You are on page 1of 3

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS (HIV).

Announcer:Mula sa bulwagang pambalitaan ng DZEE narito ang inyong pinagkakatiwalaang


mamamahayag sina Justine Domingo,Reyna Ellamil,Rizza Lagunero,Jade Malicdem, at Grace
Ann Narvarte at ito ang Issue sa Balita sa tanghali.

Justine:Magandang tanghali sainyong lahat mga partners at pati narin sa mga tagapakinig sa
aming radyo.
Rizza:Magandang tanghali din partner at sainyong lahat.
Reyna:Balita ko partners na dumadami na daw ang nagkakaroon ng HIV .
Jade:Oo nga partner,talaga namang padami na ng padami ang nagkakaroong ng HIV kada
araw sa Pilipinas.
Grace Ann:partners ,alam nyo ba na tinatayang araw araw ay mahigit sa 31 na katao ang
nadaragdag sa bilang ng mga nagkakaroon ng HIV.
Justine: Para doon po sa mga hindi nakakaalam ng HIV,ang HIV po kasi ay isang uri ng virus na
sumisira sa resistensya o immune system ng isang tao.
Reyna:Ang pagkakaroon ng HIV sa katawan ay tinatawag na HIV Infection.
Jade:Alam nyo ba partners na hindi nakakahawa ang paggamit ng basong ginamit ng HIV
Positive.
Rizza:Akala ko ay pwede kang mahawa sa paggamit ng ng basong ginamit ng HIV Positive mali
pala ako.
Jade:Alam nyo ba na maraming mga maling paniniwala tungkol sa HIV tulad ng pagyakap sa
taong may HIV,paggamit ng parehong palikuran o CR,pagligo sa swimming pool,kagat ng lamok
at iba pa.
Reyna:Yes, tama partner dapat wag tayong matakot na gumamit ng parehong baso na pinag
inuman ng HIV Positive.
Rizza: Para maiiwasan ang HIV transmissiona: Magpa test at magpagamot kung mayroong
sexually transmitted infection,huwag gumamit ng ipinagbabawal na itinuturok na
droga,siguraduhing ang mga gagamiting dugo na maaaring kailanganin ay dumaan sa tamang
proseso ng HIV screening.
Grace Ann:Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa HIV at kung paano ito maiiwasan.
Jade:Idag-dag kulang partners ahh,since HIV ay hindi naiipasa o maihahawa sa pamamagitan
ng casual contacts,wala tayong ikakabahala at hindi natin kailangan na apihin o tuksuhin ang
tao na may HIV.
Justine:Yes,tama ka dyan partner kailangan din natin sila irespect at dapat ay mag pakunsulta
na agad sa at para malaman nyo kung kayo ba ay positive or negative.
Grace Ann:At lagging tandaan na mag ingat.
Reyna:Muli maraming salamat po sa pakikinig at bukas ay maroon na naman tayong
panibagong issue na paguusapan.
Jade:Hanggang sa muli at maraming salamat po sa pakikinig.
Lahat:DZEE,Balita sa tanghali.

You might also like