You are on page 1of 2

HIGH BLOOD PRESSURE( Mataas na Presyon) Ito ay nagdudulot ng hindi normal o mahirap na pag

bomba ng puso na pagsisirkula papunta sa ugat. Ang Normal na Bloodpressure ay 120/80 na masusukat
sa pagkuha ng BP(BloodPressure) Ang mataas na presyon ay tinatawag na HIGH BLOOD PRESSURE O
HYPERTENSION . Ilan sa mga sintomas nito ay pananakit ng ulo, pananakit ng batok, panlalabo ng mga
mata , pagsusuka at palaging inaantok ngunit hindi lahat ng sintomas ay sabay saby mararamdaman .
Ang mga karamdaman na pwedeng makuha kapang hindi naagapan ang hypertension ay Stroke, Atake
sa puso( HeartAttack) , sakit sa bato ( kidney disease) . Mga maaaring gawin upang maiwasan ang
hypertension ay tamang pagkain ng gulay,prutas at pag-iwas sa matatabang pagkain halimbawa ng
crispy pata , regular na ehersiyo , panatilihing tama ang timbang , pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom
ng alak , iwasang magalit o Ma-stress at pagbabantay sa pagtaas o pagbaba ng BP. Kung kayoy may
hypertension na narito naman ang mga maaring gawin upang hindi na lumala pa ang sakit . Ugalihing
inumin ang gamot na inireseta ng doctor , iwasan o limitahan ang mga bawal na pagkain tulad ng
maaalat at matataba , ugalihing mag-ehersiyo 30 minutus kada araw .
ASTHMA O HIKA
Ang hika o asthma ay kundisyon kung saan ang isang tao ay nahihirapang huminga . Sa normal
na paghinga ang hangin ay malayang pumapasok at lumalabas sa baga , subalit sa pag-atake ng hika ,
ang daanan ng hangin ay namamaga at sumisikip at ang hangin ay hindi nakakapasok sa baga . Dahil
ditto ay tao ay nagkakaroon ng matinding ubo . Ang mga sintomas ng hika ay nagkakaiba depende sa
tagal ng pag-atake nito , maaari nitong abutin ang oras , araw , linggo o buwan . Gayunmapan ,
kadalasang mas malala ito sa gabi at sa medaling araw . Ang kundisyon ng hika ay nag-iiba-iba . Ang ilang
mga pag-atake ay dala ng okasyunal na triggers gaya ng pag-eehersiyo at ang iba naman ay sinusumpong
lang pag may pagbabago sa kapaligiran , mas makipot ang daanan ng hangin ng mga taong may hika at
mas sensitibo sila sa mga bagay na nagiging sanhi ng allergies kung saan ikukumpara sa mga taong
walang hika . kabilang sa triggers ng hika ay impeksyon dulot ng mikrobyo mga allergens tulas ng usok
ng sigarilyo o matinding alikabok at pollen o matinding pagpapakita ng emosyon . Bawat taong may hika
ay may iba-ibang reaksyon sa iba-ibang triggers. Ang kaalaman tungkol sa mga triggers na ito ay siyang
pangunahing hakbang upang makontrol ang pag-atake ng hika .Tinatala sa world organization o WHO na
may 100 hanggang 150 milyong tao sa buong mundo na may hika at ang kabilang na ito ay kasalukuyan
pang tumataas . Ang mga namatay na sa kundisyong ito ay may umaabot na sa mahigit 180,000 taun-
taon . Ang hika ay problemang pangkalusuganhindi lamang s bansa tulas ng pilipinas kung ang mga
mayayamang bansana rin , maaari itong magsimula sa kahit na anong edad , ngunit kadalasan ay sa
pagkabata . Ang mga kailangan para sa pagsusuri ng hika ay isang maingat na medical history at sa mga
test of pulmonary function . Isa sa mga paraang ginagamit sa pagsusuri sa bilis ng paglabas ng hangin
mula sa mga baga upang malaman kung normal ang pagdaloy ng hangin sa baga ng isang tao . Ang pag
control sa hika ay pinapakahulugang kawalan ng sintomas at malalang pag-atake , normal na antas ng
paggawa o pagkilos at normal na paghinga . Ito ay maaaring matamasa ng halos lahat ng may hika na
walang side effects mula sa gamot . Ang pag control ng hika ay maaaringmakamit sa pamamagitan ng
epektibong asthma MANAGEMENT PROGRAM gaya ng pagbibigay ng kaalaman sa mga pasyente tungkol
sa mga posibleng sanhi o triggers ng kanilang hika upang maiwasan ito , Pagbibigay kaalaman sa mga
magulang at kamag-anak ng mga pasyente lalo na sa mga bata tungkol sa mga dapat gawin upang
maiwasan ang pag-atake ng hika at mga dapat gawin habang hinihika ang pasyente.

You might also like