petsa: _________
PANUTO: Piliiin ang letra ng tamang sagot at ISULAT ito sa PATLANG bago ang bilang.

__________1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. sex B. transgender C. gender D. bi-sexual
__________2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. gender b. sex C. bi-sexual D. transgender
__________3. Ito ay mga katangian ng sex para sa mga kababaihan MALIBAN sa isa;
A. Hindi pinamamaneho ng sasakyan C. Nagkakaroon ng buwanang regla.
B. Nakakaranas ng mood swing. D. May kakayahang magka-anak.
__________4. Ito naman ay mga katangian ng sex para sa mga kalalakihan MALIBAN sa isa;
A. nagkakaroon ng buwanang regla. C. nagkakaroon ng adams apple.
B. malapad ang dibdib D. may bayag
__________5. Si Ana ay isang babae na ayaw sa lalaki na maging nobyo, ano siya?
A. tomboy, lesbian B. babae, girl C. lalaki, boy D. bakla, gay
__________6. Kapag ang isang tao ay nakakaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa, ito nabibilang sa
konseptong A. Gender B. Sexual Orientation C. Gender Identity D. Sex
__________7. Sa iyong palagay, ano ang tawag sa mga taong may pagnanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki
na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Homosexual B. Heterosexual C. Lesbian D. Transgender
__________8. Si Juan ay isang lalaki. Ang karelasyon ay kapwa lalaki. Ano ang kasarian niya?
A. Heterosexual B. Homosexual C. Lesbian D. Trangender
__________9. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay isang ___________.
A. Gay B. Transgender C. Heterosexual D. Homosexual
__________10. “Kumilos mga kalalakihan, makiisa laban sa karahasan, maging kasama, kapatid at kaibigan”; isang awitin mula kay Noel
Cabangon. Ano ang mensahe ng awit na ito?
A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan.
B. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan.
C. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat saktan at paglaruan.
__________11. Batay sa datos ng World Health Org. (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female
Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal.
D. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
__________12. Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy). Alin sa mga nabanggit ang dahilan ng
gawaing ito?
A. paraan ng pagpaparusa sa mga lesbian C. magbabago ang oryentasyon matapos gahasain
B. kawalan ng respereto sa mga ito D. pang-aabuso sa karapatan ng LGBT
__________13. Sa Pilipinas, ang mga umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula magkasamang impluwensiyang international
media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas na mangibang-bansa. Sa mga huling
bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng
kamalayan ng Pilipinong LGBT. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Maraming LGBT ang pumunta sa ibang bansa. C. Naging katanggap-tanggap ang LGBT sa lahat ng panig ng mundo.
B. Umiral ang iba’t- ibang kilusan ng LGBT sa Pilipinas. D. Mas napapahalagahan ang karapatan ng mga LGBT
__________14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang Magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
D. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa.

__________15. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga Karapatan o Kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
__________16. Si Alice ay isang Human Resource Officer at naniniwala siyang ang mga babae ay magagaling sa negosasyon dahil sa
kakayahan nitong humanap ng mga paraan at kompromiso kaya nang may magbukas na bakanteng posisyon sa pagka-negosyador
ay mga babae lamang ang kaniyang binigyan ng pagkakataon sa interview. Anong uri ng diskriminasyon ang ipinapakita dito?
A. Indirect Discrimination B. Discrimination by Association C. Discrimination by Perception D. Direct Discrimination
__________17. May isang botante na hindi ibinoboto ang mga matandang politiko dahil sa paniniwalang sila ay mababagal at mairap
nang asahan sa mga trabaho. Aling katangian ang naging batayan niya sa diskriminasyong ito?
A. Kapansanan B. Lahi C. Katayuan sa Buhay D. Edad
__________18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng discrimination by association?
A. Hindi nakuha ni Bob ang trabaho dahil sa kaniyang katabaan.
B. Tinanggal si Susan sa trabaho dahil ayaw na sa kaniya ng mga may-ari
C. Hindi pinapasok si Sally sa isang bar dahil hindi puti ang kulay ng kaniyang balat
D. Hindi tinanggap sa trabaho si Lito dahil may asawa siyang may kapansanan na kailangang alagaan
__________19. Aling indsutriya ang madalas nakakaranas ng diskriminasyon batay sa edad?
A. Technology B. Food and Beverage C. Tourism D. Entertainment
__________20. Manager si Ana sa isang hotel. Pinatanggal niya sa trabaho sa James dahil gumagamit ito ng hearing aid. Ano ang
naging batayan niya sa diskriminasyong ito?
A. Civil status B. Kasarian C. Oryentasyong Sekswal D. Kapansanan
__________21. Si Allan ay isang bartender na may kakilalang may tumigil na sap ag-inom ng alak at hindi na pumupunta sa bar na
kaniyang pinagta-trabahuan. Dahil dito, naging paniniwala na niya na lahat ng hindi umiinom ay mga taong hindi marunong
maging masaya. Anong uri ng diskriminasyon ang tinutukoy dito?
A. Discrimination by Perception B. Direct Discrimination C. Indirect Discrimination D. Discrimination by Association
__________22. Ano ang pangunahing adbokasiya ni Malala Yousafzai?
A. Paggalang sa kasarian B. Edukasyon para sa Kababaihan C. Karapatan sa pagboto D. Paglaban sa Climate Change
__________23. Naglabas ng kautusan ang pamunuan ng isang manufacturing company na tanging mga walang asawa lamang ang
kanilang tatanggapin sa trabaho kaya hindi natanggap sa Delia. Anong uri ang inilalarawan dito?
A. Direct Discrimination B. Discrimination by Association C. Indirect Discrimination D. Discrimination by Perception
__________24. Ang karahasan laban sa kababaihan ay nangangahulugang ______________.
A. Karahasan na nai-ulat sa mga pulis.
B. Kahit anong uri ng karahasan sa pamilya
C. Sexual assault and rape
D. Karahasan na nararanasan ng mga babae dahil sa kanilang kasarian
__________25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng karahasan sa kababaihan?
A. Pakikipag-argumento sa isang babae
B. Pagpilit ng pamilya sa isang babae na siya ay ikasal
C. Pagpapakita ng karahasan sa kaniyang mga mahal sa buhay
D. Paghingi ng isang prison guard ng sexual favor sa isang babaeng preso kapalit ng mga mahahalagang kagamitan
__________26. Alin sa mga sumusunod na hakbangin ang pinaka-mahalaga upang maiwasan ang karahasan sa kababaihan?
A. Pagkulong sa mga lalaking nagkakasala sa batas
B. Pagtugon sa mga kalagayang panlipunan na nagtutulak sa karahasan sa kababaihan
C. Pagbibigay ng kaalaman sa mga kababaihan tungkol sa karahasan
D. Paghihigpit sa mga kababaihan sa oras ng paglabas at mga lugar na pupuntahan upang sila ay manatiling ligtas
__________27. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na paglalarawan sa karahasan sa kababaihan?
A. Ang pinaka-ugat nito ay kakulangan ng lalaki ng kakayahan na pigilin ang kaniyang galit at stress
B. Ang labis na pag-inom alak at paggamit nga bawal na gamot ang kadalasang dahilan ng karahasan
C. Ang karahasan sa kababaihan ay madalas na ginagawa ng mga taong malapit sa kaniya o mga kakilala niya
C. Problema sa pera ang isa sa mga dahilan ng karahasan
__________28. Ang karahasan laban sa kababaihan ay nangangahulugang ______________.
A. Karahasan na nai-ulat sa mga pulis. C. Kahit anong uri ng karahasan sa pamilya
B. Sexual assault and rape D. Karahasan na nararanasan ng mga babae dahil sa kanilang kasarian
__________29. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
A. Anti-Violence Agains’t Women and Their Children Act C. Magna Carta of Women
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t Women D. Prinsipyo ng Yogyakarta
__________30. “LGBT rights are human rights” Ban Ki – Moon UN secretary General. Alin sa mga sumusunod ang mas naglalarawan
sa pahayag ni Ban Ki-Moon?
A. Ang mga LGBT ay may eksklusibong karapatang-pantao C. Ag LGBT ay may karapatan na mas mataas sa ibang tao
B. Ang mga miyembro ng LGBT ay mga tao rin. D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
__________31. Sumasalamin ito sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao kaugnay ng mga isyu
ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Prinsipyo ng Geneva B. Prinsipyo ng LGBT C. Prinsipyo ng Yogyakarta D. Prinsipyo ng CEDAW
__________32. Ano ang CEDAW?
A. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t Welfare
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t Will Being
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agains’t Women
__________33. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa
at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong
gagawin?
A. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ang aming pagkakaibigan.
B. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
C. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
D. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
__________34. Ang Anti-Violence Agains’t Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy
sa batas na ito?
A. Lahat ng kababaihan na may edad 15 pataas C. Mga kababaihan na walang asawa at mga anak
B. Lahat ng babae bata man o matanda, may asawa o wala. D. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
__________35. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan
ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in
Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod C. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
B. Magsasaka at manggagawa sa bukid D. Kababaihang Moro at katutubo
__________36. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga biktima ng pang-aabuso at
karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,” illegal recruitment “, human trafficking at mga babaeng nakulong.
A. Comfort Women C. Marginalized Women
B. Empowered Women D. Women in Especially Difficult Circumtances
__________37. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di pantay na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na
matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
A. Marginalized Women B. Specialized Women C. Special Women D. Transgender
__________38.Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang maitaguyod ang karapatan ng bawat isa sa
edukasyon anuman ang kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon
B. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang pantao.
C. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan.
D. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at guro.
__________39. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay tinanggihan ng ilang mga ospital upang gamutin. Anong
karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
D. karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
__________40. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa
harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan na seguridad ng pagkatao C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
B. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit D. karapatan sa patas na paglilitis
__________41. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng
SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A.karapatang lumahok sa buhay-pampubliko C. karapatang mabuhay
B.karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao. D.karapatan sa trabaho
__________42. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga
kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia
upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta. C.pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian
B.pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+ D.pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian
__________43. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon upang
maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:
A. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
B. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
C.ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D.walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto
__________44. Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim sa isang sikolohikal na paggagamot, pagsusuri o kaya’y pagbimbin sa isang
pasilidad na medikal.
A. abusong medikal B. malayang pagkilos C. pribadong buhay D. sapat na kalusugan
__________45. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng
kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito?
A. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
B. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
C. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho
__________46. Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay anuman ang kasarian.
A. maka-taong pagtrato B. pribadong buhay C. pagkilala ng batas D. seguridad sa pagkatao
__________47. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan sapagkat pawang mga babae lamang
ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatan sa malayang pagkilos C. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho D. karapatang magbuo ng pamil
__________48. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at pagbibigay lakas,
pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at sumusuporta sa pagpapasiya
sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao.
A. Gender and Development B. Gender and Equity C. Equality and Equity D. Gender Roles and Development
__________49. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and Development?
A. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung pangkasarian
B. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
C. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
D. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng pamahalaan
__________50. Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan?
A. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
B. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamay

You might also like