You are on page 1of 7

Mga Masamang Epekto ng Paninigarilyo

Totoo ang babala na nakasulat sa mga pakete ng yosi: CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH. Ang paninigarilyo ang nakakasama sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Ang mga epektong ito ang dahil sa ibat ibang lason na nasa sigarilyo, gaya ng: nicotine (isang nakaka-addict na kemikal), carbon monoxide (na sya ring kemikal na nasa tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide (kemikal na nasa mga bomba) at iba pa. Suma total, may 400 na ibat ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo.

Bawat oras, sampung Pinoy ang pinapatay ng paninigarilyo.

MASASAMANG EPKTO NG PANINIGARILYO LUNG CANCER O KANSER SA BAGAMahigit 80% porsyento ng lahat ng lung cancer ay maiuugnay sa paninigarilyo. At hindi lamang kanser sa baga ang hatid ng yosi. Marami pang ibang kanser ang maaaring maidulot ng paninigarilyo, gaya ng kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris, at iba pa!

KANSER SA BIBIG KANSER SA LALAMUNAN KANSER SA BATO KANSER SA MATRIS KANSER SA TIYAN AT IBA PA

Hindi lamang kanser ang dulot ng paninigarilyo, itoy nagpapapataas ng probabilidad na magkaroon ng atake sa puso (heart attack) at iba pang uri ng sakit sa puso at mga ugat ng dugo (vascular diseases).

Ang paninigarilyo ay sanhi ring ng COPD, isang malubhang sakit sa baga na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina. Pinapalala rin ng sigarilyo ang iba pang mga sakit sa baga gaya ng hika (asthma).

Sa mga babae, ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang pangangak ng sanggol at magdulot sa kanyang kamatayan. Sa mga lalaki naman, ang pagyoyosi ay maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng abilidad na patigasin ang ari (impotence), at kanser ng ari ng lalaki (penile cancer).

Bukod rito, marami pang sakit ang naiuugnay sa paninigarilyo. Ang yosi ay nakakapagsanhi rin ng bad breath o mabahong hininga at madilaw ng ngipin.

Pag ikay naninigarilyo, damay pati pamilya mo!


Kahit hindi sila naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok sa paninigarilyo mo ay dinadamay mo ang iyong pamilya sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo. Ito ay tinatawag na second-hand smoke. Napag-alamang mas ubuhin at hikain ang mga anak ng taong naninigarilyo. Ang secondhand smoke rin ay nakakasanhi ng kanser, pulmonya, impeksyon sa tainga, mga problema sa paghinga, at marami pang ito.

You might also like