You are on page 1of 1

Ang anumang sakuna ay maagapan o maiiwasan kung mayroon tayong sapat na

impormasyong batay sa mga datos hatid ng wastong gamit ng estadistika.


Sa nagdaang taon ay naharap ang Pilipinas sa isang pandemya, ang COVID-19 na
nagdulot ng malalaking hamon sa kalusugan, ekonomiya at panlipunang sistema sa buong
mundo. Sa tulong ng pagkalap ng tamang datos gamit ang kalidad ng estadistika, naipapaalam sa
publiko ang bilang ng mga may sakit, namatay at gumaling noong panahon ng pandemya.
Nakatutulong din ito sa mga kawani ng gobyerno na makabuo ng mga programa at serbisyong
pampubliko bilang tugon sa pananalanta ng pandemya gaya na lamang ng CovidKaya, Universal
Health Care Program, PinasLakas Vaccination, at Mobile Health Clinic.
Ang mga pigurang estadistika ay gumaganap ng isang mahalaga at makabuluhang papel
sa layuning pagpapalakas ng pangkalahatang kalusugan ng bansa. Ang mga resulta ng mga
datos na kalap patungkol sa kalusugan ang nagsilbing batayan para sa patuloy na pananaliksik ng
tamang programa at serbisyong pangkalusugan tungo sa mabilisang pagpapaunlad ng bansa.
Sa mga pangyayari na natutunan sa panahon ng pandemya, at sa mga impormasyong de-
kalidad ng estadistika, binuo ng Kagawaran ng Kalusugan ang Health Sector Strategy para sa
taong 2023-2028, na nakatutok sa pagpapalakas at pagpapahusay sa mga tuntunin para sa
pantay na opurtunidad sa pagkuha ng resulta sa kalusugan, tumutugon sa mga sistemang
pangkalusugan, at pinatibay na proteksyon sa kakulangan sa pananalapi. Kasalukuyang ding
ipinapatupad ng Kagawaran ng Kalusugan ang iba't ibang programa sa kalusugan ng publiko na
magbibigay ng mga interbensyon sa pagtugon sa mga iba’t ibang sakit sa bansa gaya ng ischemic
heart disease, cerebrovascular disease, at COVID-19 virus. Ayon sa mga datos, ang ischemic
heart disease na tinatawag ding coronary heart disease kung saan ang puso ay hindi nakakakuha
ng sapat na dugo ang nangungunang sakit sa bansa na sanhi ng higit sa labing-walong porsiyento
ng kabuuang kamatayan sa bansa. Pumapangalawa ang cerebrovascular disease na tumutukoy
sa isang pangkat ng mga kondisyon na nakakaapekto sa daloy ng dugo at mga daluyan ng dugo
sa utak at pumapangatlo ang neoplasma, ang abnormal na paglaki ng tissue na maaaring maging
sanhi ng benign o malignant na cancer, ang pumapangatlo. Pumapang-apat naman ang diabetes
mellitus at pumapanglima ang hypertensive na mga sakit. Ilan lamang ito sa mga sakit na naitala
gamit ang estadistika bukod sa Covid -19 virus na araw araw kinakaharap ng bansa.
Bilang tugon, kasalukuyang ipinapatupad ng Kagawaran ng Kalusugan ang iba't ibang
programa at serbisyong pampubliko lalo sa pangkalusugan ng mamamayan gaya ng Adolescent
Health and Development Program, Aedes-Borne Viral Diseases Prevention And Control Program,
Belly Gud for Health, Blood Donation Program, Cancer Control Program, Philippine Healthcare
Initiatives, Community Health Programs, Family Health Programs, Mental Awareness Program,
Childhope Philippines, Skills Development Programs at iba pang mga proyekoto, programa o
serbisyong pangkalusugan. Ito ay ilan lamang sa mga programang pinagtibay gamit ang wastong
impormasyon at datos hatid ng estadistika.
Tunay ngang nagsisilbing pundasyon ng mga bagong milyahe ng mga epektibo at matitibay na
solusyon ang mga datos at impormasyong kalap ng estadistika. Sa pamamagitan ng Estadistika,
napapabilis ang ating Lusog-Siglang Pag-unlad

You might also like