You are on page 1of 2

PAGLAGANAP NG HIV AT AIDS: ISANG PAGTUKLAS

Ang kalusugan ay itinuturing na kayamanan hindi lamang ng isang


Pilipino kundi ng buong lipunan. Kung ang isang tao ay malusog, ang mga
taong nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kaniya ay magkakaroon ng
kompyansa na makipag-usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na
relasyon. May sapat na kompyansa para mabuhay ng masaya, nang may
dignidad at ang may pagtanggap sa lipunanng kaniyang ginagalawan.
Kadalasan, ang ganitong senaryo ay hindi tinatamasa ng isang taong may malalang
sakit, lalong-lalo na ang mga biktima ng AIDS na tinuturing na nakakahiyang sakit
“ostigmatized disease”.

Karamihan sa mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng


pagtanggi sa kanilang totoong kalagayan, pagkagalit sa sarili at sa mundo at
depresyon.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang AIDS ay isang
nakamamatay na sakit na bunga o dulot ng virus na tinatawag na HIV.

Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao. Noong taong


2010, tinatayang 34 milyon na tao sa buong mundo ang namumuhay na may
HIV virus, 1.8 milyon ang namatay dahil sa AIDS, 271 OFWs ang naitala.

Sintomas ng HIV at AIDS:

 Ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal nang may


tatlong buwan.

 Pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal nang mahigit sa isang


buwan.

 Pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa.

 Ang pagbaba ng timbang at pangangayayat.

 Mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling.

 Ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon bago
maging ganap na AIDS ang sakit.

PAANO NAKAHAHAWA ANG HIV AT AIDS

 Pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS

 Sa pagsasalin ng nakontaminang dugo

 Sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS


 Paggamit ng hindi malinis na karayom na ginamit sa pagpapa-tattoo o
body piercing

Palatandaan:

Ang sinumang napatunayang positibo sa HIV ay maaaring maisalin o


mahawaan ang iba kaya’t hindi siya maaaring magbigay ng kaniyang
dugo,plasma, organ at semilya. Ang isang taong may impeksiyon sa HIV ay
nararapat lamang na balaan ang sinuman na kayang makakatalik tungkol sa
kaniyang pagiging positibo sa HIV. Ipinapayo na gumamit ng proteksiyon gaya
ng paggamit ng kondom. Gayunman, may panganib na mahawa sa impeksiyon
kahit gumamit ng kondom kapag nabutas iyon.

Hindi nakukuha ang HIV mila sa paghahalikan, laway, yakapan, pag-


ubo, luha, pawis, pagbahing, pakikipanayam, paghihiram ng damit, pakikisalo
sa pagkain, paghiram ng kubyertos, kagat ng lamok o paggamit ng kuberta o
palikuran.

Lunas at Paggamot

Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang lunas para sa HIV, subalit


maraming pag-aaral ang isinasagawa para sa mga gamit na magagamit labas
sa HIV/AIDS na maaari ring ganap na lunas o bakuna laban sa HIV. Tanging
sa pagsusuri ng dugo lamang malalaman kung may sakit na HIV ang isang tao
at ito ay lihim o kumpedensyal na isinasagawa.

(Mula sa:
http://www.kalusugan.ph)

Elmer B. De Leon, DEM. (2018). TUKLAS-DIWA Pagbasa…Panunuri…


Pananaliksik… Batayang Aklat sa Filipino para sa Senyor Hayskul. Quezon
City: Lorimar Publishing, Inc.

You might also like