You are on page 1of 16

Mga Kaalaman

Tungkol sa Vital
Signs

Prepared by: Micaela Ferrer


Ano ang Vital Signs at Bakit
ito Mahalaga?
O Ito ay pangunahin at mahalagang batayan
ng normal na paggana ng mga sistema ng
katawan.
O Sinusukat ang mga ito upang masuri ang
pangkalahatang kalagayan ng katawan.
Ano ang Vital Signs at Bakit
ito Mahalaga?
O Alinman sa lima ang makitaan ng
abnormalidad ay maaaring magpahiwatig ng
karamdaman, o kondisyon sa katawan.
O Ito rin ang pangunahing tinitignan upang
malaman ang pagbuti ng pakiramdam mula
sa pagkakasakit.
ANU-ANO ANG MGA
PANGUNAHING VITAL SIGNS?

O Temperatura (body temperature)


O Pulso (pulse rate)
O Paghinga (respiration rate)
O Presyon ng dugo (blood pressure).
O Level ng kirot (pain scale)
Narito ang mga normal na
sukat ng vital signs:
O Temperatura – 36.5°C hanggang 37.7°C
O Pulso – 60 hanggang 100 bpm (beats per
minute)
O Paghinga – 12 hanggang 20 bpm (breaths
per minute) o 15-22 sa older adult
O Presyon ng Dugo – systolic <120 mmhg
diastolic < 80 mmhg
PAANO SINUSUKAT ANG
MGA VITAL SIGNS?
O Maaaring gawin kahit saan basta mayroong
mga instrumento sa pagsukat.
O Dapat tandaan na upang makuha ang
normal na sukat ng vital signs, dapat ay
nakapahinga (at rest) ang taong susukatan
sapagkat maaaring maapektohan ang sukat
kung ang tao ay hinihingal at pagod.
Instrumento na ginagamit
sa pagkuha ng Vital Signs
O Thermometer
O Gamit ang instrumentong ito, na iniiwan
lamang na nakaipit sa kili-kili, pinapasok sa
tenga o puwit, o kaya naman ay sinusubo sa
bibig sa loob ng ilang minuto.
O Sa pagsukat naman ng paghinga,
gumagamit lamang ng orasan.
O Pinapakiramdaman lamang ang bawat
paghinga sa loob ng isang minuto.
O Gayun din sa pagsukat ng
pulso. Ginagamitan ito ng stethoscope,
pulse oximetry o dalawang gitnang daliri ng
kamay.
Normal Respiratory Rate
Normal Pulse Rate
O Ang presyon ng dugo ay sinusukat naman
gamit ang sphygmomanometer
O May dalawang bagay na sinusukat sa
pagkuha ng presyon ng dugo,
 SYSTOLIC PRESSURE o ang mas mataas na
numero,
 DIASTOLIC PRESSURE o ang mas mababang
numero
O Ang systolic pressure ay ang tumutukoy sa
presyon ng dugo kasabay ng pagpintig ng
puso, habang ang diastolic pressure naman
ay ang presyon ng dugo sa pagitan ng bawat
tibok.
Level ng Kirot (Pain Scale)
O KATANUNGAN
O LOCATION:
Saan ang lokasyon ng kirot?
O INTENSITY:
Paki-rate from 1-10 gaano kasakit ang kirot?
O QUALITY:
O Ano ang kalidad ng kirot , ito po pa ay
parang may natusok, mabigat, mainit sa
pakiramdam?
Level ng Kirot (Pain Scale)
O DURATION:
O Gaano katagal mo nararamdaman ang
kirot?
O ALLEVIATING AND AGGRAVATING FACTOR
O Ano ang nagpapatanggal at nagpapalubha
ng kirot na nararamdaman mo?
Pain Scale Chart (1-10 Level)

You might also like