You are on page 1of 1

Kweto ni Rose

Si Rose ay 24, may dalawang anak, walang trabaho. Ang asawa niya ay laborer sa bukid. Sunud-
sunod ang kanilang mga anak: ang panganay na babae ay 2 taon pa lamang, habang ang
pangalawang babae ay 1 taon.
Limang buwan pagka-panganak ni Rose sa pangalawa ay butis na naman siya. Ayaw na sana
niyang mag-anak pero gusto ng asawa niya na magdagdag ng dalawang lalaki.
Sa simula ay naging mahirap ang pagbubuntis ni Rose. Madalas siyang nanghihina at nahihilo.
Inakala niyang normal ang kanyang nararamdaman. Hindi siya nagpatingin sa health center
kahit minsan.
Noong malapit na ang kabuwanan niya, namaga ang kanyang mga binti, paa at kamay, at
madalas siyang nilalagnat. Isang araw, dinugo si Rose at humilab ang kanyang tiyan. Sa pag-
aakalang manganganak na siya, tumawag ng hilot ang kanyang asawa.
Pinahiran siya ng pinakuluang mga dahon para mawala ang lagnat; hinilot ang kanyang tiyan
para mapadali ang paglabas ng bata. Sa pangalawang araw ay nag-kombulsyon si Rose. Doon na
nagpasya ang hilot na ipadala si Rose sa ospital.
Dahil hindi nila napaghandaan ang pamasahe, inabot ng isa pang araw bago nakahiram ng pera
ang kanyang asawa. Dahil malayo ang kanilang sitio sa bayan, inabot pa ng tatlong oras ang
malubak na biyahe.
Pagdating sa ospital, pinayuhan silang lumipat sa mas malaking ospital na may kakayahang
humawak ng kasong emergency. Pagdating sa mas malaking ospital, patay na si Rose. Pinilit
isalba ang batang lalaki sa kanyang tiyan, pero namatay rin ito pagkalipas ng 5 oras.
Araw-araw, may mga katulad ni Rose sa Pilipinas.
Bakit namatay si Rose?

You might also like