You are on page 1of 14

Department of Social Welfare and Development

Field Office IV-B


MIMAROPA YOUTH CENTER
Bansud, Oriental Mindoro

Minutes of Resident’s Meeting


February 5, 2024

Nasreen Saguiling
Rowell Perez
Anna Pacheco
Grace Closa
Alvin Majaba
MYC Residents

Nagsimula ang pagpupulong sa ganap na ika 9:37 ng umaga sa pangunguna ng


Resident Facilitator Michael George Rico at documentor Gavryll De Vera. Pinangunahan
ito ng isang panalangin ni Justine Paray.
Ang mga sumusunod ang mga issues at concerns na napag-usapan sa nasabing
pagpupulong

Concerns:
Nag concern Concerns
Jonas Ilaw sa guard house walang magamit
Joker Walis tambo, mop
James Pag nakadalang mop na wag ng labas pasok
Eric tsinelas wala ng mausot
Christian Sa kitchen ayusin ang lines
Joker Brush sa damit
Rogelio Barado ang CR ng Dorm 1
Tay Rowel Gatas sa mga magluluto sa umaga
Lexter Kung pwede mag padala ng extrang damit dahil
walang stock
Pull-ups:
Nag pull-up Pinull-up Rason ng pagpull-up
George George Pull ups ang sarili at ang
kasama si Gav dahil
nakalimutan linisan ang
kitchen
George John Paul Noise complain nag ingay
kagabi

Affirmation:
Nag Affirm Inaffirm Affirmation
Wendel Gav, George, Eric, Lexter, Affirm sa mga nag quilling
Fredo, Mj, Wendel, Francis, na pinagbubutihan
Joshua, Justine, James
Francis Joshua Affirm sa ang gupit
Joker Raymark Pinag papatuloy sa pag
compose ng kanta para
next weekends
Mam Nas All residents Affirm all resident
cooperative sa lahat ng
event
Joshua All residents Affirm sa pagging
cooperative sa lahat ng
activity.
Mj Cyrick, James, Christian, Toka sa bedroom, pasilyo,
Rogelio, Marvin surroundings
Christian James, Cryik, Marvin Kusang loob sa pagluluto
Mj George, Gav, Jhonrex, Mga nag eexercise sa
James, Marvin, Cyrik umaga
Joshua All residents Affirm all residente
mabuting pakikisama
Mj Wendel Magaling gumawa ng
flower bouquet
Wendel All residents Nag participate sa ODL
Lexter Eric Walang sama ng loob kahit
nabangko
Mam Anna James Nag beat ng maayos sa flag
ceremony
Mam Nas Eric, Gav, Francis, Paray, Nag lang scape sa harap ng
Cyrik, Jhon Paul admin
Good News and Bad News
Joker Good News Makakauwi na si Joshua
Mam Nash Bad news 2 weeks ng binaha sa
Davao
Mam Anna Bad News Hindi magandang
pakikisama sa kapatid ni
bbm sa kanya

Announcements:
Tatay Rowel February 5 pag gawa ng pang valentines gift para sa mga
bisita
Tatay Alvin Pwede mag module ang mga highschool at Junior High

Thoughts of the Day:


“Don’t buy beautiful car with a bad engine.”
Process Observation:
Maayos naman ang daloy ng morning meeting pero medyo magulo dahil sabay
sabay ang pagsasalita ng iba at gayun nag babago na lahat ng residente unti nalang ang
pull ups at mas marami na ang affirm sana hindi lang ito pang samantala dapat ay
consistent
Community Singing:
Dahil wala ng ibang napag-usapan ay natapos ang pagpupulong sa ganap na ika -
10:50 ng umaga February 5, 2024.

Prepared: Noted By:

ALVIN L. MAJABA MONINA D. PECHON


HP II SWO III

Approved by:

PRINCESS T. VAGILIDAD
Center Head
Group Activity / Session
Talakayan

Mga Dumalo:

1. Ken Goyena Residente


2. Joker Dizon Residente
3. Michael George Rico Residente
4. Gavryll Residente
5. Rogelio Residente

Layunin:
 Mauunawaan kung paano iuugnay ang tektong impormatibo, cyberbullying sa kanilang
sarili, sa pamilya, komunidad at bansa, kaugnayan sa daigdig.

Nagsimula ang aming diskusyon sa paksang pagbasa at pagsusuri ng iba’t-ibang teksto tungo
sa pananaliksik – Modyul 1 ganap na ika 9:36 ng umaga, Pebrero 21, 2024. Sa pagsisimula ng
aming gawain ay binasa muna namin ang tekstong cyberbullying at kung ano ang kahulugan
nito upang lubos na maunawaan ng mga residente ang dapat nilang gawin tulad na lamang
kung paano nila iuugnay sa kanilang sarili, pamilya, komunidad at daigdig ang tekstong kanilang
binasa. Pagkatapos nga na mabasa ang teksto ay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ko
iuugnay ang tekstong binasa sa aking sarili. Matapos nga akong makapag-bigay ng halimbawa
ay mas naunawaan nila kung ano ang kanilang dapat gawin. Nang natapos na ang aming
diskusyon sa unang teksto ay muli kaming bumasa ng dalawa pang teksto katulad na lamang ng
“Ang Mapaglarong Ngiti ng isang Ina”. Pagkatapos naming mabasa ang teksto ay nagtanong ako
sa mga residente kung ano ang natutunan nila sa tekstong aming binasa at agad namang
tumugon ang isa sa mga residente kung ano ang kanyang natutunan, matapos nga na makapag-
bigay ng opinyon ang isang residente ay sumunod na ding nagbigay ang ibang mga residente.
Sa aming talakayan ay lubos nilang naunawaan kung ano ang gagawin at kung paano nila ito
iuugnay ang mga tekto sa kanilang mga sarili, pamilya, komunidad at daigdig. Natapos ang
aming takalayan ganap na 9:33 ng umaga, Pebrero 21, 2024.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II
Individual Activity / Session
Module Tutorial

Mga Dumalo:

1. Winefredo Naral Residente


2. Alvin L. Majaba HP II

Layunin:
 Mauunawaan at masagutan ang mga katanungan at gawain sa modyul tungkol sa Arts of
the Neoclassic ang Romantic Period.

Nagsimula ang aming gawain ganap na 10:49 ng tanghali, Pebrero 21, 2024. Sa pagsisimula
ng aming gawain ay inisa-isa namin ang mga gawain na mayroon sa modyul ng residente. At
dahil nga more on research ang kanyang modyul ay gumamit na ako ng cellphone at tiningnan
sa internet kung anu-ano ang mga tamang kasagutan sa bawat gawin na mayroon sa modyul ng
residente. Ipinaliwanag ko sa mga residente na kailangan niya na gumawa ng reflection sa
bawat art work na ginawa pa noong panahon ng Neoclassic at Romantic Period na makikita sa
kanyang modyul. Dahil nga nahihirapan ang residente sa paggawa ng reflection sa bawat art
work ay tinulungan ko na siya sa paggawa nito. Natapos namin ang ilang mga gawain sa
kanyang modyul ngunit ang ibang gawain ay hindi pa namin natatapos kaya nag set ulit kame
ng isa pang araw matapos ang kanyang modyul. Natapos ang aming gawain ganap na 11:53 ng
tanghali, Pebrero 21, 2024.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II
Individual Activity / Session
Module Tutorial

Mga Dumalo:

1. Winefredo Naral Residente


2. Alvin L. Majaba HP II

Layunin:
 Ipagpatuloy ang pagsagot sa mga gawain sa kanyang modyul sa Arts.
 Maunawaan ang nilalaman ng kanyang modyul.

Nagsimula ang aming gawain ganap na ika 10:36 ng umaga, Pebrero 22, 2024. Sa pag-
uumpisa ay pinabasa ko sa residente ang mga panuto na mayroon sa kanyang modyul upang
mas maunawaan niya ang kanyang gagawin. Isa sa mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit
hindi nila masagutan ang kanilang modyul ay dahil hindi sila nagbabasa ng mga nilalaman ng
modyul at mga panuto na mayroon dito kaya naman iyon agad ang una kong pinagawa kay
Fredo. Nang matapos na basahin ang mga pauto ay dumako na nga kame sa mga gawain na
nakapaloob sa modyul ng residente at katulad noong una naming session Pebrero 21, 2024 ay
paggawa pa din ng mga reflection sa mga artworks ang aming pagtutuunan ng pansin. At dahil
nga medyo nahihirapan ang residente sa paggawa nito ay muli ko siyang ginabayan sa paggawa
ng mga reflection tungkol sa mga sining na ginawa pa noong Panahon ng Neoclassic at
Romantic Period. Natapos namin ng maayos ang mga gawain ganap na 11:30 na kame natapos
sa aming gawain.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II
Individual Activity / Session
Module Tutorial

Mga Dumalo:

1. Michael George Rico Residente


2. Alvin L. Majaba HP II

Layunin:
 Tulungan ang residente na maunawaan at masagutan ang mga gawain na mayroon sa
kanyang modyul.

Nagsimula ang aming gawain ganap na ika 2:24 ng hapon, Pebrero 22, 2024. Upang
maunawaang lubos ng residente ang nilalaman ng kanyang modyul ay pinabasa ko muna sa
kanya ang kanyang modyul at pagkatapos ay ginabayan ko siya sa pagsagot ng mga gawain na
nakapaloob sa kanyang modyul sa Filipino. Hinayaan ko muna siya na sagutin sa kanyang sarili
ang mga gawain at kapag medyo hindi niya maunawaan ang gagawin ay saka lang ako
magbibigay ng tulong sa kanya. Sa kalagitnaan ng pagsasagot namin ay napansin ko na maayos
naman siya sa pagsagot sa mga gawain na mayroon sa kanyang modyul. Isa din sa mga napansin
ko na kapag binabasa niya ng may pang-unawa ang mga aralin ay maayos niyang nasasagutan
ang mga katanungan o gawain na nakapaloob dito. Natapos namin ang aming gawain ganap na
3:30 ng hapon.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II
Individual Activity / Session
Reading Tutorial

Mga Dumalo:

1. Rogelio Ramos Residente


2. Alvin L. Majaba HP II

Layunin:
 Tulungan ang residente na mabasa ang kanyang abilidad sa pagbasa ng Ingles.

Nagsimula ang aming gawain ganap na ika 10:02 ng umaga, Pebrero 16, 2024. Naghanda
ako ng mga salita sa Ingles na siya ko namang pinabasa sa residente. Noong nagsimula na ngang
bumasa si Rogelio ay napansin ko nga na hirap siya sa pagbasa ng mga salita sa Ingles, kaya
naman ginabayan ko siya sa bawat pagbibigkas ng mga salita upang madali sa kanya ang
pagbasa ng mga ito. Paulit-ulit ko siyang pinabasa ng mga salita hanggang sa mabasa na niya
ang tamang pagbasa at pagbigkas ng mga salita. Nang matapos nga siya sa pagbigkas ng mga
salita ay pinabasa ko naman siya ng mga pangungusap sa Ingles, medyo hirap talaga siyang
magbasa lalo na kapag mga pangungusap na ang kanyang binabasa. Kaya’t paulit-ulit ko siyang
pinabasa ng mga pangungusap upang mahasa ang kanyang abilidad sa pagbasa. Nakita ko ang
pagnanais ng residente na matuto ng husto sa pagbasa ng Ingles maging sa tagalog. Kung kaya’t
maglalaan ulit kame ng ibang mga araw upang tulungan ulit siyang magbasa ng maayos.
Natapos ang gawain ganap na 11:21 ng tanghali.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II
Group Activity / Session
Gardening

Mga Dumalo:

1. Rogelio Ramos Residente


2. Israel Giwan Residente
3. John Paul Populi Residente
4. Justine Paray Residente
5. Francis Collante Residente
6. Alvin L. Majaba HP II

Layunin:
 Tanggalin ang mga damo na nakabalot sa mga halaman na yellowbell, pagandahin ang
paligid nito.
 Turuan ang mga residente na maging makakalikasan sa pamamagitan ng paghahardin
upang maging maganda ang kapaligiran ng center.

Nagsimula ang aming gawain ganap na ika 8:03 ng umaga, Pebrero 16, 2024. Sa pag-
uumpisa ng aming gawain ay inihanda muna namin ang mga bagay na gagamitin sa
paghahardin. Matapos naming maihanda ang mga bagay na aming kailangan ay inumpisahan na
naming tanggalin ang mga damo na nakapalibot sa mga halaman nang matapos naming
tanggalin ang mga damo ay binalawbawan namin ang mga halaman paikot upang maging
buhaghag ang mga lupa na pinaglalagyan ng mga halaman. Pagkatapos ay nilagyan namin ng
mga bato paikot ang mga halaman upang maging maayos sa paningin ang mga pananim. Naging
malinis at maaliwalas sa paningin ang paligid nito. Natapos ang aming gawain ganap na 9:17ng
umaga.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II
Group Activity / Session
Paglilinis ng paligid

Mga Dumalo:

1. Eric Residente
2. Ken Residente
3. Rogelio Residente
4. Cyrick Residente
5. Alvin L. Majaba HP II

Layunin:
 Upang maging malinis at maging kaaya-aya
 Upang turuan ang mga residente na maging makakalikasan at mapanatili ang kaayusan
sa paligid na kanilang ginagalawan.

Nagsimula ang aming gawain ganap na ika 8:32 ng umaga, Pebrero 18, 2024. Sa pag-
uumpisa ng aming gawain ay inihanda namin ang mga bagay na gagamitin namin. Sa paglilinis
ng paligid katulad na lamang ng mga pala, wheelborrow at grass cutter. Nang makumpleto na
nga ang mga gamit sa paglilinis ay sinimulan na namin ang paglilinis. Si Rogelio at Cyrick ay nag-
umpisa ng maginis sa tapat ng stock room habang nagga-grass cutter naman sina Eric atKen sa
mga gate. Naging malinis ang kapaligiran ng center matapos an gaming gawain labis naman
akong nagpasalamat sa apat na residente na nakilahok sa gawain. Natapos ang amin g paglilinis
ganap na 9:10 ng umaga.

Inihanda ni:

ALVIN L. MAJABA
HP II

You might also like