You are on page 1of 2

Katitikan ng Ikalawang Pulong ng The Daily Grind Cafe

Ika-12 ng Disyembre, 2022 ika-2 ng Hapon

Sa The Daily Grind's Conference Hall

Mga dumalo:

Bb. Kimberly N. Bonifacio - Chief Executive Officer

Bb. Catherine Guanson - Coffee Store Manager

G. Sevi Camero - Barista

Bb. Juliana Nyx Miller - Secretary

Bb. Samantha Veranda - Assistant Secretary

Bb. Estella Martinez - Accountant

Bb. Diarra Cristelle Santos - Production Manager

G. Jace Ramirez - Administrative Manager

Bb. Cali Salvero - Kitchen Manager

Hindi dumalo:

Bb. Louis Natasha Valeria - Assistant Store Manager

G. Samuel Carlson - District Manager

G. Marcus Albar - Pastry Chef

Panukalang adyenda

1. Christmas Party

2. Pagbubukas ng bagong branch

I. Pagsisimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay sinimulan ni Bb. Kimberly N. Bonifacio sa ganap na ika-2:00 ng hapon at ito ay pinasimulan
sa pamamagitan ng isang panalangin. Kasunod ay roll coll na isinagawa ni Bb. Juliana Miller at matapos ay
ipinahayag na mayroong quorom.

II. Pagbasa ng Nakaraang Pagpupulong

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Bb. Juliana Nyx Miller, ang kalihim ng The Daily Grind ng katitikan ng
nakaraang pagpupulong noong Nobyembre 3, 2022. Isinaad niya ang mga nakaraang tuntunin at ang mga natalakay
sa nakaraang pulong.

III. Pagpapatibay ng Nakaraang Pulong


a. Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Bb. Kimberly Bonifacio at kaniyang inilahad ang mga detalye
sa Christmas Party at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bagong branch.

b. Nagbigay din ng kanilang mensahe sina Bb. Catherine Guanzon at G. Jace Ramirez sa magandang maibubunga ng
paglulunsad ng bagong branch.

c. Sinimulan ni Bb. Diarra Cristelle Santos ang unang adyenda - Christmas Party.

d. Ipinaalam niya sa mga empleyado ang tungkol sa Christmas Party na gaganapin sa Disyembre 20, 2022.
Inanyayahan niya ang lahat ng empleyado na dumalo sa selebrasyon.

Dagdag pa ni Bb. Santos na kung maaari bawat isa sa mga empleyado ay magdala ng pagkain para sa pagsasalo sa
selebrasyon.

e. Nagkaroon ng suhestiyon ang mga empleyado na gawin na lamang itong isang putahe bawat grupo upang hindi
masyadong magastos at lahat ay sang-ayon dito.

f. Nagpahayag naman si G. Sevi Camero na sana ang lahat ng empleyado ay magtulungan at magkaisa sa
paghahanda sa magiging selebrasyon upang ito ay maging matagumpay at masaya.

g. Kaugnay nito nagpulong ang mga empleyado sa kanilang palitan ng regalo.

h. Paglulunsad ng bagong branch- Ipinaalam ni Bb. Julian Miller sa bawat empleyado na magkakaroon ng
panibagong branch ang The Daily Grind Cafe. Ang pagbubukas ng bagong branch ay magaganap sa Marso 15,
2023. Sa panibagong branch magkakaroon ng promo kung saan mayroong 50% off ang lahat ng produkto at ito ay
magtatagal hanggang Marso 20, 2023.

Kinakailangan din ang paghahanap ng bagong empleyado ani ni Bb. Miller. Iba't iba ang mga mungkahing ibinigay
ng mga dumalo at napagkasunduang ito'y pag-uusapan sa susunod na pulong dahil wala nang oras.

IV. Iba pang napag-usapan

Pagkakaroon ng training para sa mga bagong empleyado.

V. Iskedyul ng susunod na pulong

Pebrero 5, 2023

VI. Pagtatapos ng pulong

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 5:00 ng hapon.

You might also like