You are on page 1of 2

1 Katitikan ng Pulong sa nalalapit na Intramurals

2 Ika-19 ng Oktubre, 2023


3 Camarines Norte National High School Mapeh Hub
4
5
6
7 Talaan ng mga dumalo at hindi dumalo:
8
9 Mga dumalo:
10
11 Bb. Angel Mae Bocboc Pangulo
12 Bb. Jessy May Zenarosa Pangalawang Pangulo
13 Bb. Leila Grace Diaz Kalihim
14 G. Randell Paylan Ingat-Yaman
15 G. Richard Azuela Tagasuri
16
17 Mga hindi dumalo:
18
19 G. Joshua Valdez Tagapagbalita
20 G. Jeo Ong Tagapamayapa
21 G. Johnny Reyes Miyembro
22
23 Nagsimula ang pulong sa ganap na: 10:30 ng umaga
24 Pambungad na Panalangin: Bb. Jessy May Zenarosa
25 Nagbukas ng Pagpupulong: Bb. Angel Mae Bocboc
26
27
28 I. PAGSISIMULA NG PAGPUPULONG:
29
30 Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Angel Bocboc, Ang pangulo ng CNNHS Barkada
31 Kontra Droga. Sa ganap na 10:30 ng umaga. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng
32 pambungad na panalangin na ipinagkaloob kay Bb. Jessy Maey Zenarosa, Ang
33 Pangalawang Pangulo. Bago magsimula ang adyenda, Nagkaroon muna ng roll
34 call/checking of attendance na pinangunahan ni Bb. Leila Grace Diaz, Kasunod nito ay
35 ang pambungad na pananalita at pagbubukas ng plano sa nalalapit na Intramurals na
36 gaganapin sa ika-16 ng Hunyo, 2024.
37
38
39 II. PAGSASAAYOS NG BOOTH:
40
41 At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb. Angel Bocboc sa mga kasapi
42 ukol sa posibleng booth na maaring itayo sa intrams. Nagkaroon ng botohan sa
43 pagitan ng dalawang suhestiyon; (1) Photobooth, (2) Marriage Booth. Nanguna
44 bilang may pinakamaraming suhestiyon ang “Photobooth” na iminungkahi ni G.
45 Randell Paylan, Ayon sa kaniya ay magiging patok ito sa masa at makaiipon ang
46 organisasyon ng pondo.
47
48
49 III. LUGAR AT PAGTOTOKA-TOKA NG MGA OPISYALES SA
50 PAGBABANTAY NG PHOTOBOOTH:
51
52 Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na kung saan itatayo ang booth na
53 napili, Napagkasunduan ng mga opisyales na itatayo ito sa harap ng beauty care lab,
54 gilid ng quadrangle dahil mas madali itong matutunton ng mga estudyante. Dahil
55 naisaayos na ang lugar kung saan itatayo ang booth, Napagdesisyunan ni Bb. Angel
56 Bocboc na hati-hatiin ang bawat opisyales na magbabantay sa umaga at sa hapon.
57 Ang mga naatasang magbantay sa umaga ay sina: G. Joshua Valdez, Bb. Jessy
58 Zenarosa, G. Randell Paylan at ni G. Johnny Reyes. Ang naatasan naman magbantay
59 sa hapon ay sina: Bb. Angel Mae Bocboc, Bb. Leila Grace Diaz, G. Richard Azuela at G.
60 Jeo Ong.
61
62 IV. AMBAGAN PARA SA MATERYALES NA KAKAILANGANIN SA
63 PAGTATAYO NG BOOTH:
64
65 Napagkasunduaan ng mga opisyales na ang itatayong booth ay nasa loob ng tent at
66 ang tema nito ay maroon at gold. Napagusapan rin ang gagamiting materyales katulad
67 ng lobo, props, tela, ilaw at tent na gagamitin. Dito ay binadyet ni G. Randell Paylan
68 ang magagastos sa itatayong booth sa darating na intramurals. At ang kabuuang
69 magagastos ay 2,500 hinati niya ito sa walo at ang kinalabasan nito ay 313 pesos ang
70 babayaran ng bawat opisyales.
71
72 V. PAGTATAPOS NG PULONG:
73
74 Natapos ang pulong sa ganap na 11:30 ng umaga.
75
76
77 Inihanda ni:
78
79 Leila Grace J. Diaz
80 BKD Kalihim
81

You might also like