You are on page 1of 5

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA HIV INFECTION/AIDS (Acquired Immune

Deficiency Syndrome)
Kalusugan ay itinuturing na kayamanan hindi lang ng isang Pilipino kundi ng buong lipunan. Kung ang isang tao ay malusog, ang mga taong nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kaniya ay magkakaroon ng kompyansa na makipag-usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na relasyon sa kaniya at may sapat na kompyansa para mabuhay ng masaya, ng may dignidad at ng may pagtanggap sa lipunang kaniyang ginagalawan. Hindi ito tinatamasa ng taong may HIV/AIDS na itinuturing na nakakahiyang sakit o stigmatized disease. Karamihan kasi ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng: pagtanggi sa kanilang totoong kalagayan, pagkagalit sa sarili at sa mundo Depresyon Ito ay dahil na rin, ang HIV/AIDS ay hindi nagagamot. Karamihan sa mga taong nagtataglay nito ay nakakaranas ng: pagtanggi pag-iwas ng mga dating kaibigan at ng ibang tao diskriminasyon sa paaralan, trabaho at iba pang social contexts pagbabansag na sila ay mga bakla o kaya ay drug addict

AIDS ay nakamamatay na sakit na bunga o dulot ng virus na tinatawag na


HIV (Human Immunodeficiency Virus). Ang virus ay umaatake sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao ang white blood cell (leukocytes) na siyang pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit.

Mga katangian ng taong may sakit na AIDS:


1. mababang bilang ng mga T-helper cells 2. pagiging positibo sa pagsusuri hinggil sa HIV, 3. ang pagkakaroon ng ilang natatanging karamdamang kagaya ng Kaposis Sarcoma (isang agresibong kanser na tumutubo sa balat o sa bibig), Pneumocystis carinii pneumonia (PCP), Tuberculosis, at iba pang sakit na dulot ng mga fungi. Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao.

Palatandaan:
Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV at AIDS: ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal ng may mga tatlong buwan, pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan, pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa, ang pagbaba ng timbang, pangangayayat, mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling, At ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang nakikitang mga palatandaan ang isang taong may impeksiyon sa HIV.

Paghawa:
Naisasalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng: pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS, pagsasalin ng nakontaminahang dugo, paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS, paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo o body piercing isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso.

Ang taong napatunayang positibo sa HIV ay hindi maaaring magbigay ng kaniyang dugo, plasma, organ, at semilya. Ang isang taong may impeksiyon sa HIV ay nararapat lamang na balaan ang sinuman na kaniyang makakatalik tungkol sa kaniyang pagiging positibo sa HIV. Ipinapayo na gumamit ng proteksiyon gaya ng paggamit ng kondom. Gayunman, may panganib na mahawa sa impeksiyon kahit na gumamit ng kondom kapag nabutas iyon.

HINDI nakukuha ang HIV mula sa:


Paghahalikan Laway Yakapan Pag-ubo Luha Pawis Pagbahing Pakikipagkamayan paghihiraman ng damit pakikisalo sa pagkain paghiram ng kubyertos kagat ng lamok paggamit ng kubeta

Pag-iwas at pag-iingat:
A abstinensiya (pagpipigil at pagtanggi) B be faithful (isa lang ang katalik) C correct condom use D droga iwasan o dont take drugs E early diagnosis and treatment (maagang
pagpapatingin at pagpapagamot sa doktor o pagamutan)

Lunas at paggamot:
Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang lunas para sa HIV, Tanging sa pagsusuri ng dugo lamang malalaman kung may sakit na HIV ang isang tao (ito ay lihim o kumpedensyal na isinasagawa) Ang pagsubok ng HIV ay binubuo ng inisyal na screening sa isang ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay) upang matukoy ang antibody sa HIV. Inuulit-ulit ito at sa final screening ay ginagamit ang Western blot para sa pagkompirma na positibo ang isang tao. Mahalaga ang regular na Vaginal PAP smear upang masubaybayan ang impeksiyon sa HIV. Mataas ang panganib na magkakanser sa cervix ang may HIV. Anal PAP smear ay kailangan din upang malaman kung may posibilidad ng kanser ang lalaki at babae nahawa sa HIV.

Ano ang pagkakaiba ng sakit na HIV sa sakit na STD?


Ang HIV ay isang Virus na siyang sanhi ng AIDS ang STD naman ay klase o klasipikasyon ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik tulad ng tulo. samak atuwid ang HIV ang sanhi ng AIDS at ang AIDS ay isang uri ng STD.

You might also like