You are on page 1of 7

EBOLA

E B O L A(EVD)
-Sinasabing ang maling pag-handle sa mga nasawing chimpanzees,
gorillas, fruit bats, monkeys, forest antelope at porcupines sa Africa ang
pinangga­lingan ng virus.

-Taong 1976 nang unang maiulat ang kaso ng Ebola virus disease na
unang tinawag na Ebola haemorrhagic fever, kumpara sa ibang vital
illness ay itinuturing ng World Health Organization (WHO) na
mapanganib ang Ebola dahil na rin sa mas madali itong naisasalin o
maaring maihawa sa iba, ang death rate nito ay nasa 90 porsyento .

-Ang Ebola virus ay kumakalat sa pamamagitan ng direktang pagkadikit


sa dugo o iba pang mga likido mula sa katawan (suka, tae, ihi, gatas sa
dibdib, pawis, semilya).

E B O L A(EVD)
E B O L A(EVD)
Malaki ang naging epekto ng Ebola virus sa lipunan at sa kabuhayan.
Unang una na rito ang pagkakaroon ng pagbaba ng aktibidad sa
ekonomiya. Ang Ebola outbreak ay humantong sa pagbaba ng aktibidad
ng pagmimina dahil sa mga paghihigpit sa paglalakbay at pagkawala ng
mga manggagawa. Ito ay humantong din sa paghihigpit sa kalakalan at
transportasyon upang maiwasan ang paghahatid ng virus. Mabilis
kumalat ang Ebola virus kaya marami ang nasawi at nagkasakit. Marami
ang nawalan ng trabaho at dahil din sa takot na magkaroon ng ebola,
sanhi nito ang maraming tao ang nagutom at nag hirap.
E B O L A(EVD)
Ang aral na natutuhan ko sa mga nasabing pangyayari ay sa bawat

sakuna dapat tayo ay maging handa. Lagi rin tayong magsaliksik ng

impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa kasalukuyan upang

malaman natin kung paano maiiwasan at masosolusyunan ang

ganitong pangyayari. Matuto tayong maging isang responsableng

mamamayan dahil maihahalintulad ito sa krisis na kinakaharap

natin ngayon, dapat tayong maki-isa dahil tayo-tayo lang din ang

maapektuhan sa bawat kilos natin. Isipin ang kapakanan ng lahat

dahil hindi lang tayo ang nahihirapan sa ganitong sitwasyon.

Panghuli, iwasan natin ang pagiging makasarili at lalong pagtibayin

ang samahan ng isa't isa dahil sa ganoong paraan, masosolusyonan

natin ang ano mang pagsubok na haharapin natin.


pinagmulan:
https://samch.doh.gov.ph/index.php/faq-s/11-press-

release/98-ebola
https://www.mercycorps.org/blog/ebola-outbreaks-africa-

guide/chapter-4
WIA Academy Incorporation

You might also like