You are on page 1of 11

I.

Introduction

Adrian: mga impormasyong pawing katotohan inyong maasahan

All: DSLR singko singko syete

All: Sing station ID

Adrian: Mula sa bayan ng Novaliches, tahanan ng walang kinikilingang pahayagan,

hanguan ng mga balitang katotohanan, at makabuluhang pagbabalita numero uno sa

bayan. Kapisanan ng broadcaster ng Pilipinas

All: DSLR singko singko syete

Hannah: narito muli ang tambalang Adrian Salvador at Mae mercado, maghahatid ng

ilang minutong nagbabagang mga balita. Ito ang ronda radyong Pilipino

II. Headlines

Adrian and Mae: Sa ulo ng mga balita. Balita!

All: sa balitang Pambansa!

Adrian: Bulkang Taal maayos na nga ba ang kalagayan?

All: sa balitang Pambansa!

All: Balitang pandaigdig!

Mae: Us President Donald Trump sinubukang isalba ang visiting forces agreement

Adrian: Estados Unidos at Iran nagkagirian matapos ipapatay ni U.S president Donald

Trump ang commander ng Iran na si Qasem Soleimani


All: Balitang pandaigdig!

Mae: Doktor na binansagang nCoV-whistleblower, namatay dahil sa virus

Mae: antabayanan ang mga detalye ng mga balita sa pagbabalik ng

All: DSLR singko singko syete

III. Infomercial / commercial

Epekto ng bulkan at mga dapat gawin

Kyla: Pano kung sumabog ang bulkan?

Aprilyn: ano kaba naman! Wag naman sana noh. Bakit ba ganyan tanong mo?

Kyla: wala lang, kasi dibA ano ba yung magiging epekto nito pag sumabog ang bulkan?

Aprilyn: Delikado yun syempre. Pero dapat maging handa rin tayo sa posibleng

mangyari at sumunod sa mga paalala. At sa kung ano ang dapat natin gawin.

Jpril: Mayroong iba't ibang uri ng pagsabog ng bulkan at naiuugnay na aktibo,

preatikong pagsabog (likha ng singaw), eksplosibong pagsabog ng lavang mataas sa

silika (hal. riolita), mabagal na pagsabog ng lavang mababa sa silika (hal. basalto),

piroklastikong daloy, lahar (daloy ng labi) at paglabas ng karbon dioksido. Lahat ng mga

aktibidad na ito ay maaaring maging panganib sa mga tao. Kadalasang sumasama ang

mga lindol, maiinit na bukal, pumarola, lawang putik at geyser sa aktibidad ng

bulkan.ilan lamang ito sa pwedeng epekto kung sakaling sumabog ang bulkan. Paalala

na maging handa at alerto sa balita, at alamin kung anong lugar ang hindi ligtas.
Ihanda ang mga gamit, pagkain, tubig at mahahalagang dokumento kung kayo ay

lilikas. Pumunta sa evacuation center para sa inyong kaligtasan.

Kyla: Sobrang mapanganib pala talaga kung sakaling sumabog ang bulkan. Lalo siguro

para sa mga taong nakatira malapit sa doon. Sana mag ingat din sila kasi di naman din

natin masasabi kung kelan mag alburoto yon diba?

Aprilyn: Oo tama ka. Kahit tayo , na malayo man sa lugar ng may bulkan. Maging

handa lang tayo kung sakali Man na sumabog ito. At ihanda ang mga importanteng

dokumento at mga dadalhin kung lilikas tayo

Kyla: hays. Oo tama ka nga dyan.

BINTURONG

J-pril: Be may itatanong ako sayo ,

Kyla: Oh sige ano ba yon?

Jpril : alam mo ba kung ano ang hayop na Binturong?

Kyla:Binturong? Bago siya sa pandinig ko. Hmm. Hindi ko alam kung ano yun eh. Ano

ba yun?

Aprilyn: explanation about Binturong

J-pril : ayon ang hayop na binturong. Oh ngayon ah alam mo na kung ano yun.
Kyla: ayun pala yun. Oo salamat sa pag bahagi sakin ng impormasyon, at nadagdagan

ang kaalaman ko tungkol dyan sa binturong

Shield and bath soap

Rocel: Shield bath soap galit sa sakit at may malasakit, ang shield bath soap ay

rekumended ng Philippine nurse association

Rosete: hindi biro maging nurse dapat marunong sa sakit at marunong mag-alaga yun

bang malasakit kaya sa pagdating sa bath soap hanp ko tulad ko lalot may pamilya

Zai: Kaya ang gamit ko shield bath soap galit ito sa sakit dulot ng germs na may anti-

bacterial na parehp lang sa leading brand at may malasakit sa skin dahil may sheya

batter na moisturizer may malasakit din sa badjet dahil super affordable kaya

recommended ito ng Philippine nurse association.

Rosete: shield galit sa sakit may masakit

Rocel: shield both soap manufactured by ACS, Manufacturing Corporation.


IV. News

Mae: Ngayon ay araw ng biyernes taong dalawang libo’t dalawampu sa ika labing apat

ng buwan ng pebrero hatid sainyo ng..

All: DSLR singko singko syete

Mae: kayo ay nakikinig parin sa

Adrian and mae: Ronda radyong Pilipino

Adrian: Bulkang Taal maayos na nga ba ang kalagayan? Jpril Martinez ibalita mo

Jpril: Bulkang Taal naging mas maayos na ang kalagayan mula ng sumabog ito noong

ika-labing dalawa ng Enero 2020, na nagdulot ng matinding pag ulan ng abo at paglikas

ng mahigit 100,000 tao mula sa malalapit na lugar tulad ng Batangas at Tagaytay.

Ngunit hindi pa rin dapat maging kampante dahil ayon sa PHILVOLCS ay maari pa rin

itong sumabog sa kahit anong oras. Samantala, maraming kababayan naman ang

nagbigay ng mga donasyon sa mga nasalanta ng trahedya. Ito si Jpril Martinez

nagbabalita para DSLR

All: DSLR singko singko syete

Mae: sa balitang Pambansa, Us President Donald Trump sinubukang isalba ang visiting

forces agreement. Alamin ang iba pang detalye mula kay Kyla Sanchez.

Kyla: Matatandaang gustong ipaterminate ng Pangulo ang VFA sa America, ito ay dahil

sa banta ng America na babawiin ang tulong sa pilipinas kung hindi palalayaan si

senadora Laila de lima, pero sinusubukan da isalba ng gobyerno ng America and vfa,

hindi malinaw kung nagusap sina Duterte at trump o ipinaabot lang ang mensahe, pero
naniindigan ang pangulo na ayaw niyang pumayag dito. Sakabila niyan ay iginiit ng

U.S. embassy na walang nagbago sa proseso ng US tourist visa application may

kumalat kasi na advisory na hindi raw muna sila tatanggap ng US tourist visa

application dahil sab anta ng NCOV at dahil mapapaso na ang vfa ng pilipinas sa

amera, pero mariin itong itinanggi ng embahada. Ito si kyla sanchez, nagbabalalita

para sa DSLR

All: DSLR singko singko syete

Adrian: (time check- exact time) ng hapon, hatid sainyo ng DSLR

Mae: abangan ang mga susunod pang balita sa aming pagbabalik.

V. Commercial/infomercial

Nescafe sweet and mild

Zai: Diba kay ganda kung ang umaga ay masaya ngiti ni Berting Meow ni muning, mga

bulaklak ni aling tining

ALL: Good morning sainyo!

Rosete: May tambay na sa kanto kiskis ng mga walis mantikang pumipisik

All: Goodmorning sainyo!

Jessa: Sweet and mild and kasama ko tamis ng iyong hatid umaga ay walang pait.
Rocel: nescafe 3 in 1 sweet nad mild

All: Goodmorning sainyo

NCOV

APRILYN: Bakit ba nagkaroon ng NCOV ba tawag don? Ano ba yung dahilan at san

nagsimula ? Kasi nakakaalarma talaga eh.

J-pril: Kaya nga, ayan din ang pinagtataka ko. At ano na lang ang mga dapat natin

gawin sa gantong sitwasyon?

Kyla: Ang Ncov ay isang uri ng virus na kumakalat ngayon, nagmula ito sa wuhan

china.

Upang makaiwas sa virus na ito :

Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig

Lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag uubo at babahing gamit ang panyo o tissue

Umiwas sa paghawak ng mga hayop na apektado ng Ncov

Lutuin mabuti ang pagkain tulad ng karne at isda

Magsuot ng mask

Maging maingat at sumunod sa mga payo ng eksperto upang maging handa ang bawat

isa.
Aprilyn: ayan narinig mo yung mga dapat natin gawin ha. Ugaliin natin mag hugas ng

kamay at mag suot ng mask kung lalabas tayo para din safe.

Jpril: oo nga. Nako nakakabahala naman. Mag ingat tayo palagi at umiwas muna kung

sakali sa mga matataong lugar.

VI. Balita ulit

Mae: (time check- exact time) ng hapon, hatid sainyo ng DSLR

Adrian: kayo ay nakikinig parin sa

Adrian and mae: Ronda radyong Pilipino

Adrian: Balitang pandaigdig, Estados Unidos at Iran nagkagirian matapos ipapatay ni

U.S president Donald Trump ang commander ng Iran na si Qasem Soleimani. Zarene

Luares ibalita mo!

Zai: Dahil sa pagkamatay ni Soleimani ay kaagad naman nagpadala ito ng missile

strikes sa mga himpilan ng U.S sa Iraq bilang pagganti. Aksidente namang natamaan

ng Iran ang isang Ukranian jet passenger na pumatay ng humigit na 176 na pasahero.

Samantala, umatras naman Si pangulong trump sa napipintong giyera aniya ay wala

naman namatay sa ginawang missile strike ng Iran sa kanilang mga himpilan sa Iraq.

Zarene Luares nagbabalita para sa DSLR.


All: DSLR singko singko syete

Mae: samantala sa balitang pandaigdig, : Doktor na binansagang nCoV-whistleblower,

namatay dahil sa virus. Narito si Hannah Bayabao para sa karagdagang detalye.

Hannah: Mag aalas tres kaninang madaling araw, oras sa china, nang kumpirmahin ng

local media na binawian na ng buhay ang binansagang novel corona virus whistle

blower na si DR. Li wen Yiang sa wuhan central hospital, si Li ang unang sinasabing

unang nagbabala sakanyang mga katrabaho pati sa mga otoridad tungkol sa kumakalat

na virus na hawig umano ng severe acute respiratory syndrome o SARS noon pang

disyembre pero kinastigo siya ng mga pulis at pinapirma pa sa isang reprimand letter

dahil nagkakalat umano siya ng chismis. January 12 nang maconfine na rin mismo si Li

kasama ang mga pasyenteng ginamot niya sa sakit. Nilarawan siya ng ilang Chinese

media outlets bilang bayani na handing isiwalat ang katotohanan. Top trending din ito

sa micro blogging site na weibo pati sa messaging app na wechat, kung saan inihayag

ng mamamayan ang kanilang pagluluksa at galit sa nangyari kay Dr. Li, umaasa nalang

daw sila na hindi mauuwi saw ala ang kanyang pagkasawi. Hannah Bayabao,

nagbabalita para sa DSLR

All: DSLR singko singko syete

Adrian: ang kasalukuyang oras sa Pilipinas (time check- exact time) ng hapon hatid

sainyo ng DSLR. At yan ang mga tampok na balita sa araw na ito muli ito ang

Mae and Adrian: Ronda radyo Pilipino sa mas pinalawak na pagpapatrol, DSLR singko

singko syete
Mae: ito si Mae mercado, nagbabalita ng impormasyong pawing katotohonan sa

numero unong istasyon na inyong maaasahan.

Adrian: Adrian Salvador, ang inyong lingkod bayan!

Adrian and mae: Lingkod bayan!

Adrian: nagbabantay saan man sa mundo.


Adrian: Magandang hapon mga Pilipinas ano mang oras sa buong mundo narito na ang

ang mga nagbabagang balita

You might also like