1
Lipad Balita
Station- Agila AM
Talents
News Anchors: Heart Joanah Dela Cruz (Porter)
Meriel Publico (Porter)
Field Reporters: Jireh Jane Etanong (Porter)
Apple Sagpatan (Porter)
John Wendel Bernabe (Drucker)
Jackylyn Santos (Drucker)
Scriptwriter: Judy Ann Murillo (Drucker)
Technical Application: Maria Izabelle Morales (Porter)
(SOUND)
Station ID 001: Mula kanluran at silangan, timog at hilaga, ang (name natin example - judylicious 101)
ang maasahan sa mga lumilipad na balita sa atin bayan.
(SOUND)
Anchor 1: Walang labis at walang kulang, mula sa ba't ibang lokasyon ng mundo, mga lumilipad na balita
kami'y maasahan! Serbisyong mula sa aming puso, Heart Dela cruz at ang aking partner,
Anchor 2: Mga balitang ipupibliko, at your service mga kabayan! Meriel Publìco
(SOUND)
Anchor 1: Magandang araw mga kabayan at sayo rin partner!
Anchor 2: Magandang araw partner at shempre sa atin kabayan na nakikinig sa atin ngayon!
(SOUND)
Anchor 1: Time check tayo, alas-dose ng hapon, Mayo 11
(SOUND)
Voice: Para sa mga balitang nag iinit narito na ang Lipad Balita!
Ulo ng mga lumilipad na balita
Anchor 1: Community pantry organizers nagkaisa dahil sa kanilang determinasyon na wakasan ang
kagutuman (MORE)
2
(SOUND)
Anchor 2: Mag face mask, walang kakanta at mag-chachant sabi ng Tokyo Olympics 'playbook'
(SOUND)
Anchor 1: PAGASA sa publiko: Manatili sa loob ng bahay, dahil ang heat index ay maaaring umabot sa 38
Celsius
(SOUND)
Anchor 1: South Africa nakakuha ng unang cases na galing sa Indian Coronavirus Variant
(SOUND)
Anchor 2: Alice Dixson nagkaron na ng anak sa edad na 51
(SOUND)
Anchor 1: Magbabalik ang Lipad Balita!
(SOUND
Infomercial
CHERRY: Good morning Ma'am! Can I take your order? Is that all? Thank you, coming right up
Ma'am. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sigaw ng Manager ko sa gay naming
katrabaho. Dinuduro-duro siya ng Manager namin at pinagsasalitaan ng masama, katulad na lang ng
huwag siyang maglalagay ng kolorete sa mukha at huwag daw kumilos ng parang babae kasi nakakahiya
sa mga customers, napailing na lang ako bigla.
(tunog na nakakaiyak)
PAULA: Sir, tama na po nakakahiya sa ibang customers po natin.
CHERRY: Hay nako, kailan kaya titigil si sir sa pangungutya kay Paula. Naaawa naman ako sa kanya,
paiyak na siya pero pinipigilan niya na lang dahil na rin sa maraming taong nakatingin sa pwesto nila.
Napailing muli ako at saka ko sila nilapitan.
PAULA: Bakit hindi pantay ang pagtingin ninyo sir sa mga empleyado niyo? Pare-parehas lang naman
tayo ritong tao, pero bakit pagdating na sa akin iba na ang trato niyo. Nasasaktan din po ako.
(tunog ng pang masaya)
CHERRY: Paula huwag kang mag-alala kakampi mo ako rito. Sir hindi naman po tama na ganon ang
pagtrato niyo kay Paula. Oo nga po gay siya pero tao pa rin po si Paula, may damdamin. Hindi naman po
pwede na pagalitan at pahiyain niyo po siya sa maraming tao.
Maging patas naman po sana ang pagtingin niyo sa lahat. Hindi porket naiiba ang isa at hindi
po naaayon sa paningin niyo ang isang tao ay babastusin niyo na. Always remember sir that
gender is not just a female and male. Open your mind as you open your eyes. Everyone
deserves to be treated fair and right. Would you please excuse us sir, thank you. (MORE)
3
Anchor 1: Grabe talaga ang mundo ngayon ano partner, pag ikaw ay kabilang sa LGBTQ babastusin ka ng
iba dahil salot daw sila sa lipunan.
Anchor 2: Tama ka dyan partner, babae, lalaki, bakla at tomboy marapat lang na tayo ay mag
respetuhan at pantay-pantay na pagtrato, dahil kung may gender equality tayo at nirerespeto natin ang
isa't isa mahahanap natin ang kapayapaan na inaasam-asam natin.
Anchor 1: Tumpak ka dyan partner!
(SOUND)
Anchor 1 and 2: Nagbabalik ang Lipad Balita ang maasahan sa mga lumilipad na balita sa atin bayan.
Agila AM!
Sound: Narito na ang mga detalye sa Lipad Balita!
Anchor 1: Community pantry organizers nagkaisa dahil sa kanilang determinasyon na wakasan ang
kagutuman. Narito si Jireh Jane para sa balita
Jireh: Lumalabas sa Metro Manila ang mga community pantry bilang tugon sa gutom at kawalan ng
trabaho dahil sa COVID-19 na pandemya.
"Hindi mo kailangang maging mayaman upang makatulong sa iba," sinabi ni Bing Hernando, co-organizer
ng Elisco Community Pantry sa Pateros, sa ANC nitong Martes.
Sinabi ni Hernando na siya at ang kanyang mga kapitbahay ay na inspired sa community pantry na
itinayo sa Maginhawa Street, Quezon City.
Hinimok din ni Hernando ang mga pulitiko na huwag i-hijack ang naturang community pantry para sa
kanilang sariling makasariling agenda.
"Sana huwag na pumasok 'yong mga politiko kasi nga it is a joint effort with the community and with the
residents," ang sabi niya.
Balik sainyo Heart at Meriel.
Anchor 1: Salamat Jireh Jane sa dala mong balita.
(SOUND)
Anchor 2: Mag face mask, walang kakanta at mag-chachant sabi ng Tokyo Olympics 'playbook'
Sound: Narito si John Wendell para sa mga detalye
John: Sinabi ng mga organizers ng Tokyo Olympics noong Miyerkules na ang mga atleta at opisyal ay
hindi dapat gumamit ng pampublikong sasakyan nang walang pahintulot, at hiniling sa kanila na
magsuot ng mga facemask sa "lahat ng oras" sa event, maliban sa pagkain o pagtulog.
Inilabas ng mga tagapag-ayos ang isang "playbook" na nagdedetalye sa mga COVID-19 measures na
gagawin sa Summer Games ngayong taon. Hiningi din nila sa mga tagahanga na huwag kumanta o mag-
chant upang suportahan ang mga atleta. (MORE)
4
May pangamba sa publiko na ang pagdagsa ng mga atleta ay ang dahilan kung bakit mas lalong kakalat
ang virus, at ipinakita ng mga botohan na ang karamihan sa mga Japanese residents ay tutol sa Games
na nagaganap ngayong taon.
Balik sainyo Heart at Meriel.
Anchor 2: Maraming salamat John Wendel sa hatid mong balita.
(SOUND)
Anchor 1: PAGASA sa publiko: Manatili sa loob ng bahay, dahil ang heat index ay maaaring umabot sa 38
Celsius
Sound: Narito si Apple Sagpatan, para sa mga detalye
Apple: Pinayuhan ang publiko na manatiling hydrated at manatili sa loob ng bahay hangga't maaari,
dahil ang heat index ay maaaring umakyat sa 38 degrees Celsius, sinabi ng state weather bureau noong
Lunes.
Tumaas ng pinakamataas na temperatura ng 34.8 degrees Celsius ang Metro Manila noong Linggo,
ngunit ang publiko ay maaaring makaranas sa pagitan ng 36 hanggang 38-degree Celsius heat index,
sinabi ni PAGASA weather forecaster Chris Perez.
Ramdam ng publiko ang pinakamataas na temperatura sa pagitan ng tanghali hanggang 3 ng hapon,
Lunes, ayon kay Perez.
Magdadala sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang intertropical
convergence zone (ITCZ) sa Mimaropa, Visayas, at Mindanao, at MIMAROPA, sinabi ni Perez.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may ilang pag-ulan ang Metro Manila at ang natitirang parte
ng bansa dahil sa easterlies o localized thunderstorms, idinagdag pa niya.
Balik sainyo Heart at Meriel.
Anchor 1: Maraming salamat sa balita mo Miss Apple Sagpatan.
(SOUND)
Anchor 1: South Africa nakakuha ng unang cases na galing sa Indian Coronavirus Variant
Sound: Narito ulit si Jireh Jane para sa mga detalye
Jireh: Sinabi ng health ministry ng South Africa noong Sabado na napansin nito ang unang apat na kaso
ng isang bagong variant ng coronavirus na lumitaw sa India at responsable para sa pagdagsa ng mga
impeksyon at pagkamatay sa bansang Asyano.
Nakakakuha din ng 11 mga kaso ng variant B.1.1.7 na unang napansin sa UK sap ag tetest na iyon, sinabi
ng health ministry sa isang pahayag.
"The Network for Genomic Surveillance in South Africa confirmed today that two variants of concern,
other than the B.1.351 already dominating in South Africa, have been detected," sabi ni Health Minister
Zweli Mkhize. (MORE)
5
Nag-order ang South Africa ng sampu-milyong mga doses ng bakuna mula sa Johnson & Johnson at
Pfizer dahil inaasahang palakasin ang mabagal na kampanya sa pagbabakuna ng masa, na may 382,480
lamang na frontline healthcare workers na na-inoculate mula sa populasyon na 60 milyon.
Balik sainyo Heart at Meriel.
Anchor 1: Salamat Jireh Jane sa dala mong balita.
(SOUND)
(SOUND EFFECT)
Anchor 2: para sa ating showbiz balita “Alice Dixson nagkaron na ng anak sa edad na 51” Narito si
Jackylyn Santos para sa mga detalye
Jackylyn: Inihayag ng aktres na si Alice Dixson na isa na siyang ina.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Alice ng isang bakas ng paa ng isang sanggol.
“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle...” pahayag ni Alice.
(MORE)
“For those of you who really know me - you’ve known that I’ve been praying for this every year on my
birthday for 10 years now. Each year - my wish the same when I blew out my candles,” dagdag niya.
Masayang inihayag ni Alice na sa wakas ay natutupad ang kanyang hangarin nang batiin niya ang
kanyang mga tagahanga ng isang masayang Mahal na Araw.
“So with great patience, belief and trust - I am happy to announce my wish has finally come true. Our
newest little family member has arrived. From my family to yours, Advanced Happy Easter,” sabi niya.
Anchor 2: Maraming salamat sa hatid mong balita Miss Jackylyn Santos
(SOUND)
Anchor 2: Mula kanluran at silangan, timog at hilaga, ang Agila AM ang maasahan sa mga lumilipad na
balita sa atin bayan. Agila AM!
Anchor 1: Serbisyong mula sa amin puso, Heart Dela cruz at ang aking maasahan na partner,
Anchor 2: Mga balitang ipupibliko, at your service mga kabayan! Meriel Publìco
Anchor 1: Walang labis at walang kulang
Anchor 2: Mula sa ba't ibang lokasyon ng mundo
Anchor 1&2: Mga lumilipad na balita kami'y maasahan! Agila AM!
###