You are on page 1of 58

CHAPTER 2

Essential Health
Worker Skills
Mga Layunin

Ipaliwanag ang halaga ng pagkuha ng vital signs.


Kilalanin ang mga normal at hindi normal na values ng
mga vital signs.
Ipakita ang wastong paraan ng pagkuha ng vital signs.
Ipaliwanag ang mga resulta ng pagkuha ng vital signs
Vital signs
May apat na vital signs na kadalasang
binabantayan ng mga health care providers
a) Blood Pressure
b) Heart Rate
c) Respiratory Rate
d) Temperature
1 Blood Pressure (BP)
Ito ay ang presyon ng dugo na umiiikot sa ugat na
nasa katawan ng tao kasabay ng pagtibok ng puso.

Binubuo ito ng dalawang numero na tinatawag na


systolic at diastolic BP.
1 Blood Pressure (BP)
Ang normal value ng BP sa isang taong 18 na taong
gulang pataas ay dapat mas mababa sa 120/80 mm
Hg at katumbas ng o mas mataas sa 90/60 mmHg.

Ang normal na BP sa isang bata (18 taong gulang


pababa) ay nakadepende sa kanyang edad.
Classification sa Hypertension
Mga gamit na kailangan sa pagkuha ng
Blood Pressure (BP)
Mga gamit na kailangan sa pagkuha ng
Blood Pressure (BP)
Pagkuha ng Blood Pressure (BP)

1) Ibalot ang BP cuff sa braso na may isang guhit na


agwat sa unahan ng siko. Siguraduhin na walang
damit na naka harang sa braso na pagkukuhanan ng BP.
Pagkuha sa Blood Pressure (BP)

2) Ilagay ang bell o diaphragm ng stethoscope sa baba ng cuff at


itapat ito sa brachial artery. Ang brachial artery ay natatagpuan
kung saan nararamdaman ang pulso. Dito ilalapag ang
diaphragm ng stethoscope.
Pagkuha sa Blood Pressure (BP)

3) Lagyan ng hangin ang cuff sa mabilisang pagpintog nito


hanggang 200 mmHg gamit ang air bulb.

4) Mabagal na ilabas ang hangin mula sa cuff (3 mmHg/segundo).


Pagkuha sa Blood Pressure (BP)

5) Makinig sa stethoscope habang nakatingin sa


sphygmomanometer. Ang unang tunog na marinig ay ang
systolic BP ng pasyente. Ang huling tunog na marinig ay ang
diastolic BP.
 Mga Paalala
1) Siguraduhin na tama ang size ng BP cuff na gagamitin
sa pasyente. May BP cuff para sa mga taong 18 na
taong gulang pataas, para sa mga bata, at para sa mga
sanggol. Siguraduhing ang wastong cuff ang ginagamit
sa pasyente .

2) Itala ang BP ng parehong braso at tingnan kung


may pinagkaiba.
 Mga Paalala
3) Itala ang posisyon ng pasyente (nakahiga o
nakaupo) habang kinukuhanan ng BP at kung aling
braso ang kinuhanan.
4) Ang BP na mas mataas sa 160/100, lalo na kung
may kasamang sintomas na sakit sa ulo, pagkahilo,
pagsusuka, pagmamanhid o panghihina sa isang
parte ng katawan, ay kailangang bigyan ng
atensyon at mahalagang mai-refer sa doktor sa
pinakamalapit na pagamutan.
Mga Tanong
1) Ano ang range ng normal na BP isa isang taong 18 na taong
gulang pataas? Kailan masasabing ang isang tao ay mababang
blood pressure? Kailan masasabing ang isang tao ay may
mataas na blood pressure?
2) Si Virgie, isang 62 na taong gulang na babae, ay nagpakuha sa
iyo ng kaniyang blood pressure. Ang blood pressure niya ay
140/90, pero wala siyang nararamdamang sakit sa katawan,
hilo, o panghihina. Ano ang iyong maipapayo sa kaniya?
3) Si Mary Ann, isang 20 na taong gulang na babae, ay nagpunta
sa iyo pagkatapos sumuka ng maraming beses. Nang kinuha
mo ang kaniyang blood pressure, nakita mo na ito ay nasa
60/40. Ano ang iyong maipapayo sa kaniya?
2 Heart Rate (Hr)

Ito ay ang bilis ng tibok ng puso ng isang tao at


sinusukat sa bilang ng tibok ng puso sa loob ng
isang minuto (beats per minute o bpm).
Normal Values sa Heart Rate
Pagkuha
sa Heart
Rate
Gamit ang
Daliri
1) Gamitin ang dulo
ng hintuturo at
gitnang daliri sa
pagbilang ng heart
rate.
2) Itapat ng bahagya
ang mga dulo ng
mga daliri sa ugat
ng pulso (radial
artery) at bilangin
ang tibok nito sa
isang minuto.
Pagkuha ng
Heart Rate
Gamit ang
Stethoscope
1) Itapat ang
diaphragm ng
stethoscope sa
kaliwang dibdib,
pakinggan at
bilangin ang
pagtibok sa
isang minuto.
Respiratory
Rate (RR)
1) Ang bilang ng
paghinga(inhal
e at exhale) sa
isang minuto
(breaths per
minute).
Mga Tanong
1) Ano ang range ng normal na heart rate sa isang taong 18
na taong gulang pataas?
2) Ano ang range ng normal na respiratory rate sa isang
taong 18 na taong gulang pataas?
3) Si Marigold, isang 2 na taong gulang na bata, ay dinala sa
iyo pagkatapos niyang magkaroon ng ubo at lagnat. Pagti
ngin mo sa kaniya, ang heart rate niya ay 150 at ang
respiratory rate niya ay 40. Ano ang maipapayo mo sa
mga magulang niya?
4 Temperature

Maaring makuha ang temperature ng isang tao at


malaman kung ito’y may lagnat gamit ang
thermometer.
4 Temperature

Ang temperatura ng isang tao ay nag iiba-iba


depende sa edad, sa aktibidad at oras ng araw.

May apat na paraan upang makuha ang


temperature na maaaring sa kili-kili, sa bibig, sa
tenga at sa puwetan.
Sinasabing may lagnat ang isang tao kapag
ang temperature nito ay mas maatas sa
37.5 degrees Celsius.
5 Height (Ht.) and Weight (WT.)

Ang tamang pag sukat ng taas at timbang ay


mahalaga para malalaman kung nakakakuha
ng sapat na nutrisyon ang isang pasyente.
Lalong mahalaga ito para sa mga batang
pasyente, na may edad na mas mababa sa 18.
Pagkuha ng Height o
Haba/Taas ng Tao

1) Tanggalin ang sapatos at mga gamit o palamuti na nakalagay


sa buhok.
2) Tumayo ng tuwid sa unahan ng sukatan ng height at ilapat
ang likod at sakong sa pader.
3) Gumamit ng ruler o stick at ilapat sa pinakamataas na bahagi
ng ulo. Kuhanin at itala ang height na tumapat sa sukatan ng
height.
Pagkuha sa Height o Haba/Taas sa
mga Batang Hindi pa Makatayo

1) Paghinay sa pagbutang sa bata sa tunga sa lamesa.


2) Maingat na ilagay ang bata sa gitna ng mesa. Alisin ang
sapatos o tsinelas ng sanggol at kahit anong nakasuot sa
kanyang ulo(sombrero, clip).
3) Iposisyon at hawakan ang ulo ng bata. Siguraduhing ito ay
nakadikit sa lamesa.
Pagkuha sa Height o Haba/Taas sa
mga Batang Hindi pa Makatayo

4) Siguraduhin nakadiretso ang mga mata ng sanggol sa


kisame o bubong.
5) Ilapat ang gumagalaw na table para sa paa sa mga
talampakan ng sanggol at basahin ang sukat sa tape
measure.
Pagkuha ng Weight o Timbang
1) Tanggalin ang mga gamit na nasa katawan katulad ng alahas,
relo, bag, jacket at sapatos.
2) Patayuin ang pasyente sa gitna ng weighing scale na may
kaunting agwat sa dalawang paa.
3) Basahin ang nakuhang timbang at i-record sa kilograms.
 Mga Paalala

1) Siguraduhin na ang timbangan o weighing scale ay


nakapwesto sa patag at matigas na sahig.
2) Siguraduhin na ang timbangan o weighing scale ay
calibrated ng maayos para masiguradong tama ang
kinukuhang timbang.
6 Growth Monitoring

Ang pagbabantay ng paglaki ng isang bata ay


kadalasang ginagamit para malaman ang kalagayan
ng kaniyang kalusugan.
Gumawa ang World Health Organization ng child
growth standards upang magkaroon ng maayos na
pagbantay at pagsuri ng tamang paglaki ng isang
bata.
6 Growth Monitoring

Ito ay makikita sa pamamagitan ng pag-plot sa


growth chart ng timbang at taas/haba ng isang bata
batay sa kaniyang edad at kasarian.
Ang katumbas na z-score ang mahalagang indicator
na nagsasabi kung normal ang paglaki ng isang bata.
Length/Height-for-Age

Ito ay kayang magsabi kung ang isang bata ay maliit


para sa kaniyang edad. Maaaring ito ay dahil sa
malnutrisyon o paulit-ulit na pagkakasakit. Kung
mababa ang height-for-age ng isang bata, siya ay
tinuturing na stunted.
Pag-plot sa chart
1) I-plot ang edad sa pahalang na guhit.
2) I-plot ang haba o taas sa patayong guhit.
3) Ipagdugtong ang mga na-plot sa mga nakaraang bisita
upang makita ang trend sa timbang ng pasyente.
Weight-for-Age
Ito ay nagpapakita ng timbang ng bata na
katumbas sa edad. Tinutukoy ng weight-forage
kung ang isang bata ay underweight o kulang sa
timbang.

Ginagamit ang weight-for-age sa mga batang may


edad na limang (5) taong gulang pababa.
Pag-plot sa chart
1) I-plot ang edad sa pahalang na guhit.
2) I-plot ang timbang sa patayong guhit.
3) Ipagdugtong ang mga na-plot sa mga nakaraang
bisita upang makita ang trend sa timbang ng
pasyente.
Weight-for-Length/Height
Ito ay nagpapakita ng timbang kaugnay sa taas o
haba ng pasyente. Ang weight-for length ay
mahalaga sa mga sitwasyon na hindi alam ang edad
ng batang pasyente.
Pag-plot sa chart
1) I-plot ang taas o haba sa pahalang na guhit.
2) I-plot ang timbang sa patayong guhit.
3) Ipagdugtong ang mga na-plot sa mga nakaraang
bisita upang makita ang trend sa timbang ng
pasyente.
Body Mass Index (BMI)-for-Age
Ay ang sukat ng taba ng isang tao base sa kanyang
timbang at taas. Tinutukoy ng BMI-for-age kung ang
isang bata ay may katamtamang timbang para sa
kaniyang taas.
Body Mass Index (BMI)-for-Age
Wasted kung masyadong mababa ang BMI ng bata.
Overweight o obese kung masayadong mataas.

Ginagamit ang BMI-for-age sa mga batang may edad


na higit sa limang (5) taong gulang.
Pag-plot sa chart
1) I-plot ang edad sa pahalang na guhit.
2) I-plot ang BMI sa patayong guhit.
3) Ipagdugtong ang mga na-plot sa mga nakaraang
bisita upang makita ang trend sa timbang ng
pasyente.
Length/Height-for-Age
Chart
Weight-for-Age Chart
Weight-for-Length
Chart
BMI-for-Age Chart
Ang point sa tunga sa z score lines -2 ug -3 kay
“below-2”.

Ang point sa tunga sa z score lines 2 ug 3 kay


“above 2”.
Pagbasa sa Plotted growth Chart

1) Ang point sa gitna ng z score lines -2 at -3 ay


“below -2”.
2) Ang point sa gitna ng z score lines 2 at 3 ay
“above 2”.
Mga Tanong
1) Si Cristi na ay isang batang babae na may edad na tatlong
(3) taon at 10 na buwan. Angkaniyang tangkad ay 92 cm at
ang kaniyang ti mbang ay 14 kg.
 Gamit ang growth chart, i-plot ang kaniyang:
 height-for-age
 weight-for-age
Ano ang maipapayo mo sa mga magulang ni Cristina?
Mga Tanong
2) Si Genmar ay isang batang lalaking may edad na tatlong (3)
taong gulang. Siya ay may tangkad na 87 cm at may ti mbang
na 10.5 kg.
 Gamit ang growth chart, i-plot ang kaniyang:
 height-for-age
 weight-for-age
Ano ang maipapayo mo sa mga magulang ni Genmar?

You might also like