Ano ang Bakuna?
Ang bakuna ay tumutulong sa immune system ng katawan upang makabuo ng proteksyon laban sa posibleng impeksyon. Ito ay naglalaman ng katiting na dami ng isang pinahina o patay na organismong sanhi ng sakit na hindi sapat upang magdulot ng tunay na sakit. Ngunit ito ay sapat na upang ang iyong immune system ay makagawa ng antibodies na maaaring makakilala at maatake ang mga organismong ito kapag ang katawan ay ma-expose dito. Pinakakaraniwan ay binibigay ito sa pamamagitan ng pagInjeksyon , ngunit meron ding uri ng bakunang nilulunok Ang ilang bakuna ay ibinibigay lamang ng isang beses. Ang iba naman ay nangangailangan ng ilang karagdagang dosis sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan magpabakuna?
Ang pagpapabakuna ay isang mahalagangparaan upang panatilihin ang iyong anak namalusog at ligtas. Napipigilan nito ang mgamalulubhang sakit na maaring maging sanhi ngkapansanan o pagkamatay. Ang pagbabakuna ay tumutulong din mabawasan ang pagkalat ng sakit sa iba at maiwasan ang mga epidemya. Mas mababa ang gastos sa pagpapabakuna kaysa sa pagkakaroon ng sakit na pinipigilan ng bakuna.
Kailan dapat magpabakuna?
Ang bakuna ay dapat na ibinibigay sa isangnapapanahong batayan upang maprotektahan ang iyong mga anak sa pinaka maagang pagkakataon. Kada Lunes, Miyerkules at Biyernes ay itinakdang araw ng pagbabakuna sa ating healthcenter. Libreng makukuha ang mga bakunang kasama sa Expanded Program of Immunization ng DOH, para sa sanggol hanggang 1 taong gulang. Sumangguni sa immunization schedule paramalaman ang tamang gulang kung kalian dapat
Mga Sakit Na Naiiwasan Dahil SaBakuna
BCG DPT Tuberculosis Diphtheria (Dipterya) Pertussis (tuspirina) Tetanus Polio Hepatitis A Hepatitis B Tigdas Measles (tigdas) Mumps (beke) Rubella(tigdas-hangin o Germanmeasles)
OPV/IPV Hep A Hep B Measles MMR
Varicella Hib
Chickenpox (bulutong-tubig) Haemophilus influenzae type b
PCV RV HPV Influenza
Pneumococcal Disease Rotavirus Human Papilloma Virus Trangkaso
*Kasama sa EPI ng DOH- para sa mga sanggol hangang 1 taong gulang
Mga Maling Paniniwala Tungkol Sa Bakuna
1. Di totoo: Pag madaming bakuna at sabay-sabay ang ibinigay sa anak ko baka mas lalong magkasakit.Ang totoo: Pwedeng pagsabayin ang pagbigay ng ibang mga bakuna sa isang pagkonsulta lamang. Ang bakuna ay hindi magdudulot ng sakit dahil ito ay pinahinangklase ng mikrobyo o parte lamang ng mikrobyo. 2. Di totoo: Habang ang ibang bata ay nababakunahan, hindi kailangan ng anak ko ang bakuna sapagkat protektado na siya dahil wala ng makakahawa sa kanya. Ang totoo:Kung hindi nabakunahan ang bata, mas nalalagay sa piligro na magkaroonsiya ng sakit. Hindi sapat ang bakuna ng iba para masabing hindi na mahahawa ang bata sa sakit. Kailangan pa rin ng bakuna para di na muling bumalik ang mga sakit na dati ng naiwasan sa komunidad dahil sa bakuna. 3.Di totoo: Maaaring magdulot ngproblema sa pag-iisip at iba pang sakitang bakuna. Ang totoo : Ayon sa pag-aaral at eksperimento, walang ebidenysa nanagsasabing maaaring maging dahilan ang bakuna ng pagkakaroon ng problema sa pag-iisip tulad ng autism.
4.Di totoo: Hindi maaaring ibigay ang bakuna sa batang may sipon. Ang totoo: Maaaring magbigay ng bakuna sa batang may sipon, nagtatae, ubo o lagnat na hindi malala dahil hindi apektado ng kasalukuyang sakit ang abilidad ng katawan na gumawa ng depensa para sa bakuna. 5.Di totoo: Nagkasakit na ako ng bulutong-tubig noong bata ako pero hindi naman ito malala. Ang totoo: May mga ilang kaso na kung saan nakamamatay ang bulutongtubig o di kaya ay lumala dahil sa matinding impeksyon dulot ng di pangkaraniwang mikrobyo sa balat o sa baga. Mas maigi na lamang iwasan ito sa pamamagitan ng bakuna. Mas malubhang karamdaman ang
maaaring maidulot ng bulutong-tubig sa mga tumatanda na walang bakuna kumpara sa bata. 6.Di totoo: Mas mahusay na maghintay na lamang na lumaki ang mga sanggol bago ibigay ang bakuna. Ang totoo: Ang bakuna ay ginawa para proteksyunan ang mga mas nasa panganib na populasyon tulad ng mga bata at sanggol. Kung hindi pinabakunahan ang mga sanggol sa tamang edad, mas nalalagay sa panganib ang mga ito.
Maari pa ring magpabakuna sa mga susunod na kondisyon:
1.Katamtaman o malubhang sakit, may lagnat man o wala. 2.Pamamaga, pamumula, pananakit ngbahaging naturukan na may kasamang lagnatmatapos ang unang dosis ng bakuna. 3.Kakulangan ng mga nakaraang pagsusuri sa pasyente kahit siya ay mukhang walangkaramdaman 4.Kasalukuyang pag-inom ng gamot laban saimpeksyon 5.Paggaling ng karamdaman. 6.Sanggol na kulang sa buwan ipinanganak. 7.Kamakailang karamdamang nakakahawatulad ng impeksyon. 8.May allergy sa penicillin o mganagpapagamot ng allergy sa pamamagitan ngallergen immunotherapy. 9.Lagnat na may temperaturang < 40.5C,pagka-iritable o pagkaantok matapos mabigyan ng DPT or DTaP vaccine 10. Hindi malubhang pagtatae 11. Kasalukuyang paggagamot ng antibiotics opaggaling na sa karamdaman
12. Pagpapasuso
13. Malnutrisyon 14. Iba pang allergy maliban sa mga kemikal na nilalaman ng bakuna o ung mismong bakuna Sa mga kondisyon na ito, mas mahusay na ibigay ang bakuna kung ito ay mas nakabubuti kaysa sa hindi pagbigay ng bakuna. M a s n a k a b u b u t i k u n g k u m o n s u l t a n a l a m a n g s a doktor kung hindi nakasisigurong ang karamdaman ng anak ay makaaapekto sa bakuna o kabaliktaran nito
Mga Normal na reaksyon ng bakuna at kung anu ang dapat gawin.
1.BCG -Magkakaroon ng maliit na nakalobong balat salugar na pinagbakunahan. Magkakaroon ng maliit na peklat sa lugar napinagbakunahan ngunit wag mag-alala ito aynangangahulugang epektibo ang bakuna. Maaring magkalagnat si baby pagkatapos bakunahan,indikasyon muli na epektibo ang bakuna. Mga Dapat Gawin: Huwag lagyan ng diin ang lugar na pinagbakunahan. Kung nilagnat si Baby, maaaring painuminng paracetamol. 2. DPT -Maaaring magkaroon ng pananakit, pamumula,at pamamaga ang lugar na pinagbakunahan. - M a a a r i d i n g m a g k a r o o n n g l a g n a t s i B a b y kinagabihan ng araw na ibinigay ang bakuna. Mga Dapat Gawin: Maglagay ng warm compress o bimpo na may maligamgam na tubig sa lugar na pinagbakunahan kung ito ay namamaga. Kung nilagnat si Baby, maaaring painumin ng paracetamol.
3. 0PV -walang naitalang normal na reaksyon. Mga Dapat Gawin: Huwag padedehin/ pasusuhin, o painumin ng tubig si Baby sa loob ng 30minuto matapos ibigay ang bakuna.
4. Hepa B -maari ding magkaroon ng pamamaga sa lugar na pinagbakunahan. Mga Dapat Gawin: Maglagay ng warm compress o bimpo na may maligamgam na tubig sa lugar napinagbakunahan kung ito ay namamaga. 5. AMV - maaring magkaroon ng rashes o si Baby matapos ibigay ang bakunang ito. Mga Dapat Gawin: Huwag mabahala kung nagkaroon ng rashes si baby matapos ibigay ang bakunang ito. Ngunit kung ito ay nagpatuloy o tumagal ng ilan pang mga araw , dalhin at ipakonsulta agad si Baby sa Doktor.
---PANGKALAHATAN--Kung may mga iba pang epekto o reaksyon ang lumabas bukod sa mga naitala sa itaas, agad na ikonsulta sa Doktor ang inyong mga anak o Baby.