You are on page 1of 8

INDUSTRIYA NG

KALUSUGAN

PANGKAT 7

Cunanan, Pauline Grace


Emala, Joan
Lagaras, Michaela
Cupido, Justin Nicholas
Gabito, Jaimes Peter
Jersey, Karl Josefin
BANSA KALAGAYAN NG INDUSTRIYA NG KALUSUGAN

Ang kalagayan ng kalusugan sa Pilipinas ay hindi maganda sapagkat maraming Pilipino pa rin

ang hindi nakararanas ng tulong pangkalusugan. Ayon sa World Health Organization (2021), ang

Healthcare System ng ating bansa ay 'fragmented'.

•Communicable diseases tulad ng Tuberculosis, HIV o Aids, Dengue at Malaria ang pangunahing

PILIPINAS sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Ang TB ay sakit ng kahirapan. Sa buong mundo na may 196

bansa, numero 9 ang Pilipinas sa rami ng taong may TB. Ang Pilipinas din bansang may

pinakamabilis na lumalagong kaso ng HIV sa Asia and the Pacific. Noong 2019 naman, idineklara

ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert dahil sa patuloy na pagdami ng mga

nagkakasakit at marami na ang naiulat na namatay.

•Laganap ang non-communicable diseases o lifestyle disease gaya ng Coronary Heart

Disease, Cerebrovascular Attack or Disease (Stroke), Pneumonia at Diabetes.


•Mapapansin ang malaking kakulangan sa mga gamit, mga gamot, tauhan, at mga pasilidad ng

ating mga ospital. Ayon sa grupong Filipino Nurses United (FNU), may higit 20,000 Pinoy nurse

kada taon ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mababang sahod.

•Sa pagtugon sa pandemya, bakuna pa rin ang nananatiling pinakamakapangyarihang

kasangkapan laban sa COVID-19 virus kung kaya't hinihikayat ang mga Pilipino na magpabakuna

na.
Ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng Afghanistan ay nasa bingit ng

pagbagsak. Ayon sa WHO, 6 na milyong indibidwal sa Afghanistan ang kasalukuyang walang

access sa healthcare.

AFGHANISTAN • Ang bansang Afghanistan ay nasasadlak sa matinding kahirapan. Ayon din sa ulat ng WHO,

95% ng populasyon sa bansa ang nakararanas ng kagutuman. Ito ang naguudyok sa

bawat isa na ipagsawalang bahala na lamang ang kanilang kalusugan.

• Nananatiling laganap ang iba’t-ibang karamdaman gaya ng Tuberculosis, Dengue,

Malaria, at HIV o AIDS.

• Pangunahing sanhi ng kamatayan sa Afghanistan ay Coronary Heart Diseases, Influenza,

Pneumonia, at maging ang dimaang nagaganap dito.

Coronary Heart Influence at Digmaan


Disease Pneumonia
192, 889 102, 378 164, 271

Ulat mula sa WHO noong taong 2018

• Nangunguna ang Afghanistan sa mga bansang may mataas na bilang ng naitalang

kamatayan dulot ng sakit sa puso (rheumatic heart disease) sa buong mundo.


• Maraming ospital ang nagsara dulot ng digmaan. Nagkaroon ng limitadong pagbabantay sa

mga sinusuri at binabakunahan, gayundin ang kakulangan sa mga skilled health workers.

Masasabing maayos ang kalagayang pangkalusugan sa Japan. Bukod sa ito’y isang

mayamang bansa, nagbibigay din sila ng pantay na karapatan para sa mga mamamayan nila. May

Social Health Insurance (SHI) ang mga mamamayan na mayroong maayos na trabaho sa

pangkaraniwan o malalaking kompanya. Ang mga mamamayan naman na hindi pasok sa SHI, ay

makatatanggap naman ng Japan National Insurance.


• Kinilala ang Japan bilang “World’s Long-Lived Country”, dahil na rin sa “high life

JAPAN expectancy” ng mga hapon.

Kababaihan Kalalakihan Parehong Kasarian


88.09 81.91 85.03

• Mas prayoridad ng Japan ang “preventative care” kaysa sa ‘reactive care’.

• Mas pinipili ng mga manggagamot na magtrabaho sa rural kaysa sa urban.

• Maliit na lamang ang bilang ng aktibong bilang ng mga positibo sa COVID19 virus. Bakuna

rin ang nananatiling pinakamakapangyarihang kasangkapan ng Japan laban sa COVID-19

virus kung kaya’t hinihikayat ang mga mamamayan na magpabakuna na.

• Kung gaano kaganda ang sistema ng Japan sa kanilang industriyang pangkalusugan, hindi

sila progressive pagdating sa pangangalaga sa mental na kalusugan.


KONKLUSYON

Ang Pilipinas at Afghanistan ay parehong nasa tanikala ng kahirapan kung kaya’t ang sistemang pangkalusugan

ay mayroong malaking kakulangan. Sa patuloy na paglobo ng populasyon sa Pilipinas, patuloy na nasasadlak ang bansa

sa kahirapan at mas mababang kalidad ng tulong pangkalusugan. Samantala, sa bansang Afghanistan, ang industriyang

pangkalusugan o maging ang mga kalusugan ng mamamayan ay natatabunan buhat ng patuloy na digmaan (war), at
kahirapang kanilang nararanasan magmula noon pa man. Habang ang bansang Japan naman ay mayroong maayos na

sistemang pangkalusugan dahil isa sila sa mga bansang may kaya. Ang bansang Japan din ay mabilis na

nakapaglulunsad ng mga aksyon sa mga suliraning dumadating sa kanilang bansa gaya ng pandemya, upang mabilis na

makabangon.

REKOMENDASYON

Upang malutas ang suliranin sa industriya ng kalusugan, marapat na kamtin at pag-ibayuhin pa ang Universal

Health Care lalo na sa mga mahihirap na bansa gaya ng Afghanistan at Pilipinas. Sa pamamagitan nito, ma-a-access ng

mga maralita ang pinakamataas na posibleng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan. Marapat ding bigyang pansin

ang pagpapatayo ng mga pasilidad pangkalusugan tulad ng mga health centers at hospitals lalo sa mga kanayunang

lugar. Dagdag pa rito, ang mga healthworkers ay marapat bigyan ng angkop na pasahod, at pagkilala sa kabayanihang

ipinapakita lalo na ngayong nananalasa ang pandemya.

You might also like