You are on page 1of 2

ALTAPRESYON (HYPERTENSION)

Ano ang dapat malaman sa sakit na ito?


Ito ay ang madalas na pagtaas ng presyon ng dugo higit sa 140/90.

Ano ang mga sanhi?


Ang mga sanhi nito ay ang mga sumusunod:
a. Mga kalalakihan
b. May lahi sa pamilya
c. Pagtanda
d. Walang ehersisyo
e. Mataas na kolesterol
f. Paninigarilyo
g. Diabetes
h. Malakas na pag-inom ng alak

Ano ang mga sintomas?

Madalas, ang mga taong may altapresyon ay walang nararamdamang kahit ano. Ngunit
minsan, ang iba ay nakakaramdam ng pagsakit ng batok o ulo. Ngunit hindi lahat ng
nakakramdam ng pagsakit ng batok at ulo ay tumataas ang presyon ng dugo.

Ano ang pangunahing lunas?

Una sa lahat,kailangan ng kontrol sa pagkain at araw araw na pag eehersisyo. Kung


hindi makontrol ang presyon, mahalaga ang pag inom ng gamot, bilang maintenance.

Paano maiiwasan ang mga ganitong sakit?

a. Magbawas ng timbang
b. huwag manigarilyo
c. Limitahan ang pag inom ng alak (1 sa babae, 2 sa lalaki)
d. Kontrolin ang blood sugar at mataas na cholesterol
e. Mag ehersisyo
f. Bawasan ang pagkain ng maalat at mamantika

Ano ang epekto nito sa pamilya mo?

Dahil kadalasang bumibili ng maintenance medications ang mga tong may altapresyon,
nagiging dagdag ito sa gastusin ng pamilya. Ang mga komplikasyon nito katulad ng
atake sa puso, stroke, problema sa bato at iba pa, mula sa hindi kontroladong presyong
ng dugo, nagiging dagdag sa stress ng bawat isa ang mga ito.Para sa iba, dahil
kailangan ng disiplina sa sarili, lalo na sa pagkain, kasama na rin ang mga kapamilya sa
nagkokontrol ng pagkain.

Ano ang maaaring gawin ng pamilya ukol sa sakit?

Ang mga kapamilya ng taong may altapresyon ay dapat makiisa sa kanilang pagkontrol
sa sarili.Kailangang paalalahanan ang pasyente na lagging uminom ng maintenance na
gamot. Maaari ring gumawa ng hakbang ang mga kapamilya para maiwasan ang
ganitong sakit. Higit sa lahat, siguraduhing mag bumalik sa doctor upang masuri muli.

You might also like