You are on page 1of 27

HYPERTENSION

INIULAT NI: BSN 4C PANGKAT 2

Tagapag-ulat: Oras: 8:00 - 12:00 AM


CADIGAL
CANDELON
CLARO
CORTEZ
DEAROS
DEL CARMEN
DE LEON
DEMEGILLO
DICEN
DIONGLAY
DUENAS
N 01 Ano nga ba ang Hypertension?
ilalaman
02 Ano ang mga sentomas ng
Hypertension?

03 Ano ang mga sanhi ng


Hypertension?

04 Ano ang mga Antas o Level ng


Hypertension?

05 Ano ang mga Komplikasyon ng


Hypertension?

06 Ano ang pwedeng gamot sa


Hypertension?
Ano nga ba ang
01 Hypertension?
01 YOUR TITLE

Ang altapresyon, kilala din


bilang high blood pressure,
ay isang seryosong
kondisyon na nagpapataas
ng risk mo na magkaroon
ng sakit sa utak, sa bato, at
sa puso gaya ng stroke,
heart failure at iba pang
cardiovascular disease
(CVD).
01 YOUR TITLE

• Habang dumadaloy ang dugo, meron itong


ine-exert na pwersa sa mga arterial wall.
• Ang pwersang ito ang tinatawag na blood
pressure.
• Sa mga taong may high blood pressure o
hypertension, na mas kilala sa Tagalog na
altapresyon, sobrang taas o lakas ng pwersa
ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat.
• Dahil dito, tumataas din ang posibilidad na
magkaroon ang isang taong may
hypertension ng iba pang sakit o kondisyon,
katulad ng heart disease, stroke, at maging
kidney failure.
Ano ang mga
02 Sintomas ng
Hypertension?
02 YOUR TITLE

Tinatawag na “silent killer” ang hypertension dahil pwedeng meron na palang


ganitong kondisyon ang isang tao kahit na wala siyang kahit anong sintomas. Ito
ay dahil hindi naman talaga natin nararamdaman ang pagdaloy ng dugo sa ating
mga ugat. Kung kaya naman, mas maganda talaga kung palaging namo-monitor
ang BP para malaman kung mataas na ba ito kaysa sa normal.

Ganunpaman, meron pa ring ilang mga sintomas na pwedeng sumabay sa high


blood pressure. Kasama na dito ang mga sumusunod:

• Pananakit ng ulo
• Hindi normal na tibok ng puso
• Pagkahapo at kakapusan ng hininga
• Panlalabo ng paningin
• Pag-ugong sa tenga
• Pagdurugo ng ilong
02 YOUR TITLE

Kapag sobrang taas na ng presyon ng isang tao, pwede ring


malito, mahilo, masuka, o makaramdam ng sobrang pagod.
Posible ring makaranas ng pananakit ng dibdib at panginginig ng
mga muscle.

Kung sakaling maramdaman o maranasan ang mga ito, i-check


kaagad ang BP ng pasyente para makumpirma kung dulot nga ng
mataas na presyon ang mga sintomas.

Oras na ma-diagnose na ang hypertension, sundin ang mga payo


ng iyong doktor lalo na tungkol sa pagkain at pag-inom ng
maintenance medicine.
Ano ang mga
03 Sanhi ng
Hypertension?
03 YOUR TITLE

May dalawang pangunahing klase ng hypertension: primary at secondary.


Ang primary hypertension ay nade-develop sa pagtagal ng panahon. Hindi
pa sigurado ang mga eksperto kung ano talaga ang sanhi nito. Ang
secondary hypertension naman ay madalas na dulot ng iba pang sakit.
Halimbawa, kung may sakit sa kidney o kaya sa thyroid ang isang tao,
pwede ring tumaas ang kanyang BP. Meron ding mga gamot na pwedeng
magpataas ng presyon, katulad ng mga antidepressant at birth control pill.

Kailangan pa ng mas maraming pag-aaral para malaman kung ano talaga


ang tunay na dahilan ng pagtaas ng blood pressure ng isang tao.
Ganunpaman, may mga napatunayan nang mga risk factor ang
hypertension. Mas mataas ang chance mo na magkaroon ng altapresyon
kung ikaw ay
03 YOUR TITLE

• Edad 55 pataas
• May kamag-anak na may altapresyon, sakit sa puso, o diabetes
• Overweight
• Hindi nag-e-exercise
• Hindi natutulog nang sapat na oras
• Madalas kumain ng mga pagkaing mataas sa sodium
• Kulang sa potassium
• Naninigarilyo
• Malakas at madalas uminom ng alak

Ang mga babaeng buntis din ay mayroong risk na magkaroon ng


gestational hypertension. Dapat bantayan mabuti ang kondisyong ito dahil
pwede itong mauwi sa preeclampsia, isang komplikasyon sa pagbubuntis
na pwedeng magdulot ng panganib sa buhay ng ina at ng kanyang sanggol.
Ano ang mga
Antas o Level
04 ng
Hypertension?
04 YOUR TITLE

Bukod sa primary at secondary hypertension, meron din itong iba-


ibang antas o level. Ito ay ang mga sumusunod:

• Elevated blood pressure. Ito ay ang antas ng altapresyon kung saan


ang reading ay 120 hanggang 129 mmHg ang systolic pressure, at
hindi tataas sa 80 mmHg ang diastolic pressure. Minsan ay
tinatawag din itong prehypertension.

Gaya ng nabanggit sa itaas, minsan ay tumataas talaga ang presyon


ng isang tao kung siya ay pagod o stressed. Kapag ganito ang
sitwasyon, bantayan mabuti ang BP sa loob ng ilang araw. Kung tuloy-
tuloy na mataas ang blood pressure reading, magpakonsulta na sa
doktor.
04 YOUR TITLE

• Stage 1 hypertension. Sa ganitong antas ng altapresyon, ang systolic


pressure ay mula 130 hanggang 139 mmHg at ang diastolic pressure ay 80
hanggang 89 mmHg.

• Stage 2 hypertension. Kapag umabot na sa 140/90 mmHg ang BP ng isang


tao, masasabing siya ay nasa stage 2 hypertension.

• Hypertensive crisis. Sa hypertensive crisis, umabot na sa 180/120 mmHg o


mas mataas pa ang BP ng pasyente. Kung walang ibang nararamdamang
sintomas, i-check ulit ang BP pagkatapos ng ilang minuto. Kung hindi ito
bumaba, pumunta na kaagad sa ospital. Kung may mga sintomas naman
katulad ng pagkahilo, pagkamanhid ng mga braso o binti, panghihina, o
kahirapan sa paghinga, tumawag ng ambulansya o emergency services.
Pwede ring humanap ng makakasama papunta sa ospital. Delikadong
bumiyahe nang mag-isa kapag ganito ang sitwasyon.
Ano ang mga
Komplikasyon
05 ng
Hypertension?
05 YOUR TITLE
Kung hindi mama-manage nang maayos, pwedeng mauwi ang hypertension
sa iba-ibang mas malalang kondisyon o sakit. Nangunguna na sa mga ito
ang heart disease at pagka-damage ng muscle ng puso. Ito ay dahil sa
pagtigas ng mga artery, na dahilan ng pagbaba ng supply ng dugo at
oxygen sa puso. Pwede itong maging sanhi ng mga kondisyon katulad ng
heart failure, heart attack, at pagkakaroon ng hindi regular na heartbeat.

Ilan pa sa mga seryoso o malalang komplikasyon ng sobrang taas na blood


pressure ang mga sumusunod:

• Stroke
• Angina o matinding pananakit ng dibdib
• Aneurysm. Ito ay isang kondisyon kung saan umuumbok ang mga blood
vessel. Kapag pumutok ang mga umbok o bukol na ito, pwede itong
maging sanhi ng pagkamatay.
05 YOUR TITLE

• Pagputok ng mga ugat sa mata. Kapag mataaas ang presyon ng isang tao, posbileng pumutok
ang kanyang mga ugat. Mas mataas ang risk na mangyari ito sa mga maliliit na ugat, katulad
ng nasa mga mata. Kapag nangyari ito, pwedeng lumabo ang paningin ng pasyente o tuluyan
siyang mabulag.

• Kidney problems. Kung masyado nang makipot ang mga ugat na daluyan ng dugo papunta sa
mga kidney, pwedeng itong magdulot ng kidney problems katulad ng hindi normal na pag-ihi.

• Metabolic syndrome. Ang metabolic syndrome ay isang uri ng sakit kung saan hindi napa-
process nang maayos ng katawan ang protein, cholesterol, at hormones. Dahil dito, tumataas
ang risk na magkaroon ng mga sakit o kondisyon katulad ng diabetes at heart disease.

• Pagkakaroon ng problema sa memorya at pagko-concentrate. Pwedeng maging sanhi ng


pagiging makakalimutin, kahirapan sa mag-focus at mag-isip, at pag-aaral ng mga bagong
konsepto ang altapresyon. Ito ay dahil posibleng magkulang ang supply ng dugo sa utak, dahil
sa pagkipot ng mga ugat. Tumataas din ang risk na magkaroon ng dementia at iba pang
katulad na sakit ang mga taong may hypertension.
Ano ang
Pwedeng
06 Gamot sa
Hypertension?
06 YOUR TITLE

Ang pangunahing gamot o treatment para sa hypertension ay ang


lifestyle changes kasabay ng mga hypertension drugs. Ilan sa mga
recommended lifestyle changes para sa high blood pressure ang mga
sumusunod:

• Pagbawas ng asin sa diet. Ang ideal na dami ng sodium sa daily diet


ng isang tao ay 2,300 mg. Para sa mga may edad na, 1,500 mg ng
sodium araw-araw ang recommendation ng mga doktor. Iwasan ang
mga processed foods at mga chichirya para mapababa ang iyong
sodium intake. Gumamit din ng herbs sa halip na asin, patis, o toyo
ang gamitin sa pagpapalasa ng mga lutuin.

• Pagkain ng masustansyang pagkain. Mag-focus sa mga pagkain


katulad ng prutas, gulay, isda, low-fat dairy products, at whole grains.
06 YOUR TITLE

• Mag-exercise. Makakatulong ang pag-e-exercise para


mapapaba ang presyon and mabawasan ang stress. Malaking
tulong din ito sa pagbabawas ng timbang at pagme-maintain ng
tamang timbang. Magandang i-target ang at least 150 minuto
ng moderate aerobic activity kada linggo para makuha ang mas
magandang resulta. Kung hindi sanay sa pag-e-exercise,
humingi ng payo sa mga doktor at fitness experts.

• Huwag manigarilyo at bawasan ang pag-inom ng alak.


Nakakasira ng mga blood vessel ang mga kemikal na nasa
sigarilyo. Samantala, pwede namang mapataas ng alcohol ang
blood pressure ng isang tao kahit na malusog ang kanyang
pangangatawan.
06 YOUR TITLE

• Humanap ng positibong paraan para mabawasan ang stress. Kung


palagi kang stressed, tumataas ang risk ng pagkakaroon ng
hypertension. Humanap ng oras para mag-relax at sikaping
makakuha ng sapat na tulog gabi-gabi. Pwede ring makatulong ang
pagme-meditate at deep breathing exercises para mas maging
kalmado ang katawan at isipan.

Mas mabuti rin kung makakabili ng blood pressure monitor na


magagamit sa bahay para mas madaling ma-check at mai-record ang
mga BP readings. Kapag maayos ang record, mas madaling malalaman
ng doktor kung epektibo ba ang ibinigay na gamot at kung ano pa ang
pwedeng gawin para ma-manage ang kondisyon.
06 YOUR TITLE

Pagdating naman sa mga gamot, maraming uri ng hypertension


drugs pwedeng ireseta. Ilan sa mga pinaka-popular ay ang mga
sumusunod:

• Angiotensin II receptor blockers o ARBs. Ang mga ARB ay may


kakayahang magpa-relax ng mga blood vessel para para mas
maluwag ang pagdaloy ng dugo. Ilan sa mga halimbawa ng
ARB na gamot ay metoprolol at losartan.

• Angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitors. Pareho ang


aksyon ng ARBs at ACE inhibitors, kung saan nare-relax ang
mga daluyan ng dugo kaya hindi tumataas ang presyon. Kilala
ang lisinopril, enalapril, captopril na mga ACE inhibitor.
06 YOUR TITLE

• Calcium channel blockers. And ganitong uri ng mga


gamot ay pinipigilan ang pag-absorb ng mga muscle ng
puso at mga blood vessel. Dahil dito, mas madaling
nakakadaloy ang dugo. Karaniwang inirereseta sa mga
uri ng calcium channel blockers ang amlodipine at
nifedipine.

• Water pills. Ang mga water pill o diuretic ay nakakatulong


sa pag-aaalis ng sobrang sodium sa katawan. Tandaan
lang na hindi pwedeng diuretics lang ang inumin para sa
hypertension. Madalas ay inirereseta ang gamot na ito
kasabay ng iba pang gamot sa high blood pressure.
06 YOUR TITLE

Pwede ring magreseta ng mga tinatawag na vasodilator ang


iyong doktor para ma-relax ang mga muscle ng mga artery.
Dahil dito, mas maluwag at mas mababa ang pressure ng
pagdaloy ng dugo.

Ang isa pang uri ng gamot na pwedeng gamitin laban sa


hypertension ay ang central-acting agents. Sa halip na sa mga
blood vessel o muscle, ang epekto ng gamot na ito ay sa utak.
Napipigilan ng mga central-acting agent ang pagpapadala ng
nervous system ng mga signal na nagpapataas ng tibok ng
puso at napapakipot sa mga artery. Dahil dito, mas nagiging
madali ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Isang sikat na uri ng
central-acting agent ang clonidine.
06 YOUR TITLE

Kung hindi nagbabago ang kondisyon sa kabila ng pag-inom ng


iniresetang gamot o kung may nararanasang hindi magandang
side-effects, huwag munang huminto sa pag-inom o baguhin ang
dosage.

Tandaan: masama ang mag-self-medicate. Magpakonsulta muna


sa doktor para makakuha ng panibagong diagnosis at reseta.
Kung ikaw naman ay buntis, mabuting bantayan ang iyong blood
pressure lalo na kung may history sa inyong pamilya ng
hypertension at iba pang kaugnay na sakit. May posibilidad pa rin
kasi na makaranas ng gestational hypertension ang isang
babaeng buntis kahit na wala naman siyang hypertension bago
siya magdalantao.
SALAMAT

Mahalagang paalala: Ang lahat ng impormasyong

nakalahad dito ay para lamang sa pagbabahagi ng

kaalaman at ‘di dapat ituring bilang professional

medical advice. Ugaliin pa rin kumonsulta sa iyong

doktor bago uminom o gumamit ng kahit anong gamot.


SALAMAT
SALAMAT SA PAKIKINIG

You might also like