You are on page 1of 5

HIV/AIDS (Magpabatid)

Ano ang HIV/AIDS? ang hiv at aids ay sakit na nakakahawa kapag ang hiv o
tinatawag sa ingles na human immunodeficiency virus kapag hindi ito maagapan
magiging aids o acquired immunodeficiency syndrome.Itong sakit na ito ay maaari kang
mamatay kapag magiging malala na ang impeksiyon dulot ng HIV at ang tawag nito ay
aids.Nakakatakot itong sakit na ito dahil hindi mo malalaman kung ang isang tao ay
merong hiv.Dumarami pa ang kaso ng hiv at aids dito sa pilipinas lalo na sa region 7 ang
iba pa ay hindi alam kung meron silang hiv kaya dapat tayo maging alam patungkol
dito ,kung paano ito naipapasa, kung paano ito iwasan at ginagamot.

Ang HIV ay nakilala noong 1983 bilang pangunahing pathogen na nagdudulot ng


aids.Ang sakit na ito ay kumakalat sa buong mundo. Sa pamamagitan ng batang
henerasyong aktibo sa pakikipagtalik. Base sa DOH o department of health na ang hiv o
immunodeficiency virus ay inaatake ang immune system na nagpapahirap sa katawan
na labanan ang mga impeksiyon kapag ito ay pumasok sa isang host,pinapahina ng hiv
ang immune system sa pamamagitan ng pag-atake sa mga cells na ginagawa ng katawan
para labanan ang lahat ng uri ng impeksiyon.Magkaiba ang hiv at aids .Ang Acquired
Immunodeficiency syndrome o aids ay isang sakit na nararanasan kapag malala na ang
impeksiyon dulot ng hiv. Kapag di napagamo ,ang taong may hiv sa kalaunan ay
posibleng magkaroon ng aids at isa sa mahigit sa 20 na ang mga kanser na
sumasamantala sa huminang immune system .Ito ay maaring humantong sa
kamatayan.Ang ilang taong pagkaroon ng hiv ay maaaring hindi nagpapakita nga mga
sintomas sa unang ilang buwan matapos ang impeksiyon.Samantala,ang iba naman ay
maaaring magkaroon o makaranas ng mga sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, sakit
ng ulo ,hives o skin rashes ,at sore throat.Kapag lumala na ang sakit maaari kang
makaranas ng pamamaga ng mga lymph nodes, pagbaba ng timbang pagtatae at
pagubo. Habang inaatake ng hiv ang immune system sa katawan ng host,ang mga
pasyente o host ay madaling kapitan ng mga sakit tulad ng tuberculoses,cryptococcal
meningitis,mga impeksiyon sanhi ng bakterya at ilang kanser gaya ng lymphomas at
kaposi’s sarcoma.Maaari mo lang malaman kung meron kang hiv kapag ikaw ay
nagpasuri ng dugo na nakade-detect ng virus o mga antibodies laban sa
virus.Karaniwang lumalabas ang mga ganitong sintomas mula isa hanggang tatlong
lingo pagkatapos ma-expose sa hiv.

Ang hiv ay karaniwang naipapasa ng tao sa tao sa tuwing nakikipagtalik (anal o


vagina) nang hindi gumagamit ng kondom , pagsalin ng dugo,pinsala mula sa tusok ng
karayom o kapag nakikigamit ng syringe sa isang taong nasuring positibo ng hiv. Sa mga
pambihirang pagkakataon ,naipapasa rin ng mga nanay ang hiv sa panganganak kung
may hiv ang nanay o napasusong magulang.Ang taong nakakuha ng hiv ay
pinakanakahahawa sa unang ilang buwan ng pagkakaroon ng nasabing virus.Ang virus ay
makikita sa mga likido ng katawan ng tao gaya ng dugo,semilya ,vaginal na likido o gatas
ng ina.Hindi ito kailan man maipapasa ang hiv sa pamamagitan ng pakikipaghalikan o
pakikipagyakapan,pakikipagkamay o pakikipag-ugnayan sa kapwa,pakikipaghiram ng
mga kutsilyo, tinidor at kutsara ,tasa o baso,mga upuan sa banyo,mga lamok o iba pang
insekto.

Maiwasan ang hiv kapag wastong pagamit ng kondom sa pakikipagtalik,magpa-


preexposure prophylaxis,magpasuri at alamin kung mayroong std,iwasan ang pagsasalo-
salo ng karayom at hiringgilya(syringe),tamang pag-donate at pagsalin ng dugo(screened
for hiv), tamang pagtukoy sa HIV status ng mga buntis at kung napatunayang positibo sa
HIV,ang tamang pagbibigay ng gamot upang hindi maisalin ng ina sa sanggol ang
virus ,iwasan ang pakikipagtalik gamit ang ari o puwit.Kapag ikaw ay nakikipagtalik sa
lalaki sa lalaki gamit ang bibig (oral seks) ay itinuturing na may pinakamababang
panganib at huwag magbenta o magkaroon ng ibang sexual partner .Ang pakikipagtalik
ang pangunahing sanhi ng pagkalat ng hiv kaya mahalagang tamang paggamit ng
kondom bilang proteksiyon kapag ginagawa ito,lalo na kapag hindi mo alam ang
posibilidad ng pagkakaroon ng ganitong sakit ng iyong katalik o di kaya’y pag ikaw ay
aktibo sa pakikipag talik.Seguradohin na kapag ikaw ay makikipagtalik ay gumamit ng
panibagong kondom.Kapag na sa punto kayo na nasira ang kondom ay dapat niyong
palitan ka agad ng panibago.Ang pagtapon ng mabuti ay isa rin sa importante dahil ito
ay makakasegurado kayo na ang virus o std ay hindi kumalat.Balutin ito ng mga papel o
tissue pagkatapos gamitin at itapon sa basurahan.Magpa-preexposure ay isa sa mga
gawain upang ma iwasan ang hiv .Ang pre-exposure prophylaxis (PrEP) ay pag-inom ng
gamot bawat araw.Ito ay ligtas na nire-reseta ng doktor ,at walang masyadong side
effects.Bagama’t itong gamot na ito ay hindi 100% na mawawala ang virus ngunit ito ay
nakaktulong upang bumaba ang pagkakataon na magkaroon ka ng hiv at itong gamot na
ito pumipigil sa pagdami ng virus sa iyong katawan at pagmamayari.Kapag gumamit ka
nang kondom at itong gamot na ito ay malaking pagkakataon na hindi ka mahahawaan
ng hiv.Ito ay nararapat gamitin o gawin sa mga taong aktibo sa pakikipagtalik.Magpasuri
at alamin kung mayroong std.Ang std ay sakit o impekisyon na naipapasa o nakukuha sa
pakikipagtalik sa ingles ay tinatawag na sexually trasmitted infection o sti at sexually
transmitted disease o std mga halimbawang sakit ng std ay gonorrhea, herpes,genetal
warts,chlamydia infection at iba pa ,lahat ng sakit na ito ay ang chlamydia infection ang
pinakakaraniwang naiulat sa Japan.Kumakailan lang ang bilang ng mga kasong naiulat sa
mga kabataang babae ay tumataas at maaring humantong sa pagkabaog .Isa sa mga
problema ng chlamydia infection ay marami sa impektado nito ang wala ni anumang
sintomas.Nakakapag-alala ang mga dumadaming bilang ng impeksyon lalo na sa mga
kabataang nasa edad sampu hanggang mga bente pataas.Ang mga taong taong
nahawaan ng std ay mas maraming beses na maaring mahawahan din ng hiv .Kung
gusto mong talagang maiwasan ang hiv/aids ,kailangan mong seguraduhin na malinis at
walang sakit ang iyong mga katalik .Malalaman mo lang yun kapag kayo ay magpasuri
bago gumawa ng sekswal na gawain.Ang sintomas ng hiv ay lumalabas lang ng
pagkalipas ng 2-3 na linggo.Kaya kung marami nang nakasama ang iyong katalik sa
panahon na iyon ,hindi niya malalaman kung siya ba ay nahawaan na ng sakit .Dapat
magpasuri lalo na kapag ikaw ay sexually active.Kapag alam mo na may posibilidad na
meron kang hiv ay huwag na makikipagtalik sa iba at magpasuri, para din sa kapakanan
ng iba at sayu.Iwasan din ang pagsasalo-salo ng karayom at hiringgilya halimbawa kapag
ikaw ay nagpatatto at nagpabubutas o sa ingles piercing ,may malaki kang posiblidad na
makakuha ng hiv kapag ang karayom o mga kagamitan sa pagbutas ay hindi nilinis o
pinalitan kapag ito ay pinalitan ay may posibilidad kang hindi makakuha ng hiv.Ang
tamang pag-donate at pagsalin ng dugo ay napakalaking importante dahil ang tamang
pag-donate at pagsalin ng dugo ay maiwasan mong mahawaan ng hiv.Tamang pagtukoy
sa HIV status ng mga buntis at kung napatunayang positibo sa HIV,ang tamang
pagbibigay ng gamot upang hindi maisalin ng ina sa sanggol ang virus.Maiiwasan ang
paghawasa ng hiv sa ina-s -anak sa pamamagitan ng regular na paginom ng gamot na
Anti-HIV. Kapag ikaw ay naki pagtalik sa lalaki sa lalaki ay dapat iwasan mong
makipagtalik gamit ang ari o puwet lalo na mahilig kang mamayot .At huwag magbenta
o magkaroon ng iba-ibang sexual partner dahil malaki ang posibilidad na makakuha ka
ng hiv lalo na hindi mo pa alam ang taong iyang katalik at hindi pa ito nagpasuri.

Wala pang natutuklasang gamot para sa hiv kaya dapat tayo maging maingat sa
desiyon natin sa buhay huwag magpadala sa emosyon lalo na tayo na kabataan pa wala
pang saktong gulang sa pakikipagtalik at kung ako sa inyo ay huwag ng subukan dahil
masusubukan niyo lang naman yan kapag ikaw na ay kasal sa iyong minamahal.Sa
panahon ngayon madami na ang nabubuntis ng maaga , lantad na sa pakikipagtalik ma
transgender man,lalaki o babae at ma tumboy man na may posibilidad na magkaroon ng
hiv na naging dahilan sa pagdarami ng kaso sa hiv.Base sa kagawaran ng kalusugan
noong enero 2022,mayroong 875 na kumpirmadong pisitibo sa hiv na indibidwal na
iniulat sa hiv/aids & ART Registry ng pilipinas (HARP) at naitala sa kabuuang 95,212 na
naiulat na mga kaso mula noong enero 1984.Sa taong 2022 ay siyamnapu’t anim
porsyento (840) ng mga naiulat na kaso ay lalaki,2% (20) ang nagpakilalang babae(mga
babaeng transgender) at 26% (216) ay nag-ulat ng kanilang pagkakakilanlan ng kasarian
sa ingles pa ay tinatawag itong gender idenity .Dagdag pa, 49% (426) ng mga kaso ay 25-
34 taong gulang ,32% (283) ay 15-24 taong gulang ,17% (145) ay 35-49 taong gulang ,2%
(17) ay 50 taong gulang at mas matanda ,at 1% (4) ay wala pang 15 taong gulang .
Noong enero 2022,mayroong 11 babaeng buntis na positibo sa hiv ang naiulat noong
panahon ng dyagnosis.Apat na kaso mula sa NCR,tatlong kaso mula sa
CARAGA,dalawang kaso mula sa rehiyon 7 at isang kaso bawat isa mula sa Rehiyon 3 at
11 .Ang edad ng dyagnosis ay mula hanggang 32 taon.Sa mga kabataan ay inaiulat na
may kaso sa hiv na 15-16 taong gulang,at dalawang daan at pitong pu’t dalawa (272) sa
kanila ay lalaking nahawaan ng hiv .Anim na pu’t siyam (69) sa mga kabataan ang naiulat
na mayroon maagang impeksiyon ng hiv.Dalawang daan at walong pu’t dalawa (282)
ang naiulat na kaso ang nahawaan ng hiv sa pamamagitan ng pakikipagtalik(20 lalaki-
babae na pagtatalik,219 lalaki-lalaki na pagtatalik,43 sa parehong lalaki at
babaeng ).mayroonglimang pu’t walo (58) na bagong ulat na kabataan noong enero
2022.sa mga ito,2% (1) ay 10 hanggang 14 taong gulang,24% (14) AY 15 HANGGANG 17
TAONG GULANG AT 74% (43) ay 18 hanngang 19 taong gulang.Siyamnapu’t walong
porsyento (57) ng mga naiulat na kaso ng mga kabataan ay nahawahan sa pamamagitan
ng pakikipagtalik contact(5 lalaki-babae seks,46 lalaki-lalaki seks ,6 seks sa parehong
lalaki at babaeng).Tatlo ang mga bata ay na-dyagnosis na may hiv sa panahong pag-uulat
at lahat ay nakukuha ng hiv sa pamamagitan ng paghahatid ng ina sa anak .Ang edad ng
naiulat na kaso ay mula hanggang 3 taon.Enero 2022 inulat na mayroong 33 ang
namatay dahil sa hiv.siyamnapu’t apat na porsyento(31) SA KANILA AY ang mga
lalaki.Bukod dito, 4(12%) ay 15 hanggang 24 taong gulang,18(55%) ay 25 hanngang 34
taong gulang,9(27%) ay 35 hanggang 49 taong gulang, at 2(6%) ay 50 taon at mas
matanda .Ang nangungunang tatlong rehiyon na may pinakamaraming naiulat na
pagkamatay ay ang western visayas,Calabarzon na may 10 na kaso at central luzon at
Zamboanga Peninsula naa may 3 kaso bawat isa.Ang natitirang bahagi ng bansa nag-
iulat ng 5 na kaso.Mula Enero 1984 hanggang Enero 2022 ,mayroong kabuuang
5,405naiulat na pagkamatay.Dagdag pa ,37 kaso ay wala pang 15 taon gulang ay
namatay na dahil sa aid/hiv ,1,223 kaso ay 15 hanggang 24 taong gulang , 2,602 ay 25
hanggang 34 taong gulang, 1,290 ay 35 hanggang 49 taong gulang , at 295 ay 50 taong
gulang at mas matanda pa ang namatay dahil sa hiv.Mayroong apat na kaso na walang
naiulat na edad sa oras ng kamatayan.Kapag ikaw ay na-expose sa virus ay agad
kumunsulta sa iyong tagapagbigay ng pangunahing pangangalaga(primary care
povider)at tingnan kung ang Post-Exposure Prophylaxis (PEP) treatment ay angkop para
sa iyo.Kasama rito ang medikasyon,mga pagsusuri sa laboratoryo at pagbibigay ng mga
payo (counselling) sa loob ngapat naa buwan na makatutulong sa pagpigil sa HIV
infection.Subalit ,ito ay maaari lamang gawin sa loob ng dalawa hanggang 72 oras
pagkatapos ng isang posibleng exposure sa virus.Kung ‘di ito posible,magpasuri para sa
HIV pagkatapos ng tatlong buwan upang malaman ang iyong kalagayan.Ang maagang
pagtuklas ng HIV status ay magbibigay sa iyo ng mas maraming pagpipiliang
pamamaraan ng pagggamot at lubos nitong mapabubuti ang iyong kakayahang
malagpasan ang mga epekto ng virus sa katawan

Nakakalungkot isipin na madami na ang namatay dahilan ng HIV/AIDS at patuloy


pang dumarami ang nahawaan .Hindi talaga natin mapagkaila na may sakit na gaya nito
na walang lunas , habang buhay dadalhin kapag ikaw ay nahawaan.Napaka importante
talaga na malaman natin kung ano ang hiv/aids,paano ito maiwasan , naipasa at
maigagamot dahil marami na ang kaso dito sa pilipinas na mga kabataan katulad natin
ay nahawaan sa nasabing sakit.Lalo na dumarami ang kaso sa pagbubuntis ng maaga na
hindi pasasaktong gulang dahilan ito na kulang tayo sa kaalaman at pagtuturo ng ating
magulang .Kapag tayo ay may alam malalayo talaga tayo sa mga kapahamakan sa buhay
kaya naniwala ako sa kasabihan na “LIGTAS ANG MAY-ALAM”

Pangalan:Mariecon B. Segundino 10-Earth Filipino- Talumpati

You might also like