You are on page 1of 29

Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

Osmeña Drive, Lungsod ng Kidapawan

Kamalayan ng mga Miyembro ng LGBT sa sakit na HIV/AIDS:


Instrumento sa Paggawa ng Preposisyong Pang-interbensyon

Isang Panukalang Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Senior High School


sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

Bilang Bahagyang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng


Asignaturang
Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Maricar,Garcia C.

Porferio,Gella D.

Padaong, Darious M.

Siarot,Rose MarieGraceP.

Bucog, JassyNovee R.

Enero 2018
KABANATA 1

PANIMULA

Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang sakit dulot ng

bayrus na kung tawagin ay AIDS (Acquired immune deficiency

syndrome).Ang sakit na ito ay nag papahina sa immune system at

ginagawang mahina ang isang tao at maari na syang dapuan ng

marami at kung ano anong mga impeksyon at sakit. Ang sakit na HIV ay

makikita sa body fluids ng isang taong may ganitong sakit dugo,

breastmilkatbp.(Nordqvist, 2015).

Ayon sa tala ng International Federation of Journalists ( IFJ Christian

warren) Halos 64 porsiyento ng impeksyon sa HIV sa buong mundo ay

matatagpuan sa Sub-Saharan African, tahanan ng 10 porsiyento ng

populasyon sa mundo. Noong 2005, na pag-alarma ng UNAIDS na 17.3

milyong kababaihan ang positibo ng HIV. Ang 13.2 milyon sa kanila ay

matatagpuan sa Sub-Saharan African.

Ayon sa (Department of Health HIV Registry of the Philippines 2017),

may 844 na bagong kaso ng HIV ang naitala noong Enero 2017

lamang. ang kabuuang bilang na naitalang kaso ng HIV mula January

1984. at mas mataas ng limang porsiyento kumpara sa datos noong

(Enero 2016). siyam-na-pu't anim na porsiyento sa mga biktima ng HIV ay

mga lalaki na karamihan ay 25 hanggang 35 taong gulang. Nasa 31

porsiyento naman ng mga biktima ang nasa edad na 15 hanggang


24. buhat sa pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki (males sex with males o

MSM) at pagtatalik ng transgender woman sa lalaki (TGW). Mayorya sa

mga tinatamaan ng impeksyon ay buhat sa edad 15 hanggang 24 taong

gulang.

May tatlong paraan kung paano nakukuha ang HIV virus.

Sa sex. Puwede kang mahawaan kapag ikaw ay nakipag-sex sa isang

taong positibo sa HIV virus. Sa mga hindi gumagamit ng condom, halos

walumpung porsyento ng kaso ng HIV-AIDS ay mula sa unsafe sex.

Pag gamit ng karayom. Ang mga drug addicts na naghihiraman ng mga

needles at injections ay puwedeng magka-AIDS. Ang pagsasalin ng hindi

malinis na dugo ay isang paraan din (infected blood via blood

transfusion).

Pag papanganak at pagpapasuso ng sanggol. Kapag ang nanay ay

positibo ng HIV virus, puwede niyang maipasa ang HIV sa kanyang

sanggol. Kailangan magpa-check ang nanay at mabakunahan ang

kanyang sanggol. (Willie, 2016)

Ang sakit na ito nag uumpisa bilang Hiv infection, kung saan ang

pasyente ay wala pang naramdaman. Pagkalipas ng ilang taon,

posibleng tuluyang sirain ng hiv virus ang immune system ng katawan.

Kapag bumagsak na ang resistensya ng pasyente, magkakaroon na ng

sintomas ng paglalagnat, pag-uubo at pamamyat. Ito na ang tinatawag


na AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome). Dahil dito, mas

mahalagang matutunan natin ang pag-iwas sa HIV virus. (Willie, 2016)

Layunin ng Pag-aaral

Pangunahing layunin ng pamanahong papel na ito ang matukoy ang

antas ng kamalayan ng mga miyembro ng LGBT hinggil sa sakit na HIV/AIDS.

Bilang pagtitiyak, nais matugunan ng pag-aaral na ito ang sumusunod na mga

tanong:

1. Matukoy ang demograpikong propayl ng mga miyembro ng LGBT, ayon sa

kanilang:

1.Gender Preference

2. Matukoy ang antas ng kamalayan ng mga miyembro ng LGBT ukol sa sakit na

HIV-AIDS, partikular sa konteksto ng:

3.1 mga paraan sa pagsasalin ng sakit

3.2 mga paraan sa pagkuha nito

3.3 mga interbensyong gagawin para maagang maagapan

3.4 mga suhestyong legal at teknikal ayon sa maagang pagtukoy

3. Makagawa ng preposisyong pang interbensyon na magbibigay tugon na

matukoy ang antas ng kamalayan ng mga miyembro ng LGBT sa sakit na HIV / AIDS
Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay maghahangad na matukoy ang antas

na kamalayan ng mga Miyembro ng LGBT sa sakit na HIV/AIDS. Ang mga

mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay magsisilbing

gabay at makakatulong sa mga mag-aaral sa mga guro sa mga

magulang sa mga mananaliksik sa lipunan sa mga administrasyon at sa

mga miyembro ng Komunidad ng LGBT.

Administrasyon ng paaralan makatutulong ang pag-aaral na ito

upang maimpluwensiyan rin sila na magkaroon ng mas matibay na

kampanya laban sa lumolobong mga tao nakakuha ng impeksyon

sa sakit na HIV/AIDS dito sa pilipinas

Guro dapat lamang na mag karoon ng sapat at tamang kaalaman ang

mga guro sa sakit na HIV/AIDS upang maipa unawa nila sa kabataan o

estudyante ang mga dapat at hindi dapat gawin. Ang pagtulong nila sa

pagbibigay ng tamang impormasyon at prebensyon ay lubos na ma

kakatulong sa sambayanan.

Lipunan magiging babala rin ito sa mga tao na ginagawa ang

tinatawag na Extra Marital Sex at Pre-Marital Sex. Maiiwasan ang

pinangangam bahang HIV-AIDS. Hindi sila magiging mangmang ukol sa

sakit na ito. Sapagkat sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay


makakatulong ng malaki upang maiwasan at maprotektahan ang inyong

kalusugan.

Magulang para magabayan nila ang kanilang mga anak at

mabigyang ng payo upang maiwasan ang ganitong uri ng sakit.

Mas lalawak pa ang kanilang kaisipan tungkol sa sakit na HIV/AIDS.

Mag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa

mga mag-aaral sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maari

ring malaman ang mga kakulangan na kaalamn at prebensyon

tungkol sa sakit na AIDS. Magkaroon pa ng mas malawak na

kamalayan at pag-iiwas sa pagkakaroon ng sakit na AIDS/HIV.

Miyembro ng Komunidad ng LGBT magkaroon pa ng mas malawak

na kamalayan at pag-iiwas sa pagkakaroon ng sakit na AIDS/HIV.

Para sa mga susunod na mga mananaliksik mapagpatuloy pa rin

ang pag-aaral para mas malawak pa ang kaalaaman at

kamalayan ng mga tao at mga miyembro ng LGBT sa sakit na

HIV/AIDS.

Saklaw at DelimitasyonngPag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy ng kamalayan ng mga

miyebro ng LGBT sa sakit na HIV/AIDS. Saklaw nito ang pag kuha ng mga

respondente sa mga miyembro ng LGBT Community sa sakit na HIV-AIDS sapagkat

sila ang pangunahing dahilan kung bakit mabilis ang paglaganap ang sakit na ito .
Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa pagkuha ng respondente sa mga

miyembro ng LGBT Community sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao sa

Lungsod ng Kidapawan . Gamit yamane's formula (1967) natukoy ng mga

mananaliksik kung i lang respondente ang kailangang kunin para sa pag-aaral na

ito.

Konseptual na Balangkas

INPUT PROSESO KINALABASAN

Sakit na HIV/AIDS sa Makagawa ng preposisyon


sumusunod na konteksto:
 Paggawa ng listahan pang interbensyon na
a. Mga paraan sa
ng mga katanungan magbibigay tugon na
pagsasalin ng sakit
o kwestyoner matukoy ang antas ng
b.Mga paraan sa
 Estatistikal na kamalayan ng mga
pagkuha nito
pamaraan: miyembro ng LGBT sa sakit
c.Mga interbensyong
na HIV / AIDS
gagawin para a.Means

maagang maagapan b.Frequency

d.Mga suhestyong legal


c.Percentage
at teknikal ayon sa

maagang pagtukoy d.weighted means

Talaguhitan Blg.1 Modelong IPO- ipinapakita ng modelong Input -

Process - Output ang mga pamamaraanan sa pagtukoy ng

makabuluhang pagkakaiba ng dalawanh baryabol.


Pagbibigay katuturan

Ang mga sumusunod ng mga terminong ginamit sa pag-aaral ay

binigyang Kahulugan upang ganap na malinaw at madaling

maunawaam ng sinumang babasa.

Ang mga sumusunod ng mga terminong ginamit sa pag-aaral ay

binigyang kahulugan upang ganap na malinaw at madaling

maunawaam ng anumang babasa.

Kamalayan. Ang salitang kamalayan ay galing sa salitang ugat

namalay. Ang ibig sabihin ng salitang kamalayan ay kaalaman sa isang

bagay. Ang katumbas nito sawikang Ingles ay awareness.

Lesbian, Gay, Biseksuwal at mga Transgender (LGBT) ay inisyal na nag

sasamang tumutukoy sa mga taong" lesbiyan, gay, biseksuwal at mga transgender".

Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkaka iba-iba ng

pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kulturana kung minsan ay

ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi hetero sekswal sa halip na

eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender.

Human Immuno Deficiency Virus(HIV) ay isang bayrus nanakukuha sa

pakikipagtalik at naipapasa din sa mga anak sa pamamagitan ng dugo.

Pinapahina nito ang resistensya ng tao upang makapasok ang mga opportunistic

Infections.
AIDS o Acquired Immuno Deficiency Syndrome ay isang bayrusna nakukuha sa

kadahilan na mababa na ang kanyang resistensya dulot ng HIV.

Teknikal ay ito ay komunikasyon sa larangan ng espesyalisadong bokabularyo

tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Karamihan

sa teknikal ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil

hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw.

Suhestiyon ay ang pagbibigay ng sariling pananaw o paniniwala tungkol sa

larangan ng natatanging bagay. Ang ibag salita para sa salitang "suhestiyon" ay

ang mga sumusunod: 1. Panukala, idea, teorya at kaisipan.


KABANATA II

MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Global na Perspektibo

Ayon pa sa Center for Disease Control and Prevention, ang

AIDS(Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit

nabunga o dulot ng virus na tinatawag na HIV (Human Immunodeficiency

Virus).A n g v i r u s a y u m a a t a k e s a s i s t e m a n g p a n l a b a n s a s a k i t n g

tao ang lymphocyteso T-helper cells. Ito ay isang uri ng white blood cell

(leukocytes) nasiyang pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit.

Sinisira nito ang mga bacteria at virus at iba pang microorganisms na

pumapasok sa katawan ng tao.

Ang normal na halaga ng T-helper cells ay nasa 1000 cubic millimeters

(20%- 40% ng total leukocyte count). Kapag mas mababa sa 200 ang bilang,

ang depensa ng katawan ay humihina, madaling kumapit ang iba’t ibang

impeksiyonat kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang biktima ay may AIDS.

(Abletis,2012).

Ilan sa mga katangian ng taong may sakit na AIDS maliban sa

mababangbilang ng mga T-helper cells ay ang pagiging positibo sa

pagsusuri hinggil sa HIV, ang pagkakaroon ng ilang natatanging karamdamang

kagaya ng ‘Kaposi’sS a r c o m a ’ (isang agresibong kanser na


t u m u t u b o s a b a l a t o s a b i b i g ) , Pneumocystis carinii pneumonia(PCP),

Tuberculosis, at iba pang sakit na dulot ng mga fungi. (Abletis, 2012)

Ayon sa bagong istatiska, Nananatilling isang pangunahing problema ng

pampublikong kalusugan ang Aids/ HIV. Noong 2005, Ang Aids ay ang pang-

anim-nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga taong may edad na 25-

44, at AIDS ay ang pangatlong pangunahing dahilan ng kamatayan para sa

mga Aprikano-Amerikano kababaihang may edad na 25-44. Bilang

karagdagan, ang lumalaking bilang ng mga taong may sakit na Aids/HIV ay

isang malaking problema ng mga komunidad. Mayroong higit sa 56,300

bagong HIV impeksyon sa bawat taon at may kabuuang 1,100,000 ang mga

taong may sakit na HIV/AIDS. 21 porsiyento ay hindi pa alam na sila ay maysakit

na Aids. At habang patuloy ang paglago ng teknolohiya sa medisina upang

mapuksa ang aids, hindi lahat ay nabibigyan ng tamang pag aalaga at gamut

(Rochkind, 2009).

HIV ang pangatlo sa pinakadahilan ng pagkamatay ng mga taga-South

Africa noong 2013, tumaas ang puwesto noong mga huling taon at ito ang

pangalawa sa pinakanakakamatay na sakit sa mga bata, ayun sa survey ng a

hensiya ng pambansang istatistika na ipinakita noong Martes. Batay sa survey

sa 458,933 namatay noong 2013, ipinakita na ang HIV ang responsible sa 11

porsiyento ng pagkamatay ng may edad 15 hanggang 44, sabi ng Istatistika ng

South Africa (Toyana, 2014).


National at Lokal na mga Datos

Ayon sa ulat nila Mariboy Ysibido NCR ang Pinakamaraming

naitalang bagong kaso ng HIV-AIDS ay mula sa National Capital Region

(NCR) kung saan kabilang ang Metro Manila, pangalawa lamang ang

CALABARZON at ikatlo ang Davao at Central Luzon. Ito ang kinumpirma

ni Department of Health (DOH) Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy sa

programang Ratsada. (DWIZ 882 , 2015)

Ayon sa Department of Helath Nagbabala na maaaring umabot sa

uncontrollable levels sa loob ng ilang taon ang kaso ng HIV sa anim na

siyudad sa bansa dahil sa antas ng pagdami ng kaso (Geronimo, 2015).

Ang mga siyudad na ito ay Quezon City (6.6 porsiyento), Manila (6.7 porsiyento),

Caloocan (5.3 porsiyento), Cebu (7.7 porsiyento), Davao (5 porsiyento), at

Cagayan de Oro (4.7 porsiyento). Mayroon ding mga high risk areas katulad ng

Antipolo, Cainta, Star Rosa, Laguna, at iba pa (Geronimo, 2015).

Habang ang tala ng kaso ng HIV sa mga bansa sa daigdig ay patuloy na

bumababa, ang Pilipinas, kasama ang anim pang bansa (Bangladesh,

Armenia, Georgia, Kazhakstan, Kyrgyztan, Tajikistan), ay patuloy na nagtatala

ng tumataas na kaso ng HIV kada araw/taon (Crisostomo, 2011).


Ang Pilipinas sa may pinakamataas na record ng may

pinakamaraming HIV cases sa buong mundo.Ito ang inilabas na

global report ng United Nations Aid Organization noong July 20 kung

saan 140% ang itinaas ng mga kaso mula 2010 hanggang

2016.Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na nakakalungkot ang

nabanggit na report dahil sa kabila ng inilunsad nilang information

campaign kontra sa HIV/AIDS ay tumaas pa rin ang kaso ng mga

nagkakasakit nito. 85% aniya ng mga naeksamin na nagpositibo sa HIV

ay man to man o nakuha ang sakit dahil sa pakikipagtalik sa kapwa

lalaki. Sinabi ni Ubialna isa sa mga dahilan kung bakit lumaki ang bilang

ng mga may HIV ay ang stigma kapag nagpapatingin sa mga doktor

dahil tila nahuhusgahan umano agad ang mga ito. (Taliping, 2017)

Ang Pilipinas sa natitirang pitong (7) bansa sa mundo na

nakikipaglaban pa sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) o AIDS virus.

Noong Nobyembre 2012, pumalo na sa 11,409 ang bilang ng mga HIV

carriersa Pilipinas. Nabatid na mula Enero 2012 hanggang Nobyembre

2012, umaabot sa 3,045 ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng

sakit na hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang lunas.Simula

noong 1984 hanggang 2010, umaabot lamang sa 6,985 ang naitalang

HIV carriers sa Pilipinas subalit 3,045 ang naitalang mga bagong kaso sa

loob lamang ng nagdaang 11 buwan ng nakaraang taon.

Nangangahulugan lamang na patuloy na bina balewala ng mga Filipino


ang nasabing sakit kaya dapat umanong paigtingin pa ang education

campaign laban sa HIV (Taguinod, 2013).

Mga paraan sa pagsasalin ng sakit at mga paraan sa pagkuha nito

Ayon kay John ang paraan ng pagkuha at pagsasalin ng HIV/AIDS

Naisasalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng:

1. Pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS,

2. Sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo,

3. Sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS, iv)

4. Paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo

o body piercing, at

5. Ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng

pagdadalan tao, panganganak at pagpapasuso (Abletis, 2010).

Mga interbensyong gagawin para maagang maagapan

Maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV at AIDS sa pamamagitan ng mga

sumusunod na gabay na titik pang-abakada.

 A – Para sa Abstinesiya (pagpipigil at pagtangi, pagsasabi ng

Ayoko muna! Sa katalik kung ibig nitong makipagtalik.

 B – Para sa Basta, ikaw lang! ang katalik o pag-ibig ng iyong

asawa o kasintahan (katumbas ng Be Faithful sa Ingles).


 C – Para sa condom ay gamitin o correct condom use pagamit

at tamang pagmit ng kondom.

 D – Para sa droga ay iwasan. Don’t take drugs sa Ingles

 E – Para sa Ingles na Early Diagnosis treatment o maagang

pagpapatingin at pagpapagamot sa mga manggagamot at

pagamutan

Nagmula 1984 hanggang Oktubre 2013, umabot na sa 15,774 ang

HIV positive cases sa bansa. Karamihan sa mga nagkasakit ay mga

lalaki na nakuha sa pakikipagtalik (93% o 14,648). Apat na

porsiyento naman (666 kaso) sa pamamagitan ng hiraman ng

injection ng mga drug users. Mayroondin nahawa sa pamamagitan

ng blood transfusion (20 kaso) at pagpasa ng ina sa anak (62 kaso)

(FRJ, 2013).

Mga suhestyong legal at teknikal ayon sa maagang pagtukoy

Agham pangkalusugan

Sino ang dapat mag-hiv testing?Ang sagot dito ay, “Dapat magpa-

HIV testing ang mga taong nasa kategorya ng “High Risk”. Ang mga

“High Risk” na tao ay ang mga sumusunod:

(1) Mga lalaki na nakikipag-sex sa kapwa lalaki o MSM;


(2) Mga taong gumagamit ng bawal na gamot at

nakikipaghiraman ng karayom na gamit na (IV drug users);

(3) Mga taong nakikipagtalik ng walang proteksyon gaya

ng condom;

(4) Mga taong nagpapabayad para sa sex o mga commercial sex

workers. Ngunit kahit hindi mo itinuturing ang sarili mo na kabilang sa

ito, kung may posibilidad na nahawa ka ng HIV/AIDS batay sa mga

paraan ng pagkakahawa ng HIV (tingnan ang artikulo sa “Kaalam

tungkol sa HIV”), rekomendado ring magpa-HIV testing ka.

Bakit mahalaga ang hiv testing? Una, kapag mas maagang

malaman ng isang tao na siya ay may HIV, kaagad siyang makakainom

ng mga gamot na panlaban sa HIV/AIDS; hindi man kayang puksain ng

mga gamot ang HIV sa loob ng katawan; pinapabagal nila ang paglala

ng HIV patungo as AIDS, ang nakakapagpahaba ng buhay. Pangalwa,

kapag nalaman ng isang tao na siya ay may HIV, maaari niyang

maproketahan ang ibang tao sa pagkakaron ng HIV sa pamamagitan ng

pag-iwas sa sex o abstinence o ang paggamit ng proteksyon gaya ng

condom.

Paano malaman kung ikaw ay may hiv/aids? Upang malaman ang

HIV status (HIV positive o HIV negative), kailangan suriin ang iyong dugo

sa laboratoryo – isang proseso na sa simpleng salita ay tinatawag na HIV


Testing. Sa Pilipinas at sa maraming mga bansa, ang HIV testing ay

binubuo ng dalawang hakbang. Una, HIV Screening ang ginagawa sa

pamamagitan ng ELISA o isang uri ng laboratory test na naghahanap ng

mga antibodies na reaksyon ng katawan sa impeksyon ng HIV. Ang mga

antibodies ay lumilitaw makaraan ang anim na buwan matapos mahawa

ng HIV ang isang tao. Dahil dito, maaaring hindi makita sa HIV Screening

ang presensya ng HIV, lalo na kung ito’y bagong hawa. Ngunit kung

negatibo ang resulta ng HIV screening, dalawa lamang ang posibilidad:

ikaw ay walang HIV (HIV negative) o nakuha mo ang HIV sa huling 6 na

buwan. Ngunit kung wala ka namang high-risk behavior na ginawa sa

huling 6 na buwan, malamang ikaw ay HIV Negative.Kung positibo ang

resulta ng HIV Screening, kailangang ikompirma ng HIV Confirmatory

Test kung talaga bang ikaw ay may HIV. Ito’y ginagawa sa pamamagitan

ng isa pang laboratory test, ang Western Blot. Ang pagsusuring ito ay

“very accurate” at kung positibo ka, tiyak na positibo ka talaga. Kung

positibo ka dito, ikaw ay HIV Positive at dapat umpisahan ang gamutan

sa lalong madaling panahon.Ang HIV Testing ay confidential at maaaring

gawin sa HIV Testing Centers sa Pilipinas. Bisitahin ang artikulong Listahan

ng mga HIV Testing Centers sa Pilipinas upang malaman kung saan

maaaring magpa-test para sa HIV.


METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito malalaman kung anu ang mga ibat-ibang

paraan na ginamit upang maisagawa ang pag-aaral na ito.disenyo ng

pag-aaral. Lokal na pag-aaral o saan gawin ang pag-aaral pamaraan sa

pagpili ng sampol mga respondente, instrunmentong ginamit sa pag-

aaral mga paraan sa pagtitipon ng mga datos at pag-aanalisa ng mga

datos na nakuha.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

deskriptib-korelasyunal na pag-aaral. upang malamin ang iba't ibang baryabol

na magkakaugnay o may relasyon sa isa't isa sa target na populasyon. Tunguhi

ng disenyong deskriptib Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang

damdamin, pananaw at kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga

respondente.

Lokal na Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa Dalubhasaan sa Gitnang

Mindanao sa Lungsod ng Kidapawan.Ang pag-aaral na ito ay sinimulan

sa ikalawang semestre ng taong pampaaralan 2017-2018


Pamamaraansa Pagpili ng Sampol

Upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito ang mga

mananaliksik ay gumamit ng random sampling procedure na pagpili ng

mga respondente.

Ang mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga miyembro ng

LGBT community sa sakit na HIV/AIDS sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

ikalawang semester ng taong pampaaralan 2017-2018. Dahil sa di kalakihang

bilang ng mga miyembro ng LGBT sa Dalubhasaan sa gitnang Mindanao sa

pamagitan ng random sampling kumuha ng tig lilimang respondent upang mag

karoon ng pantay na representasyon.

Instumentong Ginamit

Ang maga mananaliksik ay gagamit ng Likert scale sarbey-

kwestyuner na naglalayong mangalap ng mga datos upang masuri ang

damdamin, pananaw at kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga

respondent. Ang talatanungang ito ay susuriin at iniinterpret ang mga

pananaw, damdamin, at kaalaman ng mga respondente hinggil sa isang

paksang usapin.
Paraan ng Pagtitipon ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng liham upang humingi ng

pahintulot sa punong guro sa Senior High school sa Dalubhasaan sa

Gitnang Mindanao na kung saan ay inaasahan na gawin ang pag-aaral

ang pagbibigay ng sarbey-kwestyuner sa mga respondente ay

gaganapin tuwing bakanteng oras ng mga mananaliksik. Pagkatapos

ang sarbey-kwestyuner ay kokolektahin ng mga mananaliksik at ang

mga nakuletang datos o mga impormasyon ay i-aanalisa at

interpretahinng mga mananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos o impormasyong nalikom o nakuha ay i-aanalisa

at binigyang interpretasyon ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik

sa pag-aaral na ito ay gagamit ng mga grapiko at mga istatistikal na

Pamamaraan upang maging maayos na mapaliwanag ang nagiging

resulta ng pag-aaral na ito. Ang unang layunin ay gagamit ng “mean” at

“frequency” habang ang ikalawa naman ay gagamit ng “percentage

pakuha ng porsiyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong

katumbas sa porsiyento niyon.


Talatanungan:

Direksyon; punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga

kasunod napatlang. Kung may pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek

ang patlang na tumutugma sa iyong sagot.

1. Strongly disagree 4. Agree

2. Disagree 5. Strongly Agree

3. Neutral

A. Mga paraan sa pagsasalin ng sakit 1 2 3 4 5

1. Mainam ba ang pagkikipagtalik lalo na sa hindi maingat na vaginal o

anal intercose?

2. Mainam ba ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki?

3. Mainam ba ang pagtangap ng dugo mula sa taong may HIV-

AIDS?

4. Mainam ba ang pag gamit o pakikihati sa kutsara, tinidor at baso ng

may HIV-AIDS?

5. Mainam ba ang pag inom ng gamot sa bibig, hindi ang

pagturok nito sa katawan?


B.Mga paraan sa pagkuha nito 1 2 3 4 5

1. Sa pamamagitan ba ng perinatal node na ang ibig sabihin ay

mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagdadalan tao,

panganganak o pagpapasuso?

2. Sa pamamagitan ba ng pagtalsik sa mga mucus membrane

tulad ng mata o bukas sa sugat ng kontaminadong dugo o likido sa

katawan?

3. Sa pamamagitan ba ng pagamit ng parehong karayom lalong-

lalo na sa mga nagtuturok ng ipinagbabawal na gamot?

4. Sa pamagitan ba ng pakikipaghalikan mula sa taong may HIV-

AIDS?

5. Sa pamamgitan ba ng pakikipaghawan mula sa taong may HIV-

AIDS?

C.Mga interbensyong gagawin para maagang maagapan 1 2 3 4 5

1. Mainam ba ang pag-iwas sa paggamit ng mga nakatutusok na

instrumento sa balat?

2. Mainam bang sabihin ninyo ang i nyong mga sexual partners kung kayo ay

may HIV-AIDS?
3. Mainam ba ang pag-iwas sa pakikipag talik sa mga bakla o masasamang

babae o patutot?

4.Mainam ba ang mag pa HIV testing ang mga taong nasa

kategorya ng “High Risk”?

5.Mainam ba ang paglimita sa sarili sa isa o limitadong bilang ng

mga katalik na walang HIV-AIDS?

D. Mga suhestyong legal at teknikal ayon sa maagang pagtukoy 1 2 3 4 5

1. Sa inyong palagay sapat na sapat ba ang kakayahan ng mga ospital sa

ganitong sakit na HIV/AIDS?

2. Sa iyong pananaw, sapat na sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang

ma ipaalam sa mga mamamayan ang tungkol sa sakit na HIV/AIDS?

3. Sa iyong palagay, sapat na sapat ba ang kaalamang binabahagi o itinuturo sa

Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao sa Lungsod ng Kidapawan tungkol sa

HIV/AIDS?

4. Nakaka tulong ba ang pamamahagi ng condom ng DOH sa mga

paaralan?
5.
LASANGUNIAN

INTERNET

Bernard Taguinod (2013) 'PINAS MARKADOSA AIDSRECORD.

http://www.abante.com.ph/issue/jan1313/news01.htm

FRJ,GMA News (2013)Lugar na may pinakamaraming kaso ng HIV/AIDS sa

Pinas.

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/338331/lugar-na-

may-pinakamaraming-kaso-ng-hiv-aids-sa-pinas/story/

John N. Abletis (2010) Mga Dapat malaman sa sakit na HIV infection

https://www.scribd.com/doc/43461628/Mga-Dapat-Malaman-Sa-Sakit-Na-HIV-

Infection-at-AIDS?_e_pi_=7%2CPAGE_ID10%2C9024842869

John N. Abletis (2012) Mga Dapat Malaman Sa Sakit Na HIV Infection at

AIDS

https://www.scribd.com/doc/43461628/Mga-Dapat-Malaman-Sa-Sakit-Na-HIV-

Infection-at-AIDS
MfunekoToyana(2014)HIV ang pangatlo sa pinakadahilan ng pagkamatay ng

mga taga-South Africa

https://af.reuters.com/article/commoditiesNews/idAFL6N0TM1Q920141202?_e_p

i_=7%2CPAGE_ID10%2C4736552484

Crisostomo, S.(2011). Phl among 7 countries with increasing HIV cases.

Retrieved from

https://www.philstar.com/headlines/2011/09/18/728036/phl-among-7-

countries-increasing-hiv-cases

Geronimo, J. (2015). HIV in 6 PH cities may reach 'uncontrollable' rates –

DOH. Retrieved from

https://www.rappler.com/nation/89412-hiv-6-philippine-cities-

uncontrollable-rates

Christian Nordqvist (2015)

https://www.medicalnewstoday.com/articles/17131.php?_e_pi_=7%2CPAGE_ID

10%2C3160467015

UNAIDS ORGANIZATIONAL

http://www.doh.gov.ph/search/apachesolr_search/hiv

Christopher Werren presedent of (International Federation of Journalists)


http://www.media-diversity.org/en/additional-

files/documents/A%20Guides/HIV%20AIDS%20media%20guide%20philipine

s%20[EN].pdf

Aileen Taliping DWIZ 882( 2017) kaso ng hiv sa buong mundo isa ang
pilipinas sa may pinakamaraming naitala
http://www.dwiz882am.com/index.php/kaso-ng-hiv-sa-buong-mundo-isa-

ang-pilipinas-sa-may-pinakamaraming-naitala/

Mariboy Ysibido | Ratsada Balita | Judith Larino | Len Aguirre

(DWIZ 882 , 2015)

http://www.dwiz882am.com/index.php/ncr-may-pinakamaraming-

naitalang-bagong-kaso-ng-hiv/

You might also like