You are on page 1of 3

Ano ba ang HIV? Saan ito nakukuha?

Ang Human Immunodeficiency Virus or HIV ay isang virus na primarily sexually transmitted,
ibig sabihin nakukuha ito kapag nakipagtalik sa isang HIV positive person. Maliban doon,
pwede rin itong makuha sa pagsasalin ng dugo o kaya sa pagshare ng hiringgilya o syringe
sa mga drug users at sa paggamit ng hindi malinis na karayom sa pagtatattoo. Panghuli,
pwede rin itong maipasa sa sanggol mula sa isang inang HIV positive mula sa
pagdadalantao, sa pagkapanganak at kahit sa breast milk.

May katotohanan bang pwedeng makuha ang HIV sa pakikipaghalikan, yakapan, paghiram
ng damit at kubyertos, kagat ng lamok, paggamit ng kubeta, pag ubo, o pagbahing?

Hindi. Ang HIV ay nakakahawa lamang sa pamamagitan ng exposure sa semen, dugo, o


breast milk.

Sa kahit anong uri ba ng pakikipagtalik, pwedeng mahawa ng HIV?

Oo, any kind that is unprotected sex ay may risk makahawa ng HIV. Pinakamataas ng risk
mahawa ay sa anal sex, sunod dito yung vaginal sex and lastly even oral sex.

Ano naman ang AIDS, kapag may HIV, ibig sabihin ba noon ay may AIDS na din?

Hindi. Ang HIV, inaatake nito ang lymphocytes isang uri ng white blood cell o puti ng dugo,
parte ito ng immune system natin na pangunahing panlaban ng katawan sa mga sakit lalo na
sa mga infection. Habang tumatagal, minsan umaabot sa 5-10 years, unti unti pinapahina ng
HIV ang immune system hanggang sa magkaroon ka ng AIDS or Acquired Immunodeficiency
Syndrome.

Ang AIDS ay yung kahahantungan ng HIV infection kapag hindi nacontrol yung pagdami ng
virus. At this point, sobrang hina na ng immune system na kahit simpleng infection ay malala
ang epekto sa katawan mo at pwedeng ikamatay. Kumbaga ito yung bad ending ng HIV
infection na gusto nating mapigilan and actually pwedeng mapigilan.

Paano ba malalaman kung may HIV? Ano yung mga signs and symptoms na makikita sa
isang tao?

May stages ang HIV infection.


Unang una ang acute stage na tumatagal ng ilang linggo. So for example, nangyari yung
unprotected sex today, few weeks after, maaring makaranas ng tinatawag nating nonspecific
symptoms tulad ng lagnat, sore throat, pamamaga ng mga kulani, madaling mapagod or
pagkirot ng mga muscles. Non-specific kasi pwede rin itong sintomas ng ibang sakit, tulad ng
flu o trangkaso, ibig sabihin hindi lang sa HIV nakikita ang mga sintomas nato.

Pangalawa ay ang latent stage. Yung mga nabanggit na sintomas kanina, gagaling ng kusa
yan pero hindi ibig sabihin wala nang virus sa katawan. Sa latent stage ng HIV infection,
walang kahit anong sintomas na nararamdaman ang isang tao pero nandoon padin sa
katawan yung virus. Habang dumadami yung virus sa katawan, sya namang pag onti ng
lymphocytes, yung binanggit ko kaninang pangunahing panlaban sa sakit.
Ang latent stage ay maaring umabot ng 5-10 years even more than 10 years, bago mauwi sa
pangatlong stage, ang AIDS. Dito na lumalabas yung mga sakit sakit na hindi na malabanan
ng immune system at pwedeng maging sanhi ng pagkamatay.

May test ba para malaman kung may HIV?

Yes, meron. Tinetest ang dugo kung positive for HIV.

Sino yung mga dapat i-test?

Since primarily sexually transmitted ang HIV, lahat ng taong sexually active ay pwedeng
magpatest actually. Kaya lang, diba dahil sa stigma, nag aalangan ang mga tao magpatest.
Pero confidential yung test result, and of course, mandatory testing. Nobody can force you to
have yourself tested. All we can do is to advocate for people to get tested, especially those
who are high risk.

Sino yung mga high risk?

Sila yung mga tao na nag eengage sa unprotected sex, men who have sex with men or MSM
(in fact malaking percentage ng mga diagnosed HIV cases ay MSM), people with multiple
sexual partners, sex workers. High risk din yung mga taong gumagamit ng injectable na
droga.

If i want to get tested, saan ako pwedeng magpunta?

May processo ang pagpapatest ng HIV. First is HIV counselling which is meron tayo dito sa
RHU ng Sta. Ana. As for the testing, may mga primary HIV care facilities designated
throughout the country. Sa region 2 ang pinakamalapit sa atin ay sa Tuguegarao (CVMC -
Haven of Hope).

Paano pag nagpositibo sa HIV?

Once nagpositive, isasailalim ka sa pangangalaga ng mga HIV treatment hubs kung saan
libre yung gamutan.

Yung gamutan dito ay hindi parang antibiotic na 7 days lang tapos na, mawawala na yung
bacteria sa katawan.

Walang gamot para mawala ang HIV sa katawan, meron lang tayong gamot para mapigilan
ang pagdami ng virus sa katawan. Tinatawag itong ​antiretroviral therapy​. Ang gamutan ng
HIV ay panghabang buhay, parang maintenance, kailangan tuloy tuloy na iniinom. At syempre
kailangan tuloy tuloy din ang follow up. Once tinigil mo yung gamot, dadami ulit yung virus sa
katawan mo tapos may chance pang maging resistant yung virus at hindi na sya tablan ng
gamot.

Ang overall goal ng treatment na ito ay mapigilan ang pagdami ng virus sa katawan to a level
na hindi na nakakahawa yung pasyente at saka para hindi na aabot sa AIDS stage.

Pwede pa rin bang mamuhay ng normal ang taong HIV positive?

Yes, as long as patuloy ang pag inom ng gamot, pwedeng mamuhay ng normal at hindi
nakakahawa ang isang taong HIV positive. May mga HIV support groups din all over the
country.

Para naman sa mga HIV negative, ano ang mga pwedeng gawin para makaiwas?

Practice safe sex and regular testing.

Kapag sinabing practice safe sex, hindi lang condom ang tinutukoy dyan. Tatlo yan, ABC,
A-abstinence o pag iwas or pagtanggi, B-be faithful, nabanggit ko kanina diba high risk ang
multiple sexual partners, one safe sexual practice is to stick to one partner, and C for correct
condom use. Hindi lang ito para sa HIV kundi para din sa mga iba’t ibang sexually transmitted
diseases o STD tulad ng tulo, syphilis, at iba pa.

Isa pang pwedeng prevention ay regular testing. Tulad ng sinabi ko, anyone who is sexually
active (ibig sabihin, nakipagtalik na at least once in their life) ay pwede magpatest. Again,
mas maaga madetect kung HIV positive, mas maaga masisimulan ang gamutan, therefore,
mas maganda ang kalalabasan.

Iwasan din ang droga lalo na yung tinuturok, kasi nakakahawa din ang HIV sa karayom.
Ayun.

Summary lol

HIV is a worldwide problem. Lalo na dito sa Pilipinas, one third ng new HIV cases ay nasa
15-24 year old age group, at patuloy parin ang pagtaas ng bilang ng kaso. Pero dahil nga sa
stigma, a lot of cases remain undetected until maging full blown AIDS na which is really a
problem.

(1) Imagine yung 5-10 years na latent stage na nabanggit ko kanina, walang sintomas so you
really dont know, within that period of time maaring makahawa ng iba which might add to this
HIV epidemic.
(2) Aside from that, once full blown AIDS na, medyo late na tayo don, in HIV, the earlier it is
detected, the better outcome.

So as an individual, ang maari nating gawin para makatulong sa worldwide problem na ito ay
to raise awareness on HIV, to advocate against the stigma, advocate for HIV testing, and
advocate for safe sexual practices. Kasi there are already treatment hubs kung saan libre
yung antiretroviral therapy. The problem is yung prevention and detection.

You might also like