You are on page 1of 6

DZRS 12.

3
Radyo Sigurado
Group 6 Radio Broadcasting

1. Intro./Station ID

1.1 Surio: DZRS, dose punto tres (12.3) sa inyong mga radio!

1.2 Tambor(Sing):

Siguradong totoo ang balita

Handog namin ay radyong tapat

Balitang DZRS…

1.3 Surio: Radyo Sigurado!

2. Headline

2.1 Surio: Magandang araw Pilipinas, ngayon ay March 27,2022. Narito na ang mga
nagbabagang balita sa oras na ito.

- Pagaalburoto ng bulkang taal umabot na sa 3 alarma.


- Isang food delivery rider kinuyog ng 3 tricycle driver
- kauna-unahang taong nakatanggap ng genetically na puso ng baboy pumanaw na.
- Pagkatalo ng barangay Ginebra kontra NLEX sino ang sinisisi?
- Michelle Dee pasok sa top 3 sa Miss Universe Philippines swimsuit competition
- Kit Thomson maaaring humarap sa patong patong na reklamo mula sa sariling nobya.

2.2 Tambor: ito ang radyo sigurado!

2.3 Surio: siguradong totoo!

2.4 Tambor: ang mga balita!

2.5 Surio: siguradong tapat!

2.6 Tambor : at walang kinikilingan!

2.7 Surio: Mula sa Valenzuela City sumasahimpapawid saan mang sulok ng bansa.

2.8 Surio & Tambor: DZRS, Radyo Sigurado!

3. Current News:

3.1 Surio:
Pagaalburoto ng bulkang taal umabot na sa 3 alarma, magbabalita radyo sigurado
Gwyneth Peña.

3.2 Peña:

Nitong Sabado, ika-26 ng Marso taong 2022, namataan ng Cuenca Observation Center
ang pag-alburoto ng Bulkang Taal na nagtagal ng 1hr at 37 mins na syang itinaas ng
PHIVOLCS sa Alert Level 3. Ang pag-alburoto ng bulkan ay umabot sa 3 kilometro ang
taas ng ibinuga nitong makapal na masingaw na usok na sinundan pa ng mga lindol sa
mga lugar na nakapalibot dito. Kung patuloy ang paglabas ng magma sa bukana ay
maghuhudyat na ito ng tuluyang pagputok ng bulkan. Dahil dito, ipinatupad na ang
buong isla ng Taal at karatig barangay na Agoncillo at Laurel bilang Permanent Danger
Zone habang ang ibang mga lugar naman ay pinalikas na ang mga residente malapit sa
Bulkan. Ipinatigil din ang mga eroplanong dadaan sa Taal dahil sa inaasahang hangin na
may dalang abo at mga tipak ng bato dulot ng mataas na alburoto ng bulkan. Patuloy pa
na binabantayan ang mga kaganapan sa Bulkang Taal ng PHIVOLCS.

Ito si Gwyneth Peña, Radyo Sigurado.

3.3 Tambor:

Samantala, Kuyog ang inabot ng isang food delivery rider matapos siyang pagtulungan
ng tatlong tricycle driver sa Pasay City. Ang ugat ng insidente alamin natin sa ulat ni Jay
Tagle.

3.4 Tagle:

Kinuyog ang isang food delivery rider ng tatlong tricycle driver sa Taft Avenue sa Pasay
City nitong Lunes. Nagsimula ito nung iurong ng rider ang isang tricycle na nakaharang
sa kanya. Dito na siya sinugod at inaway ng isang tricycle driver, nauwi ang gulo sa mas
malaking bangayan nang makisuntok ang dalawa pang tricycle driver na umaawat lang
nung una. Kinilala ang biktima na si Vincent Corbi, habang miyembro naman ng Pasay
Central TODA ang mga tricycle driver na nangkuyog sa rider. Nagkaharap-harap sila sa
barangay at kalaunay nagkaayos din, ngunit umabot sa P10,000 ang bayad-pinsala at
dadagdagan pa ito upang mapagawa ng biktima ang cellphone nito na ginagamit sa
delivery services.

Jay Tagle nag-uulat, radyo sigurado.

3.5 Surio:

Sa ibang balita naman, kauna-unahang taong nakatanggap ng genetically na puso ng


baboy pumanaw na, para sa detalye narito si Gwyneth Peña.

3.6 Peña:

Ang 57 anyos na kauna-unahang tao na nabigyan ng heart transplant mula sa baboy na


David Bennett, pumanaw na matapos ang dalawang buwan. Ayon sa University of
Maryland Medical Center, pinabulaanan na lumala ang kondisyon ni Bennett hanggang
sa hindi nya na ito kinaya. Sinubukan ang xenotransplantation o cross-specie na
pagdonate ng organ na matagal nang pinag-aaralan ng mga eksperto kay Bennett dahil
sa patuloy na pagdami ng mga pasyente sa America na nangangailangan ng organ
transplant. Ang baboy naman na ginamit para kay Bennet ay mususing pinag-aralan at
sumailalim pa sa genetic editing na proseso ngunit 2 buwan lamang ang itinagal nito sa
katawan ng tao. Labis ang paghihinagpis ng kaanak ni Bennett at sinabing nawa'y hindi
ito ang katapusan ng pagsagip ng buhay ng mga tao.

Gwyneth Peña nagbabalita para sa Radyo Sigurado

3.7 Tambor:

Salamat Peña, Magbabalik ang balitaan pagkatapos ng paalalang ito…

4. Infomercial:

Second Hand Smoke Infomercial

4.1 (Tatay) Surio:

Anak, paki abot nga sa akin yung sigarilyo at posporo diyan.

4.2 (Anak) Pulopatan:

Umubo…

Tay, kaninang umaga ka pa po naninigarilyo at nakaisang kaha kana po…

4.3 Surio:

(Medyo galit) Alam mo anak huwag ka nang mange-alam…

4.4 Pulopatan:

(Biglang inubo…)

4.5 Surio:

Oh, tingnan mo inuubo ka na, kunin mo na yung sigarilyo ko at uminom ka na ng gamot


duon.

4.6 Pulopatan:

Ito na po itay…

Inubo…

(medyo nanghihina dahil sa ubo) Tay ubos na pala ang gamot natin, tatlong linggo ko na
kasing gamit iyun.

4.7 Surio:

(Medyo nabibwiset) Ano bayan anak bakit di mawala-wala yang ubo mo.

4.8 (Narrator) Pulopatan:


Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDCP). Ang secondhand smoke ay
ang hindi sinasadyang pag langhap sa usok ng sigarilyo. Ang matagal na pagkalantad sa
usok ng ibang naninigarilyo ay doble ang panganib sa pagkakaroon ng kanser sa baga.
Ang sintomas ng mga ito ay ang pag kakaroon ng ubo na hindi nawawala o ang pag ubo
na may kasamang dugo.

Samakatuwid, dapat kaagad na tumigil ang mga maninigarilyo para sa kapakanan ng


kanilang sarili, kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng CDCP at ng himpilang ito.

5. Sport’s News & Weather

5.1 Tambor:

Dako naman tayo sa sports, inako ni Ginebra veteran guard LA Tenorio ang kanilang
pagkatalo sa game 3 ng PBA Governors’ Cup Semi-Finals kontra NLEX. Ibabalita sa atin
yan ni Nicole Allen Robles.

5.2 Robles:

Mainit ang laban ng game 3 PBA Governors’ Cup Semi-Finals, one in a way ang barangay
Ginebra sa finals at do or die na para sa NLEX. Sa huling pitong segundo ay lamang ang
NLEX sa score na 86 to 83, nasa Ginebra ang bola ngunit imbis na tumira si LA Tenorio sa
tres para tumabla ay dumiretso ito sa basket para sa easy 2 points, diyan na naubos ang
natitirang oras ng laro. Nanalo ang NLEX kontra barangay Ginebra sa score na 86 to 85.
Samantalang dismayado ang mga ka-barangay kay Tenorio at inaako naman ng six time
champion ang pagkakamali.

5.2 Surio:

Alamin natin ang lagay ng panahon sa paguulat ni Jay Tagle.

5.3 Tagle:

Karamihan sa mga bahagi ng bansa tulad ng metro manila, Pampanga, Batangas, tarlac,
vigan, at iba pa ay magkakaroon ng mainit at mahalumigmig na panahon, Ayon sa
PAGASA, Dala pa rin po nito ‘yung mainit at maalinsangan na panahon lalong-lalo na po
‘yan sa tanghali at ‘yung mga tsansa ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog, pagkidlat sa
dakong hapon at gabi, posibleng tumagal ng tatlo haggang anim na linggo ang init ng
panahon Sa kasalukuyan ay wala Naman po tayong mino-monitor na sama ng panahon
na maaaring makaapekto dito sa ating bansa.

Yan ang lagay ng panahon ngayong araw, Jay Tagle nag-uulat Radyo Sigurado.

5.4 Surio

Salamat Jay Tagle, para sa isang paalala magbabalik ang radyo sigurado.
6. Infomercial:

6.1 Surio…

6.2 Tambor:

At para sa showbiz news, Michelle Dee pasok sa top 3 sa Miss Universe Philippines
swimsuit competition. Ito ay iuulat ni Nicole Allen Robles.

7. Showbizz News

7.1 Robles:

Pinainit ng Kapuso actress na si Michelle Dee ang social media nang bumandera ang
kanyang pasabog na swimsuit photo noong March 20. Ang nasabing super hot na litrato
ang official entry ng dalaga sa 2022 Miss Universe Philippines swimsuit challenge.
Kuwento ng Kapuso star, na-achieve niya ang bonggang-bonggang look para sa nasabing
challenge dahil na rin sa tulong nina Rhian Ramos at Max Collins. Nagdiwang si Michelle
Dee ng makita ang kanyang pangalan bilang top 3 sa swimsuit competition sa post ng
Miss Universe Philippines sa Instagram. Ang dalawa pa niyang kasama sa top 3 ay sina
Miss Pasay Celeste Cortesi at Miss Taguig Ma. Katrina Legado. Sa hindi inaasahang
pagkakataon silang tatlo ay pare-parehong beauty pageant titleholders. Si Miss Celeste
ay naging Miss Earth Philippines 2018, si Miss Katrina ay naging Hispanoamericana
Filipinas 2019, habang si Michelle Dee naman ay naging Miss World Philippines 2019.
Congratulations Michelle Dee, ito si Nicole Allen Robles, radyo sigurado.

7.1 Tambor:

Kit Thomson maaaring humarap sa patong patong na reklamo dahil sa pambubugbog sa


kanyang nobya na si Ana Jalandoni, narito si Merry Grace Pulopatan para sa detalye.

7.2 Pulopatan:

Inakusahan ang actor na si Kit Thomson ng kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni. Ayon
kay ana, pinag buhatan daw siya nito ng kamay at ikinulong sa kanilang hotel sa
tagaytay. Nakatamo ng maraming sugar si ana dahil sa pambububog na ginawa ni kit.
Naki-usap ito sa isang kaibigan na sagipin siya. Nasagip naman agad ng mga awtoridad si
ana matapos nitong humingi ng tulong sa ginawa ng actor sa kanya. Hindi pa malinaw sa
ngayon ang dahilan kung bakit humantong sa ganong klaseng ng sitwasyon ang kanilang
relasyon. Sa ngayon ay nasa kustodiya (custody) ng tagaytay PNP ang actor na si kit
upang kuhaan ito ng statement patungkol sa nangyari kay ana.

8. Closing/Station ID
8.1 Surio:

Mula sa buong pwersa ng DYRS yan ang mga balita sa oras na ito.

8.2 Tambor:

Ako si Mark Anthony Tambor na nagpapaalalang palaging magingat at maging maalam


sa mga nangyayari sa kapaligiran.

8.3 Surio:

Ako naman si Gerry Surio, maraming salamat sa inyong pagsubaybay…

8.4 Surio&Tambor:

Magandang araw!

Repeat 1.2 Tambor

Repeat 1.3 Surio

You might also like