You are on page 1of 3

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito ay inilalahad ang mga kaugnay na literatura na nakalap ng mananaliksik, gayundin ang mga pag aaral na may kinalaman sa pananaliksik na ito.

HIV AIDS Ang Human immunodeficiency virus (HIV) ay isang lentivirus (na kasapi ng pamilyang retrovirus) na nagsasanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS o nakukuhang kakulangan ng immunong sindroma),. Ang AIDS ay isang kondisyon sa mga tao kung saan ang patuloy ng pagkabigo o paghina ng sistemang immuno ay pumapayag sa mga nakapanganganib sa buhay na mga oportunistikong mga impeksiyon na manaig. Ang impeksiyon ng HIV ay nangyayari sa pamamagitan ng paglipat ng dugo, semilya, pluido ng puke, bagong paglabas (pre-ejaculate) sa mga lalake, o gatas ng suso sa mga babae. Sa loob ng mga pluidong, ang HIV ay umiiral bilang malayang mga partikulong virus at virus sa loob ng impektadong selulang puting dugo. Ang apat na pangunahing mga ruta ng transmisyon (pagpasa) ang hindi ligtas na pakikipagtalik, kontaminadong karayom na itinurok sa isang impektadong indibidwal, sa gatas ng suso ng ina at pagpasa mula sa impektadong ina sa kanyang sanggol na ipinanganak. Ang pagsala (screening) sa mga produktong dugo para sa HIV ay malaking nakabawas o nagalis ng pagpasa sa pamamagitan ng mga pagsasalin ng dugo o mga impektadong produktong dugo sa mga papaunlad na bansa.

Ang impeksiyon ng HIV sa mga tao ay itinuturing na isang pandemiko ng Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan (World Health Organization o WHO). Gayunpaman, ang pagkawalang bahala sa HIV ay gumagampan ng mahalagang papel sa panganib ng HIV. Mula sa pagkakatuklas nito noong 1981 hanggang 2006, ang AIDS ay pumatay ng higit sa 25 milyong katao sa buong mundo. Ang HIV ay humahawa sa mga 0.6% ng populasyon ng mundo. Noong 2009, ang AIDS ay pumatay ng mga tinatayang 1.9 milyong mga katao na mas mababa sa kasukdulang pandaigdigang 2.1 milyon noong 2004. Ang tinatayang mga 260,000 bata ay namatay sa AIDS noong 2009. Ang hindi pantay na bilang ng mga kamatayan na sanhi ng AIDS ay nangyayari sa Sub-Saharan Aprika na nagpapaantala ng paglagong ekonomiko at nagpapalala ng bigat ng kahirapan sa mga bansang ito. Tinatayang ang 22.5 milyong mga katao o 68% ng kabuuang pandaigdigang kaso ng HIV ay nakatira sa sub-Saharan Aprika na tirahan rin ng 90% ng pandaigdigang 16.6 milyong mga bata na naulila ng HIV. Ang paggamot gamit ang drogang antiretroviral ay nagpapabawas ng rate ng kamatayan at mga karamdaman sa impeksiyong HIV. Bagaman ang mga gamot na antiretroviral ay hindi pa pangkalahatang makukuha (available), ang pagpapalawig ng mga programang terapiyang antiretroviral mula 2004 ay tumulong sa pagbabaligtad ng mga kamatayang sanhi ng AIDS at mga bagong impeksiyon sa maraming mga bahagi ng mundo. Ang pinatinding kamalayan at mga paraang pang-iwas gayundin ang natural na takbo ng epidemiko ay gumampan rin ng papel. Gayunpaman, ang tinatayang 2.6 milyong katao ay bagong nahawaan noong 2009. Ang HIV ay humahawa sa mga mahalagang selula sa sistemang immuno gaya ng nakatutulong na selulang T (na spesipiko rito ang mga selulang T na CD4+), macrophage,

at selulang dendritiko. Ang impeksiyong HIV ay nagdudulot ng mababang mga lebel o bilang ng CD4+ na mga selulang T sa pamamagitan ng tatlong mga pangunahing mekanismo: Una, ang direktang pagpatay ng mga impektadong selula; ikalawa, pagpapadami ng rate ng apoptosis sa mga impektadong selula; at ikatlo, pagpatay ng impektadong CD4+ na mga selulang T sa pamamagitan ng CD8 cytotoxic lymphocyte na kumikilala ng mga impektadong selula. Kapag ang bilang ng mga CD4+ na selulang T ay bumagsak ng mababa sa kritikal(mahalagang) na lebel, ang pinapamagitan ng selulang immunidad ay nawawala at ang katawan ay nagiging patuloy na mas marupok sa mga oportunistikong mga impeksiyon. Ang karamihan sa mga taong impektadong ng HIV-1 ay kalaunang tumutungo sa AIDS. Ang mga indibidwal na ito ay karamihang namamatay mula sa mga oportunistikong mga impeksiyon o mga malignansiya na kaugnay ng progresibong pagkabigo ng sistemang immuno. Ang HIV ay nagpapatuloy sa AIDS sa isang nagbabagong rate na apektado ng viral, hosto (host) at mga paktor pangkapaligiran. Ang karamihan ay tumutungo sa AIDS sa loob ng 10 taon pagkatapos mahawaan ng HIV. Ang iba ay mas tutuloy sa AIDS ng mas mabilis samantalang para sa ilan ay mas matagal ang pagtuloy sa AIDS. Ang paggamot gamit ang mga medikasyong anti-retroviral ay nagpapadagdag ng ekspektansiya ng buhay ng mga taong nahawaan ng HIV. Kahit pa ang HIV ay nagpatuloy sa AIDS, ang aberaheng panahon ng pagpapatuloy (survival) sa terapiyang antiretroviral ay tinatayang higit sa 5 taon. Kung ito ay hindi nagamot ng terapiyang antiretroviral, ang indibidwal na may AIDS ay namamatay sa loob ng isang taon.

You might also like