You are on page 1of 16

NON-

COMMUNICABLE
DISEASES
Ano ang Hypertension?
Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na taas ng
blood pressure na dumadaloy sa mga ugat. Kapag
nagpatuloy ang karamdaman, ang malakas na puwersa
ng dugo ay maaaring makapinsala sa mga ugat at
makaapekto sa takbo ng puso. Ito ay maaaring magdulot
ng malulubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso,
stroke at sakit sa bato kaya dapat panatiliin ang normal
blood pressure.
Ang altapresyon ay may tatlong yugto:
1. Prehypertension - Ang presyon ay bahagyang lampas sa blood
pressure normal. Hindi pa kailangan ng gamot sa blood pressure
pero rinerekomenda na ng mga doktor ang mag-adjust sa healthy
lifestyle.

2. Stage 1 Hypertension - Mataas na ang sukat ng presyon at


kailangan na ng gamot na nagpapababa nito.

3. Stage 2 Hypertension - Lubhang mataas na ang sukat ng presyon


at maaari itong tumuloy sa komplikasyon. Kinakailangan dito ang
kombinasyon ng mga gamot at pagbabago sa pamumuhay.
Mga Sanhi ng Hypertension

 Sobrang pag-konsumo maalat na pagkain

 Paninigarilyo at pag-inom ng alak

 Edad 55 pataas

 Kakulangan sa calcium, magnesium, at potassium

 Pagiging overweight at kakulangan sa ehersisyo

 Laging stressed at pagod


• Namana sa pamilya
Mga Sintomas ng Hypertension
Tinaguriang “silent killer” ang altapresyon - Kalimitang pagkapagod
dahil hindi madaling mahalata ang mga - Pananakit ng ulo
sintomas nito. Ang mga sintomas ay
kadalasang nararamdaman kapag - Pananakit ng dibdib
malubha na ang karamdaman. Kung minsan,
- Lumalabo ang paningin
hindi pinapansin ang mga ito marahil sa
kanilang pagiging karaniwan lalo na kung - Hirap sa paghinga
ang tao ay laging busy o pagod. Ugaliing
- Hindi regular ng pagtibok ng puso
magpa-checkup sa iyong doctor upang
maiwasan ang mga epekto ng high blood.
Paano Matutuklasan Kung Ikaw ay May
Hypertension?
Kinakailangang gumamit ng
sphygmomanometer upang masukat
ang blood pressure. Ugaliin ang regular
na pagpapatingin sa doktor para masuri
ang iyong blood pressure.
Paano Maiiwasan ang Hypertension?
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at balanced diet ang pinakamabisang sandata
laban sa altapresyon. Upang makaiwas sa kondisyong ito, sundin ang sumusunod:
 Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain.
 Magbawas ng timbang
 Limitahan ang pag-inom ng alak
 Tumigil o umiwas sa paninigarilyo
 Iwasan ang lubos na kapaguran at stress
 I-monitor ang presyon sa bahay
 Lumahok sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation at tai chi.
Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan kayo ng tamang lunas para sa inyong
hypertension.
Ano ang Diabetes Mellitus?

Ang diabetes mellitus ay isang karamdaman kung saan


ang katawan ay hindi makalikha ng sapat na insulin o
kaya ay hindi makaresponde nang maayos dito. Ang
insulin ay ang hormone na naglilipat ng asukal mula sa
dugo papunta sa iba’t-ibang cells upang gawing
enerhiya ng katawan. Ang sintomas ng diabetes ay hindi
madaling mahalata dahil kadalasan ang mga ito ay
napagkakamalang pangkaraniwang kondisyon.
May tatlong uri ng diabetes:

Type I Diabetes: Ang pancreas o ang organ ng katawan na


gumagawa ng insulin ay sira o kulang. Dahil dito, hindi
natatanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na
maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon gaya ng sakit
sa puso at bato. Mas karaniwan ito sa mga nakababata, edad 20
pababa, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakatatanda.
Type II Diabetes: May kakayahan ang katawan na gumawa ng
insulin ngunit ang dami ay hindi sapat o kaya naman ay hindi ito
kayang gamitin ng katawan nang maayos (insulin resistance).
Maaaring magkaroon ng malubhang komplikasyon ang Type II kung
hindi ito maagapan. Karaniwan ang sakit sa mga nakatatanda, edad
40 pataas, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakababata.
Gestational Diabetes. Ang mga buntis na walang
diabetes noon ngunit may mataas na blood sugar habang
nagdadalang-tao ay tinatayang may gestational diabetes.
Tumataas ang insulin resistance habang buntis ang
pasyente. Dahil dito, hindi nakukuha ng katawan ang sapat
na sustansya na kailangan para sa panganganak.
Mga Sanhi ng Diabetes

Inaalam pa ang mga mismong sanhi ng diabetes ngunit maaaring


konektado ang sakit sa family history at uri ng pamumuhay. Ang
pagkakaroon ng type II diabetes ay kadalasang naiuugnay sa
pagiging overweight ngunit hindi lahat ng may karamdamang ito ay
labis ang timbang. Sa gestational diabetes naman, ang placenta ng
nanay ay gumagawa ng hormone na kailangan sa panganganak. Ang
hormone na ito ay bahagyang nagpapawalang bisa sa epekto ng
insulin sa cells.
Mga Sintomas ng Diabetes
May iba’t-ibang sintomas ng diabetes na maaaring maranasan kapag ikaw ay apektado ng
karamdaman na ito. Karamihan sa mga ito ay madalas inaakalang normal lang kaya
ugaliing magpa-check-up sa inyong doktor

• ·         Madalas na pag-ihi

• ·         Maya’t-mayang pagkauhaw

• ·         Maya’t-mayang pagkagutom at pagkain nang marami

• ·         Panghihina at pagkatamlay

• ·         Biglang paglabo ng mga mata

• ·         Hindi maipaliwanag na pagbawas ng timbang

• ·         Hindi pangkaraniwang tagal ng paghilom ng mga sugat


Paano Matutuklasan Kung Ikaw ay May Diabetes?

Dahil ang kondisyong ito ay naka-sentro sa insulin, ang ginagawang


batayan ng mga doktor ay ang blood sugar level. Tipikal ang pag-akyat ng
blood sugar level pagkatapos kumain kaya mainam na huwag munang
kumain 12 na oras bago kuhanan ng blood sample.

Ang nakuhang dugo ay dadaan sa masusing pagsusuri at kung ang sukat


ng blood sugar ay humigit sa 7 mmol/l, maaaring ito ay senyales ng
diabetes. Kung ang resulta ay bahagyang mas mababa dito, wala kang
diabetes ngunit kailangan mong magkaroon ng healthier lifestyle.
Paano Maiiwasan ang Diabetes?

Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain at umiwas sa mga pagkaing


matatamis at may maraming taba. Magkaroon ng active lifestyle na may sapat na
ehersisyo upang mailabas ng katawan ang asukal kasama ng pawis at hindi maipon
sa iyong dugo. Ang pagbabawas ng timbang ay makatutulong hindi lang sa pag-iwas
sa diabetes kung hindi pati na rin sa pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Kung kayo ay may diabetes, mahalaga na magpasuri sa inyong doktor upang


mabigyan ng tamang lunas ang inyong sakit.
MARAMING SALAMAT
PO! 

You might also like