You are on page 1of 1

High Blood nanaman si Maam

Ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon ng high-blood or hypertension sa mga guro ng Looc
Elementary School (LES)? Dahil ba ito sa mga makukulit nilang estudyante? Tara at ating alamin ang mga
sanhi ng pagkakaroon ng high blood pressure.

Alam naman natin na mahalaga na pag-aralan natin ang sakit na ito dahil mas nakakabahala ito
kumpara sa ibang mga sakit. Ito ay madalang magpakita ng sintomas kung kaya’t tinatawag itong ‘silent
killer’

Ayon sa Department of Health (DOH) umabot sa humigit kumulang anim (6) na milyon na ang
nakakaranas ng high blood at kabilang na dito ang mga kaguruan sa LES.

Ipinahayag ni Dr. Alberto Ablao na ang pagkakaroon ng 140/90 na taas ng blood pressure ay
maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao.

Maraming salik ang sanhi ng hypertension at ito ay dahil sa genes, lifestyle, diet, edad at hindi
pagkilos.

Sa pagtaas ng blood pressure, ang daloy ng dugo sa iyong organs, tulad ng sa utak, puso, at bato
ay bumababa. Karagdagan, ang high blood pressure ay maaari ding mag-rupture o pumutok ang arteries.

May mga kondisyon na ito ay humahantong sa atake sa puso, heart failure, at maging stroke
kung hindi gagamutin ng maayos.

Maaaring magkaroon ng masamang epekto sa mga guro ang pananaway sa kanilang mga
estudyante at ito ay isa sa mga rason kung bakit mas lalong tumataas ang kanilang mga blood pressure.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng altapresyon, dapat silang kumain ng masusustansiyang


pagkain, mag ehersisyo, iwasan ang pagkain ng maaalat at magpa check-up ng regular kung talagang
kinakailangan.

You might also like