You are on page 1of 1

Batayang Teyoritikal

Mula sa pagkakatuklas nito noong 1981 hanggang 2006, ang AIDS ay

pumatay ng higit sa 25 milyong katao sa buong mundo. Ang HIV ay

humahawa sa mga 0.6% ng populasyon ng mundo. Noong 2009, ang AIDS

ay pumatay ng mga tinatayang 1.9 milyong mga katao na mas mababa sa

kasukdulang pandaigdigang 2.1 milyon noong 2004. Ang tinatayang mga

260,000 bata ay namatay sa AIDS noong 2009. Ang hindi pantay na bilang

ng mga kamatayan na sanhi ng AIDS ay nangyayari sa Sub-Saharan

Aprika na nagpapaantala ng paglagong ekonomiko at nagpapalala ng bigat

ng kahirapan sa mga bansang ito. Tinatayang ang 22.5 milyong mga katao o

68% ng kabuuang pandaigdigang kaso ng HIV ay nakatira sa sub-Saharan

Aprika na tirahan rin ng 90% ng pandaigdigang 16.6 milyong mga bata na

naulila ng HIV. Ang paggamot gamit ang drogang antiretroviral ay

nagpapabawas ng rate ng kamatayan at at mga karamdaman sa

impeksiyong HIV. Bagaman ang mga gamot na antiretroviral ay hindi pa

pangkalahatang makukuha (available), ang pagpapalawig ng mga

programang terapiyang antiretroviral mula 2004 ay tumulong sa

pagbabaligtad ng mga kamatayang sanhi ng AIDS at mga bagong

impeksiyon sa maraming mga bahagi ng mundo. Ang pinatinding kamalayan

at mga paraang pang-iwas gayundin ang natural na takbo ng epidemiko ay

gumampan rin ng papel. Gayunpaman, ang tinatayang 2.6 milyong katao ay

bagong nahawaan noong 2009.

You might also like