You are on page 1of 2

Gine Mariana Bayot

St. Augustine

Pangalan at Lokasyon

Suliranin: GREENHOUSE GASES

Paglalarawan ng Suliranin: Ayon kay asikagi ng Brainly.ph ang greenhouse gases ay


ang pagkaipon o pagkaharang ng init sa atmospera ng daigdig na magreresulta ng pagkainit ng
kapaligiran (global warming)

Mga Paraang Isasagawa para Matiyak ang Suliranin

Mga pagkukunan ng datos o impormasyon tungkol sa Suliranin: Ang aking


pinagkunang datos o impormasyon tungkol sa Greenhouse gases ay sa Wikipedia, Brainly.ph,
Academia.edu at mga libro na maaaring gamitin para dito.

Mga natuklasang sanhi ng suliranin: ang epekto ng greenhouse effect hindi lang sa
planetang Lupa kundi sa lahat ng nakatirang nilalang dito sa lupa. Dahil sa greenhouse effect, ang
init ng araw na pumapasok sa lupa na dapat sana ay bumabalik nang maayos sa kalawakan ay
nakukulong. Kaya ang init ay naiipon, at walang ibang pupuntahan kundi sa lupa lang at sa lahat ng
teritoryo nito.

Mga natuklasang epekto ng suliranin: Ang mga bunga nito ay ang globo ay umiinit sa
bawat lumilipas na taon. Magkakaroon ng ibat-ibang uri ng sakit ang mga tao at hayop. Matindi ang
temperatura sa ibat-ibang panig ng mundo. Malulusaw ang mga yelong nakaimbak sa North at South
Pole. At 'pag nangyari ito, maraming lungsod ang mabubura sa mapa dahil matatakpan ito ng
tubig. Kung wala sana ang mga gas na ito sa ating atmospera, sisingaw pabalik sa kalawakan ang init,
at ang katamtamang temperatura ng Lupa ay magiging mga 33 degree Celsius na mas malamig.

Mga solusyong ginagawa na sa pamayanan: Isa sa solusyon para sa greenhouse


effect ay bawal magsunog ang pamahalan ng plastic o ano pamang bagay na makaka sira sa atmospera
Mga ginagawa ng pamahalaan o pinuno ng pamayanan hinggil dito:
mahalaga na maintindihan ng pamahalaan at mga mamamayan ang resulta ng climate change para
maipaliwanag ang mga kaganapang may kinalaman sa kapaligiran at kalikasan at dulot nito sa tindi ng
sakunang maidadala neto sa ating mundo na magreresulta ng kasalukuyang global warming at tayo ang
may malaking mananagutan at mahihirapan sa sitwasyon na ganto.

Mga solusyon maaring subukan/mungkahi: Maaaring solusyonan ang greenhouse


gases sa pamamagitan ng pagiiwas magsunog ng mga plastic at pagbabawas gumamit ng mga ito.

You might also like