You are on page 1of 9

Ang tamang Pagpapasuso o

Pagpapadede ng Ina sa
kanyang sanggol
Tamang panuntunan at pagalaga ng
suso sa mga nagpapasusong Ina

1. Hugasan ang areola at utong ng tubig ng walang


halong sabon upang maiwasan mawala ang natural oil
at maprotektahan ang buong suso.

2. Lagyan ng yelo at Ilapat sa apektadong parte ng suso


ng ina na may sugat at pamumulang bahagi ng dibdib.

3. Kailangan bago magpasuso sa kanyang anak lagyan


ng kaunting gatas sa palibot ng kanyang utong para
manubalik ang daloy ng gatas sa suso ng ina.
Tamang panuntunan sa mga
nagpapasusong Ina
4. Irekominda na maglagay ng malinis na lampin o malinis na towel
sa mismong suso na pinagdedehan upang mapanatiling sariwa at
malinis ang suso at gatas ng ina. Sa ganitong paraan maiiwasan
magkaroon ng sakit o impeksyon.

5. Ipaalala na ang gatas ay karaniwang lumalabas pagkapanganak,


dalawa hanggang limang araw, kasabay ng kaunting pagtaas ng
temperatura at ang paglaki ng suso.

6. Ang tamang paggamit ng bra ay nakakatulong para malimitahan


ang paninigas ng suso.

7. Ang isang ina may nararamdamang paninigas ng suso ay


kailangang kumuha ng isang malinis na towel at ilubog sa
maligamgam na tubig, pigaan at ilagay sa ibabaw ng suso ng lima
hanggang sampung minuto, o kaya naman ay maligo ng
maligamgam na tubig sa gayong paraan sumigla lalo ang
pagpapasuso sa kanyang sanggol.
Breastfeeding Position
(Mga puwesto sa pagpapasuso)
• Ang ina ay kailangang magpasuso sa isang komportableng upuan o
position.

• Kalungin ang bata ng maayos kung saan ang ina ay kailangang


nakasuporta sa ulo, leeg, at katawan ng bata. Kailangan ang
sanggol ay nakadikit sa dibdib ng ina para sa maayos na
pagpapasuso.
• Latching ang susi sa breastfeeding. Ang maling latching ay
nagdudulot ng discomfort at labis na pananakit ng suso. Tama ang
latching kung ang dulo ng ilong at ang baba ng sanggol ay
nakalapat sa suso ni nanay.
Iba’t- ibang paghawak habang nagpapasuso
Iba’t- ibang paghawak habang nagpapasuso
Gaano kadalas ang pagpapasuso?
• Karaniwang 20 hanggang 30 minuto ang bawat feeding. Maaring maikli o mas
matagal depende sa sanggol at sa appetite niya.kapag tapos na ay siya rin mismong
magtatapos at bibitiw sa pagkaka-latch.

• Ang sanggol ay mas mainam na pasusuhin tuwing nagugutom at hindi ayon sa


itinakda o schedule.

• Karaniwang 12 beses ang feeding ng isang bagong panganak o tuwing dalawa o


tatlong oras sa isang araw at sa gabi.

• May mga sanggol na mas magana kumain, at paiba- iba rin.

• Tandaan na ang milk production ng isang ina at “by demand” o lumalakas habang
madalas ang pagpapasuso.

• Habang lumalaki ang supply ng gatas ni nanay at lumalaki si baby, mas lumalaki rin
ang pagitan ng feedings o pagpapasuso.
Paano malalaman na sapat na ang
gatas na nakukuha ni baby?
• Maganda ang paglaki at may malusog na built
• Siya ay umiihi ng 6 o higit pang beses at dumudumi ng 1 hanggang
3 beses sa isang araw o gabi.
• Ang batang dalawang linggo ang edad ay puwedeng hindi tumae ng
araw-araw.
..

You might also like