You are on page 1of 1

Bionote ni Abegail M.

Dinopol

Si Abegail M. Dinopol ay isang simpleng babae na maraming pangarap sa kanyang buhay at sa


kanyang pamilya. Siya ay labing-pitong taong gulang. Ipinanganak siya noong ika-lima ng Agosto taong
2001 sa Cogon Health Center. Siya ang pang anim na anak sa pamilya. Ang kanyang ina ay nag
ngangalang Lolita M. Dinopol at ang kanyang ama naman ay si Alfredo M. Dinopol. Ang kanyang pamilya
ay kasalukuyang naninirahan sa purok 3 baranggay ng Cogon.

Nag-aral siya ng Elementarya sa mababang paaralan ng Cogon Elementary School at nakapagtapos


ng ika-anim na baitang sa taong 2014. Mula kinder hanggang ika-anim na baitang ay isa siyang
consistent honor student. Pinarangalan siya bilang ika-apat na kampiyon sa pagsulat ng Feature Writing
Filipino Division-based noong siya ay nasa ika-anim na baitang. Mahilig din siyang sumali sa mga
aktibidad sa paaralan katulad nalang ng Girl Scout, ito ang dahilan kung bakit ginawaran siya bilang GSP
of the year. Naging best in Filipino din siya noong ika-tatlong baitang, at ginawarang most cooperative at
kind sa lahat ng baitang.

Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral sa sekundarya sa mababang paaralan ng Cogon National High
School. Pinarangalan siyang Achiever at Service Awardee. Pangalawang kampiyon sa paligsahan ng pag
make up noong ika-siyam na baitang. Meymbro din siya ng Drum&Lyre Corp sa posisyong Twiller. Siya
din ay Secretary sa organisasyong Student Supreme Government (SSG) at Barkada Kontra Droga (BKD).

Sa ngayon, pinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral, ang pag-abot sa kanyang mga parangarap
at hinahangad sa buhay. Siya ay nasa ika-labing dalawang baitang na kumukuha ng General Academic
Strand (GAS). Sa kabila ng kanyang mga natamasa, hindi niya pa rin nakakalimutan kung saan siya nang
galing at ginagawa niya itong inspirasyon upang magsikap pa sa buhay.

You might also like