You are on page 1of 4

“Tinig ng Isabela”

5 Minutong Balitaan
DWID 88.9 FM
July 31, 2014
Page 1 of 4

1. THEME MUSIC FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER FOR

2. VOICE OVER :Magandang hapon Isabela, magandang hapon Area 1 at Area 2 lahat ay

3. :nakikinig sa EBN Education Broadcasting Network DWID 680 kilohertz.

4. :Sumasahimpapawid mula rito sa Tumauini North District. Ito ang Tinig ng

5. :Isabela. Ito ang inyong kabalitaan Juan dela Cruz

6. :Para sa ulo ng mga nagbabagang balita.

7. :Pag-inom ng antibiotics mag-ingat

8. :Agresibong Pacquiao ang tatalo kay Bradley Jr.

9. :Dayuhang mangingisda pagmumultahin ng kalahating milyon.

10. :Journalism Seminar para sa Area 1 at Area 2 ginaganap.

11. ANCHOR :Sa detalye ng mga balita papasukin natin si Jose Rizal.

12.SNEAK IN TO JOSE RIZAL’S REPORT

13. JOSE RIZAL :Pinag-iingat ng Philippine Society of Nephrology o PSN ang publiko laban sa

14. :pag-inom ng antibiotics at over the counter pain killer. Ang payo ng P-S-N ay

15. :kasabay ng pagdiriwang sa World Kidney Day. Ang babala ay inilabas dahil mas

16. :mapanganib ang indiscriminate-intake ng mga nabanggit na gamot lalo na sa

17. :mga diabetes at hyphertension na uminom ng maintenance na gamot, dahil

18. :posibleng magkaroon ito ng ibang side effect o reaksiyon. Ayon kay Susan dela

19. :Roma, Pangulo ng P-S-N, marami ang basta na lang bumibili ng antibiotics sa

20. :pag-aakalang kailangan ito ng katawan dahil mayroon silang sakit. Jose Rizal

21. :nagbabalita.
“Tinig ng Isabela”
5 Minutong Balitaan
DWID 88.9 FM
July 31, 2014
Page 2 of 4

1. THEME MUSIC FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER FOR…

2. ANCHOR :Dito naman sa studio nalaman ni Ruslan Provodnikou ang bagong Word Boxing

3. :Organization o WBO light welter weight king kung paano matatalo ni Manny

4. :Pacquiao ang World welterweight titlist na si Timothy Bradley Jr. Ayon kay

5. :Provodnikov, dapat maging agresibo si Pacquiao para Manalo sa rematch nila ni

6. :Bradley sa darating na ika-12 ng Disyembre ngayong taon sa MGM Grand Arena

7. :Las Vegas, Nevada. Kung matatandaan nagkaroon ng laban si Provodnikov

8. :at Bradley noong Marso ng nakaraang taon, tinalo ni Bradley si Provodnikov via

9. :unanimous descision.

10.THEME MUSIC FADE UP…ESTABLISH…FADE TO BED FOR…

11. ANCHOR :Iba pang mga balita sa aming pagbabalik.

12. THEME MUSIC OUT FOR…

13. INFOMERCIAL (ATTACHED)

14. THEME MUSIC FADE UP THEN FADE UNDER TO BED FOR…

15. ANCHOR :Nagbabalik kami muli. Pakinggan naman natin si Korita Sanchez

16. SNEAK IN TO KORITA SANCHEZ’ REPORT

17. KORITA SANCHEZ :Pagmumultahin ng kalahating milyong dolyar o katumbas ng insiyal na

18. :multang nais ipatupad ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang mga

19. :dayuhang mangingisda na mahuhuli sa loob ng teritoryo ng karagatang

20. :Pilipinas. Ang naturang halaga ay kabilang sa mahahalagang probisyon ng

21. :pag-amyenda sa umiiral na Philippine Fishieries Code of 1998 ang batas na

22. :nagsisilbing gabay ng gobyerno sa pangangalaga sa karagatan ng Pilipinas laban

23. :sa mga dayuhan. Ipinaliwanag kay Senador Cynthia Villar, na siyang naghain ng

24. :amyenda sa nasabing batas, hindi nakakaramdam ng banta ang mga dayuhan

25. :nahuhuling mangingisda sa karagatan ng Pilipinas dahil kahit barko barkong


“Tinig ng Isabela”
5 Minutong Balitaan
DWID 88.9 FM
July 31, 2014
Page 3 of 4

1. :yamang dagat ang nakawin ng mga illegal poacher ay mapipinsala ang mga ito

2. :ng dalawang libong piso hanggang dalawampung libong piso. Korita Sanhez

3. :nagbabalita.

4. ANCHOR :At para naman sa pinakahuling balita, ihahatid ni Joe Taruk

5. SNEAK IN JOE TARUK’S REPORT

6. JOE TARUK :Kasalukuyang ginaganap ang pagsasanay ng mga School Paper Adviser mula sa Area

7. :1 at Area 2 sa dibisyon ng Isabela ngayong araw hanggang bukas para paghandaan

8. :ang nalalapit na Regional Schools Conference o RSPC. Pinangunahan ni Dr. Emilia

9. :Estudillo ang nasabing pagsasanay na may layuning ihanda at hasain pa lalo ang

10. :kakayahan ng mga gurong magsisilbing gabay ng mga batang makikilahok sa

11. :Journalism. Nagsilbi namang punong abala ang Tumauini North District sa pangu-

12. :nguna ni Dr. Efren Jimenez. Joe Taruk nagbabalita.

13. ANCHOR :At yan ang kabuuan ng aming limang minutong balitaan ako po muli ang inyong

14. :kabalitaan Juan dela Cruz nagsasabing “Huwag angkinin ang hindi sa atin”.

15. :Maraming salamat.

16. THEME MUSIC FADE OUT


“Si Lolo Jose”
1 Minutong Infomercial
DWID 88.9 FM
July 31, 2014
Page 4 of 4

1. MUSIC FADE UP…ESTAB…FADE UNDER FOR…

2. BOY :Ate ate ano ba si lolo Jose nung malakas pa siya? Kilalang kilala kas siya eh.

3. ATE :Dating barangay kapitan si lolo

4. BOY :Tapos?

5. ATE :Pag-upo daw niya maraming galit sa kanya, pati nga mga pinsan niya eh.

6. BOY :Bakit daw?

7. ATE :Kasi daw pinahinto ni lolo ang pasugalan tulad na lang ng hueteng, tupada, bingo

8. :at maging inuman sa tindahan.

9. BOY :Anong nangyari?

10. ATE :Ang ginawa niya binahay-bahay ang pagpapaliwanag at dun nila naunawaan.

11. BOY :Wow, sumunod naman sila?

12. ATE :Oo naman, at ngayon dahil walang bisyo nagbackyard gardening na lang sila,

13. :cleanliness, beautification, at sports naman para sa mga kabataan.

14. BOY :Bilib ako kay lolo Jose, isa siyang bayani.

15. MUSIC PUNCHLINE:

You might also like