You are on page 1of 105

1 Sakit sa Puso at

Diabetes

“Ikaw, ano ang bp mo?”

M arami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “presyon ng
dugo” o “blood pressure”? Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas
at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Mahalaga ang presyon ng dugo para
sa sapat na pagdala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating ka-
tawan.
Ito ay sinusukat sa dalawang numero: ang systolic at ang diastolic na pre-
syon. Halimbawa, kapag sinabi ng duktor na 120 over 80. Ang unang numero
(120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag
na diastolic na presyon.
Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na
presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na sys-
tolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.
Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang
puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90
mm Hg.
Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod:
1. May ginagawa o napagod.
2. Pag-iba o pagpalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo.
3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.

Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao?


Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal, at ito ay nananatiling
mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90
(140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Alam niyo ba na sa isang

1
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

pangkaraniwang barangay, tinatayang mayroong isa sa apat na katao ang may


altapresyon.
Heto ang pinakabagong klasipikasyon ng Blood Pressure sa taong edad 18
pataas:
Systolic Diastolic
Pinakamainam < 120 at < 80
Mataas sa normal 120-139 o 80-89
Altapresyon:
Baitang 1 140-159 o 90-99
Baitang 2 > 160 o > 100

Ang mga pangkaraniwang sintomas ng altapresyon ay ang (1) sakit ng ulo sa


bandang batok, (2) pagkahilo, (3) mabilis na tibok ng puso na halos kumakabog
ang dibdib, at (4) paninikip ng dibdib.
Hindi lahat ng taong may-high blood ay may sintomas. Karamihan nga ay
walang nararamdaman. Ngunit delikado pa rin ito. Kung mataas ang inyong
presyon, kumonsulta agad sa inyong duktor o health center.

Iwas sa maaalat kung may altapresyon


Isa sa bawat 4 na Pilipino ay may altapresyon. Kapag umaabot na sa edad 60,
1 sa 2 Pilipino ay may altapresyon na. Kung mataas sa 140 over 90 ang iyong
presyon, may altapresyon o high blood pressure ka na.

1. Umiwas sa maaalat na pagkain.


Ang pinakabawal sa may altapresyon ay ang pagkaing maaalat tulad ng ham-
on, mga sarsa, naka-delatang pagkain, at iba pa. Ang mga instant noodles ay
napakataas din sa asin. Ang ginagawa ko ay kinakalahati ko lang ang seasoning
ng noodles, pagkatapos ay kalahati din lang ang dami ng sabaw. Sa ganitong
paraan, kalahati lang ang alat na makakain ko. Sa bawat pagbabawas ng asin
sa pagkain, bababa ang inyong presyon. Ito ay dahil ang asin ay nag-iipon ng
tubig sa katawan, na nagdudulot ng altapresyon.

2
Sakit Sa Puso, Maiiwasan Na

2. Kung ano ang timpla ng pagkain, huwag nang dagdagan pa ng sawsawan.


Alam kong masarap ang toyo, patis o bagoong, pero maaalat po ito. Kung okay
lang sa iyo, mas maigi pa ang suka o calamansi bilang kapalit.
3. Iwas alat, iwas kanser pa.
Ayon kay Dr. Antonio Villalon, isang tanyag na espesyalista sa kanser, ang pag-
gamit ng maraming toyo, patis at bagoong ay puwedeng magdulot ng kanser.
Nakakatakot hindi ba? Ang sabi ni Dr. Villalon, maaaring may lahi ka na ng kans-
er. At kapag “nagising” ang selula mo ng mga masasamang pagkain, ay puwede
maging kanser ito. Bukod sa maaalat, umiwas na rin sa mga pagkaing sunog
(smoked foods), inihaw, matataba at hilaw (tulad ng kilawin).
4. Hindi mabisa ang pineapple juice sa altapresyon.
Ang pineapple juice ay may vitamin C na masustansya, ngunit hindi po ito lunas
sa altapresyon. Marami ang may ganitong maling akala. Ang pinakamabisa sa
lahat sa pagbaba ng presyon ay ang pag-iwas sa maaalat at pag-inom ng gamot
sa altapresyon. Kumonsulta sa inyong doktor.

Sakit Sa Puso Maiiwasan Na


Ayon sa American Heart Association, may 9 na sanhi ang altapresyon at sakit sa
puso.
1. Nagkakaedad. Dumarami ang nagkakaroon ng altapresyon habang tayo
ay tumatanda.
2. Mga lalaki. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng altapresyon ang
mga lalaki, kaya mas dapat silang mag-ingat at magpa-check up ng maaga.
3. Lahi ng pamilya. Ang altapresyon ay maaaring mamana mula sa mga ma-
gulang. Kung may kamag-anak kayo na maagang namatay sa sakit sa puso
(wala pang 50 anyos). Magpa-konsulta din kayo sa inyong duktor.
4. Pagkaing maaalat at matataba. Ang maalat na pagkain ay nagpapataas
ng presyon ng dugo at nagbibigay ng manas sa paa. Ang matatabang pag-
kain naman ay nagdudulot ng pagbabara sa ugat ng ating puso at utak.
5. Sobrang katabaan. Dahil dito, ang puso ay mas puwersadong bumomba

3
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

ng dugo. Ang puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Kapag


kinargahan mo ng 2 tonelada ang kotse, masisira ang makina at gulong
nito. Ganoon din ang katawan natin, kapag kinargahan mo ng taba at 30
pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds. Masisira agad ang iyong
puso at tuhod.
6. Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at maliksi. Gumamit ng
hagdanan. Kung kulang ka sa ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na
ika’y tumaba.
7. Sobrang alak. Ang malakas na pag-inom ng alak ay may masamang epe-
kto rin sa ating puso, atay, sikmura at utak.
8. Paninigarilyo. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng
hindi magandang pagdaloy ng ating dugo.
9. Stress o tensyon. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng so-
brang pagkapagod ng katawang pisikal, lalung-lalo na ng isip at emosyon.
Don’t worry, be happy.

Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o mababago,


maaaring makaiwas sa maraming sakit. Good luck po!

Gamot sa Cholesterol, Hindi Dapat Agad Inumin


Napakaraming pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling ga-
mot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20 – P80
bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at Ro-
suvastatin.
Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang araw, paano mo pa mabibili
ang gamot na iyan. Hindi ko po sinasabi na hindi mabisa ang mga Statins. Sa
katunayan ay napakabisa nito sa paglinis ng ating ugat. Ngunit kadalasan ay
nareresetahan agad ang pasyente ng Statins kahit hindi pa ito kailangan.

Kailan puwedeng hindi muna uminom ng Statins?


Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang

4
Gamot sa Cholesterol, Hindi Dapat Agad Inumin

Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o
sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol
test mo ay hindi pa umaabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.
Ang problema kasi, may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol
ay nagrereseta na ng Statins. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.
Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakata-
on puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at mantika
muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipasuri muli ang cholesterol. Kapag lampas pa sa
240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.
Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga babae na hindi pa
menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estro-
gen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede
munang hindi uminom ng Statins ang mga babaeng hindi pa menopause.

Kailan dapat uminom ng Statins?


Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ang iyong cho-
lesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may
diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang ga-
mot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.
Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. May mga generic na P10
hanggang P20 bawat tableta.

Paano kapag kulang sa pera?


Kapag kapos pa rin sa pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ito ay ang As-
pirin 80 mg tablet na P1.50 lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso
at mataas na cholesterol.
Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ng ating
mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins.

5
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Solusyon sa Mahina ang Puso (o Heart Failure)


May sakit na kung tawagin ay “heart failure” kung saan ay humihina ang masel
ng puso. Dahil dito, nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa buong
katawan.
Bakit nanghihina ang puso? Ang karaniwang sanhi ng heart failure ay ang
pagbabara ng ugat sa puso dulot ng altapresyon, diabetes, paninigarilyo at
pagkain ng matataba. May mga batang pasyente na may rheumatic heart dis-
ease ang nagkakaroon din ng heart failure.

Paano malalaman kung may heart failure?


Ang pinakamagandang test para malaman ang kondisyon ng puso ay ang 2D-
Echo, kung saan lalabas sa telebisyon ang hugis ng puso. Nagkakahalaga ito
ng P1,500 hanggang P4,000 depende kung saan gagawin. Base sa 2D-Echo,
malalaman kung may heart failure ang pasyente.
Ang sintomas ng heart failure ay ang pamamanas ng paa, paghingal lalo na
kapag nakahiga. Parang nalulunod ang pakiramdam at kailangan nilang gu-
mamit ng maraming unan.

Ano ang gamutan?


Kailangan magpa-check up agad sa isang cardiologist. May mga gamot na
ibinibigay tulad ng:
1. Furosemide 40 mg tablet – Ito ay gamot na pampaihi. Dahil mahina ang
puso, nag-iipon tuloy ang tubig sa buong katawan.
2. Ace-inhibitors tulad ng Enalapril 10 mg o Captopril 25 mg tablet – Mabisa
ang gamot na ito para mapaliit ng bahagya ang lumalaking puso.

Paano matatanggal ang sobrang manas ng heart failure?


1. Limitahan ang pag-inom ng tubig at likido sa 4 hanggang 5 baso lang
sa isang araw. Kabilang na dito ang sopas, juice, at matutubig na prutas.
Kapag uminom ka ng isang tasang sabaw, 4 na baso na lang ng tubig ang
puwede mong inumin.
2. Sukatin ang iniinom at iniihi bawat araw. Ilista ito sa papel. Gumamit ng

6
Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay

plastic na litro ng soft drinks para masukat ang lahat ng iniihi sa isang araw.
Sa mga pasyenteng may heart failure at pamamanas, kailangan ay mas
madami ang iniihi kaysa sa iniinom. Kung 1 litro ang nainom, kailangan ay
1 o 2 litro ang iihiin sa isang araw. Sa ganitong paraan, mababawasan ang
manas at paghingal ng pasyente.
3. Timplahin ang pag-inom ng Furosemide para maabot ang layunin na 1 o 2
litro ng ihi sa isang araw.
4. Kumain ng 2 saging bawat araw. Ito’y para mapalitan ang potassium na
nawawala sa katawan sa pag-ihi.

Alam kong mukhang mahirap ang paggamot ng heart failure. Pero napakaram-
ing pasyente na ang napagaling sa ganitong paraan. Huwag mangamba. May
pag-asa pa kahit mahina ang inyong puso. Kumonsulta sa inyong doktor.

Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay


Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umi-
ihi, o namamayat, magpa-check up para sa diabetes. Lalo na kung may lahi ka
ng diabetes, dapat ay suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar
ay higit sa 125 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood
sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Sorry po.
Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas (o pale sa
Tagalog) ay nasira na ng diabetes. Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako
ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pan-
creas.
Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, mag-diyeta at mag-ehersisyo.
Bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis. Umiwas sa soft drinks, iced
tea at mga juices. Mag-tubig ka na lang. Mag-ehersisyo ng mas regular.
Pangalawa, kung mas mataas pa sa 140 mg/dl ang iyong fasting blood sugar
ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta
iyan.
May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Ito ay ang (1) Met-

7
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

formin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Glicla-


zide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom
ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga 5 piso lang ang bawat isang
tablet na mabibili sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.
Sa pamamamagitan nitong 2 gamot, dapat ay mapababa na natin sa normal
na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105
mg/dl ang iyong fasting blood sugar.
Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pag-
dating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang mga paa at kamay. Lalabo ang
mga mata. Hindi na kayang makipag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli,
mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot ito sa dialysis
at pagkamatay.
Hindi biro ang sakit na diabetes. Ang dalawang binanggit kong mga gamot
ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Sigurado pong haha-
ba ang buhay ninyo sa mga gamot na ito. Kumonsulta sa inyong doktor.

Diyeta sa diabetes
Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo
ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng
wastong pagkain at wastong kaalaman. Heto ang mga tips na dapat tandaan.
1. Walang “mild” sa diabetes.
Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50% ng iyong mga selula sa pan-
creas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa
normal na 105 mg/dl.
2. Umiwas sa matatamis at matataba.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipi-
nas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang
ang matatamis at mamantika na pagkain.
3. Tumanggi sa Ice Tea, Soft Drinks at Capuccino. Mag-tubig na lang.
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong Ice Tea bawat araw ay nakapag-

8
Murang Gamot sa Diabetes

daragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks
naman ay may 7 kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang ta-
laga ang tunay na walang calories.
4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.
Akala ng marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakata-
taba din ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees.
Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa
isang kainan. Pagdating sa ubas ay sampung piraso lang ang puwede.
5. Puwede ang isang kanin, isang gulay at konting karne.
May mga taong hindi na kumakain ng kanin para pumayat. Hindi po ito magan-
da. Sa katagalan ay manghihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailangan din ng
katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay
ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may 1 ta-
sang kanin ay sapat na, hindi ba? Mag-diyeta para ma-kontrol ang inyong dia-
betes.

Murang Gamot sa Diabetes


May 4 na milyong Pilipino ang may diabetes. At napakarami pa ang magkaka-
roon nito sa darating na panahon. Bakit ko nasabi ito?
Ito’y dahil sa klase ng ating kinakain. Soft drinks, junk food, sitsirya, taba ng
baboy at French fries. May pagsusuri na nagpapatunay na ang soft drinks ay
puwedeng magdulot ng diabetes. Ang mga hindi nag-e-ehersisyo at may kata-
baan ay maari ding magka-diabetes.

Paano ginagamot ang diabetes?


Sa umpisa ay kinukuha sa diyeta at exercise ang diabetes. Ngunit madalas ay
hindi pa rin napapa-normal ang asukal sa dugo. Dahil dito, marami ang nangan-
gailangan ng gamutan. Ang pinakamainam na gamot sa diabetes ay ang mga
nirereseta ng ating mga doktor.

9
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

1. Metformin 500 mg tablet – Ang Metformin ay binibigay sa pasyenteng


may katabaan. Nakababawas ito ng gana sa pagkain. Ang Metformin ay
binibigay mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon depende sa taas ng
iyong blood sugar.
2. Gliclazide 80 mg tablet – Ang Gliclazide ay mas malakas magpababa ng asu-
kal kaysa sa Metformin. Iniinom ito ng 1 hanggang 3 tableta sa maghapon.
Minsan ay pinagsasabay ang Gliclazide sa Metformin. Ang isang murang
brand name ay ang Glubitor na 6 na piso lamang.

Depende sa antas ng inyong blood sugar, tinitimpla ng mga doktor ang dosis
ng gamot na ibibigay sa iyo. Ang pinakamataas na dosis na aking binibigay ay
ganito: Example: Metformin 500 mg tablet, 3 beses sa isang araw. At Gliclazide
80 mg tablet, 3 beses din sa isang araw.

Pinakamurang gamot sa diabetes


Kung gipit kayo sa budget, may murang mga generic na gamot na mabibili sa
mga tindahan tulad ng Botika ng Bayan at Generics Pharmacy. Nagkakahalaga
lang ng 2 o 5 piso ang bawat tableta ng Metformin o Gliclazide.

Paano naman ang food supplements?


Sa aking pananaw, mas epektibo ang mga regular na gamot, tulad ng Metfor-
min at Gliclazide, kaysa sa mga food supplements. Mas mura pa ang mga ito.
At kapag hindi pa rin bumaba sa normal ang blood sugar, kailangan na ma-
gumpisa ng Insulin injections. Huwag pong matakot sa Insulin. Sa katunayan,
malaki ang naitutulong ng Insulin para hindi mahirapan ang ating pale (pan-
creas). Magpatingin sa inyong doktor.

Huwag Pasaway, Inumin Ang Gamot Niyo


Mayroong mga pasyenteng pasaway. Matigas ang ulo at ayaw makinig sa dok-
tor. Kapag umiigi na ang pakiramdam ay itinitigil na ang gamot, kaya lumalala
tuloy ang sakit nila. Ito ang 4 na bagay na dapat nilang tandaan.

10
Inumin Ang Gamot Niyo

1. Ano ang dapat tandaan ng isang pasyente tungkol sa gamot niya?


Naiinis ang doktor sa pasyenteng hindi alam ang kanilang gamot. “Dok, iyong
hugis tatsulok, iyong bilog at iyong kulay pink na gamot.” Ano ba iyan? Ano ba
ang tingin mo sa mga doktor, manghuhula. Kaya payo ko sa mga kamag-anak o
nag-aalaga sa pasyente, tandaan ang 2 bagay: (1) Ano ang pangalan ng gamot
na iniinom? (2) Paano at kailan ito iniinom? Ilista sa papel para hindi makalimu-
tan. Importante iyan!
2. Paano masisiguro na regular ang pag-inom ng gamot ng pasyente?
Sa mga madalas makalimot, mayroong nabibiling espesyal na lalagyan ng ga-
mot na may markang Lunes hanggang Linggo sa labas. Puwede ring bantayan
kung iniinom ng inyong asawa o magulang ang kanilang mga gamot. May mga
magulang na hindi iniinom ang kanilang gamot dahil napakamahal daw nito
at ayaw nilang pagastusin ang kanilang mga anak. Dahil dito, mahalaga ang
pag-unawa ng pamilya. Ibalik si itay o inay sa doktor kada-tatlo o kada-anim na
buwan.
3. Puwede bang ihinto ang gamot kung maayos na ang pakiramdam?
Hindi puwede! Tandaan, maraming gamot ang tinatawag na “maintenance
medicine.” Ibig sabihin ay i-maintain o ituloy mo ang pag-inom. Dapat inumin
ng tuloy-tuloy ang mga gamot sa altapresyon, diabetes at sakit sa puso. Kaya
nasa tamang antas ang inyong blood pressure ay dahil may epekto pa ang ga-
mot. Kapag inihinto mo ang pag-inom nito, muling tataas ang presyon ng dugo.
Kadalasan, panghabang-buhay po ang pag-inom ng mga gamot na ito. Kumon-
sulta muna sa inyong doktor bago ihinto o baguhin ang mga gamot.
4. Paano makakamura sa pagbili ng gamot?
Kung kayo ay lampas 60 ang edad, kumuha ng Senior Citizen card sa City Hall at
ipakita ito sa botika upang mabigyan ng diskuwentong 20%. Subukang mag-
generics dahil mura ang generic na gamot. Sabihin din sa inyong doktor kung
puwedeng palitan ng mas murang brand ang mga iniinom na gamot.

Kaya kung puwede lang ay huwag maging pasaway. Inumin ang maintenance
na gamot para humaba ang inyong buhay.

11
2
2 Tamang Pagkain

Ang Pinakamasustansyang Pagkaing Pinoy

A lam mo ba ang mga pinakamasustansyang pagkain para sa ating kalusug-


an? Ano ba ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao?
Hindi ko na kayo papasabikin, heto ang aking listahan.
1. Ma-berdeng mga gulay – Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong,
broccoli, spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana
ito sa bitamina, minerals at iba pang healthy na kemikal. Kapag mahilig ka sa
gulay, sa tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Ang gulay ay mabuti
rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan, colon can-
cer at iba pang kanser.
2. Matatabang isda – Ang mga oily na isda tulad ng sardinas, tilapia, tuna at
mackerel ay may Omega-3. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso, tumutulong
sa pag-iwas sa atake sa puso at istrok, at nagpapababa ng kolesterol sa katawan.
Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. Ayon sa pagsusuri, ang Ome-
ga-3 supplements ay punong-puno ng healthy na Omega-3.
3. Kamatis – Ang kamatis ay mataas sa lycopene na tinatawag na anti-oxidants.
Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato sauce na gal-
ing sa kamatis ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa
mga kanser.
4. Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalandan – Masustansya ang mga
prutas na ito dahil may Vitamin C. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad
ng sipon, hika, at arthritis.
5. Carrots – May pagsusuri ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser.

12
Ang Pinakamasustansyang Pagkaing Pinoy

Ito ay may Vitamin A na mabuti sa ating mga mata. Isa pa, nakakapayat ang car-
rots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito. Kaya turuan natin ang ating
mga anak na kumain ng carrots.
6. Saging – Ang saging ang pinakamasustansyang prutas para sa akin. Puwede
ito gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil natatapa-
lan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay lunas din sa mga nanghi-
hina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. Kung lagi kayong pawisin
at gusto niyong lumakas, mag-saging ka. Nakita niyo na ba si Roger Federer, ang
tanyag na tennis player? Kumakain siya ng saging sa gitna ng kanyang laban.
Kailangan ni Federer ng lakas at sigla, at saging ang sagot.
7. Gatas, keso at yoghurt – Ang mga produkto ng gatas tulad ng mga nabang-
git ay matatawag nating “complete foods.” Ito’y dahil ang gatas ay may protina,
may carbohydrates at may taba din. May calcium pa para sa kababaihan. Nakita
niyo ba ang laki at lakas ng mga Americano? Ginagawa kasi nilang tubig ang
pag-inom ng gatas. Sa mga gustong magpapayat, low-fat milk ang inumin.
8. Bawang – Ang bawang ay makatutulong sa pagpapababa ng kolesterol.
Mag-ingat lang sa pagkain nito dahil puwedeng humapdi ang iyong tiyan.
9. Mansanas – “An apple a day, keeps the doctor away.” Tunay po iyang kasabi-
han. May taglay na pectin ang apple na nag-aalis ng dumi sa katawan. Nakaka-
busog pa ito at puwede sa mga nag-di-diyeta.
10. Tubig – Kasali ang tubig sa ating listahan dahil marami sa ating Pinoy ang
kulang sa pag-inom ng tubig. Lalu na ngayong tag-init, kailangang uminom ng
8-12 basong tubig. Makatutulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon sa ihi, panli-
nis ng katawan, pagbawas ng acid sa tiyan at pampaganda rin ng ating kutis.
Siguraduhin lang na malinis ang tubig na iniinom para hindi magka-typhoid o
cholera. Bumili ng purified water o pakuluan ng 5 minuto ang tubig.

Mayroon pang 10 pagkain sa aking listahan: (11) Ampalaya para sa diabetes;


(12) monggo na mataas sa protina at mura pa; (13) luya tulad ng salabat para
sa boses at pagsusuka; (14) oat meal para bumaba ang kolesterol; (15) kamote

13
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

dahil sa taglay na Vitamin A; (16) wheat bread dahil mataas ito sa fiber; (17) taho
at tofu; (18) tsa-a tulad ng green tea; (19) buko at buko juice para sa kidneys; at
(20) mani para tumalino. Sana po ay matago niyo ang listahang ito at maipama-
hagi sa iyong mga kaibigan.

Mga “Not-so-healthy” Foods Na Hilig Ng Pinoy


Alam mo naman tayong mga Pinoy, hilig natin ang mga pagkaing hindi healthy
sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta
sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.
10. Soft drinks – Naku, guilty ka diyan, ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay
may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa
mga may diabetes. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phos-
phorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at
puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, mag-tubig ka na lang!
9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng
maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong matataba, may sakit sa
puso at mataas ang kolesterol.
8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng
calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.
7. Alak – May mga pasyente ang nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso.
Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, “Doc, minsan,
nauubos ko ang isang bote.” Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira
ang ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din ito ng maraming kanser.
6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya at chips. Ito’y dahil may halong
vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan kaya turuan natin ang ating mga
anak na iwasan ito.
5. Medyo hilaw na karne – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na
laman, tulad ng kilawin na isda o karneng may dugo pa. Siguraduhin lutong-
luto ang inyong kinakain. Hindi sapat ang pagsawsaw sa suka o calamansi para

14
“Overweight ka ba?”

mapatay ang mga bulate at mikrobyo.


4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70% ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan.
Kapag ang mga street vendors ay hindi naghuhugas ng kamay, puwedeng mail-
ipat ang bulate sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish
ball, queck-queck at iba pa. Huwag makipagsapalaran.
3. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng
utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga
eksperto ang nagsasabi na puwedeng magdulot din iyan ng kanser.
2. Chicharon at chicharon bulaklak – Sabi ng kaibigan ko, “Balat lang naman
ang gusto ko at hindi naman taba.” “Eh saan ba nagtatago ang taba,” ang sagot
ko. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-
popcorn ka na lang.
1. Lechon – Ang paborito ng lahat kainin ay ang lechon, crispy pata at pata tim.
Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak.
Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, patikim-tikim na lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan
ko ang inyong damdamin, pero iyan po ang buong katotohanan. Mag-ingat!

“Overweight ka ba?”
Alam niyo ba ang inyong tamang timbang? May taong mukhang payat, pero
ang taba ay nasa bilbil. May taong mabilog ang mukha, pero payat naman.
Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi, heto ang lista ng
tamang timbang batay sa edad, taas at kasarian.

15
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Lalake Babae
Taas Timbang Taas Timbang
Pounds Kilo Pounds Kilo
4’ 10’’ 90 40.9
4’ 11’’ 95 43.2
5’ 0’’ 106 48.2 5’ 0’’ 100 45.4
5’ 1’’ 112 50.9 5’ 1’’ 105 47.7
5’ 2’’ 118 53.6 5’ 2’’ 110 50.0
5’ 3’’ 124 56.4 5’ 3’’ 115 52.3
5’ 4’’ 130 59.1 5’ 4’’ 120 54.6
5’ 5’’ 136 61.8 5’ 5’’ 125 56.8
5’ 6’’ 142 64.6 5’ 6’’ 130 59.1
5’ 7’’ 148 67.3 5’ 7’’ 135 61.4

Halimbawa, kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches, ang tamang
timbang mo ay 136 pounds lamang. Kapag lumampas ka ng 10 pounds sa tim-
bang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong doktor. Ang ibig sabihin
ay puwede kang magkasakit ng diabetes, arthritis at sa puso. Kung sobra ka sa
timbang, may ilang tips dito para magpapayat:

1. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods), soft drinks at juices.


2. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman agad ang pagkabusog at
paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain.
3. Kapag sobra sa timbang, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo
lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Ang mga pildoras na pampa-
payat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.
4. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanman-
an ang iyong kinakain.
5. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30
minuto, tatlo hanggang limang beses kada linggo.
16
Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks

Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks


Kung kayo po ay sobra sa timbang, may diabetes, may altapresyon o gusto lang
maging malusog, sundin ninyo ang payo ko: Magbawas tayo sa Iced Tea, soft
drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. Malaki ang maibababa sa
timbang ninyo.
Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal.
Kapag uminom kayo ng soft drinks, para ka na rin kumain ng 7 kutsaritang asu-
kal! Ganoon din ang iced tea. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis!
Ayon sa siyentipikong pagsusuri, ang pag-inom ng soft drinks ay puwedeng
maging sanhi ng diabetes. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan.
Kahit “No-sugar” o “Lite” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. Dahil ang
diet soft drinks ay may halong phosphorous na nagtatanggal ng calcium sa
ating katawan. Puwede kang magka-osteoporosis. Ang payo ko ay mag-tubig
na lang!

Nakatataba ang Pineapple Juice at iba pa


Kung kayo’y may katabaan, ang payo ko ay umiwas din sa mga fruit juices. Or-
ange juice, pineapple juice at kung anu-ano pang juices. Mataas ito sa calories at
asukal kahit sabihin mong “unsweetened” pa. Kapag uminom kayo ng maram-
ing juices, baka kayo tumaba.
Hindi ko alam saan nanggaling ang paniniwala na maganda sa altapresyon
ang pag-inom ng pineapple juice. Hindi po ito tunay. Gamot, diyeta at exercise
lang ang magpapababa ng blood pressure.
Anong prutas ang puwede sa mga nagpapapayat? Mansanas, peras at
konting saging lang ang puwede. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil
sobra itong matamis. Kung gusto ng mangga, isang pisngi lang ang puwedeng
kainin. Sa ubas ay 10 piraso lang ang pinakamadami.

Umiwas sa Coffee at Energy drinks


Walang gaanong benepisyo ang makukuha sa mga coffee drinks. Lalo na kung
may halo pang whipped cream, chocolate, at full cream milk ang kape mo. Alam
niyo ba na ang katumbas ng isang cappuccino with whipped cream ay 3 pla-

17
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

tong kanin na?


Masama din sa kalusugan ang mga energy drinks dahil mataas ito sa caf-
feine. Nakaka-addict ang caffeine at nakabibilis pa ng tibok ng puso. Kung ika’y
may altapresyon, bawal ang energy drinks dahil puwedeng tumaas ang blood
pressure mo.
Kaya kaibigan, tubig lang ang dapat inumin. Papayat ka pa at makaiiwas ka
pa sa maraming sakit!

One Egg A Day Lang Po!


Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin?
May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang it-
log ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa
katawan at masustansya.
Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang
pula ng itlog. Mataas ito sa kolesterol dahil ang rekomendasyon ng American
Heart Association ay huwag kumain ng lampas sa 300 milligrams ng kolesterol
sa isang araw.
Sari-sari ang opinyon tungkol sa itlog. Ngunit ang sasabihin ko ngayon ay
ang deklarasyon ng mga doktor ng American Heart Association at Philippine
Heart Association. Heto ang payo namin:
1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetes o problema sa koles-
terol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga
kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang
nilagang itlog kaysa sa pritong itlog.
2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetis o mataas ang kolesterol, kailangan
limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo. Kung
gusto mo kumain ng itlog, mas maigi ang puti ng itlog na lang ang kainin
at huwag na lang ang pula o egg yolk. Nasa egg yolk kasi ang kolesterol.
3. Eat eggs in moderation. Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang
ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong
makasama sa iyo.

18
“Dok, ano ang bawal kainin?”

Para sa akin, hindi ko mapapayo ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang


araw. Kailangan ay balanse ang ating diyeta. Kumain ng gulay, prutas at isda.
Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, malunggay, carrots at kalabasa.
Sa prutas, sagana sa bitamina ang saging, suha at mansanas. Sa isda naman,
mabuti sa katawan ang sardinas, tilapia at bangus belly. Good luck po!

“Dok, ano ang bawal kainin?”


May pasyente ako na nagsabing, “Dok, bakit lahat ng katakam-takam kainin ay
masama daw sa katawan?”“Tama ka diyan,” wika ko, “Ewan ko nga ba kung bakit
ang masasarap ay bawal?”
Ano ang mga dapat natin kainin at iwasan? Kumain ng mga pagkaing wala
o mababa sa taba at kolesterol gaya ng gulay, isda, manok, at skim milk. Mabuti
lahat iyan sa katawan. Kung mahilig kayo sa itlog, limitahan ang pagkain nito sa
tatlong beses sa isang linggo.
Mag-dahan-dahan tayo sa pagkaing mataas sa taba at kolesterol gaya ng
chicharon, lechon, gata, pagkaing prito, at taba ng karne. Limitahan din sa isang
beses kada linggo ang mga pagkain ng pato, mantikilya, karne norte, hamon,
talaba at alimasag.
Kung kayo ay may altapresyon, bawasan ang maaalat na pagkain tulad ng
tocino, sausage, hamon, tuyo, tinapa, asin, toyo, bagoong, patis, vetsin, at mga
pagkaing de-lata. Bawal po ang asin sa mga may high blood.
Sa mga misis, may payo tayo sa tamang paraan ng pagluluto ng mga pag-
kain. Mainam na magpakulo, magbeyk (maghurno) o mag-ihaw na lamang
kaysa sa magprito. Hiwain at tanggalin ang taba sa mga karne. Itapon ang man-
tikang lumabas sa karne habang niluluto ito.
Heto ang listahan ng puwedeng ipalit sa mga pagkaing mataas sa kolesterol
at asukal.
1. Ang full cream milk ay nakatataba, palitan ng skim milk.
2. Ang taba ng baboy at baka ay masama. Kumain na lang ng taba ng isda na
mas-healthy.
3. Ang ensaymada ay maraming mantika at asukal, pan-de-sal na lang.

19
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

4. Kung hilig mo ay magpulutan tulad ng chicharon bulaklak, kumain na lang


ng popcorn o butong pakwan.
5. Imbis na uminom ng softdrinks o iced tea, magtubig na lang. Tiyak na pa-
payat ka diyan.
6. Huwag piliin ang sinangag, sinaing na kanin na lang.
7. Magbawas sa mayonnaise sa ensalada, matutunang gumamit ng suka.
8. Sa mga naglilihi sa ice cream at cake na may icing, puwede bang ice candy
at gulaman na lang?
Alagaan natin ang ating kalusugan. Kumain ng tama.

Saging: Ang Pinakamasustansyang Prutas sa Buong Mundo


May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali na po iyan. Ang
bago ngayon ay “Two bananas a day will keep the doctor away.” Marami nang
pagsusuri ang nagpapatunay na ang saging ay napakabuti sa katawan.
Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories,
Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8
mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23
grams, at Protein: 1.2 mg.

Marami ang benepisyo ng saging:


1. Para sa tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangan-
gasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phos-
pholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa
ating tiyan.
2. Para sa puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at
bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dag-
dagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging
dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2
saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like

20
Kumain ng Malunggay

Piolo Pascual. Tipid pa!


4. Mabuti sa colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban
sa colon cancer at iba pang sakit sa bituka natin.
5. Para sa nag-e-ehersisyo – Sa mga mahilig mag-ehersisyo, kailangan mo ng
saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa iyong
bag.
6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may trypto-
phan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Kaya kung nalulungkot ka
dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha. Kumain ng saging.
7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mang-
ga sa bag? Mahirap kainin, hindi ba? Pero ang saging ay napakadali ibaon. Tala-
gang ginawa ng Diyos ang saging para kainin.
8. Posibleng makabawas sa leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nag-
sasabi na kapag ang bata ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila
hihikain, at hindi rin magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami
ang naniniwala nito.

Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka ng saging para lumakas
at lumusog.

Kumain ng Malunggay
Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa pagkain ng
malunggay, marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malung-
gay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay. Alamin natin
ang galing ng malunggay.

Madaming Bitamina
Ang dahon ng malunggay ay sagana sa calcium at iron. Ang calcium ay nag-
papatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay ane-

21
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

mic o kulang sa dugo, may iron ang malunggay na nagpapadami ng ating dugo.
Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay.
Ang mga bitaminang A at C ay tinatawag na anti-oxidants. Ito ang lumalaban sa
stress at nagpapabagal sa ating pag-edad.
Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming
bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat ma-
sanay ang mga bata na kumain nito.
Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates,
calcium, iron at phosphorus.
At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga
payat na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa
mga feeding program ng gobyerno.

Mga benepisyo ng malunggay:


1. Pampalakas ng katawan - Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-
araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.
2. Pampadami ng gatas ng ina - Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng
1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at
inumin.
3. Para sa constipated - Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1 tasang dahon sa
gabi. Makatutulong ito sa pag-ayos ng iyong pagdumi.
4. Itapal sa sugat - Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na
dahong malunggay sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan
ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.
Marami pang galing ang itinatago ng malunggay. Kaya magtanim na ng
malunggay sa inyong bakuran.

Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga


Maraming doktor ang nagulat sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-
aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga
22
Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga

sikreto ng pakwan? Alamin natin ang bisa nito:


1. Maigi sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan
ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine
ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat
sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at
atake sa puso.
2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat,
nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng
pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan
ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan.
3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, posibleng may tulong ang
pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat
sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Ngunit
hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.
4. Tulong sa pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasus-
tansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban
sa kanser. Bukod sa pakwan, ang kamatis ay mayaman din sa lycopene.
5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay mayroong vitamin C at vitamin A na kailan-
gan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw
na pakwan naman ay makatutulong sa pag-iwas sa katarata sa mata (macular
degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan.
6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa
92% alkaline water. May nagsasabi na mabuti ang alkaline water sa ating sik-
mura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer, umiwas
sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito.
7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang
pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath.
8. Makatutulong sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pak-
wan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipat-

23
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

ed), kumain ng maraming pakwan.


9. Mainam sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan
ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pak-
wan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo sa pantog. At kung
ika’y may bato sa bato (kidney stones), makatutulong din ang pakwan sa iyo.
10. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay
makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa
uric acid (gout), kumain ng pakwan. Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan.
11. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at
iron. Dahil dito, nagbibigay ito ng lakas sa katawan. May natural na asukal din
ang pakwan na nagpapasigla sa atin.
12. Para makaiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon, puwede
tayong mahilo at manghina. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang ka-
tas na nagpapalamig sa ating katawan.
13. Para sa sakit ng ulo – Sa South Africa, tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo
at bandang sentido para matanggal ang sakit ng ulo.
14. First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin sa
refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang
araw. Magiginhawahan kayo at mababawasan ang rashes.
15. First-aid sa sunburn at pagkapaso - Kapag napaso ang iyong balat, magan-
da itong lagyan ng yelo. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng
napaso.
16. Bilang pampaputi – Alam niyo ba na may glutathione din ang pakwan? Oo,
ang glutathione ng pakwan ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at
gulay. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito
ng ating immune system.

Napakahaba ang listahan ng benepisyo ng pakwan. Kaya ano pa ang hinihintay


niyo? Kain na!

24
Bawasan ang Kanin

Sa May Diabetes at Matataba, Bawasan ang Kanin


Ang payo ko sa mga may diabetes o sa mga matataba: Bawasan ang kanin.
Bakit? Dahil ang kanin ay nakatataba at nakatataas ng antas ng ating blood
sugar. May nadiskubre ngayon ang mga eksperto na kung tawagin ay “good car-
bohydrates” at “bad carbohydrates.” Ang good carbohydrates ay hindi gaanong
nagpapataas ng asukal sa ating dugo. Ito ang mga gulay, prutas, pansit at wheat
bread.
Ang mga bad carbohydrates naman ay ang white rice, patatas at white bread.
Kapag ang diabetiko ay kumain ng 2 platong kanin, biglang tataas ang asukal
niya sa dugo. Sa katagalan, masisira ang kanyang mga organo.
Para sa mga may diabetes, matutuklasan niyo na biglang tataas ang iyong
blood sugar 15 minutos pagkatapos kumain ng rice. Mabilis kasi madurog at
ma-absorb ang kanin sa ating katawan. Hindi tulad ng gulay kung saan dahan-
dahan ang pagpasok ng sustansya sa ating katawan.
Para sa may katabaan naman, maigi din na bawasan ang kanin. Ang mahilig
sa rice ay lumalaki ang bilbil. Ngunit kung tinapay ang hilig, mas papayat sila.
Sa umaga, imbes na magkanin at tap-si-log ay mag-pandesal na lang at sardi-
nas. Kahit 3 pandesal ay puwede naman. Huwag lang ubusin ang isang supot.
Alam kong may mag-rereklamo. “Paano naman iyan, hindi ako mabubusog
kung walang kanin?”
Eh, kaya nga tayo tumataba? Sino bang nagsabi na puwede mong ubusin
ang isang bandehadong kanin. Nakita niyo na ba ang 1 supot ng kanin sa fast-
food. Ganoong karami lang ay sapat na. Damihan mo na lang ang gulay mo
tulad ng repolyo, ampalaya at kangkong.
At may sikreto pa ang mga Hapon na umabot sa edad 100. Ang sikreto nila:
Huwag daw magpakabusog. Basta may laman lang ang tiyan ay puwede na.
Madali silang tumigil sa pagkain. Kaya magbawas sa kanin para pumayat at ma-
kontrol ang diabetes. Good luck po.

25
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Paano Iiwas sa Pagkaing Nakalalason


Nakakaawa po ang ibang balita sa diyaryo, “27 bata nalason sa pagkain.” Dahil
dito, naghanda ako ng mga epektibong tips para maka-iwas sa pagkalason.
1. Piliin ang mainit na pagkain. Mas safe ang mga bagong lutong pagkain tu-
lad ng kumukulong sabaw. Mainam din ang hot tea bilang inumin.
2. Piliin ang tuyo na pagkain. Mabilis masira ang mga ulam na may sarsa, lalo
na yung may gata. Para ligtas, kumain na lang ng pritong karne o inihaw na isda.
3. Amuyin, tingnan at tikman muna ang pagkain. Kung amoy panis ang pag-
kain, huwag isubo. Kung lasang ipis, iluwa ito. Kung may itim-itim na mukhang
dumi ng ipis, ipaalam sa waiter.
4. Limitahan ang pagkaing may gatas. Madaling mapanis ang cheese whiz,
cheese pimiento, buko salad at mga may mayonesa. Kung hindi mapigilan ang
sarili, konti lang ang kainin para kung may mikrobiyo man, ay malalabanan mo
pa rin.
5. Huwag kumain ng hilaw. May mga nagpapa-sosyal sa half-cooked na laman,
yung may dugo pa. Mag-ingat at maraming bulate ang puwedeng mamuhay sa
karne tulad ng mga beef and pork tapeworms. Lutuin maigi bago kainin.
6. Piliin lang ang kakainin. Alam ko kapag handaan, gusto natin tikman lahat
ng pagkain. Kaya lang, kung may panis na isang putahe ay siguradong damay
ka sa pagtatae. Para ligtas, pumili lang ng iilang klase ng pagkain.
7. Malinis na tubig ang inumin. Huwag magbakasakali sa tubig sa gripo. Hindi
po ito malinis at posibleng magdulot ng typhoid, amebiasis at cholera. Delikado
po ito at kapag napuruhan kayo, puwedeng makamatay.
8. Mag-ingat sa mga tinda sa kalye. Alam kong masarap ang fish ball, queck-
queck at Pinoy sorbetes. Kaya lang alam mo ba kung kani-kaninong laway na
ang nakasawsaw sa sarsa ng fishball? At malinis ba ang sangkap ng pagkain?

Kaya mabuti pa na kumain na lang sa bahay. Maghugas tayo ng kamay bago


at pagkatapos kumain. Gumamit ng sabon at kuskusin maigi ang mga kamay

26
Mga Pagkaing Pampasaya

at kuko ng isang minuto. Turuan din ang ating mga anak ng kalinisan. Hugas
kamay lang, iwas sakit na!

Malungkot ka ba? May Pagkaing Pampasaya!


Totoo po, kaibigan. May mga pagkaing nagpapasaya sa atin. Ang tawag ng mga
eksperto dito ay “mood-lifting foods.” Kaya kapag kayo’y nalulungkot sa buhay,
subukan itong mga pagkain:
1. Kanin, wheat bread at spaghetti – Ang mga carbohydrates tulad ng kanin,
pansit at spaghetti ay nagpapasaya sa atin. Ang carbohydrates ay nagpapataas
ng ating serotonin levels, na nagpapakalma ng ating emosyon. Hindi ba parang
kalmado ka kapag nakakain ka ng isang platong mainit na kanin?
Mas mainam na piliin yung mga good carbohydrates tulad ng wheat bread,
brown rice at mga gulay din. Huwag maniwala sa high-protein diet tulad ng
Atkin’s at Southbeach diet dahil ito’y magpapalungkot lang sa inyo. Kaibigan,
ingatan lang ang dami ng ating kinakain para hindi tumaba.
2. Gatas –Ang gatas ay may mga bitamina at amino acids para gumanda ang
ating pananaw. Dahil sa gatas, tataas ang serotonin sa ating katawan. Ang sero-
tonin ay parang anti-depressant tulad ng Prozac. At para hindi tumaba, uminom
ng skim milk na mababa sa calories. Masustansya na, pampasaya pa!
3. Matatabang isda tulad ng mackerel, tuna at sardines – Ang mga matata-
bang isda (oily fish) tulad ng mga nabanggit ay mataas sa Omega-3 fish oil. Ang
Omega 3 ay mabuti sa ating puso, pampababa pa ng kolesterol at makatutu-
long din na pasayahin tayo. Pinapataas ng Omega 3 ang serotonin levels ng
ating utak. At kapag maraming serotonin, mas masaya tayo. May tulong din ang
Omega 3 supplements para sa ating kalusugan.
4. Tsokolate – Naku, nakakataba yata iyan? Oo nga, aaminin kong nakakataba
ang tsokolate pero marami naman itong kemikal na nagpapasaya sa atin. Sabi
ng mga experto, ang pagkain ng tsokolate ay nagpapadami ng endorphins sa
ating katawan. Ang endorphins ay mga natural na hormones na nagpapasaya
sa atin.
27
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

5. Kahit anong pagkaing masarap – Basta masarap ang kinakain, hindi ba


sumasaya ka na? Kaya lang, karamihan ng masarap na pagkain ay nakakataba
at baka tumaas pa ang ating kolesterol. Para sa akin, masarap ang gulay tulad
ng ampalaya at upo. Masaya ako diyan. Sa iba naman, masarap ang chicharon,
lechon at taba ng baboy.

Ang payo ko ay hinay-hinay lang sa pagkain ng inyong mga paborito. Sanayin


ang panlasa natin na kumain ng masarap na at masustansya pa. Ang gulay, pru-
tas at isda ay sadyang mabuti sa inyong kalusugan. Piliin ang mga ito.

28
3 Tamang Pamumuhay

Kailangan Bang Itigil Ang Paninigarilyo?

O o. Ang buong katotohanan ay ang paninigarilyo ang pinakamasamang


bisyo. Gawin natin ang lahat para maitigil ito. Marami ang mga nag-
tatanong sa akin:
1. Ano ang kinalaman ng paninigarilyo sa altapresyon?
Malaki. Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napag-
alaman rin na ito ay nakapagpapakipot ng mga ugat. Dahil sa bara o pagkaki-
pot, napupuwersa ang puso na bumomba nang mas malakas kaysa dati upang
dumaloy ang dugo sa mga ugat.
Dahil dito, tumataas ang ating presyon. Ang mga ugat na naaapektuhan ay
matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi o organo ng katawan tulad ng utak, baga,
bato (kidney) at pati ang puso mismo ay nadadamay.
2. Bakit mahirap ihinto ang paninigarilyo?
Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina at ito ang sanhi kung bakit nawiwil-
ing gumamit ang maraming tao nito. Ang nikotina ay isang kemikal na may
nakakaengganyong epekto sa ating utak. Ang isang humihithit ng sigarilyo ay
nakadadama ng kakaibang “high” – parang tumatalas ang isip at nakokondi-
syong magtrabaho. Maihahalintulad nga ang sigarilyo sa isang pinagbabawal
na gamot.
3. Ano ba ang benepisyong makakamit kung ihihinto ang paninigarilyo?
Marami po. Tiyak na hahaba ang iyong buhay dahil gaganda ang lagay ng iyong
kalusugan. Makakaiwas ka sa mga komplikasyon sa katawan tulad ng mga sakit
sa baga (emphysema at kanser), stroke, at atake sa puso. Makakatipid ka rin sa
pambili ng sigarilyo at mailalaan ito para sa ibang mga gastusin.

29
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

4. Ang pagtigil ba sa paninigarilyo ay makapagpapalakas ng katawan?


Oo. Kung wala na ang nakasisirang epekto ng sigarilyo sa mga ugat, magsisim-
ula na itong kusang maghilom. Lalakas ang iyong puso, utak at bato dahil ga-
ganda ang daloy ng dugo. Pati sex-life niyo ay titindi rin. Ngunit ang prosesong
ito ay mabagal kaya mas mainam kung maititigil nang maaga ang paninigarilyo
upang hindi na umabot pa sa lubusang pagkasira ng mga ugat.

Paano Ititigil Ang Pag-Yosi


Alam kong mahirap itigil and paninigarilyo lalo na kung nakasanayan mo na ito.
Pero may pag-asa pa. Kaya mong maihinto ito bagama’t may kahirapan.
Maaaring mangailangan ng ilang ulit na pagsubok sa paghinto bago mag-
ing matagumpay sa balak. Ang mga sumusunod ay ilang mga hakbang upang
maihinto ang bisyong ito:
• Ihanda ang sarili. Alamin ang mga dahilan kung bakit nais tumigil.
• Pagpasyahan at planuhin nang mabuti.
• Magtakda ng petsa kung kailan talaga titigil.
• Umiwas sa tukso. Pansamantalang lumayo muna sa mga kaibigang na-
ninigarilyo rin o kaya ay ipaalam sa kanila ang plano mong huminto
na. Itabi ang lahat ng sigarilyo at ashtray sa bahay at opisina. Huwag
maglalagay ng sigarilyo sa bulsa.
• Asahan ang pagdating ng tinatawag na “withdrawal symptoms.” Ano
ito? Ito ay isang kondisyon kung saan ang buong katawan ay nakarara-
nas ng masamang pakiramdam at pagkabalisa dala ng biglang pagtigil
sa bisyong nakasanayan na. Ang withdrawal symptoms ay mararana-
san sa umpisa ngunit ito ay isang senyales na ang katawan ay nag-
uumpisa nang humilom.
• Humingi ng suporta mula sa mga kamag-anak, kabiyak at kaibigan.
• Maging abala sa mga iba’t ibang gawain. Magkaroon ng mga dagdag
na libangan tulad ng sports at pagsasayaw.
• Kunin nang paisa-isang araw ang pagtigil sa paninigarilyo hanggang
sa unti-unting makasanayan na hindi ka na gumagamit nito.

30
Magsipilyo Ng 3 Beses Bawat Araw

• Huwag agad masiraan ng loob kung sa simula ay hindi magtagumpay.


Kailangan ang matinding determinasyon para subukan muling humin-
to. Mag-pursige.
• Imbis na sigarilyo ang ilagay sa bibig, mag-nicotine gum ka na lang.
Magtanong sa duktor o sa botika tungkol sa tamang paggamit ng Nic-
otine gum.

Tandaan: Ang paghinto sa paninigarilyo ay di biro. Kailangan ng tiyaga at de-


terminasyon upang mapanaig ang kagustuhang maitigil ang paninigarilyo, at
mapanumbalik ang kalusugan ng katawan. Kaya mo iyan!

Magsipilyo Ng 3 Beses Bawat Araw


Isa sa laganap na problema ng pinoy ay ang pagkasira ng ngipin. Pumunta sa
anumang barangay o eskuwelahan, karamihan ng mga bata ay sira o nabubu-
lok ang ngipin. Kapag nangyari ito, ang unang iisipin ng magulang ay ipabunot
ang ngipin. Paano naman ang kinabukasan ng bata?
Ang may kasalanan talaga nito ay ang mga magulang. Hindi nila naturuan
ang kanilang anak na mag-sipilyo. Ayon sa pagsusuri, kapag laging sira ang
iyong ngipin, mababawasan ng 3 taon ang iyong buhay.

Paano ang tamang pagsisipilyo?


Ang tamang paggamit ng toothbrush ay ang pagtagilid sa ngipin ng 45 degrees
ang angulo. Dahan-dahan lang ang pag-brush, at pataas ang dapat na pagkilos.
Mag-umpisa mula sa pagitan ng ngipin at gilagid.
Ang bawat ngipin ay dapat ma-brush ng 10 beses bawat pagsisipilyo. Sa
ganitong paraan, matatanggal ang mga dumi na sumisiksik sa ngipin.
Unahin muna ang mga ngipin sa ibaba, bago sa itaas. Mag-brush sa kaliwa,
sa gitna at sa kanan. Abutin din ang likod ng mga ngipin. Mag-brush ng higit-
kumulang sa 3 minuto.

31
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Mga dagdag na payo para sa ngipin


1. Kung hindi kayang mag-brush pagkatapos kumain, magmumog na lang
maigi ng tubig.
2. Gumamit ng dental floss (yung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin)
araw-araw. Mag-floss kahit isang beses sa isang araw.
3. Bumili ng panlinis ng dila o Tongue Cleaner. Napatunayan na makatatang-
gal ito ng bacteria at mabahong hininga.
4. Huwag kumain ng matitigas na bagay at baka mabali ang inyong ngipin.
Dahan-dahan lang sa pagkagat ng baboy, baka, butong pakwan at iba pa.
5. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng candy at tsokolate. Nakasisira ito
ng ngipin. Magmumog o uminom ng tubig pagkakain nito.
6. Huwag hayaan si beybi na makatulog na may bote ng gatas sa bibig. Painu-
min siya ng tubig pagka-dede para hindi masira ang ngipin.
7. Huwag uminom ng makukulay na inumin tulad ng soft drinks o iced tea.
Umiwas din sa paninigarilyo. Nakadidilaw ang mga ito ng ating ngipin.
8. Magpakonsulta sa inyong dentista kada anim na buwan.

Kaya po ang pakiusap ko sa mga magulang, turuan natin ang ating anak na
magsipilyo araw-araw. Iwas impeksyon, iwas bad breath at iwas gastos din.
Kawawa naman sila kapag lumaki silang bungi. Baka wala nang magkagusto
sa kanila.

Maligo Araw-Araw
May masigasig na manliligaw si Linda, isang dalagang 28 anyos. Mabait naman
ang lalaki. Hindi naman siya pangit at marunong pang magtrabaho. Kaya lang,
may isang pintas si Linda: madumi ang kanyang mga kuko. Binasted ni Linda
iyung lalaki dahil hindi siya malinis sa katawan.
Kung tutuusin, tama si Linda dahil napakahalaga ang kalinisan ng katawan.
Alam n’yo ba na maraming sakit ang maiiwasan kung tayo ay maliligo maigi
araw-araw? Kaya mga bata, ate, kuya at magulang, maligo araw-araw at umiwas
sa mga sakit na ito.

32
Maligo Araw-Araw

1. Pigsa – Ang mga taong pinipigsa ay kadalasan kulang sa kalinisan. Ang mga
bacteria sa ating balat (ang tawag ay staphylococcus) ang nagdudulot ng pigsa.
Maligo at mag-alcohol palagi para makaiwas sa pigsa.
2. Sipon at ubo – Ang sipon at ubo ay madaling makahawa, lalo na sa mga bata.
Madumi kasi ang kanilang mga kamay at punong-puno ng bacteria at virus.
Ang solusyong: maghugas ng kamay.
3. Galis (o scabies) – Sabon at tubig ang magandang panlaban sa galis. Panatili-
hin ding malinis ang ating paligid at silid tulugan para hindi dapuan nito.
4. Alipunga – Ito ay isang fungal infection sa mga daliri ng paa. Kapag laging
basa ang ating paa at hindi tayo araw-araw naliligo, puwedeng magka-alipun-
ga. Pahanginan ang paa at mag-tsinelas muna.
5. Sore eyes – Bacteria sa mata ang sanhi niyan. Sobra itong nakahahawa lalo na
kung nakipagkamay ka sa isang taong may sore eyes.
6. Bulate sa tiyan – Kapag ang mga bata ay naglalaro sa lupa, puwede silang
magkabulate. Nagtatago sa ilalim ng kuko ang mga itlog ng bulate. At kapag
isinubo ng bata ang kamay sa bibig, papasok na ang bulate sa tiyan.

Bukod sa mga sakit na ito, mababawasan din ang mga sugat sa katawan
kapag maliligo tayo. Maligo mula ulo hanggang paa. Hugasan maigi ang buhok.
Gumamit ng shampoo sa buhok at sabon para sa katawan. Hindi puwede ito
ipagpalit dahil ang shampoo ay angkop sa buhok at ang sabon ay angkop sa
balat.
Gumamit ng tuwalya o bimpo at kuskusin ang buong katawan. Huwag kalig-
taan ang mga daliri sa kamay at paa. Huwag magmadali at gumamit ng sapat
na tubig. Maligo ng 15 hanggang 20 minutos para malinis ang buong katawan.
Tandaan: maligo araw-araw para makaiwas sa sakit.

33
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Bawasan Ang Stress: 10 Paraan


Lahat ng tao ay may stress sa buhay. May problema sa pera, trabaho, pamilya at
pagmamahal. Para mabawasan ang iyong stress, heto ang 10 paraan:
1. Magkaroon ng mabait na kaibigan – Alam mo ba na ang pagkausap sa isang
matalik na kaibigan ay puwedeng makatanggal ng 90% ng iyong problema?
Ayon sa pagsusuri, ang pakikipagkuwentuhan sa kaibigan ay katumbas na ng
pag-inom ng isang tabletang pain reliever. Matatanggal ang sakit ng ulo niyo.
2. Mag-alaga ng aso – Malaki ang naitutulong ng alagang aso sa paggaan ng
ating kalooban. Ito’y dahil marunong magbigay ng pagmamahal ang aso sa
kanilang amo. Kung ika’y nag-iisa, baka gusto mong mag-alaga ng aso.
3. Mag-alaga ng halaman o house plants – Ang pag-alaga ng halaman sa loob
ng bahay ay nagbibigay ng malinis na hangin (oxygen) at nakatatanggal ng po-
lusyon sa ating paligid. Ang hilig ko ay ang “fortune plant” na madaling alagaan.
4. Tumawa. Kahit malungkot ka, subukang manood ng mga masasayang pala-
bas sa TV o sa sine, tulad ng comedy at entertainment shows. Sa ganitong para-
an, tataas ang lebel ng mabubuting kemikal (endorphins) sa iyong katawan.
Sasaya at gagaan ang iyong pakiramdam.
5. Mag-shopping – Nakalilibang ang pag-shopping. Kahit window-shopping
lang ay puwede na. Hindi ka naman dapat bumili kung ayaw mo. Tumingin na
lang ng magagandang bagay sa mall at mababaling na ang iyong isipan.
6. Makipag-tsismis – Ayon sa pagsusuri, nakatatanggal ng stress ang tsismis.
Ngunit puwede namang magagandang balita ang pag-usapan at hindi iyong
nakasisira ng kapwa.
7. Magsulat sa diary – May tulong ang pagsusulat ng iyong sinasaloob sa isang
notebook. Nailalabas at naihihinga mo ang iyong problema.
8. Matulog – Ang tulog ay sadyang nagpapalakas ng ating katawan. Ang pagtu-
log ang panahon na naghihilom ang katawan at nanunumbalik ang ating lakas
at sigla.

34
Bawasan Ang Stress: 10 Paraan

9. Tumulong sa kapwa – Nakagagaan ng pakiramdam ang pagtulong sa kap-


wa, lalo na sa mas mahihirap sa atin. Natutuklasan natin na maliit lang pala ang
ating problema kumpara sa ibang tao.
10. Magdasal – Alam natin na ang Diyos lang talaga ang kayang makaintindi at
makatanggal ng ating mga suliranin. Sabi sa Bibliya, “Cast all your burdens upon
Him and He shall give you rest.”

Gamitin ang 10 paraan na ito, at bawasan ang iyong stress. Good luck!

35
4 Para Pumayat, Gumanda
At Para Sa Kababaihan

Magpapayat Tips (Part 1)

A yon sa isang local survey, 40% ng mga kababaihan ay overweight o so-


bra sa timbang. Samantala, 15% lang ng kalalakihan ang matataba. Bakit
kaya? Ito’y dahil ang mga nanay ay kinakain ang tira ng mga anak. At laging
nasa bahay ang mga babae kaya hindi gaanong nag-e-ehersisyo.
Paano malalaman kung mataba ka o hindi? Isang simpleng paraan ay ang
pagsukat ng tiyan. Ayon sa isang pagsusuri sa Asia, ang dapat na sukat ng tiyan
(sa pusod ang sukat at hindi sa baywang) ay 36 inches o mas mababa pa sa
lalaki, at 31 inches sa babae. Kapag lumampas ka dito, ay medyo masama na
ito. Kailangan nang magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes, arthritis
at sakit sa puso.

Sundin ang mga tips para pumayat:


• Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. Magagawa mo ito kapag
iiwas ka sa soft drinks o iced tea. Magtubig ka na lang. Zero calories ang
tubig. Puwede mo din bawasan ang iyong panghimagas. Gawin mo ito
at siguradong papayat ka.
• Maging magalaw o malikot. Habang ika’y naglalakad, igalaw mo ang
iyong mga braso. Habang may ka-text, i-martsa mo ang iyong mga
paa. Sa ganitong paraan, makababawas ka ng 200 calories bawat araw.
• Gumamit ng maliit na plato, iyung 9 inches lang ang sukat. Kapag mali-
it ang plato, mako-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang ka-
kainin. Isa pa, wala nang pa-dukot-dukot pa. Kung ano ang nasa plato
mo, iyun lang ang kakainin.
• Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. Dahil nakabubusog din ang

36
Magpapayat Tips (Part 2)

tubig, mas konti lang ang makakain mo.


• Piliin ang masasabaw na pagkain. Mas mabubusog ka sa mga matubig
na pagkain. Umorder ng arroz caldo, huwag chicken and rice. Kumain
ng pakwan, huwag ang mangga. Ang sopas at ensalada ay magaan din
sa tiyan.
• Magbawas ng kanin. Kung dati ay 2 tasa ka magkanin, gawin na lang
1 tasa. Kung 1 cup rice dati, gawin mo na lang half-cup rice. Nakata-
taba kasi ang kanin. Mas maigi pa ang spaghetti o noodles. Sa susunod,
magbibigay pa ako ng maraming tips para tuluyan na kayong pumayat.

Magpapayat Tips (Part 2)


Sundin natin ang mga dagdag payong ito para pumayat:
• Kumain ng madalas pero pakonti-konti. Huwag kakalimutan ang agah-
an. Ang sikreto dito ay konti lang ang iyong kakainin. Sa meryenda, pu-
wedeng 1 saging o mansanas lang. Sa tanghalian at hapunan, puwe-
deng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. Huwag hintayin ang gutom
bago kumain.
• Masama ang “Crash Diet” o iyung gustong biglang ginugutom ang sar-
ili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw, pero pagkatapos ay babawi na ang
iyong katawan. Babalik din ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri,
ang crash diet ay nagpapaigsi ng buhay ng 5 years. Magbawas lang ng
1-2 pounds bawat linggo.
• Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay,
kangkong, okra, sitaw, ampalaya, carrots, mansanas, peras at saging.
Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Hindi pa ito na-
katataba.
• Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. Umiwas sa matatamis
na pagkain tulad ng icing ng cake, halo-halo at mga juice na nasa lata.
Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba. Ito lang talaga
ang bawal.
• Umiwas sa junk foods. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. Turuan

37
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

ang mga bata na kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom.


Mataas sa asin at walang sustansya ang chichirya.
• Sa fast-foods, subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken, Bodhi Veg-
etarian Food, at Subway Sandwiches. Ang roasted chicken ng Kenny
Roger’s ay natanggalan na ng mantika. Paborito ko iyan. Healthy din
ang vegemeat at gulay sa Bodhi. Nakakabusog at mababa sa calories.
• Uminom ng Multivitamin kapag nagdi-diyeta. Kalahating tableta lang
ng multivitamin ay puwede na. Kapag walang pera, kumain ka ng 2
saging bawat araw. Maraming vitamins na iyan.
• Bumili ng timbangan. Mura lang ang timbangan, mga P300 lang. Ala-
min ang timbang bawat 2 araw. Kapag tumataas ang iyong timbang,
piliting mag-diyeta na. Kapag bumababa na ang timbang, ituloy lang
ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Kailangan mo
ng lakas ng loob para pumayat. Good luck.

Beauty Tips Para Sa Nagtitipid


Napakamahal po ang magpaganda. Maraming beauty procedures tulad ng
Obagi na nagkakahalaga ng P21,000 bawat buwan. Ang mga brand name na
creams naman ay umaabot sa P3,000-P4,000 bawat bote.

Para sa mga gipit sa budget, may hinanda akong matipid na beauty tips.
1. Umiwas sa araw – Alam n’yo ba ang beauty secret ni Nicole Kidman? Si Nicole
ay hindi nagpapaaraw. Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig mag-
beach, pero masisira ang kutis niyo diyan. Ang araw ay nagpapakulubot ng ba-
lat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light.
Umiwas din sa mga sports na laging bilad ka sa araw tulad ng golf at swim-
ming. Tandaan, ang araw ay nakatatanda. Magtago sa matinding sikat ng araw
mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
2. Gumamit ng sunblock – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock
araw-araw. Hanapin ang may nakasulat na SPF 15 o mas mataas pa. Ang ibig

38
Beauty Tips Para Sa Nagtitipid

sabihin nito ay kapag 15 minutos ka nakabilad sa araw, parang 1 minuto lang


ang exposure mo ng walang sunblock. Hanapin din yung may proteksyon sa
UV-A at UV-B. Bilang dagdag proteksyon, puwedeng mag-payong, mag-som-
brero o magtakip ng bandana sa mukha.
3. Umiwas sa usok at alikabok – Ito ang malaking problema natin - polusyon.
Kapag nag-commute ka mula Pasay hanggang Fairview. Naku, parang umitim
ka sa usok. Titigas din ang buhok niyo sa alikabok. Sira na ang beauty ni Mader.
Kung may budget, mag-aircon bus ka na lang o magtakip ng mukha. Maipa-
payo ko rin ang paggamit ng face mask para hindi malanghap masyado ang
masasamang usok.
4. Iwas sa sigarilyo at alak – Ang paninigarilyo, tulad ng usok, ay nakatatanda
sa ating mukha. Ang alak naman ay nakapagpapakulubot din ng balat dahil
madi-dehydrate ka.. Hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang inyong ka-
tawan.
5. Gumamit ng sabon at tubig – Ayon kay Dra. Francisca Roa, dating presidente
ng Philippine Dermatological Society, simple lang ang sikreto ng pagpapagan-
da. Maligo araw-araw. Gumamit ng sabon at maraming tubig para laging malin-
is ang katawan. Maganda ang mild soap tulad ng Dove, Tender Care o Johnson’s
baby soap.
Mainam din maligo bago matulog. Sa ganitong paraan, hindi kakalat ang
dumi mula sa buhok papunta sa mukha. Ang resulta ay tigyawat sa umaga.
6. Uminom ng maraming tubig – Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para
manatiling malambot ang ating balat. Nakakita ka na ba ng nakulangan sa tu-
big o na-dehydrate? Biglang lumalalim ang kanilang mata at kumukulubot ang
kanilang mukha.
7. Magbawas ng stress – Sabi nga, “Huwag kang magalit, at tatanda ka agad.”
Ang madaling magalit ay mabilis pumangit di ba? Nagsasalubong ang kilay at
nakangiwi ang mga labi. Tumawa ka at ika’y gaganda.
8. Matulog ng 7 o 8 oras – Kailangan mo ang beauty sleep para hindi mag-
ka-eye bags. Sa mga problemado, subukan mag-relax bago matulog. Maglaro

39
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

muna. Maglibang. At kung hindi ka makatulog ay humiga na lang kahit gising.


Sa ganitong paraan, makakapahinga pa din ang katawan natin.
9. Huwag matulog ng nakadapa – May nagsasabi na kapag naipit n’yo ang in-
yong mukha habang natutulog, madali itong magkakalinya. Matulog ng nakati-
haya.
10. Mag-lotion sa gabi – May tulong sa pagpapakinis ng mukha ang mga lo-
tion. Maghugas muna ng mukha, tapos maglagay ng lotion. Hindi naman kai-
langan bumili ng mamahaling brands.
11. Healthy eating – Kumain ng tama at masustansya tulad ng prutas at gulay
na sagana sa vitamins and minerals. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika
at sitsirya.
11. Healthy living – Mag-exercise. Magkaroon ng libangan. Maging abala sa
magandang gawain. Ang importante ay masaya kayo para sumigla ang ka-
tawan.
12. Magdasal at tumulong sa kapwa – Hindi ba ang tunay na kagandahan ay
wala sa labas kundi nasa loob ng isang tao? Ang “inner beauty” ay mas tumata-
gal at nangingibabaw kaysa sa “outer beauty.” Naalala niyo ba si Mother Tere-
sa? Madami siyang wrinkles pero parang may ilaw ang kanyang mukha. Basta
maganda ang saloobin mo, parang beautiful ka na rin.

Pampaputi Ng Balat: Ano Ang Tunay?


Ang mga Pilipino ay moreno kaya medyo maitim ang ating balat. Ang ibig-
sabihin ay medyo marami ang Melanin pigment sa ating balat. Ang melanin ay
nagpo-protekta ng balat laban sa masamang ultraviolet radiation (UV-light) ng
araw. Kapag lagi kang nasa araw, dadami ang inyong melanin.
Usong-uso ngayon ang mga paraan na pampaputi. Pero ano ba talaga ang
tunay at napatunayan na ng siyensiya? Ito ang aking mapapayo:
1. Gumamit ng Sunblock – Kung gusto ninyong pumuti, kailangan umiwas tala-
ga sa araw. Huwag lumabas mula 10 AM hanggang 4 PM. Gumamit ng sunblock

40
Oatmeal Sa Mukha: Siguradong Gaganda Ka!

na may SPF 30 pataas at may proteksyon sa UV-A at UV-B. Ipahid sa mukha, leeg
at kamay.
2. Magtago sa araw – Nagtataka ba kayo kung bakit maputi at makinis ang
ating puwit? Lagi kasing nakatago sa araw at polusyon. Huwag mag-beach,
mag-motorsiklo o mag-bike. Magdala ng payong, magsuot ng sombrero, mag-
sunglasses, mag-suot ng mahabang manggas at magpantalon.
3. Puwede ang Whitening Cream – Ang mga subok na sangkap na pampaputi
ay ang Hydroquinone 2% at Tretinoin 0.1%. Hanapin ito.
4. Puwede sumubok ng Glutathione – Ang glutathione ay isang gamot na
pinag-aaralan pa kung epektibo sa kanser o hindi. Posibleng nagpapaputi rin
ito. Pero ayon kay Dr. Francisca Roa ng Philippine Dermatological Society, kailan-
gan siguraduhin ng publiko (1) na tama ang dosis ng glutathione, at (2) walang
diprensiya ang inyong atay. Mayroong mga pasyente na naninilaw (jaundice) sa
pag-inom nito. Kumonsulta muna sa dermatologist bago sumubok nito.
5. Kalamansi o lemon para sa Age Spots – May mga tinatawag na age spots
(parang pantal na maitim sa balat) na lumalabas kapag tayo’y nagkakaedad. Pu-
wede ito pahiran ng kalamansi o lemon juice araw-araw. Mag-ingat lang na hu-
wag sosobra at baka masira ang ating balat (acidic kasi ito). Kailangan maghin-
tay ng 2 buwan bago makita ang epekto nito.
6. Tandaan: Bawal ang 3 K – Bawal ang kamot, kalkal at kuskus. Kahit anong
mantsa o pamumula sa balat, huwag na huwag kakamutin dahil magsusugat
iyan. Kahit gaano kakati, tiisin lang. Huwag ding kukuskusin ang maiitim na ba-
lat, dahil lalo lang ito iitim. Good luck!

Oatmeal Sa Mukha: Siguradong Gaganda Ka!


Mayroon akong nadiskubreng epektibo at murang paraan para magpaganda.
Ito ay ang Oatmeal Face Mask. Pinapahid ang oatmeal sa mukha at parte ng
katawan na magaspang. Puwede ito gamitin ng lahat, lalo na yung may dry skin,
may eczema, o may tigyawat. Subukan ninyo ito sa bahay.

41
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Ang mga sangkap ay (1) ¼ cup ng instant oatmeal, (2) 3 kutsara ng honey, (3)
2 kutsara ng tubig.
Ihanda ang oatmeal face mask: (1) Durugin muna ang oatmeal sa isang tad-
taran o sa osterizer. (2) Ilagay ang honey sa oatmeal at haluin ito. (3) Lagyan ng
konting tubig para maihalo ng maigi. Kailangan magmukhang pandikit ito. (4)
Kung gusto n’yo, puwedeng initin ito ng bahagya sa microwave ng 10 segundo
o sa kalan.
Pagpahid sa mukha: (1) Maghilamos muna ng mukha. Kailangan ay walang
make-up o dumi sa iyong mukha. (2) Gumamit ng kutsara, brush o kamay para
ilagay ang oatmeal mask sa buong mukha. Isali ang noo, ilong, ilalim ng mata,
cheeks at baba. (3) Hayaan ito ng 10 to 20 minutes. Malamig at medyo titigas
ang mask. (4) Pagkatapos ay dahan-dahang maghilamos ng maligamgam na
tubig. Puwede itong ilagay bago maligo para isahan na ang paglilinis. (5) Tuyuin
ang mukha. Dahan-dahan lang.
Ngayon, tingnan ang mukha sa salamin. Hindi ba kuminis, lumambot at gu-
manda ang iyong kutis? Ang galing talaga.
Ano ba ang sikreto ng oatmeal-honey mask? Ang oatmeal ay ginagamit pa
noong 2,000 B.C sa Egypt, tulad ni Cleopatra. Ang oatmeal ay aprubado din ng
U.S. FDA para sa paglunas ng dry skin at eczema (yung mga may pantal-pantal).
Ang oatmeal ay may 3 sangkap: (1) may polysaccharides para i-repair ang
balat, (2) may oat protein para mag-moisturize ng kutis, at (3) may saponin na
nagtatanggal ng dumi at mga dead skin cells sa mukha (tinatawag na exfolia-
tion). Para ka nang nagpa-facial.
Ang honey naman ay nakatutulong sa may pimples dahil may sangkap ito na
panlaban sa bacteria at pamamaga (anti-inflammatory). May mga iba na nagha-
halo din ng Plain Yoghurt sa face mask na ito. Puwede rin subukan ito.
Kaya kung wala kayong pera magpa-derma, subukan ang oatmeal-honey face
mask. Puwede itong gawin sa umaga at sa gabi, o kung kailangan mong mag-
pa-beauty. Good luck po.
Dagdag tips: Iwas sa araw, alikabok at usok. Iwas din sa sigarilyo. Ito ang mga
mabilis magpakulubot ng kutis. Maglagay din ng sunblock araw-araw.

42
Ang Tamang Pagsusuri Ng Suso

Ang tamang pagsusuri ng suso


Ang kanser sa suso ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa kababaihan.
Dapat alamin ng bawat babae ang tamang pagsusuri ng kanilang suso. Nakasa-
lalay po ang buhay n’yo dito.
1. Habang naliligo, itaas ang kanang braso. Gamitin ang dulo ng mga daliri ng
kaliwang kamay para kapain ang iyong kanang suso. Ang hinahanap natin
ay ang mga cyst or mabibilog na parang holen sa ilalim ng suso. Minsan ay
kasing-liit lang ng isang monggo ang makakapa. Pagkatapos ay itaas na-
man ang kaliwang braso at ang kaliwang suso naman ang suriin. Kung may
makapa na kaduda-dudang bukol, kumonsulta sa doktor.
2. Tumayo sa harap ng salamin at ilagay ang braso sa gilid ng katawan. Pag-
masdan maigi ang bawat suso kung pareho ang laki at hugis nito. Masdan
ang bandang utong at paligid nito (ang nipple at areola). Suriin kung may
pamumula, pangungulubot o dili kaya’y tumutulo na likido dito. Ang mga
ito’y maaaring masamang senyales. Pagkatapos ay itaas at ipuwesto naman
ang dalawang kamay sa likod ng iyong ulo. Ulitin ang pagmamasid sa iyong
suso.
3. Ngayon naman ay humiga sa isang patag na kama. Itaas ang kanang braso
at ilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo. Gamitin ang kaliwang kamay para
salatin ang kanang suso. Mula sa gilid ng suso ay gamitin ang mga daliri
para diinan ng paikot-ikot ang suso. Mag-umpisa sa utong at unti-unting
bumilog ng palaki ng palaki. Huwag kalimutan: kapain ang kili-kili. Kung
may kanser sa suso, kalimitan ay may bukol din na makakapa sa kili-kili. Ito’y
mga kulani (lymph nodes). Pagkatapos ay gawin naman sa kabilang suso.

Ang pagsusuri ng suso ay dapat gawin bawat buwan, kung puwede ay bago
magregla at pagkatapos ng regla. Minsan kasi ay may mga parang bukol na na-
kakapa bago mag-regla (dahil sa hormones natin) at nawawala naman pagka-
regla.
Sa kababaihan, huwag makalimot sa iyong check-up bawat taon. Magpasuri
ng suso sa iyong obstetrician (OB) at sabayan mo na rin ng Pap’s smear. Ang
pagsuri ng suso ay nag-uumpisa sa edad 20 pataas, at ang Pap’s smear ay kapag

43
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

nakikipagtalik na ang babae o edad 30 pataas.

Mag-ingat sa kanser sa suso


Paano nagsisimula ang kanser? Ang kanser ay isang kondisyon kung saan ang
selula ng ating katawan ay nawawalan ng kontrol sa pagtubo. Kapag abnormal
ang pagdami ng selula, puwede itong mabuo at maging isang tumor.
Ang tumor o bukol ay maaring cancerous, na tinatawag na malignant. Ang
ibang tumor naman ay hindi masama o benign. Ang mga benign na tumor ay
hindi kumakalat at sumisira sa katawan.
Pagdating sa kanser sa suso, hindi pa tiyak ang sanhi nito. Ngunit may mga
dahilan na magpapataas sa tsansa na magkaroon ng ganitong uri ng kanser. (1)
May lahi ng kanser sa suso sa pamilya; (2) Maagang pagkakaroon ng regla; (3)
Isang babaeng hindi nagkaanak; (4) Paggamit ng kontraseptibong pildoras; (5)
Paggamit ng “hormonal” therapy.

Heto naman po ang mga palatandaan ng kanser sa suso. Bantayan natin ito.
(1) May bukol na makakapa na kalimitan ay matigas at di pantay ang hu-
gis.
(2) May pagbabago sa laki at hugis ng suso. Minsan ay may dimple o pa-
glubog sa balat ng suso.
(3) Minsan ay nagdurugo ang utong. Ito ay masamang senyales at dapat
ipatingin agad.
(4) Apektado ang balat sa suso. May mga kaso na nagmumukhang balat
ng dalandan ang suso. Nagbubukol-bukol ito.
(5) Ang pagsugat at pagdurugo ng balat ay malalang sintomas na.

Kung kayo o ang kaibigan ninyo ay may bukol sa suso, basahin mabuti ang
dapat niyong gawin. Una sa lahat, kumonsulta agad sa isang surgeon. Sila ang
makapagsasabi kung may tumor ka o wala. Pangalawa, kailangang magpa-
mammogram o magpa-breast ultrasound para masuri maigi ang bukol sa suso.
Kadalasan ay kinakailangan ng operasyon ang bukol sa suso. Mas maaga

44
Mag-ingat Sa Kanser Sa Suso

nating papaoperahan, mas malaki ang tsansang mapapagaling ang pasyente.


Bawat araw po na tumatakbo ay mahalaga sa isang may kanser sa suso. Huwag
nang magdalawang isip pa. Magpatingin agad sa doktor kung may duda kayo
sa iyong suso.

45
5 Murang Check-up at
Tamang Gamutan

Murang Check-Up (Part 1): Blood test at Urinalysis

A lam kong marami ang ayaw magpa-check up sa doktor. Una, mahal mag-
pa-konsulta sa doktor. Pangalawa, takot sila malaman ang sakit. Ikatlo,
akala nila ay mahal ang magpa-executive check-up.
Sa mga takot magpa-check up, mayroon akong matipid na paraan para mal-
aman ninyo ang lagay ng inyong kalusugan. Simple lang po. Magpa-blood test
at urinalysis.

Heto ang mga dapat ipasuri sa inyong dugo.


1. Complete blood count o CBC – Makikita rito kung ikaw ay anemic o kulang sa
dugo. Makikita rin kung may impeksiyon ka sa katawan.
2. Fasting blood sugar o FBS – Kung lalampas sa 105 mg/dl ang inyong blood
sugar, ang ibig sabihin ay may diabetes kayo. Umiwas sa matatamis at matataba
para bumaba ang inyong blood sugar. Mag-ehersisyo din.
3. Lipid profile – Kasama sa test na ito ang cholesterol, triglycerides, good cho-
lesterol (HDL) at bad cholesterol (LDL). Kapag mahilig kayo sa matatabang pag-
kain, puwedeng tumaas ang cholesterol ninyo. Mag-iingat po.
4. Creatinine – Tumataas ang creatinine kapag may sakit na sa bato. Kaya umi-
nom ng 8 hanggang 10 basong tubig araw-araw para malinis ang ating katawan.
Kapag malakas tayong uminom ng tubig, masaya ang mga kidneys natin.
5. Uric Acid – Kapag mataas ang inyong uric acid, puwede kayong magkaroon
ng isang klaseng arthritis na kung tawagin ay Gout. Umiwas sa mga pagkaing
mataas sa uric acid tulad ng monggo, beans, kare-kare, taho, laman loob at lahat

46
Check Up (Part 2): X-ray, ECG at Ultrasound

ng klaseng mani.
6. SGPT – Itong test ang nagpapakita kung may sira na ang inyong atay. Kapag
lampas sa 100 ang inyong SGPT, dapat na kayong magpa-konsulta sa doktor.
Ang mga sakit na hepatitis, cirrhosis at ang pag-inom ng alak ay nakasisira sa
ating atay.
7. Urinalysis – Maliban sa blood test, mainam din na ipasuri ang ihi. Sa urinaly-
sis, makikita kung kayo ay may impeksyon sa ihi, may diabetes o may diprensiya
sa bato (kidneys).

Ang halaga ng mga nabanggit na blood test at urinalysis ay humigit-kumu-


lang P700 lamang. Pumunta sa isang kilala at murang laboratoryo. Tandaan din
na may 10 hours fasting ang pagkuha ng dugo. Kung 8 ng gabi ang huling kain
ninyo, puwedeng magpa-blood test ng 6 ng umaga, bago pa mag-almusal.
Magpakuha din ng blood pressure. Kung ang blood pressure ninyo ay lam-
pas sa 140 over 90, magpakonsulta sa doktor at baka may altapresyon. Tandaan,
mas mura ang gamutan kapag maaga itong matutuklasan. Mas hahaba pa ang
inyong buhay. Ano pa ang hinihintay n’yo? Magpa-check up na!

Check-Up (Part 2): Chest X-ray, ECG at Ultrasound


Sa naunang artikulo, binanggit ko na mura lang ang mag-pa-Executive check-
up. Hindi ito dapat katakutan o ipagpaliban. Ang lahat ng tao edad 40 pataas
ay magandang magpa-check up. Kung ikaw ay wala pang 40, pero mayroon
kayong nararamdaman sa katawan, maigi din na magpakonsulta sa doktor.

Heto ang mga tests na dapat gawin kada 1 o 2 taon. Bukod sa eksamen sa dugo
at ihi, mayroon ding ibang mga tests na mahalaga:
1. Chest X-ray – Ang Chest X-ray ay nagkakahalaga lang ng mga P250. Makikita
rito kung ikaw ay may impeksiyon sa baga, may bukol sa baga o lumalaki ang
puso. Kung ikaw ay naninigarilyo, kailangan mong magpa-X-ray. Kung ikaw ay
madalas ubuhin o may plema, makikita sa Chest X-ray kung ika’y may impeksi-

47
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

yon. Laganap sa atin ang sakit na tuberculosis, na umaabot sa 400,000 na Pinoy


ang may sakit nito.
Mainam din ipa-X-ray ang ating mga kasambahay o kamag-anak na madalas
inuubo. Nakakahawa ang sakit na tuberculosis kapag hindi ito ginamot.
2. ECG – Ang ECG ay isang test para makita kung ikaw ay may sakit sa puso.
Mura lang ang ECG, mga P150 lamang. Minsan may libreng ECG sa mga medical
mission. Kung normal ang inyong ECG ay wala naman dapat ikabahala. Ngunit
kung may nakita, magpasuri sa isang cardiologist (espesyalista sa puso).
3. 2D-Echocardiogram – Ang 2D-Echo ay ginagawa lamang kung may natuk-
lasang problema ang inyong cardiologist. Mas-tumpak ito kaysa sa simpleng
ECG. Ang 2D-Echo ay parang ultrasound ng puso kung saan lalabas ang hugis
ng inyong puso sa isang telebisyon. Nagkakahalaga ito ng P2,000 sa murang
laboratoryo, ngunit aabot ng P4,000 sa malalaking ospital. Hindi po ito masakit
pero may kamahalan lang.
4. Ultrasound of the whole abdomen – Kung ikaw ay may nararamdaman sa
parte ng tiyan, nararapat magpa-Ultrasound ng buong tiyan. Makikita rito kung
may diprensiya ang inyong atay (liver), apdo (gallbladder), lapay (spleen), pale
(pancreas), bato (kidneys), matres (uterus), obaryo (ovaries) at pantog (bladder).
Ang galing hindi ba? Nagkakahalaga ito ng mga P1,000 sa murang laboratory.

Kapag may duda kayo sa kalagayan ng inyong puso o mga organo sa tiyan,
maganda po ang mga tests na ito. Humanap ng laboratory na mura at subok na.
Huwag mangamba. Alamin ang sakit para malunasan ito ng maaga.

5 Food Supplements: Para Saan Ito?


Napakaraming food supplements ang mabibili sa botika. Sa dami ay nakakalito
na. Dahil dito, susuriin natin ang 5 kilalang mga food supplements.
1. Silymarine – Ang silymarine ay para sa atay. May ibang naniniwala na kahit
uminom ka ng alak o kumain ng maraming taba, ay makatutulong ang silyma-
rine. Hindi po ganito ang paggamit nito. Ang silymarine ay binibigay lamang
48
Food Supplements: Para Saan Ito? (Part 1)

kung ang pasyente ay may hepatitis o cirrhosis. Kung malusog naman ang atay,
puwedeng hindi na uminom ng silymarine.
Para saan ito: Hepatitis, cirrhosis.
Grado: B-
2. Coenzyme Q-10 – Ang coenzyme Q-10 ay isang anti-oxidant. May mga pag-
susuri na nagpapakita na mabisa ang coenzyme Q-10 sa mga pasyenteng ma-
hina ang puso o may heart failure. Hinihinalang baka makatulong din ito sa Par-
kinson’s disease at kanser.
Para saan ito: Heart failure
Grado: B
3. Ginkgo biloba – Ang ginkgo biloba ay nagmula sa dahon ng puno ng ginkgo.
Ito ay nakapagpapalabnaw ng dugo tulad ng aspirin. Kagaya ng aspirin, pu-
wede itong makatulong sa pagiwas sa istrok at heart attack. Ngunit hindi pa
ito subok ng siyensiya. Dapat ingatan ang pag-inom ng ginkgo biloba kasabay
ng Aspirin, dahil baka masyadong lumabnaw ang dugo at magdulot ng pagdu-
rugo.
Para saan ito: Pagbabara sa ugat.
Grado: B
4. Melatonin – Ang melatonin ay isang kemikal na gawa ng ating pineal gland
sa utak. Nakatutulong ito sa pag-ayos ng ating pagtulog lalo na kung may jet
lag. Makatutulong din ito sa pagpapahimbing ng ating pagtulog. May nagsa-
sabi na panlaban din ito sa kanser.
Para saan ito: Pampatulog
Grado: B+
5. Omega 3 Fish Oil – Ang Omega 3 fish oil ay tinatayang pinakamabisang food
supplement sa lahat. Ito’y dahil napatunayan itong mabisa para sa pag-protek-
ta sa puso, pagbaba ng cholesterol, at pag-iwas sa istrok at heart attack. Ayon
sa pagsusuri, nakita ng mga doktor na ang mga umiinom ng Omega 3 ay mas
malusog kumpara sa hindi umiinom nito.
Para saan ito: Sakit sa puso, mataas ang cholesterol.
Grado: A

49
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Huwag po basta iinom ng food supplements. Aralin at alamin kung babagay ito
sa inyo. Good luck po!

Mga Iba Pang Food Supplements: Para Saan Ito?


Noong nakaraan ay nagsulat ako tungkol sa mga food supplements. Heto pa
ang 5 na popular na produkto.
1. Bawang – Ang bawang ay puwedeng kaining hilaw o gawing tableta. May
nagsasabi na ang bawang ay bahagyang nagpapababa ng cholesterol at ng
presyon ng dugo. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy nito. Mas epe-
ktibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa sikmura.
Para saan ito: Mataas ang cholesterol
Grado: B-
2. Luya – Ang gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang luya
na ginawang salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo. Makatutulong
din ito sa sakit ng tiyan. Bukod dito, ang luya ay may panlaban din sa mga mi-
krobyo.
Para saan ito: Nahihilo at nasusuka
Grado: A
3. Ginseng –May paniniwala na ang ginseng ay nagpapalakas sa sexual perfor-
mance ng mga kalalakihan. May nagsasabi din na nagbibigay ito ng dagdag
lakas at resistensiya. Mag-ingat lang po ang mga may altapresyon at sakit sa
puso dahil puwedeng lumala ang kanilang sakit.
Para saan ito: Pampalakas ng katawan
Grado: B
4. Glucosamine Sulfate – Ang glucosamine ay nagmula sa shells ng alimango,
talaba at hipon. Napag-alaman sa mga pag-aaral na makatutulong ito sa pag-
gamot ng arthritis sa tuhod. Makababawas din ito sa kirot ng ating kasu-kasuan.
Ngunit kapag malala na ang arthritis, dapat pa rin kumonsulta sa doktor.
Para saan ito: Arthritis sa tuhod
Grado: B
50
Kailangan Ba Ng Operasyon?

5. Green Tea – Ang green tea na nagmula sa Asia ay pinapaniwalaang panlaban


sa kanser at pampababa ng cholesterol. Mag-ingat lang sa pag-inom dahil may
halo itong caffeine na maaaring magpabilis ng tibok ng puso.
Para saan ito: Panlaban sa kanser
Grado: A-

Pumili lang ng supplements na babagay sa inyo. At kung may tanong, kumon-


sulta sa inyong doktor.

Kailangan Ba Ng Operasyon?
May mga bagay na dapat tandaan bago magpa-opera. Heto ang payo ko.

1. Itanong kung ang operasyon ay emergency o puwede pang maghintay.


Kung emergency, itanong kung bakit kailangan operahan agad.
2. Alamin ang mga kondisyon na nangangailangan ng operasyon, katulad ng:
(a) pagtanggal sa matinding sakit, (b) pagsasaayos ng deformity, at (c) pag-
papahaba ng buhay. Kung hindi sapat ang paliwanag ng doktor, kumuha
ng second opinion at kumonsulta sa ibang doktor.
3. Magdesisyon ng kalmante ang isip. Huwag magpapadala sa emosyon.
4. Ilista ang mga tanong na ito para sa pagharap mo sa iyong doktor:
a. Ano ang tawag sa operasyon?
b. Paano ito ginagawa?
c. Ano ang risks o peligro sa gagawin sa iyo, at madalas ba itong mang-
yari?
d. Magkano ang dapat kong ihanda na pambayad sa ospital at sa dok-
tor?
e. May mga murang alternatibo ba para sa akin?
5. Huwag mahiyang humingi ng pangalawang opinyon sa ibang doktor. Bu-
hay mo ang nakasalalay dito. Nilista ko ang mga sitwasyon na kailangan
maghinay-hinay sa iyong desisyon:
a. Kung ang operasyon ay bago pa lamang (tinatawag na experimen-

51
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

tal).
b. Kung hindi sigurado ang kahihinatnan ng operasyon. Linawin ito sa
doktor.
6. May mga kontrobersyal na operasyon na paiba-iba ang opinyon ng maram-
ing doktor. Ito ay ang pagtanggal sa tonsils, pagtanggal ng matris, Caesar-
ian section (CS), heart bypass, angioplasty, operasyon sa buto, operasyon sa
apdo at mga plastic surgery. Magtanong maigi bago umayon sa ganitong
operasyon.

Sa madaling salita, may mga doktor na ‘mabilis’ mag-opera at mayroon namang


konserbatibo. Magdasal na makita ninyo ang tamang doktor na magpapagal-
ing sa inyo. Ingat po!

52
6 Murang Gamutan

Bumili Ng Generics Na Gamot

D ahil mahal ang presyo ng gamot, ang payo ko ay mag-generics na lang


tayo.
Bakit mura ang generics? Mas mura ang generics na gamot dahil hindi sila
gaano gumagastos sa advertisements at promotion. Kaunti din ang sinusu-
welduhang empleyado, kaya mas mura ang benta nila. Isa pa, wala nang Patent
(open na sa publiko) ang mga gamot na generics kaya ang mga kompanya ay
puwedeng gumawa at magbenta nito.
Ang mga gamot para sa impeksiyon, altapresyon, diabetes at iba pa ay
mabibili sa Botika ng Bayan. Mababa din ang presyo ng mga gamot para sa
lagnat, ubo, trangkaso at antibiotic.
Ang halaga nito ay mula P2 hanggang P8 lamang ang isang tableta. Kung
ikukumpara natin ito sa mga gamot sa malaking drugstore, umaabot sa P20
hanggang P50 ang mga gamot dito.

Mabisa Ang Generics na Gamot


Oo, mabisa ang generics. Alam kong may nagsasabi na mahina ang mga gener-
ics. Ang mga nag-rereklamo ay ang mga dayuhang kompanya na nagbebenta
ng napakamahal na gamot.
Halimbawa, mas mabisa kaya ang pag-inom ng antibiotic na nagkakahalaga
ng P200 bawat tableta o ang pag-inom ng murang antibiotic na P7 lang pero
araw-araw mo namang iinumin ng 10 araw? Sa aking palagay, mas mabisa iyung
gamot na iniinom araw-araw. Walang epekto ang pa-isa-isang tableta lang.
Sa mga kompanya ng gamot, kung tunay na gusto niyong tumulong sa mga
Pilipino, ibaba natin ang presyo ng gamot. Sana ay huwag manira sa generics

53
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

na gamot.

Mag-Generics Tayo
Kung kayo ay mayaman, puwede kayo bumili ng mamahaling gamot sa drug-
store. Pero kung gipit kayo sa budget, ang payo ko ay mag-generics tayo. Bumili
ng sapat na gamot at inumin ng tamang dosis para tuluyan kayong gumaling.
Magtiwala po kayo.
Suportahan natin ang Botika ng Bayan at Generics Pharmacy para lumawak
pa ang kanilang matutulungan.

Hydrochlorothiazide sa High Blood: Mura at Mabisa


Sa iba’t-ibang medical mission na pinupuntahan namin, maraming pasyente
ang may altapresyon o high blood pressure. Alam niyo ba na 1 sa bawat 5 Pinoy
ay may high blood. At pagdating sa edad 60 pataas, halos 50% ang may high
blood na.
Ang isang tao ay may high blood kapag ang blood pressure niya ay lampas
sa 140 over 90 ang bilang. Mas maigi kung makunan ng 2 beses para maka-
siguro na mataas talaga ang presyon.
Ang problema ay napakamahal ng mga gamot para sa altapresyon. Karami-
han ng ating kababayan ay hindi kaya bilhin ito.

Hydrochlorothiazide: Mura at Mabisa


Ang pinakamurang gamot sa altapresyon ay ang Hydrochlorothiazide na
mabibili sa drug store sa halagang P5.85 lamang.
Ang pag-inom ng kalahating tableta bawat araw ay kadalasang sapat na
para bumaba ang presyon. Kaya lalabas na P2.90 lang ang gastos sa bawat araw.
Napakamura, hindi ba?

Metoprolol: Mura pero mahinang gamot


Maraming doktor ang nagrereseta ng metoprolol para sa altapresyon. Hindi na-
man ito mali, ngunit mahina ang gamot na metoprolol para sa high blood. Kung

54
Paano Makatitipid sa Medikal na Gastusin

ang presyon mo ay lampas 160 over 100, hindi na puwede ang metoprolol lang.
Hindi na ito tatalab.
Bilang isang cardiologist, pinapayo ko sa mga nakababatang doktor na gu-
mamit na lang ng hydrochlorothiazide 25 mg para sa mga pasyenteng napak-
ataas na blood pressure.
Nakalulungkot pero marami sa ating mga pasyente ay nireresetahan ng
napakamahal na gamot. Kawawa naman ang pobreng pasyente na wala na
ngang pambili ng pagkain, nabigyan pa ng mahal na gamot.
Kaya lagi kong tinatanong sa pasyente kung magkano ang budget niya.
Kapag kulang sa pera, mag-hydrochlorothiazide ka na lang. Ang gamot sa alta-
presyon ay iniinom ng maraming taon. Hindi po ito makasasama sa iyong kalu-
sugan. Sa katunayan ay hahaba pa ang iyong buhay!

Paano Makatitipid sa Medikal na Gastusin


Maraming tao ang natataranta kapag sakit na ang pinagusapan. Hindi na nila
alam kung ano ang gagawin. At dahil dito, madalas ay napapagastos sila ng
malaki para lang gumaling. Paano ba tayo makatitipid sa gamutan?
1. Alamin ang sakit – Una sa lahat, dapat malinaw ang diagnosis o sakit ng
pasyente. May sakit ba siya sa puso, sa atay o sa bato? Ano ang tawag sa sakit
niya? Isulat ito sa papel para hindi makalimutan. Kung hindi pa alam ng dok-
tor kung ano ang sakit, itanong ang hinihinalang sakit o “working diagnosis.”
Puwede na rin iyan.
2. Alamin ang gamutan – Kailangan ba ng pasyente ang operasyon, labora-
tory test o gamot lamang? Ilinaw maigi sa doktor. Ano ang maiging paraan ng
gamutan? Tandaan mabuti ang pangalan ng gamot. Ilista ito sa isang papel.
Ano ang dosis at ilang beses iniinom ang gamot bawat araw? Mahalaga po ito
para maintindihan natin ang kalagayan niyo.
3. Magtanong kung may matipid na gamutan – Huwag mahiyang magtanong
sa doktor kung may mas murang gamot. Puwede bang generic na lang? Magsa-
bi ng tapat na kulang ang pera. Hindi naman kasalanan ang maging mahirap,

55
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

hindi ba?
Kung hindi kayo kuntento sa paliwanag ng inyong doktor ay humanap ng
pangalawang opinyon. Magtanong sa ibang doktor. Pumunta sa mga govern-
ment hospitals kung saan mas alam nila ang mga murang gamutan.
Hindi ko pinapayo na pumunta sa albularyo o herbal na gamutan. Subukan
muna sa tunay na doktor at tunay na gamutan bago magbakasali sa iba.
4. I-xerox ang lahat ng inyong rekord – Huwag iwawala ang mga resulta ng
inyong laboratoryo. Kapag nawala ito, parang tinapon ninyo na rin ang pera.
Huwag itong i-asa sa laboratory center o sa doktor. Ikaw ang pasyente at kailan-
gan hawak mo ang buhay mo. Hiramin ang resulta ng test at i-xerox ito. Ilagay
sa isang folder at laging dalhin sa inyong pagpapa-check up.
5. Maging masipag sa follow-up – Maraming pasyente ang tamad magpa-
check up. Kasi daw, mabuti naman ang pakiramdam nila. Marami din ang inihi-
hinto ang kanilang gamot dahil naubos na daw ang reseta.

Alam n’yo ba na karamihan ng sakit ay kailangan ng maintenance na ga-


mot? Ang mga sakit sa puso, altapresyon, diabetes at sakit sa utak ay kailangan
ng matagalang gamutan. Walang short-cut sa pagpapagaling. Kailangan ang
matagalang pagmamasid at pag-iingat sa sarili.
Sa katunayan, mas makatitipid kayo kung madalas kayong magpapa-check
up. Kung kulang sa budget, pumila na lang sa government hospitals at health
centers.

Kulang ang Pera, Anong Gagawin?


Heto ang aking mga payo kung paano makalilikom ng pera.
1. Pumunta sa gobyernong ospital – Para makatipid, pumila sa mga charity
services ng gobyernong ospital tulad ng PGH, Phil. Heart Center, Jose Reyes, at
Philippine Children’s Medical Center. Kung walang trabaho, puwedeng kayong
malagay ng Social Services sa “Class D.” Ang ibig sabihin ay pinakamababa ang
presyo ng gastos. Libre na ang mga serbisyo ng doktor.

56
Kulang ang Pera, Anong Gagawin?

2. Ayusin ang lahat ng papeles o requirements – Karamihan ng gobyernong


ospital at institution ay kailangan ng mga papeles. Ihanda ito ng maaga para
makapasa sa charity services. Ang madalas hingiin ay ang medical abstract
(humingi sa doktor o ospital), barangay clearance, ID picture at letrato ng bahay.
Huwag iwawala ang kahit anumang papeles.
3. Sumulat sa PCSO – Sa Pilipinas parang PCSO na lang ang takbuhan ng la-
hat. Mas maigi sana kung may kakilala ka dito. Kung wala naman ay magtiyaga
na lang at pumila. Kung kailangan mo ng operasyon, derecho na ang donation
ng PCSO sa iyong ospital. Kadalasan ay P10,000 to P15,000 ang naitutulong ng
PCSO. Ang ibang budget ay sariling sikap na natin.
4. Tumulong sa mga charity foundations, corporations at sponsors – Kung
mapapansin niyo, hindi ko sinulat na “humingi ng tulong” kundi “tumulong sa”
charity foundations. Alam natin na napakahirap humingi ng pera. Ngunit ayon
sa Biblia, kung tayo ay tutulong muna, posibleng matulungan din tayo sa ibang
araw. May isang pasyente akong nag-janitor sa isang charity foundation. Noong
nagkasakit siya, nilibre ang lahat ng gamot niya ng Foundation. Magbigay ng
kahit kaunting regalo, prutas o card sa inyong balak lapitan na sponsor. Ipaki-
tang na marunong kayo tumanaw ng utang na loob para lumaki ang tsansang
mapakinggan kayo.
5. Magsikap at magdasal araw-araw – Dalawa ang sikreto ng taong
matagumpay. Trabaho at dasal. Kailangan ipakita sa ibang tao na masipag ka.
Kung tatamad-tamad ang humihingi, walang gana ang sponsor na tulungan
ang maysakit. Ngunit kung nakita naman nila na puspusan ang pagsisikap mo,
maaawa ang donor at puwede kayong tulungan.

Malaki ang maitutulong ng dasal. Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng


problema na hindi natin kayang lutasin. May dahilan ang lahat. Kahit ang pag-
kakasakit ay puwedeng maging daan sa pagkaayos ng pamilya, pag-iingat sa
sarili at pagtulong sa kapwa. Labanan natin ang sakit. Kaya iyan!

57
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Sa Pisong Aspirin, hahaba ba ang buhay mo?


Napakagandang gamot ang aspirin. Napatunayang mapipigil ng aspirin ang
istrok at atake sa puso. Ngunit may dapat muna tayong alamin bago uminom
nito.
Ayon sa maraming pagsusuri, ang aspirin ay nababagay sa mga sumusunod
na sakit:
1. Makatutulong ang aspirin kung kayo ay nagkaroon na ng atake sa puso
o istrok. (Iyung istrok na may bara sa utak. Dalawa kasi ang klase ng
istrok.)
2. Mabisa din ang aspirin sa mga taong may diabetes, may sakit sa puso
at may mataas na kolesterol.

Side Effect ng Aspirin


Ngunit dapat ding mag-ingat sa pag-inom ng aspirin dahil maaaring man-
gasim ang sikmura at magka-ulcer. Kung madalas humapdi ang iyong sikmura,
magtanong muna sa doktor bago uminom ng aspirin. Dahil dito, pinapayuhan
ang pasyente na kumain muna bago uminom ng aspirin.

Ano ang dosis ng Aspirin?


Ang tamang dosis ng aspirin ay 80 mg bawat araw. Kung humahapdi ang
sikmura mo sa 80 mg na aspirin, palitan ng 30 mg na aspirin. Ang brand name
na Aspririn 30 mg ay Cor 30. Abot kaya ito.

Ano ang puwedeng ipalit sa aspirin?


Kung hindi ka makainom ng aspirin dahil sa ulcer o allergy, may puwedeng
ipalit ang iyong doktor. Ito ay mabisa pero mas mahal na gamot – ang Clopido-
grel (brand name Plogrel) na nagkakahalaga ng P30 bawat tableta.
Ngayong alam mo na kung para saan ang aspirin at posibleng side effect
nito, makakapag-desisyon ka na, sa tulong ng iyong doktor, kung bagay sa iyo
ang aspirin.

58
Dok, Magkano Ba Ang Operasyon?

Dok, Magkano Ba Ang Operasyon?


Ang isa sa kinakatakutan ng lahat ay ang pagdating ng operasyon, lalo na ang
gagastusin para dito. Saan may murang operasyon? Paano makatitipid?
Sa artikulong ito, ililista ko ang mga pangkaraniwang operasyon, at humigit-
kumulang ang magiging gastos ninyo sa pribadong ospital kumpara sa pang-
publikong ospital.

1. Gallbladder surgery o pagtanggal ng apdo:


Charity hospital: P 10,000 hanggang 20,000
Pribadong hospital: P 60,000 hanggang 80,000
2. Myoma surgery o pagtanggal ng myoma sa bahay bata:
Charity hospital: P 10,000 hanggang 20,000
Pribadong hospital: P 60,000 hanggang 70,000
3. Thyroid surgery o pagtanggal ng goiter sa leeg:
Charity hospital: P 10,000 hanggang 25,000
Pribadong hospital: P 60,000 hanggang 80,000
4. Hernia surgery o pag-ayos ng luslos sa singit:
Charity hospital: P 10,000 hanggang 20,000
Pribadong hospital: P 60,000 hanggang 70,000
5. Angiogram o pagsilip ng mga ugat sa puso:
Charity hospital tulad ng PGH o Heart Center: P 5,000 hang-
gang 10,000
Pribadong hospital: P 40,000 hanggang 60,000
6. Heart bypass surgery o pag-opera sa puso:
Charity hospital: P 150,000 hanggang 200,000
Pribadong hospital: P 500,000 hanggang P 1 milyon
7. Cataract surgery o pagpalit ng lente sa mata:
Charity hospital o medical mission: P 5,000 o minsan libre
Pribadong hospital: P 25,000 hanggang 40,000

Ganito po ngayon ang kalakaran sa operasyon sa Pilipinas. Wala nang mas


mura pa. Magtiwala at kumonsulta sa ating mga charity hospitals tulad ng PGH,

59
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

East Avenue Medical Center, National Orthopedics Center, Philippine Children’s


Medical Center, at marami pang iba.
O papaano na iyan? Nahilo ba kayo sa dami ng “000”? May balak pa ba kay-
ong manigarilyo, at kumain ng matatabang pagkain? Gusto pa ba nating abu-
suhin ang ating katawan sa pag-inom ng alak at iba pang bisyo? Kung wala
kayong ganitong pera para magpa-opera, ay maigi nang mamuhay ng malinis
at kumain ng tama.
Magpatingin sa doktor. Alamin ang sakit ng maaga para malunasan ito. Hu-
wag nang hintayin pa na umabot sa operasyon. Grabe ang gagastusin!

Kailangan Operahan Sa Puso At Walang Pera: Paano Na?


Marami ang nagtatanong sa akin kung ano ang gagawin ng mga mahihirap
na pasyenteng may sakit sa puso. Lalo na kung medyo malala ang kondisyon
at kailangan operahan na. Saan sila lalapit na ospital o doktor? Ganito po ang
dapat niyong gawin:

1. Pumunta sa Philippine Heart Center (PHC) o Philippine General Hos-


pital (PGH). Ang Philippine Heart Center ang pinakamalaking ospital
para sa mga mahihirap na may sakit sa puso. Dalubhasa ang mga dok-
tor dito.
2. Pumila sa Charity Out-Patient Department ng PHC o PGH. Dito po kayo
pipila para malaman ang inyong sakit. Kaya lang po, kailangan niyong
magtiis sa haba ng pila. Matagal ang proseso at marami ang maysakit.
3. Magpa-interview sa Social Service ng PHC. Ang layunin natin dito ay
ang makakuha ng mababang kategorya. Sa ganitong paraan, mabibig-
yan kayo ng pinakamurang diskuwento para sa operasyon.
4. Alamin maigi ang sakit. Ano ang sabi ng doktor? Ano ang pangalan ng
sakit? Bakit kailangan operahan? Itago ang lahat ng laboratory tests
ninyo. I-xerox ng maraming kopya.
5. Kapag nadesisyonan na ng doktor na kailangan mo ng operasyon, ala-
min kung magkano ang gagastusin. Ang operasyon sa puso sa char-

60
Kailangan Operahan Sa Puso At Walang Pera

ity ward ay nagmumula sa P20,000 hanggang P200,000. Huwag agad


matakot sa presyo. Minsan ay bumababa naman ang presyong ito.
6. Kompletuhin ang lahat ng papeles. Kailangan ay kompleto ang inyong
medical abstract, social service certification, barangay report, litrato, at
iba pa.
7. Magpursige para makalikom ng pera para sa operasyon. Habang may
buhay, may pag-asa. Subuking humingi ng tulong sa kamag-anak, kai-
bigan, pulitiko, kompanya, at charity foundations. Ang PCSO, DSWD at
Pagcor ay nagbibigay din minsan ng dagdag pondo para sa operasyon.
8. Huwag mawawalan ng pag-asa. Pumila lang ng maigi. Bumalik sa tak-
dang petsa at huwag mag-absent. Isiping darating din ang tutulong.
Good luck po!

61
7
7 Tanong Sa Sex at
Family Planning

Baka Tumigil Ang Puso Kapag Nag-sex

A ko’y 71 years old at may sakit sa puso. Ang tanong ko ay kung paano ako
makikipag-sex nang walang peligro? Dok, titigil ba ang puso ko kapag na-
kipag-sex ako?

Kaibigan, sa tono ng iyong tanong, nahulaan kong wala kang balak makip-
ag-sex sa iyong misis. Ayon sa pagsusuri, mas walang panganib makipagtalik
kay misis (o sa iyong usual partner) dahil mas kaunti ang lakas na iyong gagami-
tin. Ngunit kung makikipag-sex ka sa nakababatang partner, magkakaroon ng
dobleng stress sa iyong puso. Dahil mas excited ka, bago ang inyong tagpuan
at may balak kang patunayan sa iyong pagkalalaki. Mag-isip muna dahil marami
ang ina-atake sa puso sa ganitong pagkakataon.
Ayaw ko mang isulat, pero ito ang mga safety tips sa ganitong sitwasyon:
(1) Inumin muna ang regular na gamot bago makipag-sex tulad ng gamot sa
puso, alta-presyon at iba pa; (2) Hayaang magtrabaho sa ibabaw ang nakaba-
batang kapareha, (3) Huwag makipag-talik ng bagong kain, maghintay muna
ng dalawang oras; (4) Itakda ang pakikipag-sex sa umaga, para may lakas pa, at
(5) Humingi ng medical clearance sa iyong doktor, o dili kaya ay magpabantay
sa duktor!

Bakit mabilis ang tibok ng puso ko kapag ako’y ninenerbiyos? Ano ang first aid sa
ganitong kalagayan?
Sa oras ng maramdaming sitwasyon, ang katawan natin ay naglalabas ng
isang kemikal na tinatawag na epinephrine. Ito’y ginagamit ng ating katawan
kung may peligro. Nakarinig ka na siguro ng taong binuhat ang muebles nila

62
Family Planning ni Senator Juan Flavier

sa oras ng sunog. Iyan ang taglay ng epinephrine. Sa pagkakataon na kayo ay


nagalit, kung magtatalumpati, kung may matinding problema, ay naglalabas
ng epinephrine ang katawan. Dahil dito, bumibilis ang tibok ng iyong puso.
Para sa mga may nerbiyos, nagbibigay ako ng isang pangpakalmang gamot
tulad ng Bromazepam (brand name Lexotan) na makakahingi ng reseta sa dok-
tor. Mabisa at walang delikado ito.
Pero may natural ding paraan para labanan ang kaba. Umupo sa isang tabi.
Huminga ng malalim at mabagal ng walong beses. Gamitin ang imahinasyon
para makalikha ng isang matahimik na lugar sa iyong isipan. Ok lang iyan kai-
bigan, relax ka lang.

Family Planning at Senator Juan Flavier


Si Senator Juan Flavier ay sumulat ng librong “Family Planning Made Easy.” Dito
ay ikinuwento niya ang lahat ng katuwa-tuwa at nakakatawang istoriya tungkol
sa family planning.
Bakit ba dapat mag-plano ng pamilya? Ayon sa Senador, maraming mga
nanay at sanggol ang namamatay dahil sa hindi pagpa-plano ng pamilya.
Bawat taon, may 12,000 kababaihan ang namamatay dahil sa paglalaglag ng
bata (abortion). At alam n’yo ba na may 300,000 sanggol ang na-a-abort bawat
taon. Grabe!
Ang layunin lang ni Senador Flavier ay bigyan ng impormasyon ang ating
mga kababayan, lalo na ang mahihirap, tungkol sa family planning. Heto ang
mga paraan:
1. Rhythm Method – Ang rhythm ay magagamit ng babaeng regular ang pag-
regla. Kung ang menses ng babae ay bawat 28 araw, ang safe na araw para mag-
talik ay 7 araw mula sa unang araw ng pag-regla. Ligtas din ang 7 araw bago
dumating ang susunod na regla. Kung bibilangin natin ay 14 na safe days at 14
na hindi safe days. Ngunit kung ang babae ay hindi regular ang menses, hindi
puwedeng gamitin ang rhythm.
2. Withdrawal Method – Ang withdrawal ay kung saan tinatanggal ng lalaki

63
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

ang kanyang ari bago mag-orgasm o maglabas ng semilya. Mababawasan nito


ang tsansang magbuntis ang babae, ngunit hindi po ito 100%. Ito’y dahil may
konting semilya nang lumalabas kahit hindi pa nag-oorgasm ang lalaki.
3. Condom – Ang condom ay isang plastic na isinusuot sa ari ng lalaki. Napatu-
nayan na ito’y makapagpipigil sa pag-laganap ng AIDS at sakit sa babae. Epe-
ktibo din ang condom pang-family planning. Kaya lang, may mga lalaki na ayaw
gumamit ng condom dahil hindi sila lubusang nasisiyahan sa kanilang pagtata-
lik.
4. Pills – May mga pildoras na iniinom araw-araw ng kababaihan para hindi
magbuntis. Medyo safe naman po ito. Magtanong sa inyong obstetrician-gyne-
cologist (doktor sa babae) o sa inyong health center tungkol dito.
May iba pang mga paraan ng family planning, tulad ng IUD (intra-uterine
device) at diaphragm na hindi ko na tatalakayin. Puwede din magpa-vasectomy
ang lalake o magpatali ang babae. May iba naman ang nagsasabi na “pigilan si
Mister sa pang-gigigil.” Hindi naman ito puwede, hindi ba?
Napakamahal po ngayon magpa-aral at magpalaki ng anak. Alamin natin
itong mga paraan ng family planning. Pumili ng angkop sa inyo at sa inyong
paniniwala. Good luck po!

Bakit Kailangan Mag-plano ng Pamilya?


Sa aming medical mission, may pamilya kaming binisita sa tabi ng riles ng tren
sa Sta. Mesa. May 7 silang anak, lahat may tuberculosis. Ang tatay at nanay, may
TB din. Tinulungan namin sila at binalikan pagkaraan ng 5 buwan. Hayan, na-
ospital ang nanay dahil nabuntis na naman at dinugo ng malakas. Papaano pa
kaya sila aahon sa buhay?
Ayon sa pagsusuri, heto ang mga paraan ng family planning na ginagamit
ng Pinoy: Pag-inom ng pills (32%); Ligation sa babae (19%); Withdrawal (14%);
Rhythm method (14%); Condom (4%) at Vasectomy (0.2%).
Ang 2 permanenteng paraan ng family planning ay ang vasectomy at liga-
tion.

64
Bakit Kailangan Mag-plano ng Pamilya?

1. Vasectomy sa kalalakihan
Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, dating presidente ng Philippine College of
Surgeons, ligtas at epektibo ang vasectomy. Ang vasectomy ay isang simpleng
operasyon kung saan pinuputol ang tubo ng semilya ng lalaki (tinatawag na vas
deferens). Magagawa ito sa loob ng 30 minutos at ginagamitan lang ng local
anesthesia.
Masama ba ang epekto ng vasectomy sa sex life? Hindi, walang itong epekto
sa pagtatalik. May semen pa rin na lalabas sa lalaki, ngunit wala nga lang itong
semilya (sperms) na nakabubuntis.
Si Dr. Jondie Flavier ay nag-pro-promote din ng vasectomy. Ayon kay Doc
Jondie, ito’y para hindi rin mahirapan ang mga babae. Alam naman natin kawa-
wa ang babae sa laging pagbubuntis. Maghihirap sila ng 9 na buwan. Duduguin
pa kapag nanganak. Mabuti sana kung sapat ang pera ng pamilya para mag-
palaki ng maraming supling.
2. Ligation sa kababaihan
Ang ligation ay isang operation kung saan tinatali ang fallopian tubes ng babae.
Ang fallopian tubes ay pinagdadaanan ng itlog ng babae mula sa obaryo pap-
unta sa bahay bata (uterus). Kapag tinali ito, hindi na magbubuntis ang babae.
Madalas ay sinasabay ang ligation sa panganganak ng babae. Lalo na kung
Caesarian Section o CS ang ginawa, napakadali lang magpa-ligate. Ligtas ang
ligation at bihira lang magka-komplikasyon. Ginagawa ito sa mga ospital ng
gobyerno.
Kung ikukumpara natin ang vasectomy sa ligation, mas madaling gawin ang
vasectomy sa lalake. Puwede itong pag-usapan ng mag-asawa kung ano ang
pipiliin nila.
Bilang isang doktor, marami na akong nakitang pasyente na matutulungan
ng family planning. Tulad ng mga babaeng may rheumatic heart disease at ma-
hina ang puso. Kadalasan ay hindi kakayanin ng puso ang stress ng pagbubun-
tis.
Ayon kay Dr. Flavier, kailangan natin ibahagi ang tamang impormasyon tung-
kol sa family planning. Karapatan ito ng bawat isa. Ngayon, depende sa kanilang
paniniwala at pananaw sa buhay, makagagawa sila ng tamang desisyon para sa

65
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

kanilang sarili. Good luck po.

Sexually-Transmitted Disease
Magandang araw po Doc Willie! Ako po’y may idudulog sa inyong problema. Naka-
gamit po ako ng bayarang babae, makalipas ng 5 araw, may napansin po ako na
mga “greenspots” sa aking brief, at medyo sumakit ang aking pag-ihi na parang
lagi akong may balisawsaw. Nagka-tulo po yata ako. Doc Willie, may nagpayo sa
akin na uminom ng “ciprofloxacin”. Uminom po ako nito, kumonti ang mga spots
ko pero hindi nawala. Ngayon dumami ulit ang tulo ko.
Ako nga po pala’y may asawa at 2 anak. Pinagsisisihan ko na ang aking mga
ginawa. Sana po’y matulungan nyo ako. God Bless! – Anonymous

Dear Anonymous,
Salamat sa liham mo. Sa kuwento mo ay mukhang nagkaroon ka ng Gonor-
rhea o tulo, isang Sexually-transmitted disease.
Ang Gonorrhea ay dahil sa bacteria na Neisseria gonorrhea. Naninirahan ito
sa vagina, cervix (kuwelyo ng matres), matres at fallopian tubes ng babae. Nasa
daanan ng ihi (urethra) naman ito ng kalalakihan. Puwedeng lumipat ang gon-
orrhea sa bibig, lalamunan, mata at puwit ng tao! Grabe ang kamandag ng sakit
na ito.
Makukuha and Gonorrhea sa pagtatalik. Kapag hindi ito ginamot, puwede
ito magdulot ng pagkabaog (sterility), at puwede rin kumalat sa dugo at kasu-
kasuan (joints). May namamatay dito.
Tama lahat ang mga sintomas na ikinuwento mo tungkol sa tulo. May mapu-
ti, madilaw o maberdeng likido na tumutulo sa ari o vagina. Masakit ang pag-ihi
na parang binabalisawsaw.
Heto ang mga gamot na ibinibigay ng doktor. (Magpakonsulta muna sa
isang Urologist o OB-gynecologist para matiyak ang sakit.)
1. Ciprofloxacin 500 mg tablet, 2 beses sa isang araw. Puwedeng uminom
ng 3 araw. Bawal ito inumin ng edad 18 pababa. (Dahil matitindi na
ang mga klase ng Gonorrhea ngayon, minsan ay hindi na ito epektibo.)

66
Nasira ang Sex Life ni Mang Bert

2. Sa mga seryosong kaso, tinuturukan ng Ceftriaxone 125 o 250 mg in-


jections sa loob ng masel (intramuscular).
3. May pagkakataon na hindi lang Gonorrhea ang sakit ng pasyente. May
kahalo pa itong Chlamydia, isa pang Sexually-transmitted disease. Ang
gamot sa Chlamydia ay Doxycycline 100 mg tablet, 2 beses sa isang
araw. Inumin ng 7 araw.

Paano makaiiwas sa sexually-transmitted disease?


1. Huwag makipagtalik sa ibang babae (o lalake) na hindi mo asawa o
permanenteng partner.
2. Gumamit ng condom para mabawasan ang tsansang mahawa.

At sana naman ay matuto na ng leksyon at maging matapat kay Misis. Kawa-


wa naman si Misis at baka mahawa pa siya sa Sexually-transmitted disease. Ang
pagsisisi ay laging nasa huli. God bless din!

Nasira ang Sex Life ni Mang Bert


Dear Doc Willie, sumulat ako sa inyo dahil nabasa ko kayo sa Pilipino Star Ngayon
ang paborito kong diyaryo. Natuwa ako sa issue mo tungkol sa ‘dyeta sa diabetes’.
Tawagin ninyo na lamang akong Mang Bert, may asawa, 56 years old. Natukla-
san kong may diabetes ako 2 taon na ang nakakaraan. Ang importanteng tanong
ko po ay ano po ba ang magagawa ninyo para manumbalik ang kasiglahan ko sa
sex. Ayaw na pong tumigas ni manoy, ano po ba ang mainam?
Isa pa Dr. Ong, ang tamod ko ay kaunti lang kung lumabas hindi tulad noong
mga nakaraang taon na tumitilamsik at marami, bakit po kaya? Sana matulungan
ninyo ako sa aking problema. Umaasa. God bless!

Hi Bert,
Salamat sa sulat mo. Sa dami ng mga sumusulat sa akin ay pinili ko ang liham
mo dahil alam kong malaki ang problema mo. Mahirap ang masira ang sex life
lalo na sa ating kalalakihan. Iyon bagang, “Gusto pa ng isipan pero mahina ang

67
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

katawan.”
Ang tanong mo ay bakit nagkaganoon si manoy at ayaw nang tumigas? Ang
masisisi natin dito ay ang diabetes mo. Alam n’yo ba na kapag ang diabetes ay
pinabayaan ng 5 taon ay magiging impotent ka na?
Ito’y dahil sinisira ng diabetes ang mga UGAT natin, mula sa puso (atake sa
puso), mata (pagkabulag), paa (pagkamanhid at puwedeng maputulan ng paa)
at ari ng lalaki (paglambot ng ari). Nagbabara at kumikipot ang daanan ng dugo
sa ari. Dahil dito, hindi na titigas ang ari kahit ano pang gawin o basahin.
Ang solusyon dito ay dapat IBABA natin and asukal sa dugo. Heto ang mga
numerong kailangan itaga sa isipan ng lahat ng diabetico.
1. Fasting blood sugar na hindi lalampas sa 105 mg/dl
2. Two-hour blood sugar na hindi lalampas sa 140 mg/dl
3. Hemoglobin A1C na hindi lalampas sa 6 mmol/L

Kung kayo’y may diabetes, i-check ang unang 2 test ng 2 beses kada linggo.
Kung kaya ng budget, bumili ng sariling blood sugar monitor para maibaba ng
husto ang blood sugar. (P3,000 ito sa Bambang, Rizal Avenue.)
Yung Hemoglobin A1C naman ay puwedeng i-check sa laboratoryo kada 2
buwan. Tandaan, kapag 5 taong lampas sa normal ang iyong mga numero sa
diabetes, puwedeng maglaho ang iyong sex life.
Magpakonsulta tayo sa isang endocrinologist o diabetes specialist para sa
tamang gamot na iinumin. Karamihan ng diabetico ay kailangang uminom ng
gamot. Makatutulong din ang tamang diyeta at ehersisyo.
Kaya Bert, kapag normal na ang iyong blood sugar, mapipigilan na natin ang
panghihina ni manoy at baka manumbalik pa ulit ang sigla, lakas at dami na
iyong inaasam. Good luck po.

“Dok, masama ba ang Oral Sex?”


Dok, masama ba ang oral sex?
Hindi masama ang oral sex kung ikaw at ang iyong partner ay parehong
malusog. Siguraduhin walang vaginal discharge ang babae at walang im-

68
“Dok, masama ba mag-sex araw-araw?”

peksyon din ang lalake. Maligo maigi at maging malinis sa katawan. Pagkatapos
mag-sex, magmumog ng bibig at lalamunan ng isang mouthwash. Uminom din
ng kalahating basong tubig para mahugasan ang lalamunan. May isang pagsu-
suri sa America na nagsasabi na 50% ng mga edad 60 pataas ay nakikipag-oral
sex pa sa kanilang partner.

Dok, masama ba ang anal sex o gay sex?


Oo, masama. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, dating presidente ng Philip-
pine College of Surgeons, masama ang anal sex o iyung pagpasok ng ari ng
lalake sa puwit ng kapwa lalake o babae. Sabi ni Dr. Gatchalian, madumi ang
looban ng puwit (ang rectum) at marami itong bacteria. Napatunayan sa pag-
susuri na ang anal sex ay nagdudulot ng sexually-transmitted diseases tulad ng
AIDS, genital warts, anal warts at HPV virus. Sa anal sex, napupunit ang balat ng
puwit kaya nakakapasok tuloy ang mga impeksyon dito.
Ang puwit ay hindi ginawa para sa sex. Ngunit kung hindi niyo ito maiwasan,
puwedeng gumamit ng condom para may proteksyon laban sa AIDS.

May sexual position ba na dapat iwasan kapag nagse-sex?


Oo, mayroon. Huwag maging ma-eksperimento o acrobatic sa kama at baka
mapilay ang iyong likod at balakang. Para sa may sakit sa likod, ang pinapayong
posisyon ay ang paghiga ng nakatihaya para hindi mapilay ang likod. Hayaan na
lang ang mas malakas na partner ang magtrabaho sa ibabaw.
Para maging masigla sa sex, mag-ehersisyo araw-araw para lumakas ang ka-
tawan. Sa ganitong paraan, gaganda din ang sex life niyo. Good luck.

“Dok, masama ba mag-sex araw-araw?”


Dok, gaano kadalas ako dapat mag-sex? Kasi po gusto ko ng maraming beses sa
isang araw. Ako’y 24 years old. (Arnel)
Arnel, hindi masama mag-sex araw-araw. Ang sex drive ng lalake ay depende
sa lebel ng testosterone ng kanilang katawan. Ang mga teenager hanggang
edad 30 ay may napakataas na lebel ng testosterone sa katawan. Pag lampas 40

69
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

ay dahan-dahan na itong bababa.


Ito ang pahayag ni Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, “Sa
edad 20, gusto mong makipag-sex 3 times a day. Sa edad 30, gusto mong mag-
sex 3 times a night. Sa edad 40, nakikipag-sex ka ng 3 times a week. Sa edad 60
ay 3 times na lang ang sex sa isang buwan. Sa edad 70, try ka na lang ng try. At
sa edad 80, you try to remember na lang kung paano nga makipag-sex.”

Gaano katagal dapat titigas ang ari ng lalake para masabing normal siya?
Kadalasan, tumatagal ng mula 45 minuto hanggang 1 oras ang erection ng
lalake. Pangkaraniwan, dapat manatiling matigas ang ari hanggang mayroon
pang nag-stimulate nito. At kailangan ay makatapos ang lalake ng sex at maka-
labas ng semilya.

Bakit mas open sa sex ang mga dayuhan kumpara sa mga Pinay? (John)
Siguro, John, mga mahiyain at Maria Clara ang kaibigan mo. Mabuti ka pa.
Pero alam mo, marami nang agresibong mga Pinay ngayon. Sabi nga ni Dr.
Gatchalian, “Ang pagiging mahiyain ng Pinay ay dahil lamang sa mga tinuturo
ng kanilang magulang. Napipigilan lang sila. Ngunit ang sexual drive ng Pilipino
ay nandoon at nakatago lamang.”

“Dok, paano magiging malakas sa sex?”


Dok, paano ako lalakas sa sex?
Ayon kay Dr. Rafael Castillo, presidente ng Philippine Society of Hyperten-
sion, ang alak at paninigarilyo ay puwedeng magdulot ng impotence o ang pa-
glambot ng ari ng lalake.
Para sa inyong kaalaman, ang sigarilyo ay nagpapakipot ng ugat sa ari at
binabawasan ang daloy ng dugo. Dahil dito, hindi na titigas si manoy. Masama
din ang sobrang alak. May maling akala na nagpapalakas sa sex ang alak. Mali
po ito. Masisira ang performance mo sa kama dahil sa alak.
Isa pa, kailangan din ma-kontrol ang presyon ng dugo (blood pressure) at
asukal sa dugo (blood sugar). Kapag ika’y may altapresyon o diabetes, puwe-

70
“Dok, masama ba ang masturbation?”

deng masira ang sex life mo sa loob ng 5 taon. Mag-ingat at magpagamot na


agad.
Ang pagiging nerbiyoso at kulang sa pagtitiwala sa sarili ay nakakaapekto din sa
sex. Lakasan ang loob. Isipin mong kaya mo, para makaya mo nga.

Ano ang puwede kong inumin para lumakas sa sex?


Sa mga may problema sa sex, simple lang ang sagot sa problema mo – ang
Andros. Andros ang brand name at Sildenafil ang generic name ng gamot sa im-
potence. Uminom ng Andros 50 mg tablet, isang oras bago makipag-sex. Hang-
gang isang tableta lang ang puwedeng inumin sa isang araw. Ang Andros ay
pinakamurang brand na nasa merkado (P200 bawat tableta). Ngunit kung ika’y
may sakit sa puso, magpa-check muna sa doktor at baka hindi kayanin ng puso
mo ang sobrang pagiging excited.
May kuwento nga akong isang 72 years old na lalakeng pasyente na pinipi-
lit akong resetahan siya ng Andros. Gusto daw niya kasi makipag-sex sa isang
18 years old na dalagita. Hirit pa niya, “Dok, puwede ba ako makipagtalik sa 18
years old?” Ang sabi ko ay sa tingin ko ay kakayanin ng puso mo, pero hindi ko
alam kung kaya ng konsiyensiya ko na resetahan ka. Naaawa kasi ako sa Misis
mo!

Bukod sa Andros, ano pa ang ibang gamutan ng impotence?


May iba pang paraan ang mga doktor para magamot ang impotence: (1) may
tableta na inilalagay sa loob na ari, (2) ang paggamit ng vacuum (humihigop)
na bote, (3) ang pag-injection ng gamot sa ari, at (4) ang paglagay ng penile
implants, espesyal na plastic tube na pinapasok sa loob ng ari. Ang operasyon
ng penile implant ay nagkakahalaga ng P150,000. Para sa mga paraan na ito,
magtanong sa inyong Urologist.

“Dok, masama ba ang masturbation?”


Dok, araw-araw akong nagbabati (masturbation), masama ba ito sa aking kalu-
sugan?

71
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, isang urologist, walang masama sa pagba-
bati. Wala namang peligro ito sa katawan at hindi rin ito matuturing na sexual
perversion. Ngunit kailangan natin alalahanin na puwede magkaroon ng psy-
chological na problema ang taong mahilig magbati. Sabi ni Dr. Gatchalian, baka
puro pansarili na lang ang kanyang iniisip at hindi na makaunawa ng tunay na
pagmamahal.
Para sa mahilig magbati, pinapayo ng doktor na ibaling na lang ang aten-
syon sa ibang bagay. Maglaro ng sports, magkaroon ng libangan, o maging ma-
saya sa iyong trabaho. Lumayo din sa tukso tulad ng mga babasahin at palabas
na malaswa.

Dok, may isang beses, dumugo ang ari ko pagkatapos ko magbati. Ano pong nang-
yari? Tulungan niyo ako.
Oo, puwedeng mangyari iyan. Ang masyadong malakas na pagbabati ay
puwedeng makasugat sa mga ugat ng ari. Malamang ay nasugatan ang iyong
seminal vesicles, ang mga tubo sa bayag na nagdadala ng semilya. Ngunit hu-
wag mag-alala at gagaling din ito ng kusa. Ang payo ko ay huwag munang
magbati ng ilang araw para maghilom ito.

Dok, gaano karaming semilya (semen )ang normal sa isang lalake?


Ayon kay Dr. Gatchalian, 3 ml ng semilya o kalahating kutsarita ang normal
na dami bawat paglabas (orgasm). Kung may kakaunti sa 1.5 ml ang lumalabas
na semilya, hindi po ito normal at maaaring senyales ito ng pagkabaog. Mag-
patingin sa iyong urologist.
Isang paghahambing: ang boar (baboy damo) ay kayang maglabas ng 500
ml na semilya. Halos 2 basong semen! O, hindi ba walang sinabi ang mga tao
kumpara sa mga hayop?

Tinukso dahil maliit ang pagkalalake


Dok, ano ba ang normal na haba ng ari ng lalake? Niloloko ako ng kaibigan ko
dahil maliit daw yung akin. (Josh)

72
Tinukso dahil maliit ang pagkalalake

Josh, walang kaugnayan ang haba ng ari sa galing mo sa pagtatalik. Ayon


nga kay Dr. Philip Cruz, “Hindi iyung haba ng lapis mo ang importante. Ang ma-
halaga ay kung paano mo ito sinusulat.”
Ayon sa mga doktor, ang haba na 3 pulgada (inches) ay sapat na para sa sex.
Mayroon isang pasyente na 1.5 inches lang ang haba ng ari pero kaya niyang
magpaligaya ng babae. Isa pang dapat tandaan Josh, ang naka-relax na ari ay
sadyang maikli at malambot. Ang tunay na sukat ng haba ng ari ay kapag tumi-
gas na ito.

Dok, paano ko mapasasaya ang aking nobya? (Ronnie)


Ayon sa mga psychologists, iba ang hinahanap ng babae kumpara sa lalake.
Para sa mga kababaihan, ang pagmamahalan ay hindi lang tungkol sa sex. Sa
mga babae, mas mahalaga ang emosyon at pagkarinyo. Gusto nila lagi ng may
sorpresang regalo tulad ng bulaklak, tsokolate, at mga text na “I love you”. Hu-
wag din natin kakaligtaan ang mga birthday at anniversary. Kapag nalimutan
mo ito ay siguradong lagot ka!
Paano naman ang mga lalake? Ano ang nagpapasaya sa kalalakihan? Ayon sa
mga eksperto, simple lang ang hilig ng lalake. Gulatin mo si Mister sa pagsuot
ng mga maiikling damit o nighties. Siguradong patok iyan at magiging masaya
sila.

Ang asawa ko po ay 26 ang edad. Kasal na kami ng 4 taon. Noong una, madalas
kaming magtalik. Ngunit ngayon ay may 4 na buwan na kaming walang sex. Bakit
po kaya? Normal ba ang walang sex? (Gloria)
Gloria, hindi normal sa mag-asawa ang walang sex. Kailangan ninyong dala-
wa na mag-usap ng masinsinan kung ano ba ang problema ni Mister. Bakit ayaw
na niyang makipagtalik sa iyo? Baka naman lagi mo siyang sinesermonan at ki-
nokontra sa usapan. O baka naman may bago na siyang kinahihiligan. Bantayan
maigi si Mister at huwag papatalo sa ibang babae. Good luck!

73
8 Artista at Kalusugan

Sakit na Leukemia, Alamin!

N agulat ang lahat sa pagkasakit ni Francis M. sa sakit na Acute Leukemia.


Ano ba itong sakit? Paano ba ito nakukuha at maiiwasan?
Ang leukemia ay isang kanser sa dugo. Nagbabago ang cells (selula) sa dugo
ng pasyente at nagiging kanser ito. At dahil dumadami ang cancer cells, na-
tatabunan ang mga normal cells natin, tulad ng red blood cell (pulang dugo)
at platelets.
Ang sintomas ng leukemia ay dala ng pagkasira nitong 2 klaseng selula: (1)
Kumokonti ang red blood cells. Nagiging anemic ang pasyente at kailangan sali-
nan ng dugo; (2) Kumokonti ang platelets. Ang trabaho ng platelets ay ang pag-
buo ng dugo kapag tayo’y nasusugatan. Kapag nagkulang ng platelets, puwede
tayong duguin sa ilong, gilagid at balat. Ganito ang nangyari kay Francis M.
Kapag ika’y madalas magkaroon ng pagdurugo o pagpapasa, ipasuri ang
iyong dugo: CBC with peripheral smear. Sa ganitong blood test, matutuklasan
kung may leukemia ang pasyente.
Ano ang sanhi ng leukemia? Apat ang posibleng pinanggagalingan ng leu-
kemia:
1. Genetics - Namamana ito sa ating magulang.
2. Radiation – Masama ang laging exposed sa mga X-rays, CT Scan, MRI at iba
pang radiation.
3. Chemicals – Masama ang mga ginagamit nating pesticides para sa halaman.
Gumamit ng mask at guwantes. Ang benzene, isang kemikal ng plastic, ay pu-
wede ding magdulot ng leukemia.
4. Smoking – Masama ang paninigarilyo. Itigil iyan.
74
Bangungot Syndrome at Marky Cielo

Ang leukemia ay ginagamot sa pamamagitan ng chemotherapy, bone mar-


row transplant at makabagong stem cell treatment. Mahal ang mga pamama-
raan na ito at hindi pa tiyak na gagaling ang pasyente. Kailangan ipasuri ang
leukemia sa mga ekspertong doktor, na kung tawagin ay Hematologists.
Paano tayo iiwas sa leukemia? Sundin po ang mga payong ito:
• Ang mga bata (edad 2 pababa) ay dapat pakainin ng saging at orange
4 hanggang 5 beses bawat linggo. Sa ganitong paraan, makaiiwas ang
mga bata sa leukemia.
• Turuan din ang mga bata na kumain ng gulay, tulad ng pechay, kang-
kong at ampalaya.
• Umiwas sa hotdog, tocino, longanisa at hamon. Ayon sa pagsusuri, ang
mga preserved meats ay puwedeng magdulot ng leukemia.
• Hugasan maigi ang gulay at prutas bago kainin. Siguraduhing walang
kemikal (tulad ng fertilizer) na nakadikit dito.
• Piliin ang mga organic na manok at itlog. Ang ibig sabihin ng “organic”
ay hindi gumagamit ng kemikal sa pagpapalaki ng manok at iba pang
pagkain. Mabuhay ng malinis at umiwas tayo sa sakit.

Bangungot Syndrome: Paano Iiwas?


Ano ba ang bangungot? Bakit maraming Pilipino ang namamatay dito? Kung
matatandaan ninyo, ito ang hinihinalaang sanhi ng pagkamatay nina Marky
Cielo at Rico Yan.
Una sa lahat, iba po ang bangungot sa Bangungot syndrome. Ang bangun-
got ay iyong nananaginip ka ng masama. Ang Bangungot syndrome naman ay
isang sakit na kung tawagin ay Acute Pancreatitis.
Ang Acute pancreatitis ay ang pamamaga ng ating pancreas o pale. Ang tra-
baho ng pancreas ay ang maglabas ng “juices” para tunawin ang ating kinain. Sa
isang araw, halos 8 basong pancreatic juice ang ginagawa ng pancreas.
Dalawa ang sanhi ng acute pancreatitis: (1) sobrang pagkain ng marami at (2)
sobrang pag-inom ng alak. Kapag napadami ang ating kinain, mahihirapan ang
ating pancreas.

75
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Ayon sa eksperto, baka raw namamana ang Bangungot syndrome dahil mas
natatagpuan ito sa mga kalalakihan ng taga-Asia. Siguro mas malakas din umi-
nom ng alak ang mga lalake.
Ang sintomas ng Acute pancreatitis ay ang matinding pagsakit ng sikmura,
na tumutugon sa ating likod. Kapag ganito ang iyong nararamdaman, pumunta
agad sa ospital.
Paano iiwas sa Acute pancreatitis?
1. Kumain ng 5-6 na beses sa isang araw pero pakonti-konti lang. Makatu-
tulong ang ganitong schedule sa pagtunaw ng ating kinakain. Para sa
mga diabetico, hindi rin gaano tataas ang iyong asukal sa dugo (blood
sugar). Sa meriyenda, puwedeng isang saging o mansanas lang. Kapag
hapunan, puwedeng kalahating tasang kanin, sabaw, at isang ulam
lang. Hindi ka tataba sa ganito dahil konti lang ang kinakain mo.
2. Maglakad ng 20 minutos pagkatapos kumain. Bawal matulog agad!
Kapag napadami ang kinain mo at biglang matutulog, eh baka magalit
ang iyong pancreas. Sasabihin niya, “Kain ka lang ng kain, tapos hindi
mo ako tutulungan sa pagtunaw ng pagkain.” Baka bangungot syn-
drome ang aabutin mo niyan.
3. Kung iinom ng alak, lagyan muna ng pagkain ang iyong tiyan. Masama
ang alak kapag walang laman ang tiyan. Masisira ang ating atay at pan-
creas.
Kung tutuusin, mas maigi po na umiwas na rin sa alak. Tubig ang pinaka-
magandang inumin para sa ating kalusugan. Good luck po.

Usapang First Aid With Kris Aquino


Mapalad kaming nag-guest ng aking misis na si Dra. Liza sa Boy & Kris ng ABS-
CBN. Pinag-usapan namin ni Ms. Kris Aquino ang tungkol sa First Aid tips para
sa mga mommies. Kasama din namin ang nakakatuwang si Pokwang at ang 11
taong anak niyang si May.
Sabi ni Kris sa akin, “Are you husband and wife?” Tumango ako. “You know
you’re very lucky because your wife is pretty. True,” hirit ni Kris bago sumenyas

76
Usapang First Aid With Kris Aquino

yung cameraman ng “Rolling.” Anyway, Kris is Kris and nakakatuwa talaga siya.
Heto ang pinag-usapan namin.
1. Kagat ng lamok, langgam at surot.
Hugasan mabuti ng sabon at tubig ang kagat. Pagkatapos, buhusan ng malamig
na tubig or yelo sa paligid para mawala ang pangangati. Sabi ni Kris, nakagat
siya ng lamok kamakailan at kinamot niya ng kinamot. Hayan may konting pe-
klat pa sa braso, sabay pakita sa camera. “Bad Kris, bad,” patawang sabi niya.
2. Pagdurugo ng ilong o balinguynguy.
Uso talaga ito kapag tag-init. Paupuin at itingala ang ulo ng pasyente. Diinan
ang dulo ng ilong para mapigilan ang pagdurugo. Puwedeng maglagay ng ice
bag sa taas ng ilong para magbuo ng mabilis ang dugo.
Ang anak ni Kris na si Josh ay madalas daw magdugo ang ilong. Sanay na
daw ang pamilya Aquino sa ganitong pagkakataon. Maya-maya ay hihinto na
rin.
3. Nauntog.
Ihiga ang bata at lagyan ng ice bag ang tinamaang parte. Ito’y para magbuo
agad ang dugo at huwag nang lumaki. Kung dumudugo, linisin ng povidone-
iodine o alcohol. Pagkatapos ay takpan ng gasa.
Sabi ni Pokwang, puwede daw bang kalugin niya ang baba niya kapag
nauntog? Siyempre mali itong paniniwala. Dagdag naman ni Kris ay may allergy
daw siya sa betadine. Kaya ang gamit niya lagi ay Casino Rubbing Alcohol, dahil
siya ang Celebrity Endorser nito.
4. Kagat ng aso, pusa o daga.
Una, hugasan agad ng sabon at tubig para maalis ang laway ng hayop. Subu
king paduguin ang sugat para maalis ang mikrobyo. Tapalan ng gasa. Maaring
dalhin sa ospital ang pasyente para bigyan ng bakuna laban sa tetanus o rabies
lalo na kung grabe ang kagat. Obserbahan ang aso na kumagat ng 10 araw.
Maraming alam si Kris tungkol sa medisina. Nasabi pa niya na paborito ng
mga Aquino ang Diphenhydramine (Benadryl) dahil madalas silang mag-aller-
gy. Tulad ni Kris, kung tayo ay mahilig magbasa ng tungkol sa kalusugan, sa
panahon ng emergency ay alam na natin ang ating gagawin.

77
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Ruffa and Ai: Maraming Impormasyon Na Matututunan


Nakakatuwa ang programang Ruffa and Ai ng ABS-CBN. Napakasaya at palaging
puno ng impormasyon at kasiyahan para sa manonood. Mapalad kami ng aking
misis, na si Dra. Liza Ong, na maging medical experts ng naturang programa.
Napakabait at very charming sina Ms. Ruffa and Ms. Ai.
Palagi kaming tinatanong kung maganda ba si Ruffa Gutierrez at Ai-Ai De Las
Alas sa personal. Ang sagot ko ay siyempre “Oo.” Si Ruffa ay matangkad, magan-
da at napakabait. Wala siyang ere at masaya siya sa kaniyang buhay. Ipagda-
sal natin na mahanap na ni Ruffa ang kaniyang “soulmate” para sumaya pa ang
kaniyang buhay.
Si Ai-Ai naman ay talagang sobrang lakas ang appeal sa masa. Bawat biro at
galaw niya ay siguradong tatawa ang studio audience.

Ito ang ilan sa mga paksa na aming tinalakay sa Ruffa and Ai:
1. Pag-iwas sa swine flu. Sa ating kababayan, huwag masyadong matakot sa
swine flu o Influenza A (H1N1) virus. Humina na itong virus at halos hindi na
nakamamatay sa mga nagkakasakit nito. May gamot na rin sa swine flu, ang
Tamiflu. Ang payo namin ay (1) maghugas lagi ng kamay, (2) palakasin ang re-
sistensiya, at (3) umiwas sa mga taong inuubo.
2. Pag-iwas sa food poisoning. Kapag piyestahan, dapat mag-ingat sa napanis
na pagkain. Umiwas sa mga pagkaing lampas na sa 3 oras na nakahain. Ilagay
ang tirang pagkain sa refrigerator. Mag-ingat din sa pagkain na may sarsa, tulad
ng may gata, may mayonesa at gatas. Ang fruit salad at cheese whiz ay madali
din mapanis. Mas ligtas ang mga tuyong pagkain tulad ng prito at inihaw na
isda, manok at karne.
3. Tips sa mga buntis. Kailangan ng buntis ang 4 na sustansiya: calcium, iron,
folic acid at protina. Uminom ng 4 na basong gatas (low-fat milk) bawat araw.
Kumain ng itlog, karne at atay para makakuha ng protina. Kumain din ng mab-
erdeng gulay na mataas sa folic acid at iron tulad ng kangkong, petsay, malung-
gay, spinach at talbos ng kamote. Umiwas sa masyadong matatamis at baka
kayo magka-diabetes. At siyempre, magpa-check up sa inyong OB kada buwan.
78
Ano ang sikreto ni Boy Abunda?

Ano ang sikreto ni Boy Abunda?


Nagpapasalamat kami sa 10 kopya ng Love Life CD Album na ibinigay ni Mr. Boy
Abunda sa amin kamakailan. Ang laman ng CD ay 10 awit ng buhay ni Kuya
Boy, at may dagdag pang 10 interview ng mga artista. May nakakatuwa, may
nakakaiyak, may nakakalakas ng loob. Iyan ang laman ng kakaibang CD ni Boy
Abunda.

Ano kaya ang sikreto ng tagumpay ni Boy Abunda? Heto ang nakikita ko.
1. Hindi nahihiya. Probinsiyano lang dati si Kuya Boy, ngunit talino ang kanyang
naging puhunan. Noong siya’y nag-uumpisa, pinagdaanan na niya ang lahat ng
panlalait. “Hindi ka bagay; Kulang ka sa credentials; No vacancy; No opening; at
iba pang pagtanggi.” Dahil malaki ang tiwala niya sa Diyos at sa sarili, hindi siya
sumuko hanggang nakuha niya ang break.
2. Sinasagot ang mga tawag. Maraming sikat na tao ang napakahirap nang ab-
utin. Kahit anong sulat mo ay hindi ka papansinin. Ngunit dahil nga nag-umpisa
lang siya na walang pangalan, naaawa si Boy sa mga humihingi sa kanya ng
payo. Ani niya, “Iyan ang sekreto ko, sinasagot ko ang mga tumatawag sa akin.”
3. Iniisip na kaya niya. Ayon sa payo ng mga psychologists, kapag natatakot ka
ay umasta ka na parang malakas ang loob mo. Kapag nahihiya ka, umarte kang
malakas ang loob mo. Noong nag-uumpisa pa lang si Kuya Boy, ay nilalakasan
na niya ang loob niya.
4. Tumutulong sa tao, mataas man o mababa. Sa mga nakakakilala kay Boy, la-
hat ay saludo sa kabaitan niya. At kapag mapagbigay ka sa ibang tao, ay babalik
din ang biyaya sa iyo. “Give and you shall receive.”
5. Maka-Diyos. Sa mga shows ni Boy, madalas niyang suot ang kanyang scapu-
lar, simbulo ng paniniwala niya sa Itaas. Lagi siyang humihingi ng tulong sa Di-
yos sa kahit anong pagsubok.

Talagang mapalad kami na makilala si Kuya Boy. Noong lumiham kami sa


kanya noong 2005, hindi ko akalain na bibigyan niya kami ng pansin. Sino ba

79
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

naman kami?
Malaking pagtulong ang ibinigay niya sa amin. Dahil ang adhikain namin ay
makatulong lang sa mga maysakit, todo ang suporta ni Kuya Boy sa amin.
Noong natanggap ko ang Love Life CD ni Kuya Boy ay agad kong binasa ang
kanyang sinulat, “Dearest Willie and Liza. Thanks for believing! – Boy”
Kuya Boy, taos puso kaming nagpapasalamat sa iyo dahil noong lungkot na
lungkot kami, ay binigyan mo kami ng pag-asa. Naniwala ka sa aming kakaya-
han, kahit kami mismo ay duda sa aming sarili. God bless and we love you al-
ways. – Willie and Liza

80
9 Mga Sakit Mula Ulo
Hanggang Paa

Sakit Ng Ulo: Kailangan Bang Ipa-check Sa Doktor?

A ng sakit sa ulo ang madalas ireklamo ng pasyente sa kanilang doktor. Ang


iba ay natatakot na baka kung ano na ang masamang sanhi nito. Ngunit
huwag mangamba, karamihan ng sakit ng ulo ay hindi delikado.
Una, kung ang sakit ng ulo ay sumasabay sa pagbabasa ng diyaryo o pagta-
trabaho sa harap ng computer, malamang may diprensya ang iyong mga mata.
Magpatingin sa optometrist at magpagawa ng salamin.
Pangalawa, kung labas pasok ka sa malamig at mainit na lugar, puwede ding
sumakit ang ulo. Hindi po ito masama. Naninibago lang ang mga ugat sa ulo
dahil sa pagbabago ng panahon.
Pangatlo, kung ang sakit ng ulo ay gumiginhawa sa pagmamasahe ni Misis,
malamang ay tensyon o stress lang iyan. Naninikip kasi ang mga masel (mus-
cles) ng ulo kapag naii-stress. Ang ibig sabihin ay marami kang iniisip, maram-
ing problema at kulang sa budget, kaya sasakit talaga ang ulo.
Ang mga nabanggit kong sanhi ng sakit ng ulo, mula sa mata, sa pagbago
ng panahon at sa stress ay puwede nang hindi ipa-check sa doktor. Uminom
na lang ng paracetamol o ibuprofen. Mas gentle sa sikmura ang paracetamol,
ngunit mas mabisa naman ang ibuprofen. Kailangan lang itong inumin ng
bagong kain para hindi sikmurain.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor? Kapag matindi ang sakit ng ulo, o kung
may kasamang lagnat, pagsusuka o panghihina, isangguni na sa doktor. Kunin
din ang blood pressure. Kapag mataas sa 140/90, posible na altapresyon ang
dahilan ng pagsakit ng ulo.
Ang migraine ay isa ding pangkaraniwang dahilan ng sakit ng ulo. Malala-
man mo na migraine iyan dahil kalahati lang ng ulo ang sumasakit. Mefenamic

81
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

acid o aspirin ang gamot sa migraine.


Bukod dito, ang mga sakit na binabantayan ng doktor ay ang istrok at bukol
sa ulo (brain tumor). Ang sintomas nito ay ang panghihina o pamamanhid ng
katawan.
Ngayong alam mo na ang mga dahilan ng sakit ng ulo, makapagdedesisyon
ka na ng tama kung kailangan magpacheck sa doktor. Good luck po!

Nahihilo: Mga Posibleng Dahilan


Maraming dahilan ang pagkahilo. Kadalasan ay hindi naman delikado ito. Pag-
usapan natin ang mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo.
1. Problema sa mata – Kung malabo ang iyong mata, puwede kang mahilo ha-
bang nagbabasa o nagko-komputer. Dapat ay ipahinga ang mata at tumingin
sa malayo para ma-relaks ito. Magpagawa ng salamin o baguhin na ang grado
ng salamin.
2. Problema sa tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang
mga sakit sa tainga. Nasa tainga kasi ang ating vestibular system. Dito nagmu-
mula ang pakiramdam natin sa balanse at paggalaw. Kung may dumi o impeksi-
yon sa tainga, puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo, ang tinatawag
na vertigo. Ang gamot sa vertigo ay ang meclizine tablet (Dizitab, Bonamine)
o cinnarizine tablet (Stugeron). Ang ganitong hilo ay tumatagal ng mga isang
buwan bago humupa.
3. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood, puwede kang mahilo at
manakit ang iyong batok. Kung ikaw naman ay low blood, anemic at maputla,
puwede ka rin mahilo. Dapat ang blood pressure ay nasa pagitan ng 140/90 ang
pinakamataas at 90/60 ang pinakamababa.
4. Nerbiyos – Ang mga nerbiyosong tao ay madalas mahilo din. Kapag kinak-
abahan, natatakot o nakasaksi ng nakahihindik na bagay, puwede silang ma-
hilo. Ang tawag dito ay nerbiyos o panic attack. Kailangan lang magpahinga at
uminom ng pampa-relax na gamot tulad ng Lexotan 1.5 mg tablet. Sa doktor
lang makahihingi ng reseta nito.
82
Sakit Sa Thyroid o Goiter

5. Kulang sa oxygen – Minsan naman ay may nahihilo o hinihimatay sa mga


mataong lugar tulad ng simbahan o rally. Dala ito ng matinding init at dami ng
tao. Kailangan lang magpahinga, magpahangin at mawawala rin ang pagkahilo.

Sa panghuli, mayroon ding mga pinangagalingan ang hilo na mas seryoso.


Ito ay ang istrok at tumor sa utak. Ang istrok ay may kasamang panghihina ng
isang parte ng katawan. Ang tumor naman sa utak ay may kasamang matinding
sakit ng ulo.
Subalit huwag matakot dahil bihira lang naman ito. Kung may karagdagan
kang katanungan, kumonsulta sa inyong doktor.

Sakit Sa Thyroid O Goiter


Ang thyroid gland ay matatagpuan sa harap ng ating leeg. Katabi ito ng Adam’s
apple, iyung nakaumbok na buto sa gitna ng ating leeg. Ang thyroid gland ay
hugis paru-paro at karaniwan ay hindi nakikita o nakakapa. Ang thyroid gland
ang namamahala ng galaw ng mga organo ng ating katawan.
Kapag lumalaki ang thyroid gland, tinatawag itong goiter o bosyo. Mada-
las makita sa kababaihan ang goiter. Sa katunayan ay 12.5% ng kababaihan ay
magkakasakit sa thyroid.
Dalawa ang puwede maging sakit ng thyroid gland: ang hyperthyroid (sobra
sa thyroid hormones) at ang hypothyroid (kulang sa thyroid hormones).

Hyperthyroid: Mabilis Ang Galaw


Kapag hyperthyroid ang pasyente, bumibilis ang kanyang metabolism. Mabi-
lis ang tibok ng puso, nine-nerbiyos, laging pinapawisan, laging naiinitan, at
nagtatae. Kapag lumala ay puwedeng lumuwa din ang kanilang mga mata. De-
likado ito kapag hindi naagapan.
Para malaman kung ika’y hyperthyroid, ipa-check ang Free T3, Free T4 at TSH.
Nagkakahalaga ito ng P800 sa murang laboratoryo. Kapag mataas ang lebel ng
T3 at T4, ibig sabihin ay hyperthyroid ang pasyente.
Madali lang gamutin ang hyperthyroid. Binibigyan ng gamot na Methima-

83
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

zole (brand name Tapdin) 5 mg, mula 2 hanggang 4 na tableta sa maghapon.


Iniinom ang gamot ng lampas 1 taon. Magpa-konsulta sa inyong doktor.

Hypothyroid: Mabagal Ang Galaw


Sa kabilang dako, may mga pasyente na hypothyroid. Kabaligtaran naman ang
nararamdaman nila. Mabagal ang tibok ng puso at lagi silang nalalamigan.
Mabagal din silang kumilos at mag-isip dahil kulang nga sa thyroid hormones.
Sa mga pasyenteng hypothyroid, mababa ang lebel ng kanilang T3 at T4.
Simple lang ang gamutan ng hypothyroid. Pinaiinom sila ng Levothyroxine
(Brand name Eltroxin) na nagpupuno ng kakulangan ng thyroid gland. Kadala-
san ay iniinom ang Levothyroxine pang-habang buhay.
Kahit madali ang gamutan sa hyperthyroid at hypothyroid, ang problema ay
napakahirap itong matuklasan ng doktor. Kakaiba kasi ang sintomas at napag-
kakamalang ibang sakit. Kaya ang payo ko: ipa-check ang inyong Free T3, Free
T4 at TSH. Alamin kung may sakit sa thyroid.

Bukol Sa Leeg
O sige, habang binabasa ito, kapain ninyo ang inyong leeg. May nakakapa ba
kayong bukol sa harap ng inyong leeg? Pagkatapos ay humarap sa salamin at
pagmasdan ang inyong leeg. Mayroon ba kayong nakikitang bukol?
Sa lalaki, may tinatawag na Adam’s apple na nakaumbok. Normal po ito.
Ngunit kung mayroon pang ibang nakakapa o nakikita sa inyong leeg, ikonsulta
sa doktor. May mga bukol kasi na tumutubo sa ating thyroid gland.

Paano Sinusuri Ang Thyroid Gland?


Ang bukol sa thyroid gland ay madalas natatagpuan sa mga kababaihan. Kung
kayo ay may bukol sa thyroid, ito ang mga pinagagawa ng doktor:
1. Ipa-check ang inyong Free T3, Free T4 at TSH. Malalaman natin kung ang
thyroid ninyo ay (a) hyperthyroid o sobra sa thyroid hormones, (b) hy-
pothyroid o kulang sa thyroid hormones, o (c) normal lang ang thyroid.
May mga gamot para sa hyperthyroid at hypothyroid.

84
Nakakaistorbong Ubo: Ano ba Ang Solusyon?

2. Magpagawa ng Thyroid Scan o Ultrasound. Makikita natin kung may bu-


kol sa thyroid o wala. Masusukat din ang laki at hugis ng thyroid gland.

Ano Ang Ginagawa Sa Bukol Sa Thyroid?


Ayon kay Dr. Anthony Ang ng Manila Doctors Hospital, kailangan bantayan ang
lahat ng bukol sa thyroid. Kapag maliit pa ang bukol (mas maliit pa sa butones),
puwede pa natin ito obserbahan at pagmasdan kung lalaki pa. Magpagawa ng
Thryoid Scan bawat taon para mabantayan ito.
Ngunit kung ika’y may nararamdaman na, tulad ng hirap sa paglunok, maka-
bog ang puso, o may abnormal na resulta sa T3, T4 at TSH, dapat na natin ito
gamutin.
Kadalasan ang mga bukol sa thyroid ay inooperahan. Kapag malaki na, wala
talagang gamot na pampaliit nito. Ang gastos sa operasyon ay mga P60,000 sa
pribadong ospital at P5,000 hanggang 20,000 sa ospital ng gobyerno.
Bakit kailangan operahan ang bukol? Dagdag ni Dr. Ang, “Minsan ay kanser
pala itong bukol. Mas mabuti na matanggal ito ng maaga para hindi na kumalat
pa.”
Kaibigan, huwag muna mangamba. Magtanong sa iba’t ibang doktor para
mahanap ninyo ang tamang gamutan. God bless po!

Nakakaistorbong Ubo: Ano Ba Ang Solusyon?


Inuubo ka ba? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng ubo?
Ang ubo ay puwedeng dulot ng trangkaso (flu), sipon at ubo (common
colds), allergy, sigarilyo (smoker’s cough), pulmonya (pneumonia), namama-
gang tonsils (tonsillitis) at tuberculosis (TB).
Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis lang ang nangangailangan
inuman ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin. Ang tuberculosis naman ay ginaga-
mot ng 6 na buwan ng TB medicines.
At para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, tulad ng trangkaso, sipon at al-
lergy, heto ang aming maipapayo:
1. Uminom ng 8-12 basong tubig – Ayon sa mga doktor, tubig lang talaga ang

85
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

pinakamabisang gamot sa ubo. Pinapalabnaw ng tubig ang malapot at madikit


na plema. Kapag lumabnaw na ang plema, mas madali na itong mailalabas.
2. Uminom ng mainit na sabaw o salabat – Malaki ang tulong ng salabat at
luya para maginhawahan ang lalamunan natin. May panlaban din ito sa bacteria
at nakaaalis ng kati ng lalamunan. Ang pag-inom naman ng mainit na sabaw ng
manok ay nagpapaluwag din ng ating paghinga.
3. Itigil ang paninigarilyo – Ang sigarilyo ay nagdudulot ng emphysema, isang
klaseng sakit kung saan nabubutas at nasisira ang ating baga. Kapag humihithit
ka ng 10 stick ng sigarilyo bawat araw, siguradong may tama na ang iyong baga.
Pasensya na po pero walang gamot para sa emphysema at smoker’s cough. Itigil
ang yosi.
4. Uminom ng Vitamin C – May mga pagsusuri na nagsasabi na ang pag-inom
ng Vitamin C 500 mg ay nagpapalakas ng ating immune system.
5. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay – Maraming ubo ang nanggagaling sa
allergy. Puwedeng magka-allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matata-
pang na pabango, at sa pollen ng mga halaman. Umiwas sa mga bagay na ito.
Puwede rin uminom ng Loratadine 10 mg tablet isang beses sa gabi para sa
allergy.
6. Gamot para sa ubo at plema – Kung gugustuhin, puwedeng uminom ng
mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at bromhexine para lumabnaw
ang plema.
7. Gamot para sa tuyong ubo (dry cough) – Para sa nakaiistorbong ubo, yung
tipong hindi ka patutulugin, uminom ng butamirate citrate (brand name Sine-
cod). Mabisa ito.
8. Magpahinga at umiwas sa bisyo – Huli sa lahat, kailangan ng ating katawan
ang pahinga. Kapag kompleto ang iyong tulog ay dahan-dahang lalakas ang
iyong katawan. Mababawasan ang iyong ubo.

86
Sakit sa Dibdib: Atake Sa Puso Na Ba Ito?

Sakit Sa Dibdib: Atake Sa Puso Na Ba Ito?


Bilang isang espesyalista sa puso, sari-saring sakit sa dibdib ang kinokonsulta
sa akin. Sa aking palagay, 80% ng mga sakit sa dibdib ay walang kinalaman sa
puso. Paano ko nalalaman na hindi sa puso ang problema? Nahuhulaan ito ng
doktor sa pagkukuwento ng pasyente sa kanyang nararamdaman.
Kung ang sakit mo sa dibdib ay parang may tumutusok, hindi iyan sa puso.
Kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib, hindi rin iyan sa puso. Kadala-
san ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot. Baka natulog ka sa matigas
na higaan. Baka nadaganan ni Mister. Baka nagbuhat ka ng mabigat at napilay
ang laman. Ang solusyon dito ay pahinga lamang. Puwedeng uminom ng mef-
enamic acid kapag makirot talaga.
May iba pang paraan para masuri kung galing sa puso ang pananakit. Una,
kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pananakit sa dibdib? Kapag naituro ito
ng pasyente, hindi na iyan sa puso. Ang sakit sa puso ay hindi maituro ng isang
daliri.
Pangalawa, gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib? Kapag wala pang
isang minuto ang sakit o kaya ay lampas sa isang oras ang kirot, siguradong
hindi rin iyan sa puso. Ang tunay na sakit sa puso ay mula 5 minuto hanggang
15 minuto lamang.
Paano ba talaga ang sakit na nagmumula sa puso? Ang tunay na sakit ng
puso ay sinasabing mabigat at parang may nakadagan sa dibdib. Ang sakit ay
tumatagal ng 5 hanggang 15 minuto. Dumarating ang sakit kapag napagod,
naglakad ng malayo o umakyat ng hagdan.
Sino ang madalas magkaroon ng sakit sa puso? Ito ay ang mga kalalakihan,
mula 50 edad pataas. Kung ika’y may katabaan, may diabetes, o may lahi ng
sakit sa puso, malaki ang tsansa na baka puso din ang diprensiya. Sa ganitong
sitwasyon, magpatingin sa doktor.
Pero kung wala ka pang edad 30, lalo na kung kababaihan, halos sigurado
ako na hindi sa puso ang iyong problema. Huwag mangamba. Magpa-check sa
isang espesyalista sa puso kung kinakilangan.

87
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Mahapdi Ang Sikmura? Saging At Tinapay Ang Lunas


Lahat tayo ay nakakaramdam ng paghapdi ng sikmura. Kapag nalipasan tayo
ng pagkain o na-stress sa trabaho, parang makulo ang ating tiyan. Gumagawa
ng sobrang asido (acid) ang ating sikmura kaya sumasakit ito. Ang tawag dito ay
gastritis at kapag lumala ay puwedeng maging ulcer.
Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Sa aking pananaw,
mahalaga ang pagkain ng wasto:
1. Kumain sa tamang oras (small, frequent meals).
Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng
alas 7 ng umaga. Mag-saging ng alas 10. Mag-tanghalian ng kaunti lang. Mag-
merienda ng tinapay ng alas 4 ng hapon. At mag-dinner ng alas 8 ng gabi. Kahit
abala ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa tamang oras.
2. Saging at tinapay ang lunas.
Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay
parang gamot na rin sa ulcer dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Araw-
araw, saging at pandesal ang baon ko para hindi humapdi ang sikmura.
3. Uminom ng tubig.
Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa pagbawas ng asido sa tiyan.
Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng kaunting tubig bawat 20 minutos.
Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang asido sa tiyan.
4. Umiwas sa pagkaing nakahahapdi ng tiyan.
Umiwas sa pagkaing maasim at maanghang (spicy). May mga pagkaing sady-
ang nakahahapdi ng tiyan. Ang sili, kalamansi, suka, at pineapple juice ay pu-
wedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay
nakakairita din ng tiyan.

Sa aking palagay, hindi mo kailangan ng gamot sa pangkaraniwang paghap-


di ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing nakaka-relaks ng ating tiyan,
tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay. At mag-relaks din kaibigan ha-
bang kumakain para hindi ma-stress ang ating tiyan!

88
Mahapdi Ang Sikmura: Dagdag Payo

Mahapdi Ang Sikmura: Dagdag Payo


Noong nakaraan, naisulat ko ang natural na panglunas sa pagsakit ng sikmura.
Ito ang tinatawag na gastritis o ulcer kung saan nagagasgas ang laman ng sik-
mura.
Ang mga payo ko ay (1) kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw,
(2) kumain ng saging at tinapay, (3) uminom ng kaunting tubig bawat 20 minu-
to, at (4) umiwas sa maasim at maanghang na pagkain.

Heto pa ang mga karagdagang payo para sa ulcer:


1. Umiwas sa alak at sigarilyo.
Ang alcohol ay nakagagasgas ng sikmura lalo na kung iinom nang walang la-
man ang tiyan. Ang sigarilyo naman ay nakapagdudulot din ng ulcer.
2. Limitahan ang pag-inom ng gamot para sa kirot (pain relievers).
Ang mga gamot sa kirot tulad ng Mefenamic acid ay dapat lang inumin pag-
katapos kumain. At huwag ito araw-arawin dahil nakasisira din ito ng sikmura
at bato.
3. Ang Aspirin ay puwedeng magdulot ng ulcer.
Inumin ang aspirin pagkatapos kumain. Kapag humapdi ang tiyan, puwedeng
bawasan ang dosis ng aspirin sa 30 mg lamang (brand name Cor 30). Kapag
sinisikmura pa rin, ihinto ang aspirin at kumonsulta sa doktor.
4. Mag-ingat sa pag-inom ng gatas.
Ayon sa mga espesyalista, ang gatas ay puwedeng magpadami ng asido sa sik-
mura. May tao naman ang nagtatae sa gatas. Mas maigi pa ang yoghurt para sa
tiyan.
5. Magluwag ng sinturon.
Ang masikip na pantalon ay maaaring umipit sa ating tiyan. Baka mahirapan
tuloy ang pagbaba ng kinain natin.
6. Pagkatapos kumain, huwag agad umupo o humiga. Maglakad-lakad muna
para matunawan.

89
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Kailan dapat pumunta sa doktor? Kapag nangitim ang iyong dumi o matindi
talaga ang sakit ng tiyan, kumonsulta sa doktor. Sundin ang mga payong ito at
alagaan ang ating tiyan.

Masakit Ang Likod, Anong Dahilan?


Ang sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Nag-
uumpisa ito ng edad 40 pataas. Kung ika’y sobra sa timbang, may problema sa
likod (tulad ng Scoliosis), o hindi nag-e-ehersisyo, mas maaga mo itong mara-
ramdaman.

Bakit Sumasakit Ang Likod?


Ang kadalasang dahilan ng pananakit ng likod ay ang muscle strain, o iyung
sakit ng kalamnan. Para bang napilay ang likod. Ang sanhi nito ay ang pagkapu-
wersa ng masel sa likod dahil sa (1) maling posisyon sa pag-tulog, (2) maling
pag-upo (naka-kuba), (3) maling pagbubuhat (nakayuko kung mag-buhat), (4)
pagbubuhat ng sobrang bigat, (5) sobra sa timbang, at (6) pagka-edad o arthri-
tis.

Ano Ang Dapat Gawin?


1. Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat. Hindi kaya ng
likod ang bigat ng tiyan.
2. Mag-ehersisyo kapag pawala na ang sakit sa likod. Napakahalaga ng
ehersisyo.
3. Palakasin ang masel sa ating likod. Mag-ehersisyo ng katamtaman
lang. Puwedeng gumamit ng kaunting pabigat (weights). Kapag lu-
makas ang masel ng katawan, hindi na sasakit ang ating likod.
4. Mag-swimming o mag-gym. Magandang pampalakas ng likod ang
swimming. Dahan-dahan din ang pag-ehersisyo sa gym.
5. Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, mag-
patulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat. Mag-squat at
gamitin ang lakas ng hita para mai-angat ang dinadala. Panatilihing

90
“Doc, May Hepatitis B Ako”

deretso ang likod. Huwag yumuko para mag-buhat. Mali iyan!


6. Umupo ng deretso ang likod. Maglagay ng suporta (maliit na unan) sa
sandalan ng upuan para laging nakatuwid ang ating likod.
7. Huwag maglakad ng matagal, at huwag din umupo ng matagal. Mapa-
pagod ang ating likod kapag nakapirme sa isang puwesto. Ang pinaka-
maganda sa likod ay ang paghiga sa kama.
8. Pumili ng katamtamang kutson na tulugan. Huwag gumamit ng so-
brang lambot na lumulundo ang iyong likod. At huwag din matulog sa
papag dahil sobrang tigas ito.
9. Matulog ng naka-“s” ang katawan. Humiga ng patihaya. Mag-unan para
may suporta ang ulo. Maglagay pa ng isang unan sa ilalim ng tuhod
para nakataas ng bahagya ito. Ganitong puwesto ang komportable sa
likod.
10. Kung nakatagilid kang matulog, maglagay ng unan sa pagitan ng
iyong hita. Kapag wala kasing anday, puwedeng bumaluktot ang hita
at mapuwersa ang ating likod.
11. Kapag masakit, puwedeng lagyan ng warm compress o mainit na ba-
gay sa ating likod.
12. Huwag hilutin o padaganan ang likod. Baka lalo lang mapilay ito.

Tandaan: Kapag hindi nawala ang sakit ng likod sa loob ng 2 linggo, kumonsulta
sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.

“Doc, May Hepatitis B Ako”


Dear Dr. Ong, Noong 1998, nalaman ko na may Hepatitis B ako. Hanggang ngayon
ay positibo pa rin ako sa Hepatitis B. Sinisisi ako ng Misis ko dahil nakuha ko daw
ito sa pagtatalik sa ibang babae. Sa tingin ko, galing ito sa aking trabaho bilang
tagabigay ng first aid. Balak ko na mag-trabaho sa abroad. Gagaling pa ba ako?
Umaasa, Jaime.

Sa mga may hepatitis B, huwag kayo gaanong mangamba. Kaya natin la-

91
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

banan ito sa pamamagitan ng tamang kaalaman. Alam n’yo ba na 11% ng mga


Pilipino ay may hepatitis B? Karamihan sa kanila ay walang nararamdaman.
Ang hepatitis B ay dulot ng isang virus na tinatamaan ang ating atay. Makikita
ang virus sa dugo, laway, semilya at regla ng isang taong may hepatitis B. Kada-
lasan, ang hepatitis B ay panghabang-buhay (tinatawag na hepatitis B carrier).
Nakukuha ang hepatitis B sa 3 paraan: (1) napasa ito ng nanay natin noong
tayo’y pinanganak, (2) nakipagtalik o nahawa sa isang taong may hepatitis B, o
(3) nasalinan ng dugo na may hepatitis B.

Paano lalabanan ang hepatitis B?


Una, umiwas sa pag-inom ng alak. Nakasisira ito ng atay. Pangalawa, huwag
basta iinom ng mga gamot o herbal supplements. Ipaalam muna sa doktor. May
mga gamot na puwedeng makasira ng atay.
Pangatlo, healthy at clean living ang kailangan. Kumain ng masustansya.
Matulog ng 7-8 oras. Huwag abusuhin ang katawan sa sigarilyo at puyat. Huwag
din masyadong magpagod. Relax lang at palakasin ang katawan. Puwedeng
mag-ehersisyo ng 3-5 beses bawat linggo.

Paano mag-iingat ang mga taong malapit sa pasyenteng may hepatitis B?


Ang dugo ng isang hepatitis B carrier ay nakahahawa. Huwag gumamit ng
pang-ahit, toothbrush, nail clippers at kutsara ng taong may hepatitis B.
Sa mga mag-asawa, siguraduhing protektado na ang iyong partner sa hepa-
titis B. Ang ibig sabihin ay positibo na siya sa hepatitis B antibody (proteksyon
ang antibody laban sa hepatitis B virus). Kung hindi sigurado, gumamit ng con-
dom sa pagtatalik.
Ang mga buntis na may hepatitis B ay dapat magsabi agad sa kanilang dok-
tor. May mga bakuna na tinuturok sa bagong panganak na sanggol para hindi
ito mahawa sa hepatitis B.

May gamot ba ang hepatitis B?


Oo, may mga mamahaling gamot para sa hepatitis B, tulad ng Interferon at La-
mivudine. Umaabot sa ilang libong piso ito. Depende sa examination ng dugo,

92
Murang Gamot Para Sa Sakit Ng Katawan

may mga pasyente na makikinabang dito. Kumonsulta sa isang gastroenterolo-


gist.
Ngunit kung gipit kayo sa budget ay puwede naman daanin na lang sa
healthy at clean living tulad ng mga ipinayo ko. Mabisa din ito at mura pa. Good
luck po.

Murang Gamutan Para Sa Sakit Ng Katawan


Ito ang pangkaraniwang problema ng karamihan: kirot ng katawan, sakit ng ulo
at kasu-kasuan. Ano ba ang solusyon dito?
1. Mainit o malamig na bag (hot or cold compress) – Para sa kirot ng kasu-kasu-
an, buto at likod, puwedeng gumamit ng mainit na bag at itapal ito sa masakit
na parte ng katawan. Huwag naman sobrang init at baka mapaso ka. Katamta-
man lang. Minsan pinagpapalit-palit ang mainit sa malamig, depende kung ano
ang komportable sa pasyente.
Para sa nabugbog na parte, tulad ng ankle sprain o black eye, lagyan ito ng
malamig na bag sa loob ng 1-2 araw para hindi lumaki ang pamamaga. Kapag
nakalipas na ang 3 araw, puwede na lagyan ng hot compress. Kahit sa mga ka-
gat ng langgam o lamok, puwede rin ang malamig na bag (ice bag). Subukan
ito.
2. Paracetamol – Akala ng iba ay para lang sa lagnat ang paracetamol. Mali po.
Makababawas din ito sa kirot ng katawan, sakit ng ulo at kalamnan. Puwedeng
uminom ng paracetamol kahit walang laman ang tiyan. Subalit mas mahina
lang ang epekto nito kumpara sa mefenamic acid.
3. Mefenamic Acid - Para sa sakit ng katawan at pananakit ng laman, puwedeng
uminom ng mefenamic acid 500 mg hanggang 3 beses sa isang araw. Mura lang
ito at mabibili sa botika. Inumin ang tableta pagkatapos kumain, para hindi hu-
mapdi ang tiyan.
4. Aspirin – Katulad ng mefenamic acid, ang aspirin 325 mg ay mabisang lunas
para sa migraine o sakit ng ulo. Halos pareho ang epekto nito sa mefenamic
acid. Dito nanggaling ang kasabihan ng doktor na “Take 2 aspirins and call me
93
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

in the morning.”
5. Tramadol – Para sa matitinding sakit kung saan halos mapaiyak na ang pasy-
ente, binibigyan namin sila ng Tramadol 50 mg. Malakas at mabisa ito.

Para makatipid, puwede kayong bumili sa Botika ng Bayan. Mabisa din ang
mga generics. Kapag hindi nawala ang sakit ng inyong katawan, mas maiging
kumonsulta na sa inyong doktor.

Masakit Ang Tuhod? Basahin Ito.


Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng maraming tao, lalo na ang edad 40
pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit sa tuhod ay ang arthritis, isang
sakit ng pag-edad.
Kung ika’y sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod mo. Kung so-
bra ka rin sa ehersisyo, tulad ng mga runner, atleta at basketball player, puwe-
deng mapudpud din ang iyong tuhod.

Ano Ang Dapat Iwasan?


• Huwag mag-buhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin,
magpatulong sa isang kasama.
• Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa
tuhod ng paghagdanan.
• Huwag tumayo o mag-lakad ng matagal. Umupo at magpahinga. Mas
relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo.
• Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-
high heels, pero malaki din ang stress nito sa tuhod.
• Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag ika’y nasa
simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod.
• Huwag mag-squat (talungko). Mas komportable ang tuhod kapag hin-
di iniipit at pinupuwersa.

94
Solusyon Sa Varicose Veins

Ano Ang Dapat Gawin?


• Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat. Hindi kaya ng
tuhod ang bigat ng iyong tiyan!
• Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Makatutulong ang
pampalambot nito (cushion) para hindi matagtag ang tuhod.
• Palakasin ang masel sa hita. Puwede ang stationary bike o magbend-
ing exercise ng bahagya lang (Half squat lang at hindi full squat.). Ma-
sama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.
• Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan
ng malamig na bag o cold compress.
• Patigasin ang buto. Uminom ng gatas o skim milk na may maraming
calcium. Para sa kababaihan, uminom ng calcium supplements.
• Subukan ang Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na
ito ay maaaring makabawas sa sakit ng ating tuhod. Ayon sa pagsusuri,
posibleng makatulong ang glucosamine sa ating kasu-kasuan (joints).
• Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, magpa-konsulta sa isang or-
thopedic surgeon o rheumatologist.

Tandaan: Alagaan ang tuhod habang bata pa. Huwag puwersahin sa trabaho.
Ingatan ang tuhod para humaba pa ang gamit natin nito.

Solusyon Sa Varicose Veins


Napakarami ang may problema sa lumalaking ugat sa binti at kamay. Hindi ito
maganda tingnan at minsan ay sumasakit pa. Ano ba ang solusyon dito?
1. Huwag ma-guilty – May 17% ng lahat ng tao ang may varicose veins. Nama-
mana ito sa ating mga magulang.
2. Itaas ang kamay o paa – Ang sanhi ng varicose veins ay ang pagluwag ng
ating mga ugat. Kapag laging nakababa ang ating paa, nag-iipon dito ang dugo
at namamaga ang ugat. Kaya umupo at ipatong ang paa sa isang silya o kutson.
Ipatong din ang kamay sa isang unan at itaas ng ilang beses sa isang araw.

95
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

3. Magsuot ng support stockings (masikip na medyas) – Mabibili ito sa mga


SM department store at tindahan ng mga medical supplies. Ayon kay Dr. Katty
Go-Estrada, ang support stockings ang pinakamabisang lunas sa varicose veins.
Gamitin ito palagi.
4. Huwag tumayo ng matagal – Kung ang trabaho mo ay bilang security guard,
pulis o saleslady, puwede kang magka-varicose veins. Galaw-galawin ang iyong
paa habang nakatayo para umakyat ang dugo mula sa paa pabalik sa puso.
Kung puwede kang umupo ay mas mainam sana. Gumamit ng stockings o me-
dyas ng masikip.
5. Itaas ang paa habang natutulog – Ipatong ang paa sa isang unan para
mabawasan ang pag-iipon ng dugo dito.
6. Huwag magsuot ng masikip na pantalon – Kapag masikip ang ating pants
o maong, puwedeng maipit ang ugat at mapigilan ang pagdaloy ng dugo sa
ating mga paa.
7. Kumain ng mga pagkaing mataas sa fiber tulad ng patola, pechay, okra,
at kangkong. Ang prutas tulad ng papaya at pinya ay may fiber din. Sa tulong
nito, magiging regular ang iyong pagdumi at makaiiwas kayo sa varicose veins
at sa almoranas.
Kung malaki na ang iyong varicose veins, mainam na magpakonsulta na sa
isang dermatologist. Mayroon ding operasyon na ginagawa ang mga surgeons.
Huwag basta maniwala sa mga mamahaling gamot o pamahid para sa varicose
veins. Mag-ingat at baka mapeke lang kayo. Sundin muna ang mga payong ito.

Gout At Mataas Ang Uric Acid


Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matind-
ing pamamaga at pananakit ng hinlalaki ng paa, ng kamay at ng tuhod. Grabe
ang sakit ng gout.
Para malaman kung gouty arthritis nga ang sakit, kailangan suriin ang Uric
Acid levels sa pamamagitan ng blood test. Kapag mataas ang uric acid, gout
ang dahilan ng iyong arthritis. Iba kasi ang gamutan ng gout kumpara sa ordi-
96
Gout At Mataas Ang Uric Acid

naryong arthritis lamang.


Nakukuha ang gout sa 2 bagay: (1) lahi o namana sa magulang, (2) pagkain o
mahilig kumain ng mga pagkaing mataas sa uric acid.

Ano ang pagkaing dapat iwasan sa gout?


Sa mga gulay, iwasan ang pagkain ng asparagus, cauliflower, mushroom at
spinach. Mataas ito sa uric acid. OK lang ang kanin, pero dapat bawasan ang
oatmeal at whole grain cereals.
Pagdating naman sa ulam, umiwas sa mga lamang loob (bituka, atay, utak,
puso at kidneys), sisig, beans, sardinas, tunsoy, tamban, dilis, bagoong, tahong
at lahat ng klaseng mani. Ang gravy, patis, at lechon liver sauce ay mataas din
sa uric acid. Umiwas din sa pag-inom ng beer, wine at hard drinks kung ayaw
mong atakihin ng gout.
Ano na lang ba ang puwede kainin? Puwede naman ang lahat ng gulay bu-
kod sa mga nabanggit ko na. Ang gatas, keso at karne ay puwede rin. Ang cof-
fee, tea, gelatin at lahat ng klaseng prutas ay hindi bawal sa gout.

Ano ang mga gamot sa gout?


Kapag inatake ka ng gout, hindi na sapat ang pagdi-dyeta sa pagkain lamang.
Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid level
sa dugo. Nagrereseta kami ng Allopurinol 100 mg o 300 mg tablet bawat araw
depende sa taas ng iyong uric acid. Kailangan inumin ito araw-araw para hindi
umatake ang gout.
Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay din kami ng Colchicine tablets,
4 na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid 500 mg tablet
din para sa kirot.
Isang mahalagang tip: Bawal ang Allopurinol tablets habang matindi ang
atake ng gout. Inumin lang ang maintenance na Allopurinol kapag humupay na
ang sakit at pamamaga pagkalipas ng 2 araw.
Ganito lang po ang gamutan ng mga doktor sa gout. Simple lang, hindi ba?

97
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Impeksiyon: Povidone iodine At Alcohol Ang Lunas


Kung ikaw ay may impeksiyon sa balat, may pagkakataon na mahirap itong
gumaling. May simpleng lunas akong ituturo sa inyo. Ito ay ang paggamit ng
Povidone iodine (brand name Betadine) at alcohol.

Ano ang mga sakit na kayang gamutin?


Dahil ang Povidone iodine at alcohol ay nakapapatay ng mikrobyo, maraming
sakit sa balat ang mapapagaling nito tulad ng:
1. Pigsa – Impeksyon ito sa balat na may nana.
2. Dermatitis – Ito’y isang pamumula sa balat na galing sa allergy sa sabon,
tsinelas o gloves.
3. Eczema – Kapag ang sugat ay ma-basa-basa na, eczema na ang tawag dito.
Sobrang kati nito at nagbabalat.
4. Alipunga – Isang fungal infection ito ng mga daliri sa paa. Dulot ito ng laging
pagpapawis ng paa.
5. Tigyawat sa mukha at katawan.
6. Kahit anong kagat ng hayop, puwedeng lagyan ng alcohol o povidone io-
dine.
7. Mga kati-kati sa katawan, at sari-saring sugat.

Paggamit ng Povidone iodine sa Impeksyon:


Mabisa ang Povidone iodine laban sa mga nabanggit na impeksyon sa balat.
Dahil mas mabisa ang povidone iodine kumpara sa alcohol, gamitin ito sa mga
matitinding impeksyon.
1. Patakan ng Povidone iodine ang bulak o cotton buds para mabasa ito.
2. Pahiran ang naturang impeksiyon ng Povidone iodine 3 beses sa isang
araw.
3. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Povidone iodine
sa loob mismo ng balat. Mahapdi ang pakiramdam nito kapag puma-

98
Impeksyon: Povidone Iodine at Alcohol Ang Lunas

pasok ang Povidone iodine. Mag-tiis lang dahil siguradong masusugpo


ang impeksiyon kapag naabot ito ng Povidone iodine.
4. Ang isang side effect lang ng Povidone iodine ay ang pangingitim ng
balat. Okay lang iyan, dahil sa katagalan ay babalik din sa normal na
kulay ang balat.
5. Gawin ito ng 7-10 araw hanggang tuluyang mawala na ang impeksyon.

Alcohol sa Impeksyon:
Kung hindi naman malala ang impeksyon, puwede muna lagyan ng alcohol. Sa
mga madalas magkaroon ng pigsa at tigyawat, alcohol din ang solusyon diyan.
Katulad ng ginawa natin sa Povidone iodine, basain ng alcohol ang bulak o cot-
ton buds at ipahid ito ng 3 beses sa maghapon.

Tandaan: Kalinisan lang talaga ang panlaban natin sa mga sakit. Maligo maigi
araw-araw. Kumonsulta sa doktor kapag hindi gumaling ang sugat.

99
10 Pahabain ang Buhay

Pahabain Ang Buhay (Part 1)

G •
usto mo bang humaba ang iyong buhay? Siyempre lahat tayo ay gusto
niyan. Heto ang ilang epektibong mga paraan:
Mag-relax – Magbawas ng stress sa buhay. Kapag lagi kang galit at
mainitin ang ulo, tataas ang iyong stress hormones (cortisol) sa ka-
tawan. Sa katagalan, puwede kang atakihin sa puso at ma-istrok. Mag-
ing masaya at hahaba ang buhay mo.
• Suriin ang iyong vitamins at supplements – Ang pinakamagandang
supplement ay ang Omega-3 fish oil. Ito’y napatunayang nagpapahaba
ng buhay dahil pinapaluwag nito ang ating mga ugat. Epektibo rin ang
vitamin B complex, pampagana kumain at pampasarap ng tulog. Ang
iniinom ko ngayon ay isang multivitamin kada 2 araw.
• Magdasal – Ayon sa Bibliya (2 Kings 20:6), si Haring Hezekiah ay nag-
dasal sa Diyos para bigyan pa siya ng mahabang mabuhay. Pinaking-
gan siya ng Diyos at binigyan pa siya ng 15 taon. Sana nga ay ganoon
kadali iyon. Ayon sa pagsusuri, ang mga taong madasalin ay masiyahin
ay mas mahaba ang buhay kumpara sa mga hindi naniniwala sa Diyos.
• Magpabakuna – Malaki ang tulong ng bakuna para makaiwas sa sakit.
May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa.
Alamin kung kailangan mo nito. Magpakonsulta sa doktor.
• Umiwas sa alak – May mga nagsasabi na “Wine is good for the heart.”
Oo, aaminin kong may kaunting katotohanan ito, pero sa katunayan
ay mas malaking pinsala ang maidudulot ng alak, kaysa sa benepisyo.

100
Pahabain Ang Buhay Part 2

May mga manginginom diyan na kayang umubos ng isang boteng red


wine o isang lapad. Kaibigan, masama po ang alak kapag sobra sa kala-
hating basong wine o isang shot ng hard drinks. Nakasisira ito sa ating
ugat, utak at atay. Huwag na lang uminom. Iwas ka pa sa gulo at sakit
ng ulo.
• Magpatingin sa magaling na doktor – Ang trabaho ng isang doktor ay
ituro sa iyo ang dapat mong ipa-test sa iyong katawan. Magpa-blood
test, urinalysis, X-ray at ECG bawat 1-2 taon. Uminom ng gamot kung
kinakailangan. Maaaring magtanong sa ibang doktor (second opinion)
kung hindi kayo komportable sa una ninyong doktor. Good luck po!

Pahabain Ang Buhay (Part 2)


Mayroong mga paraan para humaba ang ating buhay. Ito’y napatunayan na ng
mga doktor at ibabahagi ko ito sa inyo:
• Mag-ehersisyo – Ayon sa mga eksperto, kahit konting ehersisyo lang
ay makatutulong na sa katawan. Mag-lakad, umakyat ng hagdan, at
maglinis sa bahay. Kung nasa second o third floor ang iyong pupun-
tahan, subukang gumamit ng hagdanan. Ang pagiging malikot at ma-
galaw sa pagkilos ay parang nag-e-ehersisyo na rin.
• Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Tunay po iyan. Mas
mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa. Bakit
kaya? Dahil kung may asawa ka, may magbabantay sa iyo kapag ika’y
nagkasakit. Mayroon ding hihingi ng saklolo kung may sakuna. At siy-
empre, iba pa rin ang may kausap at karamay sa iyong mga problema.
Kaya huwag nang awayin si Misis o si Mister. Magbati at magmahalan
na lang.
• Mag-isip ng positibo (Positive thinking) – Magbasa ng mga libro na
nagbibigay ng inspirasyon tulad ng mga gawa ni Norman Vincent
Peale. Laging mag-isip ng maganda tungkol sa ating sitwasyon at
sa ating kapwa. Magbasa o manood ng mga “good news” lamang sa
101
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

peryodiko at telebisyon. Kung may suliranin ka, isiping malulutas mo


rin ito. Huwag mawawalan ng pag-asa.
• Tumulong sa kapwa – Ayon sa isang pagsusuri ni Professor Peggy
Thoits ng Vanderbilt University, ang mga taong matulungin ay nag-
iging mas masaya at mas healthy kumpara sa iba. Tumataas kasi ang
lebel ng endorphins sa katawan ng mababait na tao. Ang endorphins
ay isang kemikal sa utak na nagpapasaya sa atin.
• Umiwas sa bisyo at peligro – Gamitin lagi ang utak. Huwag sumabak sa
mga bisyo na makasasama sa iyo. Iwas sigarilyo, iwas alak at iwas drugs.
Umiwas din sa mga delikadong gawain tulad ng paglabas sa hating-
gabi, pagsakay ng motorsiklo, at pagsama sa masamang barkada.
Mag-isip muna bago mag-desisyon. Tama ba ang gagawin ko o mali?
• Mag-ipon ng pera – Kailangan natin ng pera para makabili ng gamot,
makapa-check up at makapagpa-laboratoryo. Kailangan din maghu-
log sa PhilHealth o kumuha ng health card. Matutong mag-ipon para
sa iyong kalusugan. Kumain ng tama. Maging maingat sa katawan para
hindi na umabot sa sakit.

Pahabain Ang Buhay (Part 3)


Malaki ang impluwensiya ng ating kinakain sa ating kalusugan. Kapag masus-
tansya at malinis ang pagkain mo, hindi ka agad magkakasakit. Sundin ang mga
payong ito:
• Kumain ng prutas – Ang pinaka-healthy na prutas ay ang saging, ka-
matis, mansanas at dalandan. Ang saging ay punung-puno ng mga
sangkap na mabuti sa ating tiyan, puso at katawan. Kapag kumain ka
ng 2 saging sa maghapon, para ka na ring uminom ng isang multivi-
tamin. Mas masustansya ang lakatan kaysa sa latundan o saba. Ang
kamatis, ketsup at tomato sauce ay may lycopene na panlaban din sa
kanser. Ang dalandan, calmansi at suha ay mayaman naman sa Vitamin
C. Mabuti ito para sa sipon at sa mga may sugat.
102
Pahabain Ang Buhay Part 3

• Kumain ng matatabang isda – Ang pinakamasustansyang isda ay


iyung mataas sa Omega-3 fish oil. Ito ay matatagpuan sa sardinas, salm-
on, mackerel, tamban, tilapia, tunsoy at hasa-hasa. Medyo mababa ang
Omega-3 ng bangus pero puwede na rin ang bangus belly. Hindi po
masama ang taba ng isda. Sa katunayan ay makatutulong ito sa ating
puso, utak at ugat. Magiging matalino ka pa.
• Kumain ng maberdeng gulay – Ang mga berdeng gulay, tulad ng
pechay, ampalaya, kangkong, talbos ng kamote, at repolyo ay punung-
puno ng vitamins at minerals na mabuti sa ating katawan. Dahil mata-
as din ito sa fiber, makatutulong ang gulay sa ating sikmura at bituka.
Mapapaayos din ng gulay ang ating pagdumi. Malaki din ang tulong
ng gulay para makapagbawas tayo ng timbang. Mababa lang kasi ang
calories ng gulay. Nakakabusog pero hindi nakakataba. Kapag nagba-
was ka sa karne at nagdagdag ng berdeng gulay, siguradong hahaba
ang iyong buhay.
• Magpapayat – Alamin ang iyong tamang timbang at piliting maabot
ito. Kung ang sukat ng iyong tiyan (sukatin sa tapat ng pusod) ay lam-
pas sa 36 pulgada sa lalaki or 31 pulgada sa babae, ang ibig sabihin ay
mataba ka na. Overweight, kaya dapat magpapayat.

Heto ang mga tips para pumayat: (1) kumain ng isang tasang kanin lang (1
cup rice), (2) umiwas sa soft drinks at iced tea, (3) mag-tubig ka na lang, (4) ku-
main ng mas maraming gulay, (5) magbawas sa panghimagas tulad ng mga
cake at ice cream, (6) diyetahin ang pagkain ng prutas at fruit juices dahil na-
katataba din ito, at (7) mag-ehersisyo.

Tandaan: Piliin ang pagkain base sa kabutihan na maidudulot sa ating katawan.


Huwag lang kainin ang mga masasarap, matataba at matatamis na pagkain na
masama naman sa iyo. Hinay-hinay lang po!

103
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Pahabain Ang Buhay (Part 4)


May mga karagdagang payo ako para humaba ang iyong buhay. Ito po ang
pinaka-epektibong paraan ayon sa mga doktor:
• Uminom ng Aspirin – Ang aspirin ay isang pambihirang gamot na
nadiskubre noong 1899. Kailangan ang aspirin sa mga pasyenteng
may diabetes, may sakit sa puso, mataas ang kolesterol at sa mga na-
istrok. At bukod sa mabisa ito, piso lang ang halaga nito. Ang tamang
dosis ng aspirin ay 80-100 mg na tableta, isang beses sa maghapon at
inumin ito ng busog ang tiyan. Ang dapat lang ingatan sa aspirin ay
ang pagkakaroon ng ulcer. Kung ika’y may pananakit ng tiyan, mag-
tanong muna sa doktor bago uminom ng aspirin.
• Uminom ng gamot sa altapresyon – Kung ang presyon mo ay lampas
sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka. Kung lampas sa
160 over 100 ang iyong blood pressure, sobra na pong taas nito at kai-
langan mo ng gamot. Baka bigla ka na lang ma-istrok. Alam n’yo ba na
kapag napababa natin ang iyong blood pressure sa normal, ay hahaba
ang iyong buhay ng 9 na taon. Totoo po iyan. Kaya paki-usap ko lang
po, inumin ang iyong gamot sa altapresyon araw-araw. Kadalasan ay
panghabang-buhay ang mga gamot na ito.
• Uminom ng gamot sa diabetes – Kung ika’y may diabetes naman, kai-
langan mong mapababa ang iyong fasting blood sugar sa 100 mg/dl
o mas mababa pa. Nakakatakot ang komplikasyon ng diabetes at pu-
wede itong umabot sa pagkabulag, pagkaputol ng paa at pagkamatay.
Uminom ng gamot para sa diabetes. Kumonsulta sa doktor.
• Alamin ang sakit – Magbasa at aralin ang tungkol sa sakit na iyong
nararamdaman. Huwag balewalain ito. Kung mas maaga kang magpa-
pa-check-up, mas maaga nating malulunasan ang iyong problema.
• Itigil ang sigarilyo – Ang sigarilyo ang pinakamasamang bisyo sa lahat.
Kanser at maagang pagkamatay ang magiging resulta. May 70,000 arti-
kulo na ang nagpapatunay na masama ang paninigarilyo. At alam niyo

104
Pahabain Ang Buhay Part 4

ba na masama din ang usok na nalalanghap ng mga hindi naninigari-


lyo (passive smoking)? Tinatayang 6 na taon ang mababawas sa iyong
buhay kung ika’y patuloy na maninigarilyo. At sa mga nakalalanghap
ng usok, 2 taon naman ang matatanggal sa buhay nila. Kawawa naman
ang mga mahal natin sa buhay. Lungkot at sakit ng katawan lang ang
aabutin mo diyan. Itigil na po ang bisyong ito at siguradong hahaba
ang iyong buhay.

105

You might also like