You are on page 1of 7

DZBB BLUEBELL G.

6
Scriptwriting and Broadcasting
March 15, 2023

ANCHOR 1 : IVAN NATHANIEL L. REYES

ANCHOR 2 : ZHYRAH HILARY FRANZ D. AGRAVANTE

NEWS PRESENTER : KENT ERNIE H. PEDREGOSA

YHOUSEF AIL L. SAPAN

SHOWBIZ REPORTER : KENT ERNIE H. PEDREGOSA

INFOMERCIAL : CARLO JAMES V. BAUTISTA

JAMES CURL GEDORIA

SCRIPTWRITER : IVAN NATHANIEL L. REYES

WEATHER REPORTER : ZHYRAH HILARY FRANZ D. AGRAVANTE

TIMEKEEPER : WINDEL J. GALVERO

KAGANDAHANG-ASAL : CARMELA THEA F. UMADHAY

ENCODER : ZHYRAH HILARY FRANZ D. AGRAVANTE


1. (NEWS INTRO MSC START)

2. (NEWS INTRO MSC ENDS)

3. IVAN : Mula sa istasyong pinagmumulan ng mga batikang reporter,

4. ito ang DZBB!

5. (BG MSC START)

6. IVAN : Tambalang walang kinatatakutan at walang kasinungalingan.

7. ZHYRAH : Tambalang naghahatid ng tanging katotohanan.

8. ZHYRAH : DZBB!

9. ZHYRAH : Pitong minuto ng siksik, makabuluhan at hitik na pagbabalita,

10. tambalang matapang at mapagmasid, Bangon Pilipinas!

11. (SFX TING)

12. IVAN : Pitong minuto ang makalipas ng alas sais ng umaga, araw

13. ng lunes, ika-labing tatlo ng Marso, magandang umaga!

14. ZHYRAH : Isang napakagandang Umaga Bayan! Ako ang inyong kakampi,

15. Zhyrah Agravante

16. IVAN : At ako naman ang inyong kaibigan at tagapagbalita Ivan Reyes

17. IVAN & ZHYRAH: Bangon Pilipinas!

18. ZHYRAH : Para sa mga pangunahing balita sa loob at labas ng bansa,


19. (SFX WHOOSH)

20. IVAN : Pinaslang na Gobernador ng Negros Oriental na si Governor Roel

21. Degamo, inilibing na.

22. (SFX LASER)

23. ZHYRAH : DZBB!

24. (SFX LASER)

25. ZHYRAH : Pangulong BBM, nakidalamhati sa mga naiwan ni Gov.

26. Degamo, dumalo sa libing ng huli.

27. ZHYRAH : DZBB!

28. ZHYRAH : Narito ang mga detalye.

29. (SFX LASER)

30. KENT :(BALITA) Miyerkules ika-walo ng Marso, taong kasalukuyan,

31. inihatid na sa kanyang huling hantungan ang pinaslang na

32. Gobernador ng Negros Oriental na si Roel Degamo matatandaang

32. pinasok ng tinatayang sampung kalalakihan ang kanyang

33. “Residential-Compound” sa bayan ng Pamplong probinsya ng

34. Negros Oriental. Ika-apat ng Marso 2023, araw ng sabado walang

35. habas na nagpaputok ang mga ito kung saan sinasabing siyam
36. na iba pang sibilyan ang namatay.

37. (SFX WHOOSH)

38. YHOUSEF :(BALITA) Bukod sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno

39. kabilang na sina DILG Secretary Benhur Abalos, Justice

40. Secretary Boying Remulla, Special to President Antonio

41. Lagdameo at ilan pang mga Senador gaya nina Villanueva,

42. Cayetano, at Gatchalian na nagsipagdalo sa burol ng yumaong

43. na Negros Oriental Governor na si Roel Degamo, dumalo ang

44. Pangulong BBM sa mismong libing nito noong Miyerkules, Marso

45. a-otso. Matatandaang nangako ang pangulo sa mga pamilyang

46. naulila ng mga sibilyang nadamay sa pamamaril na karamihan ay

47. ang mga benepisyaryo ng 4P’s.

48. (SFX LASER)

49. CARLO :(INFOMERCIAL) Isang tawag pa ang layo ng isang mensahe o

50. text lang ang kailangan, isang taimtim na pakikinig lang. Ito ang

51. mga simpleng paraan upang ang mga problema ay mailabas at

52. masolusyonan. Ika nga hindi nadadaan sa mabuting pag-uusap.

53. Hindi droga ang solusyon!


54.. (SFX LASER)

55. IVAN : Kayo ay patuloy na nakatunghay at nakikinig sa DZBB!

56. ZHYRAH : DZBB SHOWBIZ BALITA!

57. (SFX WHOOSH)

59. ZHYRAH :(SHOWBIZ) Anak ng beteranong singer na si Ka Freddie Aguilar

60. na si Megan Aguilar nagpositibo sa hair follicle test.

61. (SFX LASER)

62. KENT :(SHOWBIZ)Matatandaang nangako ng tulong pinansiyal,

63. sasakyan at negosyo package si Senador Raffy Tulfo sa dating

64. mang aawit at anak ni Ka Freddie na si Megan sa kondisyong

65. negative ang resulta na inalok na hair follicle test niya. Bigo at

66. puno ng panghihinayang ang mang aawit nang lumabas ang

67. resulta dahil hindi na din matutuloy ang mga tulong na inalok ng

68. Senador sa kaniya.

69. ZHYRAH : Sa Balitang Panahon DZBB!

70. (SFX LASER)

71. ZHYRAH :(WEATHER) Muling makakaranas ng maulap na papawirin ang

72. buong kamaynilaan. May manakanaka namang pag-ulang sa


73. buong kabisayaan at Mindanao. Ito ay dulot pa rin ng namataang

74. LPA o low pressure area sa mga bahaging malapit sa Japan.

75. Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, magdala ng kapote at

76. payong.

77. (SFX LASER)

78. JAMES :(INFOMERCIAL) Tinatayang mas darami pa ang bilang ng

79. pamilyang mapapabilang sa mga “gutom o naghihirap’. Sinasabing

80. mas mataas ang bilang ng mga walang trabaho. Kabataan!

81. Mag-aaral ng mabuti! Ang iyong kinabukasan ay nasa iyong mga

82. kamay. Ang kinabukasan mo ay nasa iyong tamang desisyon!

83. Edukasyon ay pahalagaan! Mag-aral ng maigi! Kahirapan ay

84. puksain!

85.. (SFX WOOSH)

86. WINDEL : Eksaktong anim na minuto makalipas ang ika-anim na umaga.

87. (SFX LASER)

88. THEA :(B.V.) Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka nang

88. pananampalataya, manahan ka sa buhay ng walang

89. hanggan, na dito’y tinawag ka at ipinahayag mo ang mabuting


90. pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi.

91. 1 Timoteo 6:12

92. IVAN&ZHYRAH: At yan ang pitong minuto na hitik sa impormasyong

93. napapanahon at balitang pinag-uusapan. Muli, ito ang

94. tambalang Ivan Reyes at Zhyrah Agravante muli niyo

95. kaming subaybayan bukas alas-sais ng umaga. Ito ang DZBB!

96. Bangon Pilipinas! at Magandang umaga!

You might also like