You are on page 1of 14

ALBUM NG AMING

BARANGAY
BRGY. PAANG
BUNDOK,
LUNGSOD ng
QUEZON

Ipinasa ni:

Anson Rae M. Regadio


IV-Lourdes

ALBUM NG AMING
BARANGAY
I. Pangalan ng Barangay
II. Kasaysayan ng Barangay
III. Mga Namumuno sa Barangay
A.Kapitan
B.Mga Kagawad
IV. Mga Pangunahin Problema sa Barangay
V. Mga Larawan
VI. Solusyon
A.Para sa Mag-aaral
B.Para sa Magulang

I.

Pangalan ng Barangay

Ang pangalan ng aming barangay ay Barangay Paang Bundok.


Ang aming barangay ay nasa paanan ng burol ng Del Monte, kaya
naging Barangay Paang Bundok at ang mga pangalan ng mga kalye dito ay

hinango sa mga kilalang mga bundok sa Pilipinas tulad ng Mariveles, Iba,


Iriga, Isarog, Labo, Bulusan, Abao, at ang Arayat na ngayoy naging Dr. Alejos

II. Kasaysayan ng Barangay


Ang Barangay Paang Bundok ay nilikha noong July 25, 1975 sa
pamamagitan ng Executive Order No. 22 Presidential Decrees 86 at 210. Ang
pangalang Paang Bundok ay hinango sa dating Sitio Paang Bundok na bahagi
ng Barrio LaLoma. Ang Barrio LaLoma ay isang burol na bahagi ng
bulubundukin ng Del Monte at Barrio Matalahib (Brgy. Santo Domingo), dahil
nasa paanan ng burol, ito ay naging Barangay Paang Bundok nilikha noong
hulyo 25, 1975 at ang Barrio Laloma naging isang maliit na distrito.
Ang mga pangalan ng mga kalye dito ay hinango sa mga kilalang mga
bundok sa Pilipinas tulad ng Mariveles, Iba, Iriga, Isarog, Labo, Bulusan,
Abao, at ang arayat na ngayoy naging Dr. Alejos bilang pagpupugay sa
yumaong Dr. Alejos na mabuting samaritano (Good Samaritan). Ang
kagalang-galang na dating Alkalde ng Lungsod Quezon na si Ginoong
Norberto S. Amoranto ay natalaga na kauna-unahang kapitan ng Baragay ang
dating Tinyente Del Baryo ng Barrio Laloma na si Ginoong Alipio San Jose.
Nanungkulan siya mula noong Hulyo 25, 1975 hanggang Pebrero 17,
1980. Kasama ring itinalaga ay ang kanyang mga pook leaders na sila;
Santiago Sierra, Sinfroso de Castro, Amador Esleta, Jose Almario, Lazaro
Carreon, at Serafin Cesario at Isidra Jusay bilang KB Chairman.
Halalan ng Mayo 1997 ay naluklok ang bagong Punong Barangay na si
Rufino Palencia. Nang sumunod na taon ay itinatag ang Barangay Paang
Bundok Senior Citizen Association na pinamumunuan ni Gng. Ricardo capili at
sinundan ni Gng. Rely Nobleza.
Matapos ang limang taong paglilingkod ay idinaos ang halalan
Pambarangay at SK noong taon 2002 at nahalal ang mga bagong pamunuang
nina Rafael Jimenez at Rosie Nadonga bilang Kapitan at SK Chairman.
Mayo 2003 ay muling binuhay ni Kapitan Bobby Jimenez ang
patimpalak na kagandahan na Miss Paang Bundok. Ito ay pinagwagian ni
Binibining Lucile Fernandez noong 2003, Kaye Dela Cruz noong 2004, at
Christine Jader noong 2005. Patuloy pa rin ang taunang Parada ng lechon
tuwing Kapistahan ng Nuestra Seora de Salvacion.
At noong nakaraang Mayo 2005, nagkaroon ng kauna-unahang
patimpalak para sa ikatlong lahi. Di natapos ni Kapitan Rafael Bobby
Jimenez ang kanyang termino ng bawian ito ng buhay noong marso, 2007 at
ang humalili ay ang unang Kagawad na si Editha Alonte.

Sa halalang pambarangay noong Nobyembre 2007, nahalal si Kapitan


William Manugar S. Chua. Siya rin ang pangulo ng La Loma Lechoneros
Association, Inc, at Mariveles Neighborhood Organization. Ipinagpatuloy niya
ang mga programa ng yumaong Kapitan Rafael Jimenez.
Noong Pebrero 4, 2004 idineklara ni Mayor Sonny Belmonte ang La
Loma bilang Lechon Capital of the Philippines. At noong Mayo 2004, ang
kapistahan ng Nuestra Seora de Salvacion pinasiyahan ang tatlong Arko sa
Calavite at NS Amoranto. Pinaganda ang kapaligiran ng lechonan para maging
Tourist Spot of the Philippines.
III. Mga Namumuno sa Barangay
A. Kapitan
Kapitan William Manugar S. Chua
B. Mga Kagawad
Kgwd. Jesus Michael S. De Castro Kgwd. Fatima S. Foz
Kgwd. Juanita S. Masangcay
Kgwd. Belson M. Alcaide
Kgwd. Lawrence V. Tiglao
Kgwd. Oscar R. Nadonga
Kgwd. Jocelyn B. Salalila
C. Mga ibang opisyal
Reynaldo T. Baloy Secretary
Myrna Y. Macalinao Treasurer
Josepine G. Balbas Admin Staff

IV. Mga Pangunahing Problema Sa Ating Barangay


Ayon kay Kapitan Chua, ito ang mga pangunahing problema sa ating
barangay:
1. Kapayapaan at Kaayusan
Minsan nagkakagulo ang mga tao sa ganitong kalye kaya
kailangan mag assign ng tanod at makikipag ugnayan sa mga
Pulis at N.G.O.
2. Kalinisan
Ang ibang tao ay sinansama ang mga nabubulok at di-nabubulok
sa basura dahil hindi kinukuha ang basura ng truck. Babaho kasi
ang basura kung ganon ang ginagawa.
Wag munang ilabas ang basura kasi minsan yung mga pusa, aso
o kaya yung mga scavenger na naghahanap ng mga bote, dyaryo

at iba pang bagay na binebenta sa junk shop, ay nagkakalat ang


basura.
3. Kabuhayan at Trabaho
Kung walang Trabaho pangit ang kabuhayan. Kaya yung ibang
tao na walang trabaho ay hinihikayat mag sanay sa TESDA para
makapag hanap sila ng trabaho.
Minsan ang mga tao na hindi nakapag tapos ng Mataas na
paaralan ay pinapaaral sa ALS.
4. Droga
Halos ang ibang tao ay nag-drodroga meron ngang kalye na
puno ng nagdrodroga kaya sila ay inoorganisa sa mga pangit na
gawain at droga. Binibigyan ng pagkakalibangan para maiwasan
ang pangit na impluwensiya.

V. Mga Larawan

LITRATO NG AMING BARANGAY HALL

OPISINA NG AMING KAPITAN NG BARANGAY

SI KAPITAN AT MGA KAGAWAD

MGA PROYEKTO NG AMING BARANGAY

PAKIKIPAGPANAYAN KAY KAPITAN

MAPA NG NASASAKUPAN NG
BRGY. PAANG BUNDOK

VII. Solusyon
A.Para sa Mag-aaral

Bilang Lourdesian, ano ang maari mong maitulog sa aming barangay


Bilang Lourdesian ay susundin ko ang mga ehemplo ni Hesus at St. Francis
upang maging tagapamayapa sa mga kakalaseng nag-aaway at ang
pagtulong sa nangangailangan.
Ako po ay mag-aaral ng mabuti upang sa pagtaps ko ay makahanap ng
magandang trabaho at makatulong sa mahihirap.
Ang maari kong miatulong sa aming barangay ay ang pagsunod sa alituntunin
ng aming barangay gaya ng mga sumusunod:
Ang hindi pag-aaway sa kalye ng barkada o gang war.
Ang pag-uuwi sa tamang oras o pagsunod sa curfew.
Ang pagtatapon ng kalat sa basurahan.
Ang hindi pag gamit ng ipinagbabawal na gamot.

B.Para sa Magulang
Bilang bahagi ng komunidad, ano ang maibabahagi mo para makatulong sa
paglutas ng mga suliranin sa inyong barangay?
Naisip naming na sa loob ng aming pamilya maaring magmula ang mga
simpleng solusyon upang malutas ang mga suliranin sa saming barangay.
Bilang bahagi ng komunidad, ito ang aming maiaambag upang makatulong sa
paglutas ng mga suliranin sa barangay:
Para sa Problema sa Kapayapaan at Kaayusan sa Barangay
Sasabihan namin ang aming anak na hindi malulutas ng dahas ang problema.
Ang mga pagtatalo ay maayos sa pamamagitan ng kompromiso at malawak
na mpagg-iintindi ng sa kabilang panig.
Hindi namin siya papayagang gumalagala kasama ang barkada sa kalsada ng
dis-oras ng gabi. Ang pagsali sa mga fraternity o grupo ay aming susuriin ng
mabuti upang maging

Para sa problema sa kalinisan

Sa loob ng bahay ay ihihiwalay naming ang nabubulok sa hindi nabubulok.


Itatapon naming sa tamang oras ang mga basura. Ang mga bote at dyaryo ay
ititinda naming sa junkshop.
Tuturuan naming ang aming anak na huwag magkalat sa kalsada, maging
maayos sa gamit at ubusin ang pagkain sa plato. Sasabuhan naming siya
palagi na ibalik ang gamit sa lalagyan pagkatapos gamitin.

Para sa problema ng kabuhayan at trabaho


Tuturuan naming ang aming anak sa importansya ng edukasyon. Sasabhin
naming sa kanya na ang pag-aaral ang magiging susi sa magandang
kinabukasan. Kung walang trabaho pangit ang kabuhayan.
Bata pa lang si Anson ay tuturuan namin siyang magtinda upang matuto
siyang magkwenta at makitungo sa tao ng maayos. Sa pagtitinda ay
mararamdaman niya ang saya ng nakakatulong sa magulangat
nakakapagbigay ng serbisyo sa kapwa tao.
Ang pagigng mabuting tao at maayos kausap ay magiging daan para manatili
ang trabaho o mapalago ang negosyo.

Para sa problema sa droga


Tuturuan namin siyang mamili ng kakaibiganin.

Tuturuan naming sya ng masamang epekto ng bisyo gaya ng


alak at droga.
Ang kaugalian ng pagkukuwento ng mga problema upang
mayroon syang makakausap at mahihingan ng tulong ay aming
paiiralin sa bahay.

At ang panghuli, pipilitin naming maging mabuting ehemplo sa aming anak


upang kayang gayahin.

You might also like