You are on page 1of 32

Health

Worker

Measles-Rubella and Oral Polio


Supplemental Immunization
Activity (MR-OPV SIA)
Gabay para sa Epektibong Komunikasyon
at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad
Ang gabay na ito ay ginawa para sa mga health workers, vaccination
teams, volunteers, at social mobilizers upang magkaroon ng positibong
ugnayan sa komunidad at mapataas ang bilang ng mga batang
mababakunahan sa MR-OPV Supplemental Immunization Activity.

Oktubre 2020

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

2
TALAAN NG NILALAMAN

MR-OPV SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY 4

MGA GAGAWIN BAGO, HABANG, AT PAGKATAPOS 5


NG SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY

MGA DAPAT TANDAAN PARA SA POSITIBONG USAPAN 8

MAHALAGANG KAALAMAN

Tungkol sa Rubella, Polio at Tigdas 9

Tungkol sa COVID-19 12

MGA MENSAHE 14

SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA 17


MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH, 25


HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA 29


(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

3
MR-OPV SIA
Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra
Rubella, Polio, at Tigdas!

LAYUNIN NG MR-OPV SIA


Bakunahan ang lahat ng mga bata para mapigilan ang pagkalat ng tigdas, rubella o German Measles
(tigdas hangin) na maaaring mauwi sa outbreak at masugpo rin ang kasalukuyang polio outbreak.
Magbibigay ng dagdag na dose ng OPV at MR vaccine sa lahat ng bata, nabakunahan na dati o hindi
pa, bilang dagdag proteksiyon laban sa mga sakit na ito..

BAKUNANG IBIBIGAY AT EDAD NG BATANG BABAKUNAHAN


MR vaccine (turok) 9 - 59 months old

OPV (patak) 0 - 59 months old

Pagkatapos mabigyan ng bakuna ang bata, mamarkahan ang hinliliit na daliri ng kanyang kaliwang
kamay kung siya ay nabigyan ng measles-rubella (MR) vaccine at ang hintuturo ng kanyang kaliwang
kamay kung siya ay nabigyan ng oral polio vaccine (OPV).

SCHEDULE AT BAKUNANG IBIBIGAY


Phase 1 Oktubre 26 - Nobyembre 25, 2020

Regions 1, 2, 4B, 5, at CAR MR + OPV

Regions 9, 10, 11, 12, CARAGA, at BARMM MR


o Buong Mindanao

Phase 2 Febrero 1 - 28, 2021

Regions 3, 4A, 6, 7, 8 MR + OPV

NCR MR

Unang dalawang linggo: Malawakan at sabayang pagbabakuna


Huling dalawang linggo: Follow-up sa mga hindi pa nababakunahan (rapid convenience
monitoring, mop-up)

SAAN GAGAWIN ANG PAGBABAKUNA?


Sa mga health centers at mga temporary vaccination posts sa komunidad na itatalaga ng mga lokal
na pamahalaan o barangay.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

4
MGA GAGAWIN BAGO, HABANG,
AT PAGKATAPOS NG SIA

BAGO MAGSIMULA ANG SIA O MASS IMMUNIZATION


Mahalaga ang paghahanda sa SIA para matiyak na mababakakunahan ang lahat ng bata at
maiwasan ang mga pagtanggi sa bakuna (refusal).

1. Planuhin nang mabuti at maaga kung paano mababakunahan ang lahat ng bata sa inyong
lugar (microplanning). Tukuyin din ang mga hard-to-reach, high-risk, at special populations at
kung paano sila mararating ng impormasyon at mapapapunta sa mga vaccination posts.
Kasama rito ang mga sumunod:
- Mga grupong hindi karaniwang nagpapabakuna
o hindi kumpleto ang bakuna ng anak
- Mga nakatira sa remote areas
- Mobile or transient populations
- Street dwellers, homeless
- Indigenous populations

Hindi lahat ay nararating ng mass media, social media, o ng recorrida kaya mainam na
puntahan ang ibang miyembro ng komunidad na walang access sa mga communication
platforms na ito.

2. Ipaalam sa komunidad lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang babakunahan


ang mga sumusunod:
a. Impormasyon tungkol sa MR-OPV SIA gaya ng kung bakit ito ginagawa, sino ang babakunahan
at edad, kailan, saan, at paano.
b. Safety procotols para sa pagbabakuna gaya ng pagsuot ng face mask ng mga magulang at
tagapag-alaga at paghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon o paggamit ng
alcohol bago at pagkatapos magpabakuna
c. Pagsunod ng mga health workers at vaccination teams sa COVID-19 infection prevention and
control (IPC) protocols para tiyaking ligtas ang pagbabakuna

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

5
MGA GAGAWIN BAGO, HABANG,
AT PAGKATAPOS NG SIA

BAGO MAGSIMULA ANG SIA O MASS IMMUNIZATION

3. Palawakin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa tigdas, polio at rubella at mga bakunang
ginagamit para maiwasan ang mga ito. Ipaliwanag ang maaaring mangyari kung hindi mabibigyan ng
dagdag na dose ang mga bata at kung hindi mabakunahan ang lahat ng bata sa komunidad.

4. Maglaan ng sapat na panahon para matugunan ang mga tanong o agam-agam ng mga magulang
at tagapag-alaga ng mga bata tungkol sa SIA.

5. Hingin ang suporta at pakikiisa ng lahat ng miyembro ng komunidad gaya ng mga lokal na opisyal,
religious leaders, indigenous peoples (IP) leaders, pediatricians, health professional groups, women’s
groups, homeowners associations at iba pang civic society groups. Makatutulong sila para mapabilis
ang pagtanggap ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata sa bakuna at para makumbinsi ang
mga nag-aalinlangan o ayaw magpabakuna na mga magulang.

6. Bumuo ng grupo (vaccine refusal team) sa inyong barangay na tutugon sa mga maaaring
tumanggi sa mga bakunang ibibigay (refusals). Maaaring kasama rito ang barangay chairman,
community leader, private health professionals, community health workers at iba pang influencers na
maaaring tumugon sa refusal. Pag-usapang maigi kung paano magkakaroon ng sapat at tamang
koordinasyon o mga hakbang na gagawin kapag mayroong refusals.

7. Tukuyin ang mga lugar o mga pamilyang maaaring hindi makapagpabakuna, nag-aalinlangan, o
ayaw magpabakuna at tugunan ang mga isyu bago pa man magsimula ang mass campaign.

8. Alamin o kilalanin ang mga private doctors at practitioners sa lugar na maaaring tumulong o
makosulta kung sakaling may mga tatanggi sa pagbabakuna.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

6
MGA GAGAWIN BAGO, HABANG,
AT PAGKATAPOS NG SIA

HABANG ISINASAGAWA ANG SIA


1. Gawing regular ang pagbibigay ng impormasyon sa komunidad hangga’t mayroon pang
mga batang hindi nababakunahan at mas bigyang pansin ang mga pamilya o mga lugar
na hindi pa nakapagpabakuna.

2. Puntahan ang mga pamilyang hindi pa nagpapabakuna sa takdang schedule at alamin


ang dahilan. Depende sa dahilan, tulungan at sikaping mahikayat sila na pumunta sa
health center o vaccination post. Kung kailangan, ipagbigay alam ito sa vaccine refusal
team o sa mga opisyal ng barangay upang makatulong sa paghikayat sa mga magulang
o tagapag-alaga ng bata.

3. Agad tugunan ang anumang kumakalat na maling impormasyon.

PAGKATAPOS NG SIA
1. Pasalamatan at i-recognize ang pakikiisa ng mga miyembro ng komunidad lalo na ang
mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata.

2. Magbigay ng update sa lahat ng tumulong sa SIA tungkol sa resulta ng pagbabakuna at


hingin ang patuloy na suporta at pakikiisa sa routine immunization at iba pang
programa ng lokal na pamahalaan.

3. Ituloy ang paaalala sa mga pamilya na tiyaking kumpleto ang bakuna ng mga bata ayon
sa immunization schedule.

4. Ipaalam na tuloy ang mga serbisyo sa health center at maaari silang magpabakuna
habang sumusunod sa mga ipinapatupad na alituntunin para sa proteksiyon laban sa
COVID-19.

5. Ipaalala sa mga lokal na opisyal ang kahalagahan ng mataas na immunization coverage


na hindi bababa sa 95% sa lahat ng mga bata para maiwasan ang mga
vaccine-preventable disease outbreaks.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

7
MGA DAPAT TANDAAN PARA
SA MAKABULUHANG USAPAN

MGA DAPAT TANDAAN PARA SA MAKABULUHANG USAPAN


● Maging palakaibigan at magalang.

● Gumamit ng simpleng salita tuwing nagpapaliwanag.

● Hikayating magtanong at magpahayag ng saloobin ang kausap.

● Hayaan ang kausap na ipahayag ang kanilang tanong, saloobin, o agam-agam bago
sagutin o tugunan ang mga ito at iwasto ang anumang maling impormasyon.

● Iwasang gumamit ng mga salitang mapanghusga.

● Kung mayroong mga tanong na hindi masagot, sabihin sa kausap na babalik ka para
maibigay ang tamang impormasyon mula sa reliable sources. Huwag magbigay ng
impormasyon kung hindi sigurado.

● Bago matapos ang usapan, magpasalamat sa pagtanggap nila sa iyo at sa oras ng


ibinigay nila para inyong talakayan

Magandang araw,
nanay!

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

8
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA RUBELLA, POLIO, AT TIGDAS

ANO ANG POLIO?


● Sakit na dulot ng poliovirus
● Umaatake ang poliovirus sa spinal cord at mga nerves na nagpapagalaw sa mga muscles,
lalong lalo na sa paa, hanggang ang mga ito ay hindi na maigalaw at maparalisa
habangbuhay.
● Maaari ring maparalisa ang ating diaphragm o ang ating “breathing muscle”, kung kaya’t
maaaring mahirapang huminga ang pasyente. Maaari niya itong ikamatay.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG POLIO?


Karamihan ng polio infection ay walang sintomas. Kung meron man, maaari itong maihalintulad sa
ibang mga sakit, tulad ng trangkaso na may lagnat at pananakit ng ulo, pagkapagod o fatigue. Maari
ring magkaroon ng paninigas ng leeg o stiff neck, o panghihina ng mga braso at binti.

PAANO KUMAKALAT ANG POLIO?


Pumapasok ang poliovirus sa bibig ng tao sa pamamagitan ng mga kamay, pagkain at inumin na
kontaminado ng dumi ng tao na may poliovirus.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa polio. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito. Bilang bahagi
ng routine immunization, binibigyan ng OPV ang mga batang 1 ½ buwan (1st dose), 2 ½ buwan (2nd
dose), at 3 ½ buwan (3rd dose) at Inactivated Polio Vaccine (IPV) sa mga batang 3 ½ buwan, kasabay
ng 3rd dose ng OPV. Tuwing may outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose ng
OPV sa lahat ng batang wala pang limang taong gulang.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

9
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA RUBELLA, POLIO, AT TIGDAS

ANO ANG TIGDAS?


Ang tigdas ay isang sakit na lubhang nakahahawa dulot ng measles virus. Ang sakit na ito ay
maaaring magdulot ng mga kumplikasyon katulad ng pneumonia, ear (otitis meda) at conjunctivitis,
pagtatae, pamamaga ng utak (encephalitis), iba pang kumplikasyon kagaya ng malnutrisyon at
kamatayan.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG TIGDAS?


● Lagnat
● Conjunctivitis o pamumula ng mata
● Cough o ubo
● Coryza o sipon
● Mapupulang pantal o rashes

PAANO ITO KUMAKALAT?


Ang virus ng tigdas ay maaaring maipasa kapag nalanghap ng isang taong hindi protektado dito at
kapag inubo o binahing sa hangin ng isang taong may tigdas. Kailangan maihiwalay ang mga batang
may tigdas sapagkat ito ay lubhang nakahahawa.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa tigdas. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito. Bilang bahagi
ng routine immunization, binibigyan ng Measles, Mumps, Rubella (MMR) vaccine ang mga batang 9
na buwan (1st dose) at isang taon (2nd dose). Tuwing may outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay
ng dagdag na dose ng Measles-Rubella vaccine sa lahat ng batang mula 9 hanggang 59 na buwan.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

10
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA RUBELLA, POLIO, AT TIGDAS

ANO ANG RUBELLA?


Ang rubella o tigdas hangin ay kilala rin bilang "German measles" at ito ay sanhi ng rubella
virus. Ang virus na rubella ay nagdudulot ng lagnat, masakit na lalamunan, pantal, sakit sa
ulo, at pagka-irita ng mata. Kung magkakaroon ng rubella ang isang babae habang siya ay
buntis, maaari siyang makunan o ang anak niya ay isisilang na may mga malulubhang
depekto.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS?


Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, rashes, pananakit ng mata, pananakit ng
katawan, pananakit ng ulo, chills at anorexia.

PAANO ITO KUMAKALAT?


Ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng kontak sa mga sekresyon mula sa ilong o
lalamunan ng mga taong nagkaroon nito. Ito ay nakahahawang sakit at maaaring maipasa
ng pasyente ang sakit sa ibang mga tao mula 1 linggo bago hanggang 1 linggo pagkatapos
ng paglitaw ng pantal.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa rubella (tigdas hangin). Tanging bakuna lamang ang paraan para
maiwasan ito. Bilang bahagi ng routine immunization, binibigyan ng Measles, Mumps,
Rubella (MMR) vaccine ang mga batang 9 na buwan (1st dose) at isang taon (2nd dose).
Tuwing may outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose ng
Measles-Rubella (MR) vaccine sa lahat ng batang mula 9 hanggang 59 na buwan.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

11
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA COVID-19

ANG SIA AY ISASAGAWA HABANG PATULOY PA RIN ANG PAGKALAT NG


COVID-19. MAHALAGANG MALAMAN AT MAIBAHAGI ANG MGA
IMPORMASYON TUNGKOL SA COVID-19 AT KUNG PAANO ITO
MAIIWASAN.

ANO ANG COVID-19?


Ang COVID-19 ay isang sakit sa baga o respiratory illness dulot ng isang bagong virus. Mabilis
itong kumalat at makahawa lalo na sa mga taong may iba pang mga sakit, karamdaman, at mga
matatanda.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG COVID-19?


Ang mga kadalasang sintomas nito ay:

● Lagnat
● Dry cough
● Pagkapagod

May mga ilan ding nakararanas ng:

● Pananakit ng katawan
● Baradong ilong
● Sipon
● Pamamaga at sakit ng lalamunan
● Hirap sa paghinga

Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumabas mula 2 hanggang 14 na araw pagkatapos
ma-expose. Hindi lahat ng taong may COVID-19 ay may sintomas. Maaari pa rin nilang maikalat
ang virus.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

12
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA COVID-19

PAANO ITO KUMAKALAT?


Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng droplets o talsik ng laway o sipon na galing
sa taong may COVID-19. Nahahawa ang ibang tao kapag ang droplets na ito ay
nahawakan at pumasok sa bibig, ilong, o mata. Maaaring maiwan ang mga droplets sa
mga nahahawakan tulad ng hawakan ng pinto. Nananatili ang virus sa mga bagay na ito
sa loob ng ilang araw.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa COVID-19 at wala pang bakuna para maiwasan ito ngunit
kayang iwasan at pabagalin ang pagkalat nito sa pamamagitan ng:

● Madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based


sanitizer
● Paggamit ng face mask
● Pagsunod sa physical distancing o isang metro o higit pa ang layo mula sa ibang
tao kung lalabas ng bahay
● Tamang pagbahing o pag-ubo gamit ang looban ng siko o malinis na tisyu

Karamihan sa mga may COVID-19 ay gumagaling nang walang espesyal na gamutan


maliban sa paggamot sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, at sipon ngunit may ibang
kaso rin na nauuwi ito sa pulmonya o kaya pagkamatay.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

13
MGA MENSAHE

PANGKALAHATANG MENSAHE PARA SA KOMUNIDAD


1. May malaking banta ng outbreak o malawakang pagkalat ng tigdas. Dumadani rin ang kaso
ng rubella o tigdas hangin habang kasalukuyan pa ring may polio outbreak sa bansa.

○ Nangyayari ang mga ito dahil dumami ang bilang ng mga batang hindi nabakunahan o
hindi kumpleto ang bakuna laban sa mga sakit na ito.
○ Sa pagkaantala ng pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa pandemyang dulot ng
COVID-19, lalo pang dumami ang bilang na ito.

2. Para mapigilan ang pagkalat ng mga sakit na ito, kailangang magsagawa ng isang
malawakang pagbabakuna o mass immunization campaign. Bibigyan ng dagdag na dose ng
OPV ang lahat ng mga batang wala pang 5 taong gulang (0-59 buwan) at MR vaccine ang
lahat ng mga batang mula 9 hanggang 59 na buwan.

3. Ang tigdas, polio at rubella ay lubhang nakahahawa at mabilis kumalat. Ang tigdas at rubella
ay nagdudulot ng mga malubhang kumplikasyon. Ang polio naman ay nagdudulot ng
habangbuhay na pagkaparalisa. Ang rubella ay maaring magdulot ng mga congenital defects
sa sanggol ng nanay na nagkaroon ng rubella infection. Parehong nakamamatay ang polio at
tigdas.

4. Walang gamot sa mga sakit na ito at bakuna lamang ang tanging paraan para maiwasan ang
mga ito.

○ Lalong-lalo na sa panahon ng pandemya, mahirap magkasakit at magpagamot dahil


prayoridad ng mga health facilities at health workers ang mga kaso ng COVID-19.
Nahihirapan na rin ang mga ospital at mga health workers na harapin ang pagdagsa
ng mga nagpapagamot.

5. Ang mga bakunang ibibigay sa mass immunization na ito ay ginagamit na sa Pilipinas sa loob
ng 40 taon bilang bahagi ng routine immunization program. Ang mga ito ay libre, ligtas at
epektibo.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

14
MGA MENSAHE

MENSAHE PARA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG MGA BATA


1. Habang nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic, may malaking banta ng outbreak o
malawakang pagkalat ng tigdas. Dumadami rin ang kaso ng rubella at kasalukuyan pa ring
may polio outbreak sa bansa.

○ Pinakamapanganib ito sa mga batang walang pang 5 taong gulang


○ Maaaring mahawaan ang ating mga anak kung wala silang dagdag na proteksiyon
laban sa mga sakit na ito.

2. Malubha ang mga kumplikasyon na dulot ng tigdas at rubella at ang polio ay nagdudulot ng
habangbuhay na pagkaparalisa. Parehong nakamamatay ang tigdas at polio. Ang rubella ay
nagdudulot ng congenital defects sa mga sanggol na maaring magdulot ng
panghabangbuhay na kapansanan.

3. Walang gamot sa mga sakit na ito at tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ang
mga ito.

4. Sa gagawing measles-rubella and oral polio vaccine supplemental immunization activity (


MR-OPV SIA) sa inyong lugar, pabakunahan ang mga anak bilang dagdag proteksiyon nila
laban sa tigdas, polio at rubella, nabakunahan na dati o hindi pa.

○ Kailangang bigyan agad ng dagdag proteksiyon ang ating mga anak lalong lalo na
ngayong panahon ng pandemya kung saan nahihirapan na ang ating mga health
workers na harapin ang pagdagsa ng mga pasyente. Maging ang mga ospital at iba
pang health facilities ay nahihirapan na ring tumanggap ng mga nagpapagamot.
○ Ang mga bakunang ibibigay sa SIA na ito ay ginagamit na sa Pilipinas sa loob ng 40
taon bilang bahagi ng routine immunization program. Ang mga ito ay libre, ligtas at
epektibo.

5. Magtanong sa mga health workers at barangay officials sa inyong lugar para sa schedule ng
pagbabakuna sa health center or vaccination posts at iba pang detalye para sa schedule ng
pagbabakuna sa inyong health center or vaccination posts.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

15
MGA MENSAHE

PAGPAPATUPAD NG LIGTAS NA PAGBABAKUNA


SA MGA HEALTH CENTER AT VACCINATION POSTS

1. Mahigpit na sumusunod ang mga health workers at vaccination teams sa COVID-19 infection
prevention and control (IPC) protocols. Nakasuot sila ng face mask at face shield tuwing
magbabakuna at susunod din sa tamang paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at
sabon o paggamit ng alcohol bago at pagkatapos magbakuna.

2. Kapag nagpapatak ng OPV, hindi hinahayaang lumapat ang dropper sa kahit anumang bahagi
ng bibig ng bawat batang papatakan para hindi ito ma-contaminate.

3. Ang pagbabakuna ay gagawin sa bahagi ng health center o vaccination post na:


○ Hindi kulob o may ventilation
○ Nakahiwalay ang mga magpapabakuna sa mga nagpapagamot
○ May sapat na space para maipatupad ang physical distancing

4. Bago magbakuna, magkakaroon muna ng COVID-19 rapid screening para sa mga magulang
ng batang babakunahan para malaman kung mayroon silang sintomas ng COVID-19 at kung
na-expose sila sa taong may COVID-19 o suspect case, at para magawa ang tamang hakbang
depende sa resulta.

5. Lilimitahan ang physical contact sa pagitan ng vaccinator at batang babakunahan, kasama


ang kanyang magulang o tagapag-alaga.

6. Ang mga magulang at tagapag-alaga ng batang babakunahan ay dapat nakasuot ng face


mask at maghuhugas ng kamay o gagamit ng alcohol bago at pagkatapos magpabakuna.

7. Isang magulang o tagapag-alaga lang ang maaaring magdala ng batang babakunahan sa


loob ng health center o vaccination post.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

16
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

A. TUNGKOL SA MR-OPV SIA O MASS IMMUNIZATION CAMPAIGN

BAKIT KAILANGAN NG KAMPANYA OR SIA LABAN SA TIGDAS AT POLIO?


Malaki ang banta ng malawakang pagkalat o outbreak ng tigdas. Kumakalat din ang rubella (tigdas
hangin) at kasalukuyan pa ring may polio outbreak sa bansa. Sa mga nakaraang taon, dumami ang
mga bata na hindi nabakunahan o protektado laban sa tigdas, polio, at rubella at lalo pang dumami
ito dahil sa pagkaantala ng pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa COVID-19 pandemic.

ANO ANG KAIBAHAN NITO SA ROUTINE IMMUNIZATION?


Ang SIA na ito ay isang malawakang pagbabakuna o mass immunization na isinasagawa para agad
na mapigilan ang banta ng measles outbreak, pagkalat ng rubella (tigdas hangin) at masugpo ang
kasalukuyang polio outbreak. Ang mga bakunang ibibigay ay dagdag sa mga bakunang ibinibigay sa
mga bata bilang bahagi ng routine immunization.

BAKIT KAILANGAN ITONG ISAGAWA NGAYON KAHIT NASA GITNA TAYO NG


COVID-19 PANDEMIC?
Habang naaantala ang pagsasagawa ng kampanyang ito, dadami ang batang walang proteksiyon
laban sa tigdas, polio at rubella. Sa mabilis na pagkalat ng measles virus, lalong malalagay sa
panganib ang mga bata sa malubhang kumplikasyon na dulot ng tigdas o kaya pagkamatay. Patuloy
rin ang polio outbreak sa ilang lugar sa ating bansa, at ang karagdagang dose ng patak kontra-polio
ay magbibigay ng karagdagang proteksyon laban sa sakit na ito.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

17
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

KUNG NA-EXPOSE KAMI NG AKING ANAK SA TAONG KUMPIRMADONG MAY


COVID-19 O HINIHINALANG MAYROON NITO, PUWEDE PA RIN BA KAMING
PUMUNTA SA HEALTH CENTER PARA MAGPABAKUNA?

Hangga’t maaari, manatili sa loob ng bahay at ipagbigay-alam ang inyong sitwasyon sa mga health
workers o kahit sinong miyembro ng barangay health emergency team (BHERT) upang madesisyunan
kung kailan at paano mababakunahan ang inyong anak at para ma-monitor ang inyong kalagayan o
sintomas, kung mayroon.

DAHIL ANG OPV VIAL AY MULTI-DOSE AT IPINAPATAK ITO SA BIBIG NG IBA’T


IBANG BATA GAMIT ANG IISANG DROPPER, HINDI BA ITO MAGDUDULOT NG
PAGKALAT NG SAKIT KUNG MAY BATANG NAPATAKAN NA MAY
NAKAKAHAWANG SAKIT GAYA NG COVID-19?

Tuwing magpapatak ng OPV, tinitiyak na hindi lalapat ang dropper sa kahit anong parte ng bibig ng
bata. Ang mga vaccinators ay sinanay sa tamang pagpatak ng OPV. Sa ganitong paraan, maiiwasan
na hindi ito mako-contaminate, mananatiling malinis, at magagamit pa rin pangpatak sa iba pang
bata.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

18
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

PAANO MATITIYAK NA HINDI LALONG KAKALAT ANG COVID-19 HABANG


ISINASAGAWA ANG KAMPANYANG ITO?
May mga ipinatutupad na safety protocols para ligtas ang pagbabakuna gaya ng mga
sumusunod:

● Ang mga health worker ay nakasuot ng face mask at face shield. Lilimitahan din ang
contact sa mga magulang at batang babakunahan
● Ang mga magulang at tagapag-alaga ng batang babakunahan ay kailangang magsuot
ng face mask
● Magpapatupad ng crowd control measures sa mga vaccination posts para masunod
ng tamang physical distancing (1 metro o higit pa)
● Gagawin ang pagbabakuna sa parte ng health center o lugar na well-ventilated at
palaging dini-disinfect.

MAAARI BANG ISABAY ANG PAGBIBIGAY NG IBANG BAKUNA DITO SA


KAMPANYANG ITO?
Maaaring ibigay ang mga iba pang bakuna para sa bata basta’t naaayon ito sa routine
immunization schedule.

MAAARI BANG BAKUNAHAN ANG BATA KAHIT MAYROON SIYANG SINAT O


UBO?
Maaaring bakunahan ang mga batang may banayad na sintomas gaya ng sinat. Bago
magbakuna, lahat ng bata ay iiksaminin muna ng doktor, nurse o health personnel bago
bigyan ng bakuna. Kung makita na ang bata ay may ibang sakit na malubha, maaring
ipagpaliban ang pagbabakuna hanggang sa gumaling siya.

Gayunpaman, ang batang mayroong sintomas ng COVID-19 ay dapat i-report sa BHERT lalo
na kung siya ay nagkaroon ng close contact sa isang taong may COVID-19 o kung
maraming kaso ng COVID-19 sa lugar. May mga panuntunan mula sa DOH na kailangang
sundin ang mga health worker para sa case management.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

19
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

B. TUNGKOL SA TIGDAS AT MR VACCINE

LIGTAS AT EPEKTIBO BA ANG BAKUNA LABAN SA TIGDAS?


Oo, ligtas at epektibo ang mga bakuna laban sa tigdas at polio. Mahigit apatnapung (40)
taon na ang pagbabakuna laban sa tigdas at polio sa ating bansa. Katulad din ng ibang mga
bakuna para sa mga bata, ito ay dumaan sa masusing pag-aaral upang matiyak na ito ay
ligtas at epektibo.

MAY SIDE-EFFECTS BA ANG MR VACCINE? ANU-ANO ANG MGA ITO?


Pagkatapos mabakunahan, maaaring magkaroon ng sinat, kirot at pamumula sa parteng
binakunahan. Ang mga ito ay banayad lamang at bahagi ng normal na reaksyon ng katawan
sa bakunang ito para mabuo ang immunity laban sa tigdas. Para mawala ang lagnat,
maaaring bigyan ng paracetamol ang bata ayon sa dose na rekomendado ng doctor.

Ipagpatuloy din ang pagpapasuso sa sanggol o pagpapainom ng maraming tubig o juice sa


mga nakakatandang mga bata habang may lagnat. Para naman maibsan ang pamamaga,
maaaring lagyan ng di masyadong malamig or cool compress ang bahaging binakunahan.
Huwag din itong lagyan ng iba pang mga gamot o kahit anong maaaring magdulot ng
infection sa parteng binakunahan. Magkonsulta agad sa doktor kung hindi gumagaling ang
pamamaga sa loob ng 2-3 na araw.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

20
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

SINU-SINO ANG MGA HINDI MAAARING BIGYAN NG MR VACCINE?


Para sa kampanyang ito, ang hindi maaaring bakunahan ay ang mga sumusunod:

● may severe allergy sa mga previous injectable vaccines o measles-containing


vaccines o kahit anong component ng bakuna
● may mataas na lagnat (higit sa 37.8 C) o may malubhang karamdaman
● immunocompromised o mahina ang resistensya ng katawan dahil sa isang sakit o
dahil umiinom ng steroids o immunosuppressant drugs
● may active TB
● may leukemia, lymphoma at iba pang malubhang sakit

MAAARI BANG BIGYAN NG MR VACCINE ANG BATANG MALNOURISHED?


MAY MILD DIARRHEA? MAY MILD RESPIRATORY ILLNESS?
Oo. Kailangang mabakunahan pa rin ang bata kahit siya ay malnourished, may mild diarrhea,
o mild respiratory illness. Mas higit silang nangangailangan ng dagdag na proteksyon laban
sa mga nakahahawang sakit. Ang mga batang may mga skin allergy or asthma ay maari ring
bigyan ng MR vaccine.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

21
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

NAKUMPLETO NA NG AKING ANAK ANG 2 DOSES NG MEASLES VACCINE.


KAILANGAN PA BA NIYA NG DAGDAG NA DOSE?
Oo, babakunahan ang lahat ng mga batang 9 na buwan hanggang wala pang limang taong
gulang ng MR vaccine, kasama ang mga nakakumpleto na ng dalawang doses ng measles
vaccine. Ang karagdagang dose ay magsisilbing booster at magbibigay ng karagdagang
proteksyon sa inyong anak lalo na at may banta ng measles outbreak.

POSIBLE BANG MAGKATIGDAS PA RIN ANG BATA KAHIT KUMPLETO NA ANG


KANYANG BAKUNA LABAN SA TIGDAS AYON SA ROUTINE IMMUNIZATION
SCHEDULE?

May maliit na posibilidad na magkatigdas pa rin ang bata kahit nakumpleto na niya ang
kanyang bakuna ayon sa routine immunization schedule. Ngunit kung magkatigdas man
siya, hindi magiging malubha o basta-basta magkakaroon ng kumplikasyon na maaaring
mauwi sa kamatayan. Ang dagdag na dose na ibibigay sa mass immunization campaign na
ito ay magsisilbing dagdag na proteskyon ng bata laban sa tigdas.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

22
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

C. TUNGKOL SA POLIO AT OPV


LIGTAS AT EPEKTIBO BA ANG ORAL POLIO VACCINE O OPV?
Oo. Matagal ng nating ginagamit ito sa Pilipinas at ito rin ang ginagamit sa buong mundo para
protektahan ang mga bata laban sa polio. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 18M na
ang nakaiwas sa pagkalumpo dulot ng polio sa higit na 30 taon na paggamit ng bakunang OPV.

LIGTAS BA NA MABIGYAN ULI NG OPV ANG MGA BATA, KAHIT NA ILANG


BESES NA SILANG NAKATANGGAP NITO?
Oo. Ligtas ito at walang overdose. Mahalagang mabigyan ng OPV ang mga bata dahil ito ang
nakapagbibigay ng kasiguruhan ng proteksyon. Ang bawat karagdagang dose ay lalong nagpapatibay
ng proteksyon ng bata laban sa polio.

LIGTAS BANG MABIGYAN NG OPV ANG MGA BAGONG SILANG NA


SANGGOL? ILANG ORAS ANG DAPAT HINTAYIN PAGKASILANG NG SANGGOL
BAGO SIYA BIGYAN NG OPV?
Oo. Sa katunayan, mahalagang mabigyan ng OPV ang mga sanggol na bagong silang dahil
mahina pa ang kanilang immunity. Sa routine immunization schedule, ibinibigay ang OPV sa
mga batang 1 ½ buwan (1st dose), 2 ½ buwan (2nd dose), at 3 ½ buwan (3rd dose). Ngunit
kapag may mass immunization campaigns gaya ng MR-OPV SIA, ibinibigay ito kahit sa mga
bagong silang na sanggol.Maaring ibigay ang OPV kasabay ng BCG at Hepatitis B vaccine
kaagad pagkapanganak sa sanggol basta’t masigla ito, sumususo at walang ibang
karamdaman.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

23
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

ILANG DOSES NG OPV ANG KAILANGAN PARA MAGING PROTEKTADO


ANG AKING ANAK LABAN SA POLIO?
Kailangan ng maraming doses para mabuo ang proteksiyon ng bata laban sa polio.
Kaya sa schedule ng routine immunization, ang OPV ay ibinibigay ng tatlong beses at
ang IPV ay isang beses. Ngunit ngayong may outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose
ng OPV sa mga batang wala pang limang taong gulang para agad na mabigyan sila ng
dagdag proteksiyon laban sa polio. Ang dagdag na dose ng OPV ay hindi nagdudulot
ng overdose at ito ay hindi nakakasama. Mas lalo itong nagpapaigting ng proteksyon
laban sa polio.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

24
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

MGA PAMILYANG KARANIWANG HINDI NAGPAPABAKUNA NG ANAK


O HINDI KUMPLETO ANG BAKUNA

1. I-engage at hingin ang suporta o endorsement ng mga local leaders at iba pang taong
pinagkakatiwalaan ng mga pamilyang ito (halimbawa, private doctor o pediatrician para
sa mga may sariling doctor; homeowners association president para sa mga
subdivisions)
2. Depende sa dahilan ng mababang immunization coverage, lokasyon at sitwasyon nila,
maaari pa ring gamitin ang iba’t ibang communication platforms (halimbawa, mass
media, social media, local public address system) na may akmang mensahe.

GEOGRAPHICALLY ISOLATED AREAS

1. Puntahan at maglaan ng sapat na oras para marating sila bago magsimula ang mass
immunization. Gamitin ang mga pamamaraan na ginagamit ng lokal na pamahalaan
para marating ang mga lugar na ito.
2. Alamin kung mayroong mga kasalukuyang outreach services sa mga lugar na ito para
maisabay ang pagbabahagi ng impormasyon.
3. Makipag-ugnayan sa mga NGOs o pribadong sector na nakakarating sa mga lugar na
ito at hingin ang tulong nila sa pagbahagi ng impormasyon. Isama rin sila sa mga
orientation at briefing sessions tungkol sa mass immunization na ito.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

25
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

PEOPLE/CHILDREN WITH DISABILITY


1. Tukuyin at puntahan ang mga pamilyang ito. Marating man sila ng mass media, social
media, o nga local public address system, mainam na makausap sila para matulungan
silang maplano kung paano madadala ang batang may kapansanan o kung ang
magulang at nag-aalaga ang may kapansanan o may sakit
2. Para maging inclusive ang pagbibigay ng impormasyon, sikaping magkaroon ng sign
language interpretation sa mga audio-visual materials. Para naman sa mga may visual
impairment, makatutulong ang mga audio messages.

TRANSIENT AT MOBILE POPULATIONS


1. Maaari pa rin silang marating ng mass media at social media, depende sa kanilang
lokasyon.
2. Kung sila ay mga transient workers sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa mga may-ari
ng mga boarding houses, apartments, temporary housing or shelters o di kaya’y
puntahan sa bahay kung saan sila nakikitira.
3. Makipag-ugnayan sa mga barangay officials para matukoy sila at paano mararating.

PEOPLE LIVING IN THE STREETS, HOMELESS


1. Tukuyin ang mga lugar kung saan sila karaniwang “tumitira” at “bisitahin” sila sa oras
na nandoon sila.
2. Makipag-ugnayan sa mga NGOs at iba pang grupong tumutulong sa mga pamilyang
walang tirahan, nakatira sa bangketa o street dwellers at planuhin kung paano
maipaparating ang impormasyon at kung paano sila matulungan sa pagpunta sa health
center o vaccination post.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

26
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

TRANSIENT AT MOBILE POPULATIONS


1. Maaari pa rin silang marating ng mass media at social media, depende sa kanilang
lokasyon.
2. Kung sila ay mga transient workers sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa mga may-ari
ng mga boarding houses, apartments, temporary housing or shelters o di kaya’y
puntahan sa bahay kung saan sila nakikitira.
3. Makipag-ugnayan sa mga barangay officials para matukoy sila at paano mararating.

PEOPLE LIVING IN THE STREETS, HOMELESS


1. Tukuyin ang mga lugar kung saan sila karaniwang “tumitira” at “bisitahin” sila sa oras
na nandoon sila.
2. Makipag-ugnayan sa mga NGOs at iba pang grupong tumutulong sa mga pamilyang
walang tirahan, nakatira sa bangketa o street dwellers at planuhin kung paano
maipaparating ang impormasyon at kung paano sila matulungan sa pagpunta sa health
center o vaccination post.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

27
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

CONFLICT-AFFECTED AREAS
Makipag-ugnayan sa mga local leaders para mabigyan ng access ang mga social
mobilizers at matiyak ang kaligtasan ng lahat.

INDIGENOUS POPULATIONS (IP)


1. Puntahan at makipag-ugnayan sa kanilang IP o tribal leader. Hingin ang kanyang
suporta na i-endorso ang mass immunization sa kanilang tribo o komunidad. Isama rin
sila sa mga briefing at orientation sessions.
2. Mahalagang magsama ng taong marunong o makaintindi ng kanilang indigenous
language o dialect para sa epektibong pakipag-ugnayan sa kanila.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

28
MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA
(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

Maaring gamitin ang ang mga sumusunod na mensahe bilang tugon sa mga
dahilan ng refusal. Ngunit ang mga ito ay halimbawa lamang at tandaan na
kailangan pa ring i-akma ang bawat mensahe ayon sa sitwasyon ng kausap, sa
paraan na madali niyang maiintindihan.

TAKOT SA INJECTION
Mensahe: Bilang mga magulang ay naiintidihan naming ayaw nating masaktan ang ating
mga anak. Ngunit dapat din nating maintindihan na ang panandaliang kirot o discomfort na
mararamdaman ng ating anak sa pagtuturok ng bakuna ay maliit lamang kung ang kapalit
naman nito ay labis na proteksiyon laban sa mga nakamamatay na sakit at kapayapaan ng
ating isip (peace of mind). Bilang mga magulang, responsibilidad din nating mapanatiling
ligtas at malusog ang ating mga anak at karapatan din ng ating mga anak na maging ligtas
sa mga sakit at maging malusog para sa kanilang kinabukasan.

TAKOT SA SIDE EFFECTS NG BAKUNA


Mensahe: Walang side effects ang polio vaccine. Maaari namang magkaroon ng banayad na
side effects ang MR vaccine tulad ng kaunting sinat, panandaliang rashes, kirot at pamumula
sa parte ng braso na binakunahan ngunit ang mga ito ay banayad lamang at mawawala rin
sa loob ng 24 oras. Kung kailangan, maaaring bigyan ng paracetamol ang bata ayon sa dose
na rekomendado ng doctor para bumaba ang lagnat at lagyan ng cool compress ang parte
ng braso na binakunahan para mabawasan ang pamumula. Huwag mabahala dahil ang mga
ito ay normal na reaksiyon ng katawan.

Kung sakaling may ibang sintomas, komunsulta agad sa doktor dahil maaaring dala ito ng
ibang sakit na walang kinalaman sa bakuna at ngunit ganunpaman, kailangang magamot
kaagad o mabigyang lunas.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

29
MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA
(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

Maaring gamitin ang ang mga sumusunod na mensahe bilang tugon sa mga
dahilan ng refusal. Ngunit ang mga ito ay halimbawa lamang at tandaan na
kailangan pa ring i-akma ang bawat mensahe ayon sa sitwasyon ng kausap, sa
paraan na madali niyang maiintindihan.

TAKOT SA BAKUNA
Mensahe: Apatnapung (40) taon ng ginagamit sa Pilipinas ang mga bakuna laban sa polio at
tigdas at maaaring nabigyan na ang iyong anak dati pa. Karaniwang ibinibigay ito bilang
bahagi ng routine immunization. Dito sa kampanyang ito, nagbibigay tayo ng dagdag na dose
bilang dagdag proteksiyon dahil sa banta ng measles outbreak at patuloy pa rin ang polio
outbreak. Walang dapat ikatakot sa mga bakunang ito dahil ligtas at epektibo ang mga ito.

TAKOT MAHAWA NG COVID-19


Mensahe: Naiintindihan ko ang iyong takot at sa panahong ito, maaaring lahat tayo ay
nakakaramdam nito. Ngunit mayroon tayong magagawa para maprotektahan ang ating sarili
at kapwa habang iniiwasan nating mahawa ang ating mga anak ng mga nakamamatay na
sakit.

Pagpunta niyo sa health center o vaccination post, magsuot lamang ng face mask at kung
maaari ay iwasang makipagsalamuha sa ibang mga nanay o caregiver sa loob ng health
center o vaccination post. Ang mga health workers ay mahigpit din na sumusunod sa
infection prevention and control protocols para sa ligtas na pagbabakuna. Ipinapatupad din
ang physical distancing. Titiyaking sa mga lugar na well-ventilated gagawin ang
pagbabakuna at madalas itong idi-disinfect. Sa health center, nakahiwalay din ang mga
magpapabakuna sa mga pasyenteng nagpapagamot sa iba pang mga sakit.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

30
MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA
(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

MAY SARILING PEDIATRICIAN


Mensahe: Ang dagdag na dose ng OPV and MR vaccine ay ibinibigay lamang sa pamamagitan
ng kampanyang ito. Ang gobyerno ay naglaan ng sapat na dagdag bakuna para sa lahat ng
mga bata, kasama ang mga batang may pediatrician. Bawat bata, may pediatrician man o
wala, ay nangangailangan ng dagdag na dose para sa karagdagang proteksiyon. Suportado
rin ito ng Philippine Pediatric Society at Philippine Foundation for Vaccination.

BAWAL SA RELIHIYON O SALUNGAT SA PANINIWALA (case of hard refusal)


Mensahe: Naiintidihan namin at nirerespeto ang inyong relihiyon o personal na paniniwala.
Gayunpaman, maaari mo ba kaming bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang tungkol sa
mga bakunang ito at kung ano ang mga posibleng mangyari sa inyong anak kung hindi siya
mabakunahan? (Ipaliwanag) Bukas palagi ang health center para bakunahan ang inyong anak
mula Lunes hanggang Biyernes at ito ay libre para sa lahat. Dalhin lamang sa health center sa
nakatakdang oras at araw kung sakaling kayo ay magpasyang pabakunahan na ang inyong
anak. Kayo ay malugod na tatanggapin ng mga health workers dahil hangad nilang
maprotektahan at ligtas ang inyong anak.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

31

You might also like