You are on page 1of 8

ANO ANG HIV?

Human Immunodeficiency Virus

Kakulangan ng
Nakaaapekto sa tao depensa ng katawan Mikrobyo
laban sa sakit

Ang HIV ang mikrobyong nagiging dahilan ng kundisyon na kung


tawagin ay AIDS.
ANO ANG AIDS?
Acquired Hindi likas na taglay ng katawan, nahahawa
mula sa ibang tao at hindi namamana.

Immune Natural na panlaban ng katawan sa mga sakit.

Deficiency May kakulangan o hindi sapat.

Syndrome Sama-samang mga sakit.


Ang AIDS ay ang pagtitipon—tipon ng mga
sakit at sintomas na nakukuha dahil sa
kakulangan ng natural na depensa o
resistensya ng katawan ng isang tao
laban sa anumang uri ng sakit.
HIV/AIDS
Ang AIDS o ang Acquired Immune Disease
Syndrome ay sanhi ng Human
Immunodeficiency Virus o HIV na siya ring
sumisura sa natural na depensa ng katawan ng
isang tao laban sa iba’t-ibang uri ng sakit o
impeksyon. Wala ring pinipili ang I AIDS,
sapagkat kahit sino ay maaring magkaroon
nito.
PAPAANO NAISASALIN ANG HIV?
• Hindi protektadong pakikipagtalik (hindi
paggamit ng condom) sa taong may
impeksyon ng HIV.
• Pagsalin ng kontaminadong dugo.
• Paggamit ng heringgilya na ginamit ng taong
may impeksyon ng HIV.
• Naisasalin ng inang may HIV sa sanggol sa
panahon ng pagbubuntis, panganganak o
habang nagpapasuso.
HINDI NAHAHAWA ANG HIV SA:
• Pakikipaghalikan
• Yakapan at beso-beso
• Pawis, luha, laway, o ubo
• Pakikipagkamay
• Paghatsing
• Hiraman ng damit
• Pagsalo sa pagkain at hiraman ng kubyertos
• Kagat ng lamok
• Pagtabi sa pagtulog
• Paggamit ng banyo
MGA SINTOMAS
• Mga kulani na tumatagal ng tatlong buwan
• Ubo at lagnat na tumatagal ng higit sa isang
buwan
• Madaling mapagod kahir walang ginagawa
• Pagbaba ng timbang at pangangayayat
• Sugat o sakit sa balat na di gumagaling
• Pagtatae
MGA DAPAT TANDAAN!
• Wala pang lunas ang HIV. Maaaring tumagal ang
impeksyon mula 5 hanggang 10 taon bago ito maging
AIDS. Tanging sa HIV Antibody Test lamang malalaman
kung may impeksyon na ang isang tao. Kusang loob at
confidential ang test na gagawin. Di makikita sa tingin
lamang kung ang isang tao ay mayroong HIV, kadalasan
ay walang taglay na sintomas ito.
• Hindi rin nahahadlangan ng pag-inom ng antibiotics o
vitamins bago makipagtalik ang pagsalin ng HIV.
Maging and withdrawal, douching o paggamit ng mga
kimikal na panlinis ng pwerta ay hindi nakatutulong sa
pag-iwas sa AIDS.

You might also like