You are on page 1of 20

HIV at Aids

Polytechnic University of the Philippines


College of Engineering
NDC Compund, Pureza St. Sta. Mesa Manila

Kaalaman sa HIV at Aids

Mikhail T. Abanilla

Marvin R. Vapor

John Carlo C. De Vera

FILI 1023: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Prof. Maria Victoria Rio-Apigo

Marso 17, 2018


HIV at Aids

Abstrak

Ang mga mananaliksik ay naglayon na makuha at malaman ang mga pananaw at reaksyon

ng estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang politeknik

unibersidad ng pilipinas ukol sa kumakalat na sakit na HIV at Aids na kung saan sa panahong

ngayon ay kahit sino ay pwedeng mag karoon kung walang labis na kaalaman sa HIV at Aids.

Ang mga mananaliksik ay naglayon din na malaman at makuha ang kahalagan ng mga pananaw

ukol sa kaalaman sa HIV at Aids. Ang mga mananaliksik ay naglayon din na ito ay maibahagi,

malaman ang kahalagan, kasapatan at malaman o makuha ang mga pananaw at reaksyon ng mga

estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal ukol sa kaalaman ng HIV at

Aids. Natuklasan sa kabuuan ng pag-aaral, ang mga mag-aaral na magtatapos na inhinyerong

mekanikal ay malaki ang porsyento ng mga may sapat na kaalaman lamang sa Hiv at Aids.

Natuklasan din namin na maraming nababahala sa kanila patungkol sa Hiv at Aids. Ang mga mag-

aaral na magsisipagtapos ng inhiyerong mekanikal natuklasan din namin na lubos na nakakatulong

ang kanilang kaalaman tungkol sa Hiv at Aids. Natuklasan din namin mas madaling maiibabahagi

ang kaalaman tungkol sa Hiv at Aids gamit ang internet o social media ayon sa mga inhinyerong

mekanikal. Nirerekomenda namin sa mga susunod na mananaliksik na saliksikin nila ang mga

paraan upang maiwasan ang HIV at Aids. Upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga tao

patungkol dito.

Keywords: HIV at Aids, Kaalaman, Pananaw.


HIV at Aids

Talaan ng nilalaman

Abstrak……………………………………………………………………..i

I. Panimula……………………………………………………………………………1

Layunin ng pag-aaral…………………………………………………………………1

Sulirain ng pag-aaral………………………………………………………………….2

Teyoretikal at konseptwal na balangkas ng pag-aaral………………………………...2-4

Metodolohiya………………………………………………………………………….4-6

II. Paglalahad, analisis at interpretasyon ng mga nakalap na impormasyon..................6

Dokumento mula sa sarbey……………………………………………………………7-11

III. Paglalahad ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon………………………..11

Natuklasan……………………………………………………………………………..11

Konklusyon……………………………………………………………………………11-12

Rekomendasyon……………………………………………………………………….12

IV. Referensya…………………………………………………………………………12

Referensyon…………………………………………………………………………...12-13

IV. Apendiks..................................................................................................................13

Apendiks A....................................................................................................................13-14

Apendiks D....................................................................................................................15

Apendiks F.....................................................................................................................16-17
HIV at Aids

Panimula

Pag papakilala sa paksa ng pag-aaral

Ang HIV ay isang malalang sakit na wala pang lunas. Ito ay isang bayrus na pwedend

makuha sa immunodeficiency syndrome, o AIDS na kung saan kapag nahawa o nagkaroon ka ay

walang lunas. Ang AIDS naman ay isang malalang lebel ng HIV inpeksyon. Ito’y nakakasira at

nakakaapekto sa ating immune system na kung saan ay dadami ang bilang ng inyong malalang

sakit na tinatawag na opportunistic inpeksyon. Sa patuloy na paglaganap ng sakit na ito maraming

estudyante pa rin ang hindi nakakaalam ng sakit na ito kung saan lahat ay pwedeng magkaroon at

sa ngayon wala pang lunas sa sakit na ito. Pinili namin itong paksa para maibahagi ang masamang

dulot ng pagtatalik ng hindi nag-iisip bago gawin. Pinili naming paksa ito upang aming maipakalat

ang kahalagan ng pagkakaroon ng kaalaman sa HIV at Aids.

Layunin ng pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makuha at malaman ang mga pananaw at reaksyon

ng estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang politeknik

unibersidad ng pilipinas ukol sa kumakalat na sakit na HIV at Aids na kung saan sa panahong

ngayon ay kahit sino ay pwedeng mag karoon kung walang labis na kaalaman sa HIV at Aids.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at makuha ang kahalagan ng mga pananaw ukol

sa kaalaman sa HIV at Aids. Isa pa sa layunin ng pananaliksik na ito ay maibahagi, malaman ang

kahalagan, kasapatan at malaman o makuha ang mga pananaw at reaksyon ng mga estudyanteng

magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal ukol sa kaalaman ng HIV at Aids.

1
HIV at Aids

Suliranin sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naka tuon sa mga mag-aaral na mag tatapos sa Enhinyerong

mekanikal ng politeknikong unibersidad ng pilipinas na nag lalayong masagot ang aming mga

sumusunod:

1. Gaano kasapat ang pagkakaroon ng kaalaman at reaksyon sa HIV at Aids ng mga estudyanteng

magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang politeknikong unibersidad ng

pilipinas?

2. Ano ang pananaw ng mga estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa

paaralang politeknikong unibersidad ng pilipinas ukol sa kung paano maibabahagi ang kaalaman

sa HIV at Aids?

3. Gaano kahalaga ang kasapatan ng kaalaman at reaksyon sa HIV at Aids at iminumungkahing

pagbabahagi ng kaalaman ukol sa HIV at Aids ng estudyanteng magsisipagtapos ng kursong

inhenyerong mekanikal sa paaralang politeknikong unibersidad ng pilipinas?

Teyoretikal na pag-aaral

AIDS (Acquired ImmuneDeficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit na bunga o

dulot ng virus na tinatawag na HIV (Human Immunodeficiency Virus) ayon sa Center for Disease

Control and Prevention (1986). Ang virus ay umaatake sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao –

ang lymphocytes o T-helper cells. Ito ay isang uri ng white blood cell (leukocytes) na siyang

pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit. Sinisira nito ang mga bacteria at virus at iba

pang microorganisms na pumapasok sa katawan ng tao. Ang normal values ng T-helper cells ay

nasa 1000 cubic millimeters (20% - 40% of total leukocyte count). Kapag mas mababa sa 200 ang

2
HIV at Aids

bilang, ang depensa ng katawan ay humihina, madaling_kumapit ang iba’t ibang impeksiyon at

kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang biktima ay may AIDS (Abletis 2010).

Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao. Noong taon 2010,

tinatayang 34 milyon na tao sa buong mundo ang namumuhay na may HIV virus, 1.8 milyon ang

namatay dahil sa AIDS, at 271 Filipino OFWs ang naitala na may HIV/AIDS. Naalarma ang UN

upang gumawa ng mga hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS at inilagay na

layunin ng bawat kasaping bansa na masugpo ang AIDS hanggang taong 2015 at ang pagkatatag

ng UNAIDS bilang pangunahing kamay ng UN sa pagpigil ng paglaganap at pagmomonitor ng

mga kaso ng HIV/AIDS sa buong mundo (Abletis. 2010).

Ang AIDS o Acquired lmmuno-deficiency syndrome ay sanhi ng HIV o Human

lmmunodeficiency Virus Ito ay maliliit na mga organismo na kapag nakapasok sa katawan ng tao

ay magdudulot ng unti-unting panghihina ng katawan, partikular ang resistensyaldepensa ng

katawan (immune system) laban sa sakit, na maaaring humantong sa kamatayan. Mangyari ay

inaatake at sinisira ng mga HIV ang mga Lymphocytes o T-helper cells (T4), isang uri ng white

blood cell (leukocytes), na syang dapat sumisira sa mga bacteria at virus na pumapasok sa katawan

(Hyde & DeLamenter, 2000). Ang mga white blood cells o leukocytes ay pangunahing depensa

ng katawan laban sa mga sakit. Kinakain nila ang mga bacteria, virus at iba pang microorganisms,

o kung hindi naman ay sinisira nila ang porma ng mga ito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga

enzyme. Dahil sa pagbaba ng bilang ng mga leukocytes, partikular ang lymphocytes, sa katawan

ng biktima ng HIV, ang mga bacteria at iba pang organismo na dapat sana ay hindi nakakapanatili

sa katawan ng tao ay dumarami, sanhi para maging sakitin ang taong may HIV. Ayon nga sa

Philippines' Health Guide (1996, p. 148), maski ang mga simpleng sakit na kayang kaya naman

ng immune system kung tutuusin ay pwedeng humantong sa malalang komplikasyon. Ilan sa mga

3
HIV at Aids

komplikasyon na maaaring danasin ng isang biktima ng HIV/AIDS ay Kaposis Sarcoma, ibat-

ibang uri ng cancer, tubercolosis, at matinding diar•hea. Ang HIV ay may dalawang strain, o uri.

Ang sanhi ng HIV o AIDS ay isang virus na tinatawag na ‘retrovirus’. Ang virus na ito ay

nasa katawan ng mga taong may HIV o AIDS – at taglay ito ng dugo, semilya, at iba pang likido

ng katawan o body fluids. Dahil dito, ang pagkakahawa ng HIV/AIDS ay nakasalaysay sa

pagkaka-‘expose’ ng isang tao sa mga likidong ito ayon sa Kalusuganph (1999).

Konseptwal na balangkas

Marami na ang naisagawang pag-aaral ukol sa Hiv at Aids. Ang pagkakaroon ng sapat na

kaalaman sa HIV at Aids ay naaayon sa inulat ni Abletis na nagsasabing ang pagiging malusog

ay isang rekwisto para sa isang masayang buhay. Ang Aids ay sanhi ng HIV ayon kay Abletis. Ito

ay maliliit na mga organismo na kapag nakapasok sa katawang tao ay magdudulot ng unti-unting

panghihina ng katawan, partikular ang resistensya at depensa ng katawan laban sa sakit, na

maaaring humantong sa kamatayan. Sapagkat ang mga kaalamang ito ay nanggagaling sa mga

aralin ng Politeknic Unibersidad ng Pilipinas. Sa paraang ito, mas naeempasis ang mga kaalaman

at maaari rin itong maibahagi sa iba.

Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng metodong kwantitatibo sa pagkalap ng datos. Sa

pag kalap ng datos nag serbey kami ng limampung katao ng inhinyerong mekanikal ng unibersidad

ng Pilipanas at ang uri ng tanong na ginamit namin ay may pagpipilian at na may open ended na

serbey. Ang mga katanungang ginamit sa sarbey ay ang mga sumusunod:

4
HIV at Aids

1.Sa iyong palagay, sapat ba ang antas ng iyong kaalaman sa usaping HIV/ AIDS?

 Alam na alam

 Sapat na kaalaman

 Kaunting kaalaman

 Walang kaalaman

 Walang pakialam

2. Ano ang reaksyon mo sa mabilis na pagkalat ng HIV/AIDS sa ating panahon ngayon?

 Takot

 Nababahala

 Nadidismaya

 Nandidiri

 Hindi nangangamba

 Walang pakialam

3.Bilang isang estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang

politeknik unibersidad ng pilipinas nakakatulong ba ang inyong kaalaman sa HIV/AIDS?

 Lubos Na nakakatulong

 Nakakatulong

 Hinde nakakatulong

 Walang kwenta

5
HIV at Aids

4. Sa iyong palagay, ano ang mas mabisang paraan para mas maibahagi sa iba ang kaalaman sa

HIV/AIDS?

 Radyo

 Telebisyon

 Usap-usapan

 Dyaryo

 Internet

 Paaralan

 Health Center

5. Sa iyong palagay, ano ang mas mabisang paraan para mas maibahagi sa iba ang kaalaman sa

HIV/AIDS?

Paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap na impormasyon

Sa bahaging ito ipinapakita ang paglalahad, pagsusuri at ang interpretasyon ng mga nakalap

na datos at impormasyon ng mananaliksik. Ang layunin ng pag-aaral ay tugunan ang kakulangan

sa kaalaman ng mga ordinaryong tao at udyukin sila na alamin ang sakit na Hiv at Aids. Ang mga

nakalap na datos ay pag-aaralan ng mananaliksik para masagot isa-isa ang mga nasabing suliranin

sa pag-aaral.

6
HIV at Aids

Dokumento mula sa serbey

Sa pagpipiliang sagot sa aming unang tanong sa survey questionnaire ang sapat na

kaalaman ang may pinakamataas na porsyento na nakakuha ng 46 na porsyento na may katumbas

ng 24 na respondante, ang sumunod naman ay ang kaunting kaalaman na nakakuha ng 34 na

porsyento na may katumbas na 17 na respondante, ang sumunod naman dito ay ang alam na alam

na nakakuha ng 18 na porsyento na may katumbas na 9 na respondante, ang sumunod naman dito

ay ang walang kaalam alam na nakakuha ng 2 porsyento na may katumbas na isang respondante,

at habang ang walang pakialam ay nakakuha ng 0 respondate.

Porsyento

Alam na alam 18%

Sapat na kaalaman
46%
Kaunting kaalaman
34%
Walang kaalaman
2%

7
HIV at Aids

Sa pagpipiliang sagot sa aming pangalawang tanong sa survey questionnaire ang

nababahala ang may pinakamataas na porsyento na nakakuha ng 64 na porsyento na may katumbas

ng 32 na respondante, ang sumunod naman ay ang nadidismaya na nakakuha ng 12 na porsyento

na may katumbas na 6 na respondante, ang sumunod naman dito ay ang takot na nakakuha ng 10

na porsyento na may katumbas na 5 na respondante, ang sumunod naman dito ay ang hindi

nangangamba na nakakuha ng 8 porsyento na may katumbas na 4 respondante, ang sumunod

naman dito ay ang walang pakialam na nakakuha ng 6 porsyento na may katumbas na 3

respondante, at habang ang nandidiri ay nakakuha ng 0 respondate.

Porsyento

Takot 10%
Nababahala 64%
Nadidismaya 12%
Nandidiri 0%
Hindi nangangamba 8%
Walang pakiaalam 6%

8
HIV at Aids

Sa pagpipiliang sagot sa aming ikatlong tanong sa survey questionnaire ang nakakatulong

ang may pinakamataas na porsyento na nakakuha ng 50 na porsyento na may katumbas ng 25 na

respondante, ang sumunod naman ay ang hinde nakakatulong na nakakuha ng 32 na porsyento na

may katumbas na 16 na respondante, ang sumunod naman dito ay ang lubos na nakakatulong na

nakakuha ng 10 na porsyento na may katumbas na 5 na respondante, ang sumunod naman dito ay

ang walang kwenta na nakakuha ng 8 porsyento na may katumbas na 4 respondante.

Porsyento

Lubos na nakakatulong 10%


Nakakatulong 50%
Hindi 32%
Walang kwenta 8%

9
HIV at Aids

Sa pagpipiliang sagot sa aming ikaapat tanong sa survey questionnaire ang internet ang

may pinakamataas na porsyento na nakakuha ng 60 na porsyento na may katumbas ng 30 na

respondante, ang sumunod naman ay ang paaralan na nakakuha ng 22 na porsyento na may

katumbas na 11 na respondante, ang sumunod naman dito ay ang telebisyon na nakakuha ng 8 na

porsyento na may katumbas na 4 na respondante, ang sumunod naman dito ay ang usap-usapan na

nakakuha ng 6 porsyento na may katumbas na 3 respondante, at habang ang radyo at health center

ay nakakuha ng 2 porsyento na may katumbas na isang respondate.

Porsyento

Radyo 2%
Telebisyon 8%
Usap 6%
Dyaryo 0%
Internet 60%
Paaralan 22%
Health center 2%

10
HIV at Aids

Sa aming ikalimang tanong sa aming survey qustionaire nakong saan ay inalam namin ang

pananaw nila kung paano nila maibabahagi sa ibang tao ang kaalaman nila ukol sa HIV at Aids

sa pamamagitan ng sanaysay na sagot. Ang karamihang sagot na aming nakalap mula sa kanila

ay ang patungkol sa internet na kung saan pinupunto nila ang social media, tulad ng facebook,

twitter at iba pa. Ayon sa kanila, sa pamamagitan ng mga ito ay mas madali at mabilis ang

pagbabahagi ng impormasyong nakatuon sa kaalam ng HIV at Aids, dahil naaayon ang ganitong

paraan sa panahon natin ngayon.

Paglalahad ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon

Natuklasan

Aming natuklasan na:

Sa kabuuan ng pag-aaral, ang mga mag-aaral na magtatapos na inhinyerong mekanikal ay malaki

ang porsyento ng mga may sapat na kaalaman lamang sa Hiv at Aids. Natuklasan din namin na

maraming nababahala sa kanila patungkol sa Hiv at Aids.

Ang mga mag-aaral na magsisipagtapos ng inhiyerong mekanikal natuklasan din namin na lubos

na nakakatulong ang kanilang kaalaman tungkol sa Hiv at Aids.

Natuklasan din namin mas madaling maiibabahagi ang kaalaman tungkol sa Hiv at Aids

gamit ang internet o social media ayon sa mga inhinyerong mekanika.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos at interbyu, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na konklusyon:

11
HIV at Aids

a.) Sa mga estudyanteng magsisipagtapos ng inheyerong mekanikal ay maraming nagsasabing sila

ay may sapat na kaalaman sa HIV at aids.

b.) Maraming nababahala sa mga magsisipagtapos ng inheyerong mekanikal sa mabilis na pagkalat

ng HIV at aids sa panahon ngayon.

c.) Lubos na nakakatulong sa sarili nila ang sapat na kaalaman nila sa HIV at aids.

d.) Sa pamamagitan ng internet ang pinakamabisang paraan upang ibahagi sa iba ang impormasyon

tunkol sa HIV at aids.

e.) ang social media ay sa tingin ng mga magsisipagtapos ng inheyerong mekanikal ang

pinakamabilis na pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kaalaman ng HIV at aids sa panahon

ngayon.

Rekomendasyon

Upang maging maganda at epektibo ang isang pananaliksik, narito ang ilan sa mga mungkahing

ideya:

Nirerekomenda namin sa mga susunod na mananaliksik na saliksikin nila ang mga paraan

upang maiwasan ang HIV at Aids. Upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga tao patungkol

dito. Pangalawa naman ay ang mga dulot na sakit ng HIV at Aids.

Tala ng mga ginamet na reperernsya

Reperensiya

John Abletis (2010) Mga Dapat Malaman sa HIV at Aids

DOH (2012) Kalusugan ng HIV at Aids

12
HIV at Aids

Center of Disease Control and Prevention (2012)

https://www.scribd.com/doc/43461628/Mga-Dapat-Malaman-Sa-Sakit-Na-HIV-Infection-at-

AIDS

http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-hiv-infection-

aids.html (2012)

Apendiks

Apendiks A

Mapagpalang araw, kami po ang mga estudyante ng kursong Inhenyerong Mekanikal sa Politeknic

Unibersidad ng Pilipinas sa Sta, Mesa Manila ng naglalayong alamin ang mga pananaw ng mga

estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang Politeknik

Unibersidad ng Pilipinas. Ang survey form na ito ay naglalayong sukating ang kamalayan ng

kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang Politeknik Unibersidad ng Pilipinas.

Pangalan(Opsyonal):______ Edad:_____ Kurso at Seksyon:_________

1. Sa iyong palagay, sapat ba ang antas ng iyong kaalaman sa usaping HIV/ AIDS? *

 Alam na alam

 Sapat na kaalaman

 Kaunting kaalaman

 Walang kaalaman

 Walang pakialam

2. Ano ang reaksyon mo sa mabilis na pagkalat ng HIV/AIDS sa ating panahon ngayon? *

 Takot

13
HIV at Aids

 Nababahala

 Nadidismaya

 Nandidiri

 Hindi nangangamba

 Walang pakialam

3. Bilang isang estudyanteng magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang

politeknik unibersidad ng pilipinas nakakatulong ba ang inyong kaalaman sa HIV/AIDS? *

 Lubos Na nakakatulong

 Nakakatulong

 Hinde nakakatulong

 Walang kwenta

4. Sa iyong palagay, ano ang mas mabisang paraan para mas maibahagi sa iba ang kaalaman sa

HIV/AIDS? *

 Radyo

 Telebisyon

 Usap-usapan

 Dyaryo

 Internet

 Paaralan

 Health Center

5. Bilang isang magsisipagtapos ng kursong inhenyerong mekanikal sa paaralang Politeknik

Unibersidad ng Pilipinas paano mo ibabahagi sa ibang tao ang kaalaman mo ukol sa HIV at Aids.

14
HIV at Aids

Apendiks D

Mga larawang nagpapatunay sa isinagawang sarbey:

15
HIV at Aids

Apendiks F

Abanilla, mikhail T.

1952 Anak bayan St. Paco, Manila

Date of birth: july 18, 1998

Place of birth: Manila

Citizenship: Filipino

Aurora A. Quezon Elementary School (2004-2010)

Adamson University (2010-2014)

Polytechnic University of the Philippines (2014-up to present)

Vapor, Marvin R.

111 park7 c. Salvador st. Loyola heights qc Date of birth: October 2, 1997

Place of birth: Quezon city

Citizenship: Filipino

Project 3 Elementary School (2004-2010)

Quirino National High School (2010-2014)

Polytechnic University of the Philippines (2014 up to present)

16
HIV at Aids

De Vera, John Carlo C.

#114 General Ordonez st., Marikina City.

Date of birth: January 24 1998

Place of birth: Quezon city.

Citizenship: Filipino

SSS Village Elementary School (2004-2010)

Celestial Village Academy (2010-2014)

Polytechnic University of the Philippines (2014- up to present)

17

You might also like