You are on page 1of 13

I.

Introduksyon
Tiyak na narinig na natin ang "tulo". Ang tulo, na may siyentipikong taguri na gonorrhea, ay isang uri ng sakit na makukuha makaraang makipagtalik sa tao na may impeksiyon nito. Ito ang pangkaraniwang tawag sa kundisyon kung saan may nana na tumutulo (purulent discharge) na nagmumula sa ari ng lalake (penis). Maaari rin namang may mabaho o malansang amoy mula sa pwerta ng babae (vagina) na kadalasang kasama ng mabahong likido o nana na sya na ring binansagang 'tulo' (purulent discharge). Ang sanhi ng 'tulo' ay ang bacteria na Neisseria gonorrhoeae, kaya ito ay tinatawag na sakit na "Gonorrhea". Gaya nang nabanggit, ito ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng anumang uri na pakikipagtalik. Dahil ito'y maaaring walang sintomas o senyales, posibleng makipagtalik nang hindi nalalaman na may tulo o gonorrhea pala ang katalik. Sa mga lalakeng mahilig gumamit ng pokpok o prostitute, kahit mukhang malinis sa iyong inspeksyon ang hindi nangangahulugang walang tulo (gonorrhea) o iba pang STD ang babaeng ito. Sa kabilang banda, kapag ang lalake ang may tulo, mahigit sa kalahati ang probabilidad na mahawa niya ang babae sa isang pakikipagtalik lamang kaya dapat magiging maingat din ang mga kababaihan. Ang tulo o gonorrhea ay maaaring may kasamang iba pang STDs, lalo nasa mga taong may high risk behavior gaya nang pakikipagtalik sa mga prostitute, pakikipagtalik sa kapwa lalaki (Men having sex with Men o MSM), at iba pa.

II. Pinagmulan ng sakit na tulo


A. Anal Sex B. Oral Sex

III. Uri ng Tulo


A. Sipilis B. Herpes C. Klamidia D. Hepataytis E. AIDS F. HIV G. Kankroid H. Trikimonyasis I. Kulugo sa Ari J. Kuto sa Ari

IV. Mga Kadalasang Nararamdaman


A. Senyales/Sintomas Sa lalaki
Pagdanas ng kirot o hapdi sa bayag

Sa babae
Maaaring makaramdam ng pangingirot kapag umiihi at lumabas ang mabahong likido sa ari.)

o titi tuwing iihi

Maaaring makaapekto sa mata ng sanggol na maaaring mauwi sa pagkabulag

Pagnanana ng titi

Maaaring makaranas ng pananakit/kirot sa puson o sa ibabang bahagi ng tiyan Maaari ding magkaroon ng problema sa pagreregla Tuluyang mabaog kapag hindi naagapan

Makirot na pag-ihi Lagnat (sa ibang kaso lamang)

Isang malawak na konsepto ang sakop kung pag uusapan ang mga sakit na nakukuha sa pagtatalik o STDs. Mainam na malaman muna natin ang mga sistema o parte ng katawan na maaring maapektuhan kung may STD. Pangunahing naapektuhan ay ang ari o genitalia ng lalake o babae. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makikitaan ng sugat, butlig, o anumang kakaibang pagtubo sa balat ng ari kung may STD. Ngunit sa pagkakataong mayroong sintomas ang STD, ang kalimitang isinasangguni sa doktor ay ang hirap sa pag ihi o pagbabago ng kulay ng ihi. Ang urinary tract infection (UTI) o impeksyon sa daluyan ng ihi ay hindi tuwirang nangangahulugang may STD ang isang tao pero maaring magka UTI ang isang taong may STD. Hindi mahirap isipin ang pagkakaroon ng UTI kung may impeksyon mula sa pagtatalik dahil isa lamang ang daluyan ng ihi at semilya (semen) sa mga lalaki; habang malapit lamang ang daluyan ng ihi at puwerta sa mga babae. Ang kalimitang sintomas ng UTI na kahalintulad ng ilang sakit na nakukuha sa pagtatalik ay ang mga sumusunod: hirap sa paglabas ng ihi, mahapding pag ihi, matingkad na pagkadilaw ng ihi na minsan ay may bahid ng dugo, balisawsaw, at madalas na pag ihi. Sa ilang kaso, mayroong nana (pus) na lumalabas sa daluyan ng ihi. Ito ang tinatawag na tulo. Sa mga babae naman, may mapapansing pagbabago sa vaginal discharge o sipon sa puwerta. Normal lamang ang magkaroon ng vaginal discharge. Ang parang sipon na ito ay kulay puti o minsan walang kulay (translucent) ngunit hindi

ito dapat maging masabaw, madilaw o maberde, o kaya ay may masangsang na amoy. Sa mga kababaihan, kung hindi maagapan o maagang magamot ang STD, maari itong kumalat paakyat sa matris o sa obaryo. Ito ang tinatawag na Pelvic Inflammatory Disease o PID. Ang kalimitang dinadaing ng isang babaeng may PID ay ang pananakit ng tagiliran o puson, lagnat, hirap sa pag ihi, at matinding sakit pag nagagalaw ang kwelyo ng matris kung eeksaminin ("chandelier sign"). Isang madaling makitang palatandaan ng STD ay pagbabago sa balat. Kalimitang nagsisimula sa butlig o pamumula ang naturang pagbabago. Maaring manhid, makati, o mahapdi ang butlig o pamumulang ito na kalaunan ay pwedeng maging ulcer o sugat. Ilan sa mga STD na may ulcer ay ang syphilis, herpes, at chancroid. Ang mga sugat o ulcer ay hindi lamang sa ari matatagpuan. Maari rin itong makita sa bibig, labi, o ibang bahagi ng katawan. Ang karaniwang kulugo o wart ay mula sa human papillomavirus (HPV). Ang ilang klase ng HPV ay sanhi ng STD. Ang pagtubo ng kulugo ay maaring makita sa ari (genital wart), puwitan, o lalamunan. Ang pagkakaroon ng kulani sa singit, leeg, o kilikili ay palatandaang may impeksyon na maaaring dulot ng STD. Kadalasan, hindi partikular ang isang sintomas o palatandaan sa isang STD. Laging tandaan na malaking porsyento ng mga taong may STD ay walang nararamdaman o napapansing kakaiba sa kanilang katawan. Gayun pa man, maaari pa ring makahawa ang taong walang kahit anong sintomas ng STD. Kaya para makasigurado, maaaring magtungo sa doktor upang magpa-examin.

B. Sanhi
a. Pakikipagtalik kung kani kanino b. Hindi paggamit ng proteksyon

C. Epekto

Makalipas ang ilang buwan o taon, maaaring makaranas ng pamamaga ng tuhod o kasukasuan ang maysakit, bukod pa ang iba pang karamdaman. Ang isang taong may gonorrhea ay puwede ring magkaroon ng syphilis nang hindi niya nalalaman. Kumunsulta sa doktor kung kinakailangan ring magpagamot laban sa syphilis dahil minsan, naitatago ng gamot sa tulo ang mga sintomas ng syphilis. Maaari ring makaapekto ito sa mata ng sanggol para sa babaeng buntis kung kyat nararapat na maprotektahan laban sa tulo at sa posibleng pagkabulag sa pamamagitan ng paggamit ng isang porsiyento ng silver nitrate drops sa pagkasilang.

V. Lunas sa mahirap na pag-ihi

Kapag hindi makaihi, ipinapayong subuking umihi habang nakaupo sa palanggana o batya na may mainit na tubig. Kapag hindi pa rin makaihi, kailangang alisan ng tubig ang pantog sa pamamagitan ng catheter. Ang catheter ay isang gomang tubo na ginagamit upang masaid ang ihi sa pantog. Kumunsulta agad sa doktor o espesyalista kapag may naramdaman.

VI. Pag-iwas sa pagkakaroon ng tulo

Isa sa mga pinakamakatutulong na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit na nakukuha sa pagtatalik ang pagaabstinensya o pagpipigil sa sariling mga damdamin. Ang hindi

pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang sekswal, o pakikipagrelasyong may pakikipagtalik, ang pinakamabisang pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng ganitong uri ng mga karamdaman. Subalit kung pagpapasyahang magkaroon ng relasyong sekswal ng isang indibidwal, iminumungkahing nararapat lamang na pumili at makipagtalik sa nag-iisang kapareha lang. Iniririkomenda rin na dapat palagi at hindi kakaligtaan ang pagsusuot ng mga kondom, partikular na ang yari sa latex at may halong kemikal na nonoxynol-9. Nararapat lamang na gamitin ang kondom na kasama ang mga pamahid na pamatay ng mga semilya (spermicidal jelly). Isinasagawa rin ang pagpapasuring bahid (smear test) isang beses bawat buwan, at ang pagpapabahid papanicolau (paps smear) isang beses tuwing maka-anim na buwan.

VII. Pagpapasuri
A. Panahon ng pagpapatingin
Kailangang magpatingin sa manggagamot ang isang tao kung nakipagtalik ito sa pamamagitan ng bibig, puwit, o kahit na sa normal na paraan subalit hindi gumamit ng kondom. Isa pang dahilan para magpasuri ay kung nakisalo ang isang indibidwal sa ibang tao sa paggamit ng mga karayom na pinanginjiksiyon ng mga bawal na gamot. O kaya, kapag nakipagtalik ang isang tao sa isa pang tao na nalalamang gumagamit ng ganitong uri ng mga karayom para kumunsumo ng droga. Bilang pagiingat, iminumungkahi rin na magpadoktor kapag naghihinala ang isang tao na nalantad siya sa ganitong mga uri ng karamdaman, o kapag nakaramdam ng mga sintomas ng mga ito.

B. Lugar ng pagpapasuri
Isinasagawa ang pagsusuri ng isang pansariling doktor sa isang klinika o ospital, sa isang lokal na paggamutan, o sa isang kagawarang pangkalusugan.

C. Mga gawi sa pagpapasuri


Karaniwang isinasagawa ang pagsusuri na hindi kinakailangan ang anumang katunayan ng pagkakakilanlan. May mga pasurian o paggamutan na sumisingil ng maliit na halaga lamang para sa pagpapatingin kung mayroong nakahahawang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, samantalang karaniwang wala namang bayad ang para sa pag-alam kung may HIV.

VIII. Paggamot
a. Magturok ng procaine penicillin 4.8 million units nang isang beses. Ilagay ang kalahati ng dosis sa bawat pigi. Mas mainam gumamit ng procaine penicillin kaysa crystalline penicillin. b. Kung may probenecid, magbigay ng 1 gramo nang kalahating oras bago iturok ang penicillin. c. Kung walang penicillin, (o kaya kung hindi ito tumatalab), gumamit ng tetracycline. Magsimula sa pag-inom ng anim na kapsula na may 250 miligramo nang isang beses lamang. Pagkatapos, maaaring uminom nito ng dalawang 250 miligramo na kapsula, apat na beses isang araw sa loob ng apat na araw. Kapag hindi pa rin tumatalab ang tetracycline, subuking gumamit ng streptomycin.

IX. Pangangalagang pangkalusugan A. Katangian ng mga sakit


Nagagamot ang karamihan sa mga karamdamang nakukuha dahil sa pakikipagtalik. Subalit mayroong mga uri na hindi nabibigyan ng kalunasan, pero may mga karampatang gamot na nakapagpapagaan sa mga nararandamang sintomas. Napipigil ng mga gamot na ito ang paglala ng mga sakit na hindi nalulunasan.

B. Habang ginagamot
Mahigpit na pinagsasabihan ng mga maiinam na mga mungkahi ang mga nagpapagamot na may mga nakahahawang sakit na ito. Kabilang dito ang pag-iwas sa paggawa ng anumang uri ng pakikipagtalik habang ginagamot pa. Ipinagbibilin din ang pag-inom ng mga antibiyotik na naaayon sa pinagbilin ng manggagamot hanggang sa wakas ng panahon ng gamutan. Dagdag pa rito ang pag-inom sa lahat ng mga gamot na inireseta ng doktor. Inuulit ang pagsusuri tatlong linggo matapos na maubos ang lahat ng mga gamot, partikular na ang pagkakunsumo ng mga antibiyotik. Ibinibilin sa taong nagpapagamot na makipagtipan at makipagtiyap sa manggagamot kapag umabot na sa panahon at kalagayang ito. Iminumungkahi ang mga dahilang ito sapagkat may mga nakaabang na mga panganib o suliranin kung hindi magagamot ang isang taong may nakahahawang sakit, o kung hindi makumpleto ang paggagamot. Dahil mahalaga, nagsasagawa din ng pagsusuring bahid isang ulit kada buwan, at maging ang pagsusuring papanicolau isang ulit bawat ikaanim na buwan.

C. Pagbabago sa kalusugan
Ibinibilin din sa nagpapagamot ang agad na pagbalik sa tanggapan ng duktor o ang pagpunta sa departamento ng emerhensiya kapag lumalala ang mga sintomas ng karamdaman, sa kabila ng pag-inom ng mga gamot. Partikular rin kung magkaroon ng lagnat na higit sa grado o degring 38 Centigrade (101 Fahrenheit). Nakahanda ang mga manggagamot at mga nars na tugunin ang mga katanungan at pag-aalala ng isang taong may karamdaman.

GONORRHEA: CURABLE OR NOT

Isang pamanahong papel na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino College of Arts and Humanities Adventist University of the Philippines

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa Filipino 122, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina: Cynan Huertas Alonzo Ephraim Vitin Ailyn Barion Alexander Mary Joyce Edward June

Oktubre 2011

Outline

I. Introduksyon II. Pinagmulan ng tulo


A. Anal Sex B. Oral Sex

III. Uri ng tulo


A. Sipilis B. Herpes C. Klamidia D. Hepataytis E. AIDS F. HIV G. Kankroid H. Trikimonyasis I. Kulugo sa Ari J. Kuto sa Ari

IV. Mga kadalasang nararamdaman


A. Senyales/Sintomas B. Sanhi C. Epekto

V. Lunas sa mahirap na pag-ihi VI. Pag-iwas sa pagkakaroon ng tulo VII. Pagpapasuri


A. Panahon ng pagpapatingin B. Lugar ng pagpapasuri C. Mga gawi sa pagpapasuri

VIII. Paggamot IX. Pangangalagang pangkalusugan


A. Katangian ng mga sakit B. Habang ginagamot C. Pagbabago sa kalusugan

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 122, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang Pamanahong Papel na ito na may pamagat na GONORRHEA: CURABLE OR NOT ay iniharap kina:

G. Gerardo M. Asi, M.A Tagapayo

Bb. Aiza Merana Miyembro ng Panel

G. Joel Imperio Miyembro ng Panel

Gng. Maricel C. Rumarate Miyembro ng Panel

Gng. Corazon C. Angelino Miyembro ng Panel

Dr. Grezaida M. Ledesma Tagapangulo

G. Gerardo M. Asi, M.A Puno ng Departamento

You might also like