You are on page 1of 115

POPCOM IEC No.

2021-081
MENSAHE MULA SA PINUNO NG KOMISYON
SA POPULASYON AT PAGPAPAUNLAD

Sa kasalukuyan, di maikakailang mas lumago ang

papel ng mga kalalakihan sa kani-kanilang mga

pamilya. Dumaan na ang mga panahon na ang

mga tinaguriang “haligi ng tahanan” ay

nakatutok lang sa kanilang paghahanap-buhay,

at inihahabilin na ang pag-aasikaso ng mga

pamilya sa mga ina o nanay. Alam natin na dahil

sa tawag ng panahon at pangangailangan, ang

ganitong pananaw at gawa ay masasabing

makaluma na at taliwas sa pagkakapantay- Ang modyul na ito ay dumaan sa masusing

pantay ng katayuan ng mga kalalakihan at pag-aaral at pagsusuri upang matiyak na ang

kababaihan sa ating lipunan. mga impormasyon ay sapat at nararapat para

sa “makabagong lalaking Pinoy.” Mula sa mga

Kaya’t kami sa Komisyon sa Populasyon at kataga at wikang ginamit dito, hanggang sa

Pagpapaunlad ay minarapat na paigtingin ang mga paksang pinag-usapan, ay sinuri ng mga

ginagampanan ng mga kalalakihan sa kanilang dalubhasa, para ang pagsasanay at

pamilya sa pamamagitan ng KATROPA. Sa pagtatalakay nito ay maging makabuluhan at

pagkakasulat ng mensaheng ito, mahigit 1 milyon kasiya-siya di lamang sa mga magtuturo,

nang lalaking Pilipino ang kabilang na sa ngunit para sa mga kasapi ng KATROPA.

naturang samahan. Nauunawaan nila ang


Naniniwala kami na ang modyul na ito ay may
kanilang lumalagong papel sa kanilang mga
malaking gagampanan di lamang sa
sarili, mga kabiyak, mga anak at lipunang
pagpaparami ng mga kasapi, ngunit pati na
ginagalawan nila. Batid din nila na ang kanilang
rin sa paglago ng hanay ng mga tagasanay at
mas maayos na ugnayan sa mga nabanggit na
tagataguyod na siyang magdadala ng mga
tao sa kanilang buhay ay may kinalaman sa ika-
kaalaman ng KATROPA sa mga darating na
uunlad ng ating mga mamamayan bilang kapwa
panahon.
Pilipino.

Para sa mga tagasulong ng KATROPA na


Kabilang sa pagpapalawig ng kaalaman tungkol
siyang mangunguna at katuwang sa
sa KATROPA ay ang mga modyul tulad nito, na
pagpapaunlad at pagpaplano ng kani-
hindi lamang para sa mga kasapi, ngunit pati na
kanilang mga pamilya: Mabuhay kayo, at
rin sa mga taga-sanay at taga-sulong, na may
nawa ay dumami pa ang inyong mga bilang!
mahalagang tungkulin na magsalin ng kaalaman

at kasanayan sa mga paksang nararapat na


Sumasainyo,
maisabuhay ng ating kalakaran sa KATROPA.

DR. JUAN ANTONIO A. PEREZ III


Executive Director

2
PAGKILALA
Ang Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad ay nais kilalanin at pasalamatan ang

mga naging bahagi at ambag ng mga sumusunod na tagasulat at tagasulong upang

mabuo ang modyul na ito.

MGA LUMIMBAG:

Lolito R. Tacardon - Deputy Executive Director, POPCOM CO

Lourdes P. Nacionales - Regional Director, POPCOM Region III

Lyneth Therese C. Monsalve - Division Chief, Admin, POPCOM CO

Deogracias J. Hilvano - Planning Officer IV, PMED

Federico O. Boncato - Administrative Officer V, AD

Gary Lord P. Corton - Project Evaluation Officer, PADD

Mark Emman B. Magas - former employee, PADD

Noli M. Argente - Information System Analyst III, OED

Reynaldo T. Junio - Administrative Officer IV, FMD

Manuel B. Quinto - Administrative Officer III, AD

Moises F. Villacorta - former employee, POPCOM Region XI

Harold M. David - Information Officer II, POPCOM Region IV-A

Florencio C. Mirafuentes - Administrative Office V, POPCOM Caraga

Ferdinand H. Estoesta - Administrative Office II, POPCOM Region IV-A

Edgardo P. Abraham - Project Evaluation Officer I, POPCOM NCR

Cloyd V. Natividad - Administrative Aide III, AD

SECRETARIAT:

Ma. Sheryl P. Ocampo - Administrative Assistant III, OED

Bonilyn B. Pajanustan - Administrative Aide IV, AD

3
Mga Nilalaman
MENSAHE MULA SA PINUNO NG KOMISYON SA POPULASYON AT PAGPAPAUNLAD 2

PAGKILALA 3

PANIMULA 5

PAANO GAMITIN ANG GABAY 7

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSASAGAWA NG KATROPA 10

SEKSYON 1. PAGPAPAKILALA AT PAGPAPALALIM 12

SA LAYUNIN NG SESYONG KATROPA

SEKSYON 2. AKO BILANG LALAKI 15

SEKSYON 3. ANG AKING SEKSUWALIDAD 23

SEKSYON 4. PANGANGALAGA SA AKING KALUSUGAN 38

SEKSYON 5. PAGPAPLANO NG AKING PAMILYA 52

SEKSYON 6. AKO BILANG ISANG MABUTING KATUWANG 66

SEKSYON 6B. PANGANGALAGA SA AKING KATUWANG SA 80

KANYANG PAGBUBUNTIS

SEKSYON 7. AKO BILANG ISANG MABUTING AMA 89

SEKSYON 8. PAGPROTEKTA SA AKING PAMILYA 95

SESYON 9. AKO BILANG KATROPA 101

ANNEXES 106

ANNEX A 107

ANNEX B 111

ANNEX C 112

ANNEX D 113

GABAY PARA SA MGA TAGA PAGSANAY AT


TAGA PAGSULONG NG KATROPA

PANIMULA

KATROPA:
ANG MAKABAGONG MAGINOO
Isa ang pamilya sa pinakamahalagang institusyon sa

lipunan. Ito ang pundasyon ng pag-unlad ng isang

komunidad kaya dapat itong pangalagaan,

pagyamanin, at bigyan ng kakayahan upang maabot

ng bawat kasapi ang kanilang aspirasyon at adhikain

sa buhay.

Subalit sa panahon ngayon, maraming pamilya ang nahihirapan at nawawasak dahil sa iba’t

ibang dahilan. Kabilang sa mga pangunahing dahilan ay ang kakulangan sa kahandaan,

karunungan, at kakayahan ng mga magulang o mag-asawa sa pagtugon sa iba’t ibang

pangangailangan ng pamilya. Ang kakulangang ito ang nagdudulot ng malaking hámon sa

mga magulang upang maging responsable sa pagtupad sa obligasyon sa pamilya.

Sa kasalukuyan, kinikilala ng lipunan ang kalalakihan bílang haligi ng tahanan. Ngunit dahil

sa mga mali at lumang pananaw sa pagiging tunay na lalaki, maraming desisyon ng

kalalakihan ang nagiging sagabal sa pag-unlad ng kanilang asawa at pamilya. Nagiging

balakid din ito sa kanilang mas makahulugang pakikibahagi sa pangangalaga ng pamilya.

Halimbawa, maraming lalaki ang ayaw tumulong sa pangangasiwa ng tahanan o

pag-aalaga ng bata dahil ito umano ay nakababawas sa kanilang pagkalalaki. Mayroon

ding mga babaeng nagiging biktima ng karahasan ng kanilang asawang lalaki dahil sa

mababang pagtingin ng huli sa kakayahan at katauhan ng kababaihan.

Dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng kalalakihan, kailangang hubugin sila para

sa mas responsableng pagdedesisyon at pangangalaga ng kanilang pamilya at ng

komunidad. Kailangang baguhin ang kinagisnang pananaw at hubugin sila tungo sa mas

responsableng pagtataguyod ng kanilang pamilya at katuwang ng kanilang asawa.

5
PANIMULA
Ang KATROPA ay kumakatawan sa Kalalakihang Tapat sa Responsabilidad at Obligasyon sa

Pamilya. Isa itong adhikain at/o kilusan na naglalayong hikayatin, hubugin, at pagalawin ang

kalalakihan bilang responsableng indibidwal, magulang, at katuwang para sa ikauunlad ng

kanilang pamilya at ng pamayanan.

Isinusulong ng KATROPA ang makabagong pananaw hinggil sa papel at tungkulin ng

kalalakihan. Kabilang dito ang pagpapahalaga sa sariling kalusugan at ng kanilang pamilya,

kakayahang maging responsable sa kanilang desisyon, pagkilala at pagrespeto sa karapatan

at kakayahan ng kababaihan o ng kanilang katuwang, pagpaplano ng pamilya, malusog at

ligtas na pagbubuntis ng asawa, pag-iwas sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan, at

aktibong partisipasyon sa kaunlaran ng lipunan.

Sa bawat lalaking mahuhubog ng makabagong pananaw hinggil sa pagiging tunay na lalaki,

inaasahang magiging punla o tagapagsulong siya ng pagbabago sa kaniyang sarili, pamilya,

kabarkada, at sa buong komunidad.

BAKIT KALALAKIHAN?

Bílang katuwang sa pagpapasiya ng isang pamilya, mahalaga ang papel na ginagampanan

ng kalalakihan. Sa isang lipunang madalas nangingibabaw ang boses at pagpapasiya ng

kalalakihan, mahalagang magkaroon sila ng mapang-unawa at mapagpakumbabang

pananaw upang magamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagsulong ng

pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan. Sa posisyong taglay nila

sa lipunan--bilang ama, anak, lider, at iba pa--malaki ang magagawa nila bilang katuwang

ng kababaihan upang maisulong ang kalusugan at kaunlaran ng pamilya at komunidad. Sa

mga gawain at usaping pampamilya (hal. kalusugan), madalas ay ang kababaihan ang

sumasali. Upang mabigyan din ng tamang pagkakataon at impormasyon ang kalalakihan,

mahalagang matipon at makilahok sila sa mga usaping may kinalaman sa pagpapaunlad ng

kanilang pamilya. Ito ay upang mahubog silang maging epektibong katuwang ng kanilang

mga asawa, anak, at iba pang kasapi ng pamilya at pamayanan.

6
PAANO GAMITIN ANG GABAY NA ITO?

Ang Gabay na ito ay para sa mga tagasanay (trainer/facilitators/mentors), tagasulong

(advocate) at sinumang interesadong magbigay ng kaalaman at manghikayat ng

kalalakihan para sa usaping may kinalaman sa pagpapaunlad ng kanilang pamilya at

pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan. Maaaring gamitin ang aklat na ito

para sa mga pagsasanay, oryentasyon, edukasyon at kahalintulad na gawain na may

layuning ipalaganap ang mga prinsipyo ng KATROPA.

Ang Gabay na ito ay naglalaman ng sumusunod:

Sesyon 1. Ako Bilang Lalaki. Layunin ng panimulang sesyon na itong imulat ang

kalalakihan sa kinagisnang pananaw na ang lalaki at babae ay hindi magkapantay sa

maraming bagay at ang idinudulot nito sa pag-unlad ng bawat indibidwal at ng

lipunan. Ipauunawa at ipamumulat sa kalalakihan ang kanilang papel sa pagkakaroon

ng hindi pagkakapantay-pantay lalo na sa kababaihan at ang maaari nilang gawin

upang maitaguyod ang mas makatarungan at pantay na relasyon ng babae at lalaki.

Sesyon 2. Ang Aking Seksuwalidad. Isang mahalagang bahagi ng pagkatao ng

indibidwal na nakaaapekto sa mga relasyon ay ang kaniyang seksuwalidad. Sa

sesyong ito, bibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na pag-usapan at

magkaroon ng kamalayan sa kanilang seksuwalidad gayundin ang mapabuti ang

kanilang sarili at ang relasyon nila sa kanilang asawa, anak, kaibigan, at iba pang

mahahalagang tao sa kanilang buhay.

Sesyon 3. Pangangalaga sa Aking Kalusugan. Madalas, hindi alintana o hindi

binibigyan ng pansin ng kalalakihan ang kanilang kalusugan. Sa sesyong ito, bibigyan

ng tamang impormasyon at kakayahan ang mga kalahok sa pangangalaga sa

kanilang kalusugan.

Sesyon 4. Ako Bilang Isang Mabuting Katuwang. Mula sa kanilang sarili, tatalakayin

sa sesyong ito ang ilan sa mahahalagang pamamaraan para mapaunlad ng mga

kalahok ang relasyon nila sa kanilang asawa.

Sesyon 5. Ako Bilang Isang Mabuting Ama. Ang responsabilidad ng isang lalaki ay

nakatuon rin sa kanilang anak. Sa sesyong ito, bibigyan ng mas malalim na

pag-unawa at pagpapahalaga ang responsabilidad bilang ama at pamamaraan

upang mapaunlad ang relasyon nila sa kanilang anak.

7
Sesyon 6. Pagpaplano ng Aking Pamilya. Bilang isang responsableng magulang,

bibigyang-diin din ang kakayahan ng kalalakihan sa pagpaplano ng kanilang pamilya

upang masiguro ang kanilang kakayahang mapaunlad ito. Kasama sa mga ibibigay na

impormasyon sa sesyong ito ang kahalagahan at iba’t ibang pamamaraan sa

pagpaplano ng pamilya.

Sesyon 7. Pangangalaga sa Aking Pamilya mula sa Karahasan. Sa patuloy na

pagpapatatag ng kalalakihan sa kanilang pamilya, pag-uusapan sa sesyong ito ang

iba’t ibang anyo ng karahasan at mga batas na maaaring magbigay sa kanila ng

proteksyon. Ituturo rin ang iba’t ibang paraan kung paano maging aktibong

tagabantay at tagaprotekta ng kababaihan, kabataan, at buong pamilya laban sa

karahasan.

Sesyon 8. Pagpapalaganap ng KATROPA. Sa sesyong ito, hihikayatin ang kalalakihan

na isabuhay ang mga natutuhang kaalaman at kakayahan sa pagiging isang

KATROPA. Bahagi ng pagsasabuhay ay ang panghihikayat sa iba pang kalalakihan

upang maging KATROPA at makibahagi sa mga gawain ng kilusan.

Ang mga sesyon o paksa ay maaaring talakayin nang hindi magkakasunod-sunod o hiwalay

mula sa ibang paksa base sa layunin ng gawain. Ang aklat ay maaari ding gamitin para sa

paggawa ng iba’t ibang mensahe kaugnay sa kampanya o gawain para isulong ang

KATROPA at iba pang katulad na adhikain.

Paano isagawa ang mga sesyon? Ang Sesyong KATROPA ay isasagawa sa pamamaraang

tinatawag na Experiential Learning Process. Gagamitin dito ang karanasan ng mga

mag-aaral upang maiugnay nila ang mga paksa at maisagawa ang mga aral sa kanilang

buhay. Kaya ang Gabay na ito ay naisaayos upang magbigay ng mahahalagang kaalaman

batay sa karanasan ng mga kalahok.

Ang bawat sesyon ay nahahati sa:

1. Pagpapakilala sa Sesyon. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng buod sa paksang

matatalakay sa sesyon.

2. Pambungad na Gawain. Layunin ng mga pambungad na gawain na maibahagi

ng mga kalahok ang kanilang sariling karanasan at kasalukuyang kaalaman

tungkol sa paksang tatalakayin. Uungkatin dito ang karanasan at kaalaman ng

mga kalahok upang maging batayan sa pagtalakay ng mga paksa at mapalalim

ang mahahalagang kaalaman at mensahe.

8
3. Mahahalagang Kaalaman. Isinasaad dito ang mahahalagang aral at kaalaman

na bibigyang-diin sa paksang tinatalakay. Ito ay pangunahing gabay ng

tagapagsanay o tagapagsalita na maaaring palalimin sa pamamagitan ng

pagbibigay ng kaugnay na impormasyon, kuwento, at iba pang aral.

4. Pangwakas na Gawain. Ang bahaging ito ng sesyon ay pagpapahiwatig ng mga


kalahok ng kanilang mga natutunan at kung paano nila ito naunawaan. Ilang mga

pamamaraan ang pwedeng gamitin dito gaya ng pagpapanuod ng mga videos o

pagkukuwento at pagkatapos ay iproproseso ang mga reaksyon ng tagapanuod

at tagapakinig, pagsasadula o “role playing”, mga ehersisyo na palaisipan, at iba

pa.

9
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSASAGAWA NG SESYONG KATROPA

Upang matiyak ang kalidad ng impormasyon at kaalaman na naibabahagi sa mga sesyong

KATROPA, kailangang siguraduhin ang mga sumusunod:

1. Ang mga kalahok sa pagpupulong o sesyon ay kalalakihan. Napatunayan sa

karanasan na kapag mga lalaki lamang ang kalahok, nagiging mas bukas at

nababawasan ang pagpipigil ng kalalakihang aktibong makilahok o makibahagi sa

gawain. Maaaring dumalo at makibahagi ang kababaihan at mga kabilang sa

LGBTQ+ community ngunit kailangang mabigyan sila ng tamang oryentasyon sa

konteksto ng sesyon at magkaroon ng malawak at non-judgmental o walang

panghuhusgang talakayan.

2. Ang paghahanda o pagpaplano ng sesyon ay mahalaga bago magsagawa ng mga

sesyong KATROPA. Sa paghahanda, pinag-uusapan ang Training/Session Design

(tingnan ang Annex A para sa halimbawa ng Training/Session Design) o programa

ng mga paksa at gawain, mga tagapagsalita o tagasanay, oras o haba ng bawat

paksa, at iba pang kailangang preparasyon upang mas maisaayos ang

pagsasagawa ng mga sesyon.

3. Kasama sa paghahanda ang pagpapalalim sa mga paksang naiatas sa bawat

tagapagsalita. Pinag-aaralan dapat ng tagapagsalita o tagasanay ang kaniyang

paksa, inihahanda ang kaniyang mga materyales sa pagtatalakay, at sinusuri ang

mga uri at katangian ng mga kalahok upang maiakma ang mga paksa sa kanilang

pangkasalukuyang konteksto. Maglalaan ng oras para sanayin ang tatalakay sa

paksang naiatas.

4. Hangga’t maaari, ang mga tagapagsalita o tagasanay ay kalalakihan na may

kakayahang magsalita at maging uliran sa kanilang itinuturo.

5. Mas mabibigyang-diin ang mga kalaamang ibinabahagi sa sesyon kung gumagamit

ng mga visual aid o materyales na nagpapapakita ng mga mensaheng ipinaaabot

sa mga kalahok. Maaaari ding gumawa at mamigay ng mga Information, Education

and Communication (IEC) materials o mga babasahin na maaari nilang iuwi upang

mabigyang-diin ang mga pagksang napag-usapan sa sesyon.

10
6. Upang malaman kung may natutuhan ang mga kalahok at malaman kung anong

mga bahagi ng sesyon ang kailangang ayusin sa mga katulad na gawain,

magsagawa ng “Session Evaluation” (hal. pre/post-test o activity evaluation).

Talakayin ang resulta ng ebalwasyon pagkatapos ng sesyon o sa pagpaplano ng

susunod na gawain. Tingnan ang mga halimbawa ng “evaluation tools” sa Annex B.

7. Mahalagang magkaroon ng dokumentasyon o pagtatala ng mga nangyari sa bawat

sesyon upang matukoy ang mga bahaging maaaring pagbutihin sa mga susunod na

sesyon.

11
12
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Bibigyan ng pagkakataon ng pambungad na sesyon ang mga kalahok sa mga paksa,

gawain, at inaasahan sa mga susunod na sesyon. Palalalimin ang pag-unawa at

pagpapahalaga ng mga kalahok sa KATROPA bílang isang programa at kilusan upang

maipalaganap ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan.

Sa sesyon ring ito isasagawa ang pagpapakilala ng mga kalahok sa isa’t isa upang

magkaroon sila ng mas magaan at makabuluhang pakikipag-ugnayan habang sama-

samang nag-aaral.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibigay ang pangalan at pangunahing impormasyon tungkol sa iba pang kalahok;

2. Ipaliwanag ang konsepto ng KATROPA at ang kahalagahan ng kanilang

partisipasyon; at

3. Ibahagi ang kabuoang layunin ng sesyong KATROPA .

PAMBUNGAD NA GAWAIN

1. Pagkatapos maitala ang paglahok ng bawat kasapi sa sesyon, simulan ang

sesyon sa pamamagitan ng maikling programa na binubuo ng panalangin,

pag-awit ng pambansang awit, mensahe ng isang kinatawan na nagpasimuno ng

gawain o isang panauhin (hal. opisyal, lider, atbp.)

2. Upang mas magaan ang pakikilahok ng bawat isa, magsagawa ng gawain upang

makilala ng bawat kalahok ang mga kasamahan at tagasanay sa sesyon.

Ang iba’t ibang gawain ng pagpapakilala ay matatagpuan sa ANNEX C.

3. Para sa mas maayos na pagsasagawa ng gawain, ibigay ang mga panuntunan sa

pag-aaral at pagsasagawa ng mga sesyon matapos ang pagpapakilala. Kunin

ang pagsang-ayon ng mga kalahok sa mga patakarang napagkasunduan.

13
4. Ibahagi sa mga kalahok ang mga naitakdang gawain (iskedyul ng mga

aktibidad) o mga tatalakaying paksa upang magkaroon sila ng malawakang

pananaw sa mga pag-uusapan sa sesyon.

5. Ipaliwanag ang mga konseptong napapaloob sa KATROPA bílang isang kilusan

at programa ng gobyerno upang mapalalim ang kanilang pag-unawa dito.

MAHAHALAGANG KAALAMAN

1. Nabanggit na po ang lahat ng mga ito sa Panimula

2. Tapusin ang sesyon sa pagdiin sa sumusunod na pahayag:

Ang KATROPA ay higit pa sa pagiging


isang programa ng gobyerno. Isa itong
personal na adhikain na may layuning
mapaunlad ang indibidwal at ang
kaniyang pamilya. Habang pinalalalim
natin ang ating pagtatalakay sa iba’t
ibang paksa ng sesyong ito, nawaý
maisapuso natin ang totoong mensahe
ng buong adhikaing ito: tayo, bílang
lalaki, ay mahalagang katuwang ng
ating asawa at ng lipunan sa
pagsusulong ng isang lipunang may
pagkakapantay-pantay.

14
15
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Mahalaga ang sesyong ito sa kalalakihan para sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman

at kamalayan sa papel na kanilang ginagampanan sa mga institusyon at lipunang

kanilang ginagawalan. Sa pamamagitan ng sesyon na ito, mapapalawak ang

pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng “gender,” kasarian, at ang isyung

napapaloob sa kinagisnan at nagpapatuloy na hindi pagkakapantay-pantay ng

kababaihan at kalalakihan. Higit sa lahat, ipinamumulat sa kalalakihan ang kanilang

malaking papel na ginagampanan at maaaring gawin upang maisulong ang

pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki sa ating lipunan.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakahalintulad ng babae at lalaki base sa

kanilang pisikal na kaanyuhan at papel na ginagampanan (hal. roles) at kung

paano ito nabuo sa kamalayan ng lipunan na siyang naging sanhi ng hindi

pagkakapantay-pantay nila;

2. Ipaliwanag at ibahagi sa kapuwa kalahok ang iba’t ibang “gender issues” o isyung

nagiging sanhi at bunga ng hindi pagkakapantay-pantay sa katayuan, kalagayan, at

kakayan ng babae at lalaki; at

3. Ibahagi ang papel na kanilang maaaring gawin upang maging instrumento ng

pagkakapantay-pantay.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. AKO'Y LALAKI, SIYA'Y BABAE


1. Maghanda ng magasin o diyaryo gunting, pandikit, brown paper, pentel pen/marker.

2. Bumuo ng apat na grupo mula sa mga kalahok.

3. Bigyan ng bawat grupo ng mga kagamitang nabanggit.

4. Ibigay ang sumusunod na panuntunan:

a. Gumawa ang bawat grupo ng isang collage o imahen mula sa mga larawan o

teksto sa magasin o diyaryo na naglalarawan (sa anyo, pag-uugali, madalas

ginagawa, hanapbuhay, etc) ng pangkaraniwang babae at lalaki.

b. Ibahagi ang ginawa ng bawat grupo sa plenary session pagkatapos ng 15

minuto.

5. Sa pagproseso sa mga pagbabahagi, isulat ang mahahalagang salitang

naglalarawan sa babae at lalaki at gamitin ito sa talakayan.

16
OPSIYON 2. ANG TUNAY NA LALAKI

1. Bigyan ang bawat isa ng kopya ng matrix/table na nasa ibaba.

2. Sabihing lagyan ng check ang kahon na tumutugma sa paniniwala nila hinggil sa

iba’t ibang pangungusap na tumutukoy sa mga katangian ng tunay na lalaki.

Katangian ng Tunay na Lalaki 1-Hindi Naniniwala 2–Hindi Sigurado 3-Naniniwala

1. Ang pangunahing papel ng lalaki


ay maghanapbuhay at
pangalawa na lámang ang
mangasiwa ng tahanan.

2. Ang lalaki ang dapat na


nasusunod sa mga desisyon sa
bahay lalo na kung siya ang
naghahanapbuhay.

3. Nakababawas sa pagkalalaki
ang maglaba, mag-ayos ng
bahay, at magluto.

4. Kapag may sakit na HIV/STI ang


lalaki, hindi ito dapat sinasabi sa
asawa.

5. Ang tunay na lalaki ay hindi


dapat nagpapakita ng kahinaan,
hindi umiiyak sa harap ng mga
anak o publiko para maging
matatag.

6. Ang pagtiyak sa kalusugan ng


pamilya ay responsabilidad ng
asawang babae.

7. Ang lalaki ay sadyang madaling


matukso kaya likás sa kaniya ang
mambabae.

8. Dapat laging matatag at hindi


pabago-bago ng desisyon ang
tunay na lalakí.

9. Mas nakakalalakí kung mas


marami nang karanasan sa sex o
mas maraming naging partner.

10. May pagdududa sa pagkalalaki


kung siya ay walang asawa o
partner.

3. Iproseso ang mga sagot sa pamamagitan ng sumusunod:

a. Pagsasama-samahin ang iskor ng bawat kalahok para sa kanilang sagot sa

bawat hilera. Ang pinakamataas na iskor ay ang kanilang dominanteng

pananaw sa pagiging isang lalaki.

17
b. Sa pagtalakay ng mahahalagang mensahe sa sesyong ito, balikan at isa-isang talakayin ang

mga pangungusap. Tanungin ang mga kalahok kung sino ang sumasang-ayon o hindi naniniwala

sa mga pangungusap at pagpaliwanagin ng kanilang pananaw. Ang kanilang mga sagot ay

maaaring gawing basehan ng mga paksang tatalakayin.

MAHAHALAGANG KAALAMAN

Mula pagkabata, naimulat na sa isipan ng bawat isa ang pagkakaiba ng babae

at lalaki. Tinuturuan tayo kung ano ang dapat ginagawa ng babae at lalaki; ano

ang mga bagay na panlalaki at pambabae; at, mahalaga sa lahat, mga papel

na ginagampanan, pag-uugali, at pananaw para sa babae at lalaki.

- Ito rin ang mga inaasahan at nagiging sukatan ng babae at lalaki. Kung

kaya’t kapag hindi tugma ang nakikita sa isang babae o lalaki, ito ay

nagiging sanhi ng pagtukso at minsan diskriminasyon.

Mula pagkapanganak, mayroon nang inaasahan sa isang lalaki. Ang lipunan ay

nag-atas na ng nararapat na pag-uugali, gawain, papel, patakaran, at

inaasahan sa isang lalaki. Ang sukatan ng pagkalalaki ay kabaliktaran ng

pagkababae. Ito ay tinatawag na GENDER.

Ang gender ay mga papel, responsabilidad o obligasyon, katangian, gawain at

iba pang inaasahan sa isang babae at lalaki na iniaatang ng lipunan, kultura, at

tradisyon. Dahil iniatang o ginawa ito ng lipunan sa mahabang panahon,

magkakaiba ito sa bawat lipunan at maaaring mabago.

- Magkaiba ito sa kasariang biyolohiko (biological sex) na tumutukoy sa mga

pisikal na katangian at kaanyuhan ng isang babae at lalaki mula

pagkapanganak. Hindi ito madalas nababago subalit, sa panahon ngayon,

napapalitan na ito ng makabagong siyensiya at teknolohiya.

Ang mga halimbawa ng gender ay:

- Magkaiba ito sa kasariang biyolohiko (biological sex) na tumutukoy sa mga

pisikal na katangian at kaanyuhan ng isang babae at lalaki mula

pagkapanganak. Hindi ito madalas nababago subalit, sa panahon ngayon,

napapalitan na ito ng makabagong siyensiya at teknolohiya.

- Hindi pabago-bago ang desisyon kahit ito ay mali. Ang binitiwang salita ay

dapat panindigan at ang paglabag dito ay isang kahinaan. Siya ang

nasusunod sa lahat ng desisyon sa pamilya.

- Ang sukatan ng pagkalalaki ay madalas nababase sa dami ng sexual

partners, ilang beses makipagtalik, pagkatuli, at dami ng anak. Kaya

madalas, ang pakikipagrelasyon sa hindi asawa ay itinuturing na natural o

normal lamang sa mga lalaki (ako’y lalaki lamang kaya ako ay natukso).

Kapag walang anak o walang asawa ay napagdududahan ang kaniyang

pagkalalaki.

18
- May pangunahing responsabilidad na bigyan ng suportang pinansiyal ang

pamilya bilang “haligi ng tahanan.” Kaya ang babae ay dapat nasa bahay

lámang at hindi na inaasahang tutulong ang lalaki sa mga gawaing-bahay.

- Ang karahasan ay madalas gamitin ng lalaki para mapasunod ang babae o

maipahiwatig ang kaniyang nararamdaman.

Madalas, ang mga maling paniniwalang ito ay nagiging sagabal sa pag-unlad

ng babae at lalaki. Ito ay madalas nagiging sanhi ng diskriminasyon, karahasan,

at pang-aapi. Halimbawa:

- Madalas na karahasan (hal. seksuwal, pisikal, at ekonomiko) sa mga

kababaihan;

- Pagkakulong ng babae sa gawaing-bahay at walang sapat na pagkakataon

para makapag-aral, magtrabaho, at gumawa ng mga bagay na

makapagpapa-unlad sa kaniyang sarili (hal. overburden, gender stereotype,

at gender bias);

- Mas mababang pagkilala sa kakayahan ng babae sa politika, ekonomiya, at

iba’t ibang sektor.

Sa kabila nito, likas sa mga lalaki ang magpahalaga, magmahal, at mangalaga

sa kanilang pamilya. Nagsusumikap silang tugunan ang mga pangangailangan

ng kanilang pamilya sa abot ng kanilang makakaya.

Sa makabagong panahon, ang sukatan at inaasahan sa mga lalaki ay

nagbabago. Ang tunay na lalaki ay nasusukat sa:

Pagiging responsable sa kaniyang pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan

ng kaniyang pamilya, hindi lamang sa pinansiyal, kasama na dito ang oras,

suporta, at gabay sa anak at asawa;

Pagkonsulta at pagrespeto sa desisyon ng katuwang sa lahat ng bagay;

Pagtulong sa pangangasiwa ng bahay at pag-aaruga at paggabay sa mga

anak;

Kakayahang maipahayag ang kaniyang emosyon at nararamdaman;

Pagiging mabuting huwaran sa mga anak;

Malusog na pamumuhay (healthy lifestyle);

Itinuturing niyang katuwang ang babae – kapantay niya sa kahalagahan,

karapatan, at kakayahan:

19
- Ipinakikita niya ito sa magkasamang pagdedesisyon at pagbabahagihan ng

gampanin sa pamilya, kasama na ang gawaing-bahay.

- Mahinahon nilang nilulutas ang kanilang alitan. Hindi kailanman gumagamit

ng dahas.

Tapusin ang sesyon sa pagsabing:

"Ang pagkakaroon ng isang maayos at


malusog na pamilya na siyang pundasyon ng
maunlad na lipunang may pantay-pantay na
karapatan at pagkakataon ang babae at lalaki
ay nakasalalay sa pagkilala nila sa mga
balakid para makamit ito. Ang pagiging
magkatuwang ng lalaki at babae sa
pagtataguyod ng pamilya ay nangangailangan
ng isang pagbabago sa pananaw sa mga
tungkulin o papel (roles) ng isang babae at
lalaki sa mga institusyong kanilang
ginagalawan. Kabilang na dito ang pamilya,
paaralan, lipunan, komunidad, at iba pang
kaugnay. Mahalagang matanggap ng lalaki
ang kaniyang kalakasan at gamitin ito para
maitaguyod ang pamilya at lipunan."

20
PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. “PANGARAL KO SA AKING ANAK” (PAGSASADULA)

1. Sabihin sa kalahok na balikan ang kanilang naunang grupo.

2. Bigyan ang bawat grupo ng papel na nakasulat ang sumusunod:

Para sa Unang Pangkat at Ikalawang Pangkat

Isang araw, lumapit ang iyong lalaking anak na teenager at sinabi sa iyo:

“‘Tay, tinutukso po ako ng mga


kaibigan ko, bakla daw ako kasi hindi pa
ako tuli, hindi pa raw ako ganap na
lalaki. Tama po ba sila?

Anong isasagot mo sa inyong anak?

Para sa Ikatlong Pangkat at Ikaapat na Pangkat

Mayroon kang isang kumpareng madalas mong


makita o nababalitaang nambubugbog ng asawa
at nambababae. Minsan, nagkaroon kayo ng
pagkakataong makapag-usap at naikuwento
niyang gusto na niyang hiwalayan ang kaniyang
asawa dahil ito ay losyang at hindi na raw siya
napapaligaya. Dahil ang asawa ay nakadepende
lámang sa kaniya, madali na lámang daw niya
itong magagawa. Hinihingi niya ang iyong payo
bilang kumpare.

Ano ang ipapayo mo sa iyong kumpare?

21
3. Sabihan ang bawat grupo na isadula (role play) ang sitwasyong nakaatas sa

kanila. Ang kanilang kasagutan sa mga tanong sa bawat sitwasyon (case study)

ay ibabahagi bílang bahagi ng pagsasadula.

4. Iproseso at palalimin ang mga sagot at bigyang-diin ang mga nabanggit na

katangian ng makabagong lalaki.

OPSIYON 2. “SI IDOL”

1. Bigyan ang bawat kalahok ng metacard at pentel

pen.

2. Sabihan silang umisip ng isang kilala o sikat na

lalaking kanilang iniidolo at hinahangaan. Isulat sa

metacard ang pangalan ng idolong ito.

3. Pagkatapos isulat, hikayatin ang kalahok na

ibahagi ang kanilang paliwanag kung bakit nila

itinuturing na idolo ang isinulat sa metacard.

4. Bigyan ng buod ang mga ibinahagi at bigyang-diin

ang mga katangian ng isang tunay na lalaki.

22
23
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Madalas, ang usapin ng seksuwalidad ay hindi napag-uusapan sa pamilya, sa lipunan,

at kahit ng mag-asawa. Sa kabila nito, isa itong napakahalagang bahagi ng ating

pagkatao at ang maling pagkilala at pagpapahiwatig dito ay nagdudulot ng mababang

pagtingin sa sarili at iba, maling pagpapahiwatig ng nararamdaman at iba pang

suliranin sa pakikipagrelasyon.

Mahalagang pag-usapan ang seksuwalidad upang maging mas responsable sa

pagkilala at pagpapahayag nito. Sa sesyong ito, mas malalim itong pag-uusapan.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang kanilang mas malawak o mas malalim na pagkakaintindi sa

konsepto ng seksuwalidad;

2. Ipaliwanag ang iba’t ibang bahagi ng kanilang seksuwalidad batay sa kanilang

karanasan; at

3. Ibahagi kung paano nila mapagyayaman ang kanilang seksuwalidad at ang

pagrespeto sa seksuwalidad ng iba tungo sa mas magandang samahan.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. SEKSING USAPAN

1. Maghanda ng mga larawan ng lalaki, babae, bakla, at tomboy na naglalarawan

ng kaseksihan.

2. Tanungin ang mga kalahok kung ano ang una nilang naiisip sa bawat larawan.

Itala ang kanilang mga sagot (bigyang-diin ang mga salita o diwang tumutukoy

sa seksuwalidad).

3. Palalimin ang talakayan sa pamamagitan ng sumusunod na tanong:

24
a. Ano ang batayan ng pagiging “sexy”?

b. Ano-ano ang pagkaunawa ninyo sa “sex”? Bakit hindi madalas

napag-uusapan ang tungkol sa “sex”?

c. Ano-ano ang mga patakaran sa babae at lalaki pagdating sa “sex”? Paano

nakaaapekto ang mga patakarang ito ng lipunan sa pag-unlad ng isang

indibidwal?

4. Iugnay ang talakayan sa mga susunod na paksa.

OPSIYON 2. ANG AKING SEKSUWALIDAD

1. Sabihan ang mga kalahok na umikot sa loob ng silid o sa paligid at kumuha ng

isang bagay na sumisimbolo o maaaring maglarawan sa salitang

“seksuwalidad.” Maaari silang kumuha ng mga gamit na nakakabit sa kanilang

sarili.

2. Hikayatin ang mga kalahok na magbahagi ng kanilang idea at opinyon kung

bakit nila nasabing ito ay naglalarawan ng seksuwalidad. Habang nagbabahagi

sila, isulat ang mga salitang may kinalaman sa seksuwalidad at iugnay ito sa

susunod na sesyon.

3. Iproseso ang mga sagot sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa mga paksang

tatalakayin.

MAHAHALAGANG KAALAMAN

Sa kulturang Filipino sa pangkalahatan, hindi napag-uusapan ang mga bagay

tungkol sa “sex” at mga paksang may kinalaman sa seksuwalidad. Isa itong

usapin na nakahihiya, maselan, sensitibo, at minsan ay bawal pag-usapan lalo

na sa loob ng pamilya, kahit ng mag-asawa. Ang malayang pagtalakay o

pagbanggit nito ay nagpapahiwatig ng kalandian o kawalan ng respeto sa

kausap.

Ang seksuwalidad ng isang tao ay mahalagang bahagi ng kaniyang pagkatao.

Kaya ang pagtanggap at pag-unawa nito ay makatutulong nang malaki para

sa personal na pagkilala sa sarili at pagpapayaman ng ating pagkatao.

Ang pag-uusap tungkol sa seksuwalidad ay makatutulong rin upang magkaroon

ng mas responsableng pakikipagrelasyong seksuwal.

25
ANO ANG SEKSUWALIDAD?

Ito ay mahalagang bahagi ng ating kasarian at pagkatao. Tungkol ito sa

seksuwal na nararamdaman, pagnanasa, atraksiyon, pag-uugali, pag-iisip,

pagmamahal, at pakikipagrelasyon sa iba.

Mula pagkabata, nabubuo at nahububog ang ating seksuwalidad base sa ating

karanasan, pagkilala sa sarili, at pagbabagong pisikal sa ating sarili. Ang mga

pisikal na pagbabagong dulot ng “hormones” sa babae at lalaki ay

naghuhubog ng seksuwal na katangian ng indibidwal na siyang nagiging

batayan ng pagtanggap niya sa ng kaniyang kasarian – pagiging babae at

lalaki. Ito rin ang naghuhubog ng ating nararamdaman at pagnanasang

makipagrelasyon sa iba – babae man o lalaki.

Naipahahayag ang ating seksuwalidad sa iba’t ibang pamamaraan. Ang

iresponsable at walang paggalang na pagpapahayag nito ay nagdudulot ng

pagkasira ng relasyon at pagsasamahan. Ito rin ay sanhi ng mababang

pagtingin at pagtanggap sa sarili.

Ang pagkakaiba-iba sa seksuwalidad ay isang katotohanang dapat nating

tanggapin at igalang. Madalas ay personal itong usapin kaya dapat itong

irespeto at unawain.

MGA MAHALAGANG BAHAGI NG ATING SEKSUWALIDAD

KASARIANG BIYOLOHIKO (BIOLOGICAL SEX)

Tumutukoy ito sa kasariang biyolohiko o pagiging babae o lalaki ng bawat tao.

Kabilang dito ang mga elemento at tungkuling biyolohiko ng anatomiya at

pisyolohiya sa reproduksiyon.

26
MAHAHALAGANG BAHAGI NG SISTEMANG REPRODUKTIBO NG LALAKI:

ARI NG LALAKI
(PENIS) BAYAG
(TESTICLES) EPIDIDYMIS
sex organ ng lalaki na
ginagamit sa pag-ihi at
pakikipagtalik upang
gumagawa dinadaanan
maisalin ang sperm sa ng sperm ng sperm
reproductive tract ng

babae

VAS
DEFERENS
dinadaanan ng
sperm mula sa
epididymis

27
MAHAHALAGANG BAHAGI NG SISTEMANG REPRODUKTIBO NG BABAE:

Kapag nagdadalaga na ang Kapag pinakawalan mula sa obaryo ang matured na


babae, nag-uumpisa nang itlog, nagkakaroon ng ovulation. Naglalakbay ang
mabuo ang mga egg cell sa pinakawalang itlog sa oviduct, ang tubong
kaniyang ovary o obaryo konektado sa fallopian tube na dinaraanan ng itlog
na gumagawa ng mga sex papunta sa uterus (matris). Ang uterus ay maliit at
cell. Karaniwang paisa-isa hugis-peras na organ na matatagpuan sa pagitan
lámang ang pagma-mature ng mga obaryo. Maaaring lumaki at madevelop sa
ng mga egg cell. Nasa loob nito ang fertilized na itlog. Nababanat ang
kaloob-looban ng puson mga muscle sa dingding ng matris habang nahahati
ang mga obaryo. at lumalaki ang fertilized na itlog.

Kapag hindi na-fertilize


ang itlog, lumalabas ito sa
vagina bilang regla. Hindi
lámang ito ang silbi ng
vagina. Dito rin dumadaan
ang sanggol habang
isinisilang.

28
MGA MAHALAGANG MENSAHE O KAALAMAN TUNGKOL SA
KASARIANG BIYOLOHIKO:

Ang kasariang biyolohiko ang tanging ipinagkaiba ng babae at ng lalaki mula

sa kanilang pagkapanganak. Hindi ito dapat maging dahilan ng diskriminasyon.

Dapat igalang ang pagkakaibang ito sa babae at lalaki. Ang paggalang na ito

ang simula ng malusog at masayang pagsasamang seksuwal.

Mahalagang malaman ng lalaki at babae ang mga katangiang pisikal na may

kinalaman sa sistemang reproduktibo ng bawat isa upang mapangalagaan nila

ang kanilang katawan. Makatutulong din ang kaalamang ito sa pagprotekta sa

kababaihan laban sa karahasang seksuwal at sa kalalakihan laban sa

nakahahawang sakit dulot ng mga gawaing seksuwal (sexually transmitted

infections).

KATAUHANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)

Bawat isa ay ipinanganak na may sariling kasariang biyolohiko--bílang babae

at lalaki. Karaniwan, naaayon sa inaasahan ng lipunan ang nararamdaman at

ginagawa ng babae at lalaki. Subalit may pagkakataong kahit na may katawan

o nagtataglay ng pisikal na katangian bílang isang lalaki o babae, iba ang

nararamdaman at pagtanggap nila sa kanilang kasarian. Maaaring ang isang

babae ay nakadarama at kumikilos bílang isang lalaki at may lalaking tanggap

ang sarili bilang isang babae.

Ang nararamdaman, pagkilos, at pagtanggap o kamalayan ng isang tao sa

kaniyang sarili ayon sa kaniyang kasarian ay tinatawag na katauhang

pangkasarian o gender identity. Madalas itong naiimpluwensiyahan ng personal

at panlipunang patakaran (social norms) at nakagisnang pag-uugali, asal,

papel na ginagampanan at katauhan na dapat sinusunod at inaasahan sa

isang babae at lalaki.

Ang mga katauhang pangkasarian o gender identity ay naipahahayag sa mga

pag-uugali, nararamdaman, at katauhang tulad ng:

a. Bakla– mga may katangiang pisikal na panlalaki ngunit pambabae ang

pakiramdam, pagkilos, at pagtanggap sa sarili.

29
b. Tomboy– mga babaeng panlalaki ang

pakiramdam, pagkilos, at pagtanggap sa

sarili;

c. Transvestite– mga bakla o tomboy na

nagdadamit o nag-aayos at nag-aasal ayon

sa kanilang katauhang pangkasarian;

d. Transsexual– mga babae o lalaki na

nagpapalit ng pisikal na katangiang

seksuwal.

Ang katauhang pangkasarian ay personal na desisyon at pakiramdam.

Mahalagang bahagi ito ng pagkatao na siyang nagiging batayan sa

pakikipagrelasyon kaya’t nangangailangan ito ng pagtanggap at paggalang.

Ang mga nasa ganitong sitwasyon ay tao rin na may pantay na karapatan.

Ang pangkasariang katauhan na hindi sang-ayon sa nakagisnang kasarian

pagkapanganak ay hindi isang sakit o abnormalidad. Sa panahon ngayon, ang

dumaraming bílang ng mga ganitong kalagayan at pagkatao ay tumatawag ng

pagtanggap at pag-unawa at hindi pangungutya at diskriminasyon. Ang

panghuhusga sa katauhan ng isang tao ay hindi batay sa kaniyang kasarian

bagkus sa kaniyang ginagawa.

ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION)

Ang oryentasyong seksuwal ay mahalagang bahagi ng seksuwalidad. Dito

nakabase ang mga desisyon, pakiramdam, at pag-aasal ng isang tao sa kanilang

seksuwal na relasyon o pakikitungo sa iba. Hinggil ito sa pakiramdam at pagpili

ng partner o katuwang na may kasariang angkop sa kaniyang pangkasariang

katauhan.

Base sa mga pag-aaral, ang iba’t ibang klase ng oryentasyong seksuwal ay ang

sumusunod:

> Heterosexual– mga babae o lalaking naaakit o may seksuwal na atraksiyon

sa ibang kasarian (opposite sex) – hal. babae – naaakit sa lalaki; lalaki-

naaakit sa babae

> Homosexual– mga babae o lalaking naaakit o may seksuwal na atraksiyon sa

taong kaparehas nila ang kasarian (hal. lalaki sa lalaki, babae sa babae)

> Bisexual– mga babae o lalaking naaakit sa anumang kasarian.

30
Sa kasalukuyan, hindi pa masyadong naiitindihan kung paano nahuhubog ang

oryentasyong seksuwal. Maaaring sa karanasan o sa pisikal na proseso sa

katawan mula pagkasilang. Maaaring hindi rin ito maiuugnay sa sariling pagpili o

desisyon sapagkat natural o kusa nila itong nararamdaman, at kapag pinipigilan

ay naaapektuhan ang kakayahan nilang paunlarin ang sarili dahil hindi nila

nailalabas ang kanilang nararamdaman at gustong gawin. Ang tiyak lamang

ngayon ay ang mga ito ay bahagi na ng lipunan at katotohanang ating

kinabibilangan.

Bilang makabagong lalaki at mga opisyal ng barangay, dapat turuan ang mga

kabarkada, kapamilya, at kabarangay na tanggapin at igalang ang mga nasa

ganitong sitwasyon. Iwasan at pigilan ang pangungutya at diskriminasyon batay

sa kasarian.

PAG-UUGALI AT GAWAING SEKSUWAL (SEXUAL BEHAVIOR)

Madalas na ipinapahayag ang seksuwalidad sa mga gawaing seksuwal katulad

ng pakikipagtalik o pagpapaligaya sa sarili. Ang malusog at masayang

pag-uugali o gawaing seksuwal ay nagpapatatag o nagpapaganda sa relasyon

at nagkapagpapaunlad sa sarili. Sa kabilang banda, ang hindi malusog,

mapanganib at mapang-abusong pagpapahayag ng seksuwalidad ay

ikapapahamak ng isang tao at ng kaniyang katuwang.

Madalas na ipinapahayag ang seksuwalidad sa mga gawaing seksuwal katulad

ng pakikipagtalik o pagpapaligaya sa sarili. Ang malusog at masayang

pag-uugali o gawaing seksuwal ay nagpapatatag o nagpapaganda sa relasyon

at nagkapagpapaunlad sa sarili. Sa kabilang banda, ang hindi malusog,

mapanganib at mapang-abusong pagpapahayag ng seksuwalidad ay

ikapapahamak ng isang tao at ng kaniyang katuwang.

May iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahayag ng seksuwalidad. Ang

pagtatalik (“sex”) ang pangunahing pamamaraan ng pagpapahayag. May iba’t

ibang dahilan kung bakit nakikipagtalik ang tao:

- Para magkaanak;

ICON - Para mapasaya at makamit ang pagnanasang seksuwal; at

- Upang mapaganda ang samahan (intimacy) ng magkatuwang.

Ang relasyong seksuwal ay mahalagang bahagi ng pagsasama ng mag-asawa o

magkatuwang. Dapat ay ginagawa ito nang may paggalang at pagkakasundo

(mutual consent). Sa kawalan ng pagkakasundo ng magkatuwang, ang relasyong

seksuwal ay nagiging mapang-abuso at labag sa batas.

31
Ang pagtatalik ng mag-asawa o magkatuwang ay madalas ginagawa para

magkaanak. Subalit ang pagtatalik ay maaari ding gawin para mapalapit at

mapaganda ang kanilang pagsasama. Kung ayaw pang magkaanak, maaaring

gumamit ng mga pamamaraan para maka-iwas sa pagbubuntis.

Ang pagtatalik ay hindi ganap o natatanging paraan para ipakita o ipahayag

ang pagmamahal. Hindi ito maaaring gawing dahilan para pilitin ang katuwang

upang makipagtalik.

Mahalagang mag-usap ang mag-asawa sa mga bagay tungkol sa kanilang

seksuwalidad upang maging mas maayos ang kanilang pagsasama.

Sa mali at hindi makataong pagpapahayag ng seksuwalidad, may mga

nabibiktima at nasasaktan. Ilan sa mga hindi malusog at labag sa batas na mga

gawaing seksuwal ay ang sumusunod:

Incest– pakikipagtalik sa malapit na kamag-anak. Nakapagdudulot ito ng

masamang epekto sa pagkatao at paglaki ng mga bata at kababaihang

nabibiktima.

Peeping Tom– seksuwal na kasiyahang nakukuha sa pagsilip ng mga pribado

at maselang bahagi ng katawan ng ibang tao, madalas, ng mga babae.

Fetishism– seksuwal na kasiyahan mula sa pag-amoy at pagdikit sa katawan

ng mga bagay na isinusuot o ginagamit ng ibang tao.

Exhibitionist– kasiyahang seksuwal na nakukuha sa pagpapakita sa publiko o

sa ibang tao ng maselang bahagi ng katawan o ng pakikipagtalik sa iba.

Pedophilia– pakikipagtalik sa mga bata.

Sexual abuse– mga pakikipagtalik nang walang pahintulot at paggamit ng

dahas at pananamantala o pang-abuso sa kahinaan at sitwasyon ng biktima.

Ang mga halimbawa ay:

a. Rape– pakikipagtalik nang walang pahintulot ng biktima. Labag ito sa

batas. Kahit ang mag-asawa ay maaaring makasuhan ng rape.

b. Sexual Harrassment– Pagpapahayag ng mga diwa at pagnanasang

seksuwal ng isang nasa posisyon o mataas na katayuan (hal. supervisor,

teacher, officer) sa mga babae o lalaking nasa kaniyang pangangalaga o

pamamahala.

c. Exploitation and Prostitution– pakikipagtalik na may bayad. Madalas ay

dahil sa kahirapan. Ang mga babaeng nabibiktima ay madalas na

naaabuso at napagsasamantalahan.

32
PAGBUOD NG MGA MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD

Mahalagang bahagi ng pagkatao ang seksuwalidad. Dapat itong pagyamanin at

paunlarin upang maging ganap ang pagtanggap at pagkilala ng isang tao sa

kaniyang katauhan.

Maraming gawain, pag-uugali, at asal ng isang tao ang nakasalalay sa

pagtanggap niya sa kaniyang seksuwalidad.

Ang pagkilala at pagtanggap sa seksuwalidad ng isang tao ay makakatulong sa

kaniyang paglago. Ang pamilya at komunidad ay dapat humubog ng isang

lipunang nirerespeto o iginagalang ang seksuwalidad ng bawat tao.

Personal na usapin ang seksuwalidad ngunit may epekto ito sa karelasyon,

pamilya, at lipunan. Kaya nararapat na ang bawat tao ay nagpapahayag ng

kanilang seksuwalidad sa malusog na pamamaraan at may kaukulang

responsabilidad

Tapusin ang sesyon sa pagsabing:

"Bilang asawa at tatay (o lalaki),


mahalagang magsimula sa atin ang
paggalang sa sekswalidad ng mga
nakakasalamuha natin lalo na sa
pagitan ng mag-asawa. Mahalaga ring
magkaroon tayo ng malusog at may
dignidad na pamamaraan sa
pagpapahayag ng sekswalidad. Sa
malusog na paggalang at
pagpapahayag ng sekswalidad maaari
tayong magkaroon ng isang pamilya at
lipunang gumagalang sa karapatan at
pag-unlad ng bawat kasapi nito."

33
Ang pagtatalik ng mag-asawa o magkatuwang ay madalas ginagawa para

magkaanak. Subalit ang pagtatalik ay maaari ding gawin para mapalapit at

mapaganda ang kanilang pagsasama. Kung ayaw pang magkaanak, maaaring

gumamit ng mga pamamaraan para maka-iwas sa pagbubuntis.

Ang pagtatalik ay hindi ganap o natatanging paraan para ipakita o ipahayag

ang pagmamahal. Hindi ito maaaring gawing dahilan para pilitin ang katuwang

upang makipagtalik.

Mahalagang mag-usap ang mag-asawa sa mga bagay tungkol sa kanilang

seksuwalidad upang maging mas maayos ang kanilang pagsasama.

Sa mali at hindi makataong pagpapahayag ng seksuwalidad, may mga

nabibiktima at nasasaktan. Ilan sa mga hindi malusog at labag sa batas na mga

gawaing seksuwal ay ang sumusunod:

Incest– pakikipagtalik sa malapit na kamag-anak. Nakapagdudulot ito ng

masamang epekto sa pagkatao at paglaki ng mga bata at kababaihang

nabibiktima.

Peeping Tom– seksuwal na kasiyahang nakukuha sa pagsilip ng mga pribado

at maselang bahagi ng katawan ng ibang tao, madalas, ng mga babae.

Fetishism– seksuwal na kasiyahan mula sa pag-amoy at pagdikit sa katawan

ng mga bagay na isinusuot o ginagamit ng ibang tao.

Exhibitionist– kasiyahang seksuwal na nakukuha sa pagpapakita sa publiko o

sa ibang tao ng maselang bahagi ng katawan o ng pakikipagtalik sa iba.

Pedophilia– pakikipagtalik sa mga bata.

Sexual abuse– mga pakikipagtalik nang walang pahintulot at paggamit ng

dahas at pananamantala o pang-abuso sa kahinaan at sitwasyon ng biktima.

Ang mga halimbawa ay:

a. Rape– pakikipagtalik nang walang pahintulot ng biktima. Labag ito sa

batas. Kahit ang mag-asawa ay maaaring makasuhan ng rape.

b. Sexual Harrassment– Pagpapahayag ng mga diwa at pagnanasang

seksuwal ng isang nasa posisyon o mataas na katayuan (hal. supervisor,

teacher, officer) sa mga babae o lalaking nasa kaniyang pangangalaga o

pamamahala.

c. Exploitation and Prostitution– pakikipagtalik na may bayad. Madalas ay

dahil sa kahirapan. Ang mga babaeng nabibiktima ay madalas na

naaabuso at napagsasamantalahan.

34
PAGBUOD NG MGA MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD

Mahalagang bahagi ng pagkatao ang seksuwalidad. Dapat itong pagyamanin at

paunlarin upang maging ganap ang pagtanggap at pagkilala ng isang tao sa

kaniyang katauhan.

Maraming gawain, pag-uugali, at asal ng isang tao ang nakasalalay sa

pagtanggap niya sa kaniyang seksuwalidad.

Ang pagkilala at pagtanggap sa seksuwalidad ng isang tao ay makakatulong sa

kaniyang paglago. Ang pamilya at komunidad ay dapat humubog ng isang

lipunang nirerespeto o iginagalang ang seksuwalidad ng bawat tao.

Personal na usapin ang seksuwalidad ngunit may epekto ito sa karelasyon,

pamilya, at lipunan. Kaya nararapat na ang bawat tao ay nagpapahayag ng

kanilang seksuwalidad sa malusog na pamamaraan at may kaukulang

responsabilidad

Tapusin ang sesyon sa pagsabing:

"Bilang asawa at tatay (o lalaki),


mahalagang magsimula sa atin ang
paggalang sa sekswalidad ng mga
nakakasalamuha natin lalo na sa
pagitan ng mag-asawa.Mahalaga ring
magkaroon tayo ng malusog at may
dignidad na pamamaraan sa
pagpapahayag ng sekswalidad. Sa
malusog na paggalang at
pagpapahayag ng sekswalidad maaari
tayong magkaroon ng isang pamilya at
lipunang gumagalang sa karapatan at
pag-unlad ng bawat kasapi nito."

35
PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. “PANGARAL KO SA AKING ANAK” (PAGSASADULA)

1. Sabihin sa kalahok na balikan ang kanilang naunang grupo.

2. Bigyan ang bawat grupo ng papel na nakasulat ang sumusunod:

Para sa Unang Pangkat at Ikalawang Pangkat

Isang araw, lumapit ang iyong lalaking anak na teenager at sinabi sa iyo:

“‘Tay, tinutukso po ako ng mga


kaibigan ko, bakla daw ako kasi hindi
pa ako tuli, hindi pa raw ako ganap na
lalaki. Tama po ba sila?
Anong isasagot mo sa inyong anak?

Para sa Ikatlong Pangkat at Ikaapat na Pangkat

Mayroon kang isang kumpareng madalas mong


makita o nababalitaang nambubugbog ng asawa
at nambababae. Minsan, nagkaroon kayo ng
pagkakataong makapag-usap at naikuwento
niyang gusto na niyang hiwalayan ang kaniyang
asawa dahil ito ay losyang at hindi na raw siya
napapaligaya. Dahil ang asawa ay nakadepende
lámang sa kaniya, madali na lámang daw niya
itong magagawa. Hinihingi niya ang iyong payo
bilang kumpare.

Ano ang ipapayo mo sa iyong kumpare?

36
3. Sabihan ang bawat grupo na isadula (role play) ang sitwasyong nakaatas sa

kanila. Ang kanilang kasagutan sa mga tanong sa bawat sitwasyon (case study)

ay ibabahagi bílang bahagi ng pagsasadula.

4. Iproseso at palalimin ang mga sagot at bigyang-diin ang mga nabanggit na

katangian ng makabagong lalaki.

OPSIYON 2. “SI IDOL”

1. Bigyan ang bawat kalahok ng metacard at pentel pen.

2. Sabihan silang umisip ng isang kilala o sikat na lalaking kanilang iniidolo at

hinahangaan. Isulat sa metacard ang pangalan ng idolong ito.

3. Pagkatapos isulat, hikayatin ang kalahok na ibahagi ang kanilang paliwanag

kung bakit nila itinuturing na idolo ang isinulat sa metacard.

4. Bigyan ng buod ang mga ibinahagi at bigyang-diin ang mga katangian ng isang

tunay na lalaki.

37
38
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Mahalaga ang kalusugan para magampanan ng kalalakihan ang obligasyon at

responsabilidad nila sa pamilya. Dahil dito, ang mga KATROPA ay inaasahang malusog

upang mapangalagaan nila ang kalusugan ng buong pamilya. Sa sesyong ito,

pag-uusapan kung paano magkaroon ng isang malusog na pamumuhay.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang mga pamamaraan at gawain upang mapanatili ang kalusugan ng

kanilang sariling katawan at ng buong pamilya.

2. Ipakita at ibahagi kung paano sila magiging tagasulong ng malusog na

pamumuhay sa kanilang kapamilya, kaibigan, at kabarangay.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. “MAG-EXERCISE TAYO TUWING UMAGA…”

Maghanda at patugtugin ang isang video o

musika habang nag-eehersisyo ang mga kalahok

sa loob nang hindi hihigit sa 10 minuto.

Pagkatapos ng ehersisyo, iproseso ang gawain,

itanong ang sumusunod sa mga kalahok at iugnay

sa talakayan:

Ano ang nararamdaman ninyo ngayon?

Ano ang nagustuhan ninyo sa gawain?

Ano sa tingin ninyo ang maidudulot ng ehersisyo sa ating

kalusugan?

Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan kaya madalang

tayong mag-ehersisyo?

39
OPSIYON 2. “HULI KA!”

1. Sabihan ang mga kalahok na bumuo ng bilog para makapaglaro.

2. Ituro ang tatlong hakbang para sa larong ito:

a.) Itaas ang kanang kamay na nakaturo ang hintuturo;

b.) itaas ang kaliwang kamay na nakasalo; at

c.) ilagay ang hintuturo sa palad ng katabi sa bandang kanan.

3. Sa hudyat ng facilitator, bawat isa ay tatangkaing hulihin ng nakabukas na

kaliwang palad ang daliri ng katabi sa bandang kanan. Layunin ng bawat isa na

hindi mahuli ang kanilang daliri at mahuli nila ang daliri ng katabi sa kaliwa.

4. Ulitin ang laro hanggang sa may makahuli ng hintuturo at kaunti na lámang ang

natitira sa bilog.

5. Maaaring magbigay ng “parusa” (hal. sumayaw, kumanta, atbp.) sa mga

nahuling kalahok.

6. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng sumusonod na tanong?

Ano ang nararamdaman mo ngayon?

Ano ang nagustuhan mo sa gawain?

Ano sa tingin ninyo ang maidudulot ng gawain sa ating kalusugan?

(tumbukin ang sigla ng katawan at isipan)

Bakit mahalaga ang laging masigla at matalas ang isipan? Paano ito

mapananatili?

40
OPSIYON 3. “USAP TAYO!”

1. Imbitahan ang mga kalahok sa isang talakayan.

2. Tanungin ang mga kalahok kung bakit mahirap magkaroon ng malusog na

pamumuhay kahit alam ang kahalagahan nito. Halimbawa: Mahirap itigil ang

paninigarilyo o pag-inom ng alak kahit alam naman nating masama ito sa

kalusugan. At kahit pa may mga batas ukol dito, gaya ng “smoking ban” hindi pa

rin sumusunod ang marami.

Mahirap itigil ang paninigarilyo o


pag-inom ng alak kahit alam naman
nating masama ito sa kalusugan. At
kahit pa may mga batas ukol dito,
gaya ng “smoking ban” hindi pa rin
sumusunod ang marami.

3. Sa talakayan, bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok upang tanungin ang

kanilang sarili kung bakit hindi nila masimulan ang mga hakbang para mapanatili

ang kalusugan. Bigyang-diin na sa sarili pa rin magsisimula ang pagbabago at sa

pagtatalaga na gawin ito.

41
MAHAHALAGANG KAALAMAN

Sa Pilipinas, ang apat sa pinakakaraniwang sakit dulot ng hindi malusog na

pamumuhay ay ang: sakit sa puso (cardiovascular disease), kanser, sakit sa baga

(pulmonary disease), at diabetes.

> Ang mga sakit na ito ay sanhi ng paninigarilyo, pagkakaroon ng hindi

balanseng diet, kawalan ng ehersisyo, at pag-inom ng alak.

> Sa pag-iwas sa mga ito, siguradong mapananatili ang malusog na

pamumuhay at magagawa ang obligasyon sa asawa, mga anak, at

kapaligiran.

Ang sekreto sa malusog na pamumuhay ay pagsasagawa ng maliliit na

pagbabago katulad ng paghakbang o paglakad nang mas madalas o malayo,

pagbawas nang kaunti sa matatabang pagkain, o pag-inom ng maraming tubig.

Maliliit na bagay ang mga ito na maaaring gawin para mamuhay nang malusog

na walang biglaan at mahirap na pagbabago.

Madalas, ang taong hindi naninigarilyo, kumakain ng masustansiyang pagkain, at

nag-eehersisyo ay malusog at nasa katamtamang timbang.

Ang pangangalaga sa kalusugan ay nakasalalay sa pagkakaroon ng “healthy

lifestyle” o malusog na pamumuhay.

ANO ANG HEALTHY LIFESTYLE O MALUSOG NA PAMUMUHAY?

Ito ay pamamaraan, pag-uugali, at pang-araw-araw na

gawaing nagpapalaganap ng kalusugan sa kaisipan, sa

buong katawan, at pagkatao. Kasama dito ang pagiging

aktibo, pagkain ng masustansiyang pagkain, at pag-iwas sa

mga gawain at bagay na ikasasama ng kalusugan.

Bakit mahalaga ang “healthy lifestyle?”

> Pinipigilan nito ang malalang sakit tulad ng sakit sa

puso, diabetes, at kanser.

> Pinipigilan rin nito ang mga sakit sa baga.

> Pinipigilin nito ang maagang pagkamatay.

42
PAANO MAMUMUHAY NANG MALUSOG
Kumain nang sapat at masustansiyang pagkain araw-araw

Dagdagan ang pagkain ng mga talbos ng gulay (kamote, kangkong, saluyot,

malunggay, alugbati) at mga dilaw na gulay (katulad ng kalabasa)

Kumain ng mga prutas araw-araw (mga 400 grams)

Kumain ng mga pagkaing mababa sa taba (fat) at kolesterol gaya ng karne

Katamtamang kain ng matamis at maalat

Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium at iron

Bawasan ang pagkain ng prito at pagkain sa “fast food restaurant”

BALANSEHIN ANG LAKAS/ENERHIYA AT PAGKAIN AT


MAGKAROON NG SAPAT NA PAHINGA

Ang pagkain ay nagiging enerhiya sa katawan na siyang nagpapagana dito. Dapat

balanse ang enerhiyang nakukuha sa pagkain at sa enerhiyang nailalabas sa mga

pisikal na gawain ng tao.

> Kapag mas marami ang pagkain kompara sa enerhiyang nagagamit sa iba’t

ibang gawain, madadagdagan ang timbang;

> Kapag mas marami ang enerhiyang nagagamit sa mga pisikal na gawain,

mababawasan ang timbang.

Magkaroon ng sapat at may kalidad na tulog para

mapahinga ang katawan at isipan. Nakatutulong ito

sa mabuting pagdedesisyon. Makaiiwas din sa

aksidente kapag maayos ang tulog (halimbawa: sa

pagmamaneho).

> Inirerekomenda ng mga doktor na magkaroon ng

7-8 oras na tulog ang táong edad 18 pataas.

Kapag nakulangan ka ng 2 oras na tulog sa gabi-

gabi sa loob ng isang buong linggo, may “sleep

debt” (utang) ka na 14 oras. Ito ang kailangang

bawiin ng katawan.

43
MAG-EHERSISYO NANG MADALAS

Ang paggalaw o pisikal na gawain at pagkilos ng katawan katulad ng paglalakad,

paglalaba, paglilinis, at iba pa ay nagpapatatag ng resistensiya at nagpapanatili ng

kalususagan.

Ang ehersisyong mas mabigat at mas paulit-ulit ay nagdudulot ng:

> Pagkabawas sa pagkakasakit at komplikasyon sa sakit;

> Masaya at masiglang pakiramdam;

> Magandang daloy ng dugo at nagpapanatili ng “muscles;”

> Higit na tiwala sa sarili at nagbabawas ng “stress.”

Para maging mabisa ang pag-eehersisyo, kailangang:

a.) madalas (kung maaari ay tatlo hanggang limang beses kada linggo at

tatagal nang 20-30 minuto kada araw (DOST Food and Nutrition Research

Institute

b.) katamtamang hirap o mabigat gawin, at

c.) katamtamang haba o tagal ng pag-eehersisyo.

Kailangang kumonsulta sa doktor bago magsagawa ng mabibigat na ehersisyo o

kung may nararamdamang kakaiba tuwing nag-eehersisyo.

IWASAN ANG PANINIGARILYO

Ang paninigarilyo ay nakapagpapalala o nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa baga at

paghinga, sakit sa puso, kanser, at iba pa. Mga 110,000 na Pinoy ang namamatay taon-

taon dahil sa mga sakit dulot ng paninigarilyo.

May kinalaman din ang paninigarilyo sa pagkabaog o kawalan ng kakayahang manganak.

Masama rin ito sa buntis.

Nakaapekto ang paninigarilyo sa ating mga mahal sa búhay dahil maaari silang

magkasakit (gaya ng tuberculosis) dahil sa “second-hand smoke” o usok na ibinubuga ng

naninigarilyo na nalalanghap nila. May “third-hand smoke” din o usok na naiiwan sa damit

o sa mga bagay na nabugahan ng usok mula sa sigarilyo.

44
TANDAAN:

Kung hindi talaga mapigilan, huwag


manigarilyo sa tabi ng mga mahal
sa búhay o kakilala lalo na sa mga
bata.

ANO-ANO ANG SANGKAP NG SIGARILYO?

May 7,000 kemikal ang sigarilyo. Pitumpu sa mga kemikal na ito ay nagdudulot

ng kanser.

Isa sa mga nakamamatay na kemikal ng sigarilyo ay ang NICOTINE. Ito ang

nagsisilbing “pesticide” na pamatay ng insekto at hayop sa planta ng tabako.

May cadmium at lead din ito, heavy metal na nasisipsip kapag nanigarilyo. May

formaldehyde din ito. Ito ay ginagamit sa pagpreserba sa patay na hayop o tao.

May arsenic din ito na ginagamit na pamatay ng daga. (FDA)

Ang iba pang sangkap nito ay ang sumusunod (Source:

http://www.quitsmokingsupport.com/whatsinit.htm):

> Ammonia: Household cleaner

> Arsenic: Used in rat poisons

> Benzene: Used in making dyes, synthetic rubber

> Butane: Gas; used in lighter fluid

> Carbon monoxide: Poisonous gas

> Cadmium: Used in batteries

> Cyanide: Deadly poison

> DDT: A banned insecticide

45
> Lead: Poisonous in high doses

> Formaldehyde: Used to preserve dead specimens

> Methoprene: Insecticide

> Megastigmatrienone: Chemical naturally found in grapefruit juice

> Maltitol: Sweetener for diabetics

> Napthalene: Ingredient in mothballs

> Polonium: Cancer-causing radioactive element

Ayon sa Philippine Global Adult Tobacco Survey (2015) ng Philippine Statistics

Authority, 23.8% ng populasyon edad 15 pataas ay naninigarilyo. Ayaw nating

madamay ang ating mga anak kaya gusto nating maging modelo sa kanila.

Ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakababawas sa dalang panganib nito sa

kalusugan. Anumang oras na huminto sa paninigarilyo, ang panganib ay

nababawasan. Pagkatapos ng sampung taóng hindi paninigarilyo, ang panganib

sa kalusugan ay katulad na lámang sa level ng hindi naninigarilyo.

Mga kabutihang maidudulot ng paghinto sa paninigarilyo:

> Mababawasan nang mga 15% ang banta o sanhi ng kamatayan sa mga heavy

smoker o malalakas manigarilyo.

> Ang panganib ng kanser sa baga ay mas mababa nang 30-50% kompara sa

patuloy na naninigarilyo pagkatapos ng mga sampung taóng pagtigil ng

paninigarilyo.

Mga dapat tandaan tungkol sa paninigarilyo:

> Kung hindi pa nasimulan, huwag nang subukan.

> Kung hindi madalas manigarilyo, tigilan na ngayon bago malulong nang husto.

> Kung madalas manigarilyo, ang pagtigil ay nakababawas ng panganib sa

kalusugan.

46
> Ilan sa mga bagay na dapat tandaan para mahikayat ang tao na huminto sa

paninigarilyo at sa pagkakaroon ng smoke-free environment.

- ADVISING smokers to quit

ASSISTING by providing information,


-
referring to smoking cessation programs of

DOH

-
ARRANGING follow-up to prevent relapse

> Tatlo sa pinakamahalagang batas ukol sa

paninigarilyo ay ang “Smoking Ban” o “Smoke-

free places,” Sin Tax, at Graphic Health

Warning Law.

IWASAN ANG PAG-INOM NG ALAK (UMINOM NANG KATAMTAMAN)

Ang pag-inom ng alkohol o alak ay may epekto hindi lang sa kalusugan ng isang

tao kundi maging sa kaniyang kapuwa. Nagdudulot ito ng gulo, pinsala na dulot

ng aksidente, o away.

> Uminom nang katamtaman lámang:

- 1 ½ oz distilled beverage (e.g., gin)

- 12 oz or 1 bottle beer

- 4 oz or ½ glass wine

- 1 oz or 1 jigger of 100 proof whiskey

Paano nakasasama ang pag-inom ng alak?

Ang pag-inom ng alak ay nauugnay sa 60 uri ng

sakit ayon sa World Health Organization (WHO) at

Department of Health (DOH) tulad ng:

- Pagkasira sa utak;

- Mga kanser (hal. kanser sa atay);

- Paghina ng resistensiya

47
Iniuugnay din ang pag-inom ng alak sa mga “high-risk behaviors” o mapanganib na

pag-uugali o gawain katulad ng:

- Hindi ligtas na pakikipagtalik na maaaring magresulta sa hindi inaasahang

pagbubuntis o pagkahawa sa sakit (hal. sexually transmitted infection)

- Paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot

- Karahasan at pang-aabuso

IWASAN ANG STRESS

Ugaliing mag-ehersisyo at mag-relax;

Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay kahit sa gitna ng problema;

Iwasan ang mga nakaka-stress na sitwasyon o gawin ang mga bagay na

nakapagpapagaan ng damdamin o nakapagpapasaya;

Matutong pamahalaan ang oras;

Magkuwento o maglabas ng damdamin sa taong iyong mapagkakatiwalaan.

PAG-IWAS NG PAGGAMIT NG BAWAL NA GAMOT O DROGA

Mga dahilan o sanhi ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot o droga:

> Problema sa pamilya

> Kakulangan ng atensiyon at pagmamahal buhat sa pamilya

> Kakulangan sa kaalaman tungkol sa masamang naidudulot ng droga

> Pagkabigo at walang kumpiyansa sa sarili

> Masamang impluwensiya at udyok ng kabarkada at kaibigan

> Tambay, walang trabaho, at mapaglilibangan

> Malayang paggamit at pagkuha (access) sa droga

48
Mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot o droga

> Maaaring magdulot ng problema sa relasyon

ng mag-asawa at pamilya

> Problema sa pera, trabaho, o hanapbuhay

> Pag-aabuso at pagpapabaya sa anak at

responsibilidad sa pamilya

> Maaaring magdulot ng aksidente at

pagkakulong dulot ng kawalan ng kontrol sa

sarili

> Mapababayaan ang kalusugan na maaaring

humantong sa pagkakasakit o karamdaman

(pisikal o mental)

> Maaaring magdulot ng depresyon

MAGANDANG DULOT NG MALUSOG NA PAMUMUHAY

Sa sarili

Mas mataas na pagtingin at pagtanggap sa sarili (self-image and self-


>
acceptance)

>
Nakaiiwas sa stress/depresyon na maaaring magdulot ng sakit o karamdaman

> Napapabuti ang proseso sa pag-iisip at pagdedesisyon

> Mas produktibo sa trabaho at hanapbuhay

Sa Pamilya

> Mas maayos ang pagsasama at relasyon ng pamilya

>
Mas nabibigyan ng atensiyon ang mga anak at asawa

> Naibibigay at naipadadama ang kaukulang pagmamahal at pagkalinga sa pamilya

49
PANGWAKAS NA GAWAIN

Mahalaga ang kalusugan para magampanan ng kalalakihan ang obligasyon at

responsabilidad nila sa pamilya. Dahil dito, ang mga KATROPA ay inaasahang malusog

upang mapangalagaan nila ang kalusugan ng buong pamilya. Sa sesyong ito,

pag-uusapan kung paano magkaroon ng isang malusog na pamumuhay.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang mga pamamaraan at gawain upang mapanatili ang kalusugan ng

kanilang sariling katawan at ng buong pamilya

2. Ipakita at ibahagi kung paano sila magiging tagasulong ng malusog na

pamumuhay sa kanilang kapamilya, kaibigan, at kabarangay.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. ANG PAYO NG BARANGAY

1. Bumuo ng apat na grupo mula sa mga kalahok.

2. Sabihin sa mga kalahok ang sumusunod na patakaran:

Gusto ni Kapitan na ipalaganap ang malusog na pamumuhay o healthy

lifestyle sa kalalakihan. Tinawag niya ang grupo ninyo para gumawa ng isang

kampanya para dito. Binigyan niya kayo ng limang minuto para magplano

kung paano ninyo ito gagawin.

Base dito, gumawa ng isang kampanya sa pamamagitan ng sayaw, poster,

kanta, pagsasadula, at iba pang pamamaraan para iparating ang

mahahalagang mensahe ng healthy lifestyle.

Ang inyong kampanya ay dapat nagpapahiwatig ng mahahalagang mensahe

ng healthy lifestyle base sa nabanggit sa sesyon.

Bawat grupo ay may 3 minuto para ipakita ang kanilang nagawang

kampanya.

50
3. Iproseso ang gawain sa pangwakas na mensahe:

Ang kalusugan natin bilang lalaki ay mahalagang


panatilihin para magampanan natin ang ating
tungkulin sa pamilya. Kapag tayo ay may sakit, hindi
lang tayo magiging pabigat, mahihirapan din tayong
itaguyod ang kapakanan ng bawat miyembro ng
ating pamilya. Kaya kahit sa maliliit na pagbabago
sa ating pamumuhay, magdudulot ang mga ito ng
malaking kaginhawaan sa kalusugan ng pamilya.

51
52
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Karapatan ng bawat isa ang bumuo ng kanilang pamilya. Subalit hindi ito biro dahil

kaakibat nito ang responsabilidad at obligasyon na kailangang gampanan habambuhay.

Kaya mula sa pagbuo ng pamilya at habang ito ay itinataguyod, kailangan ng masusing

pagpaplano lalo na sa bílang at agwat ng panganganak ayon sa kakayahahang

mabigyan ng magandang búhay ang bawat kasapi ng pamilya. Tatalakayin sa sesyong

ito ang mga kailangang pag-isipan sa pagtataguyod at pagpaplano ng pamilya.

LAYUNIN NG SESYON NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang kanilang karanasan at kaalaman sa mga maaaring benepisyo o

kahalagahan ng pagpaplano ng pamillya; at

2. Ibahagi ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpaplano ng

pamilya.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. PINAKAMATAAS NA TORE (TOWER)

1. Bumuo ng tatlong grupo mula sa mga kalahok.

2. Maghanda at bigyan ng tig-iisang supot ng drinking straw ang bawat grupo.

3. Sabihan ang mga grupo na bumuo o magtayo ng pinakamataas na tore o tower

gamit ang mga drinking straw sa loob ng sampung (10) minuto.

Bigyan sila ng isang (1) minuto para mag-usap o magplano. Pagkatapos ng


4.
pagpaplano, pagbawalan ang mga kalahok na magsalita habang gumagawa.

Itanghal na panalo ang grupo na may pinakamataas na nagawang tore na hindi


5.
natutumba o nagigiba sa loob ng isang minuto.

53
6. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sagot at

karanasan nila sa sumusunod na tanong:

Paano kayo nagplano ng inyong ginawa? Ano ang mga naobserbahan ninyo

habang nagpaplano? Nagkaroon ba ng pagkakaintindihan sa pagpaplano?

Ano ang inyong naobserbahan habang nagtatayo kayo ng tore? Naisagawa

ba ninyo ang inyong plano? Anong mga bagay ang nakatulong sa inyo at ano

naman ang nakasagabal?

Ano ang mga aral sa pagpaplano na mapupulot natin sa ginawa? Paano

natin ito iuugnay sa pagpaplano ng pamilya? Bakit mahalaga ang

pagpaplano ng pamilya?

7. Itala ang mga ibinahaging aral at iugnay ito sa pagtalakay ng mahahalagang

kaalaman.

OPSIYON 2. ANG PANGARAP KO PARA SA AKING PAMILYA

1. Bigyan ng bond paper, pangkulay (hal., crayons), lapis, at

maliliit na markers (iba’t ibang kulay) ang bawat kalahok.

2. Sabihan silang gumuhit, isulat o ilarawan ang mga

pangarap nila sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng

pagsagot sa tanong: “Paano ninyo ilalarawan ang iyong

pamilya dalawampung (20) taon mula ngayon?”

3. Hikayatin ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang mga

pangarap para sa kanilang pamilya.

4. Iproseso ang mga naibahagi sa pamamagitan ng

sumusunod na tanong at i-ugnay ito sa pagtalakay sa

mahahalagang kaalaman:

Ano ang inyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain?

Sa kasalukuyan, nasaan kayo sa inyong pangarap sa inyong pamilya

(hal., malapit o malayo pang matupad)?

Gaano kalaking pamilya (o ilang anak) ang inyong pangarap?

Ano-ano ang kailangan ninyong gawin para matupad ang pangarap ninyo

para sa inyong pamilya? Sa tingin ninyo, kaya pa ba ninyo ang isa pang anak o

kailan ang balak ninyong madagdagan ang inyong anak?

54
OPSIYON 3. KUNG NAGPLANO LANG SILA

1. Mag-download at magpalabas ng video o infomercial tungkol sa family planning.

Maaari ding magpakita ng mga larawan ng dalawang pamilya – isang pamilya na

maraming anak at naghihirap at isang pamilyang 2-3 ang anak na may maayos o

magandang búhay.

2. Iproseso ang panonood sa pamamagitan ng sumusunod na tanong at iugnay ang

mga sagot sa pagtalakay ng mahahalagang kaalaman.

Ano-ano ang inyong napanood sa video o nakita sa larawan?

Ano ang inyong nararamdaman habang pinapanood ninyo ang video o

pinagmamasdan ang larawan?

Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng video/infomercial o larawan?

Ano para sa inyo ang family planning at bakit ito mahalaga? Ano ang

kahalagahan nito sa pagiging responsableng magulang?

Ano-ano ang pamamaraan ng family planning na inyong nalalaman?

MAHAHALAGANG KAALAMAN

Ang pagtatag at pagtataguyod ng isang pamilya base sa pagiging

responsableng magulang ay isang karapatang pinoprotektahan at isinusulong

ng konstitusyon. Ang pagbuo ng pamilya ay isang karapatan na may kaakibat

na responsabilidad lalo na ang pagbibigay ng kakayahan sa bawat kasapi na

magkaroon ng matatag na kalagayan ngayon at sa hinaharap.

ANO ANG FAMILY PLANNING O PAGPLANO NG PAMILYA?

Ito ay ang pagtiyak sa kakayahan ng magkatuwang na magplano at

magkaroon ng ninanais na bílang at tamang pag-aagwat ng anak alinsunod

sa pagiging responsableng magulang.

55
Ang responsableng pagmamagulang ay ang kagustuhan at kakayahang

maibigay ang iba’t ibang pangangailangan ng bawat kasapi ng pamilya

tungo sa kanilang kalusugan, kasanayan, karangyaan at kabuoan at patuloy

na kaunlaran at kapakanan ng buong pamilya. Nangangailangan ito ng

kahandaan at kakayahang gampanan ang mga responsabilidad at obligasyon

sa pagtiyak ng isang malusog, panatag, maunlad, at maginhawang pamilya.

Ang pagpaplano ng pamilya ay isang bahagi ng pagiging responsableng

magulang.

Ayon sa kanilang kasalukuyang kalagayan at kakayahan, nag-uusap at

magkasamang nagpapasiya ang magkatuwang kung kailan nila gustong

magkaanak, mag-agwat, at permanenteng itigil ang pagbubuntis o

panganganak.

> Ang tamang pag-agwat ay tatlo hanggang limang (3-5) taóng


pagitan. Ito ay upang makapagpahinga at mabawi nang husto ng ina ang
kaniyang kalusugan at lakas; at upang magkaroon ng pagkakataon ang

mag-asawa na palakihin at alagaan nang mabuti ang kanilang

kapapanganak na anak.

> Kapag nagpasiya na ang magkatuwang kung kailan, ilan, at ilang taóng

agwat ang kanilang mga anak, nagpapasiya silang gumamit ng mga ligtas,

mabisa, at maaasahang paraan ng pagpaplano.

> Ang pagpaplano ng pamilya ay hindi lámang tungkol sa pamamaraan o sa

mga kontraseptibo. Tungkol din ito sa kagustuhan at kakayahan ng

mag-asawang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya

sa pamamagitan ng tamang bílang ng anak base sa kanilang kahandaan

at kakayahang pinansiyal, emosyonal, sosyal, at espiritwal. Ang

kontraseptibo ay mga pamamaraan lámang sa pagtugon sa mithiing ito.

MGA MAAARING BENEPISYO NG FAMILY PLANNING O


PAGPLANO NG PAMILYA

Sa mag-asawa o magkatuwang:

Mas maraming panahon ang mag-asawa upang i-enjoy ang kanilang

pagsasama at mapag-usapan kung paano pa ito mapagaganda.

Sa tamang bílang ng anak, mas makapag-iipon ang mag-asawa at

makapag-i-invest sila para sa ikakaunlad ng kanilang pamilya. Sa gayon, mas

maibibigay nila ang mga pangangailangan ng pamilya.

56
Sa ina

Sa tamang agwat at bílang ng anak, magkakaroon ng

panahon at kakayahang maibalik ng ina ang kaniyang lakas

at kalusugan.

May sapat siyang panahon para:

> maalagaan ang anak at pangalagaan ang sarili;

> maging mas produktibo sa pagsasagawa ng kaniyang

propesyon o hanapbuhay;

> makapag-aral o makapagsanay para sa ikauunlad ng

kaniyang sarili o propesyon/hanapbuhay

> maisagawa ang kaniyang kinalilibangang gawain;

> makilahok sa mga makabuluhang gawain sa kaniyang

komunidad na kinabibilangan.

Sa ama/tatay

Sa tamang agwat at bílang ng anak, magkakaroon ng

panahon at kakayahang maibalik ng ina ang kaniyang lakas at

kalusugan.

> May sapat siyang panahon para sa:

> Sa tamang bílang ng anak, hindi mahihirapan ang ama

(at/o ina) na maghanapbuhay.

> Makatutulong nang husto ang tatay sa mga gawaing-

bahay at sa pag-aaruga at pagpapalaki ng mga bata;

> Napauunlad nito ang samahan nilang mag-asawa o

magkatuwang sa pagkakaroon ng mas mahabang

> panahon upang makapag-usap at makagawa ng mga

bagay nang magkasama.

Pagkakaroon ng panahon para sa tatay na gumawa ng

mga bagay na ikakaunlad niya katulad ng pagsali sa mga

gawain sa komunidad.

57
Sa mga bata at anak

Nagiging mas malusog, edukado, aktibo, at kapaki-pakinabang ang mga anak

dahil higit na natutugunan ang kanilang pangangailangan.

Nagkakaroon ng mas kalidad na pangangalaga, pakikipag-usap, at paggabay

ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Sa lipunan o pamayanan

Ang plinanong pamilya ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan

dahil sa kakayahan nitong matugunan ang sariling pangangailangan nang

hindi umaasa sa gobyerno. Bagkus ay nakakaambag sila sa ikakaunlad nito sa

pamamagitan ng kanilang pakikilahok sa gawain at yaman ng pamahalaan.

Kapag naiplano nang maayos ang bawat pamilya at mas kaunti ang

nakasalalay sa pamahalaan para sa kanilang pangangailangan, higit na

maraming pondo ang nailalaan para sa de-kalidad na serbisyo sa kalusugan,

edukasyon, pagsasanay, kapayapaan, at pagpapatayo ng mga imprastraktura

na tumutulong sa mga tao upang lalong mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Kapag plinano ang mga pamilya, nagiging mas malusog, matatag, mapayapa,

at maunlad ang buong sambayanan.

IBA’T IBANG MODERNO AT MABISANG PAMAMARAAN


NG PAGPAPLANO NG PAMILYA

Ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpaplano ng pamilya ay nangangailangan

ng pagsangguni at sapat na impormasyon mula sa nakapagsanay at propesyonal na

health service provider (hal., nars, kumadrona, at doktor). Ito ay upang matiyak ang

kaligtasan ng mga kliyente at malaman nila ang mga inaasahang side effects at mga

dapat tandaan sa paggamit nito.

58
MGA ARTIPISYAL AT PANSAMANTALANG PAMAMARAAN

Pills

- Araw-araw itong iniinom ng babae

para mapigilan ang obulasyon o

paglabas ng itlog mula sa obaryo.

- Maaari itong itigil anumang oras na

gustong magkaanak.

Injectables

- Iniineksiyon kada (3) buwan (para sa o

Depo-Provera DMPA) o dalawang (2)

buwan upang pigilan ang obulasyon o

paglabas ng itlog.

- Maaaring itigil anumang oras na gusto

nang magkaanak.

Condom

- Ito ay latex rubber na isinusuot sa ari

ng lalaki bago makipagtalik upang

mapigilan ang pagdaloy ng sperm sa

ari ng babae. Napipigilan rin nito

pagkaimpeksiyon mula sa sakit na

nakukuha sa pakikipagtalik

59
Lactational Ammenorhea Method
(LAM)
- Pagpapasuso ng ina sa sanggol anim

na buwan pagkapanganak. Pinipigilan

ng pagsuso ng bata ang obulasyon.

- Maaari itong gamitin sa pagplano ng

pamilya kung ang ina ay:

> hindi pa bumabalik ang regla;

> tanging gatas ng ina ang ipinaiinom

sa bata; at

> wala pang anim na buwan ang

sanggol.

Billings ovulation method (BOM)


- Ito ay ang pag-obserba sa uri ng mucus

na lumalabas sa babae. Kapag

madulas at mapusyaw ang mucus,

nangangahulugan itong fertile o

maaaring mabuntis ang babae.

Basal body temperature (BBT) method

- Ito ang pagkuha ng temperatura ng

babae pagkatapos ng di-bababa sa

tatlong (3) oras na tuloy-tuloy na tulog.

Tumataas ang temperatura ng babae

kung siya ay fertile. Mananatili itong

mataas hanggang sa susunod na

pagreregla dahil sa pagtaas ng level

ng progesterone.

60
Sympto-thermal method (STM)

- Ito ay ang pag-obserba sa pinagsamang

cervical mucus, basal body temperature,

and iba pang senyales ng obulasyon

(hal., paglaki ng suso at pagkirot ng

puson ng babae).

Standard days method (SDM)

- Ito ang paggamit ng “cycle beads”

para malaman kung kailan fertile ang

babae. Sa mga babaeng nireregla

tuwing 26-32 araw, iniiwasan ang

pagtatalik sa ika-8 hanggang ika-19 na

araw ng siklo ng pagreregla para hindi

siya mabuntis.

61
MGA PERMANENTENG PAMAMARAAN

Angkop ang mga ito sa mga mag-asawang ayaw nang magkaanak. Kaya kailangang

mag-usap at sabay na magdesisyon ang mag-asawa sapagkat hindi na ito maaaring

maibalik pagtapos na maisagawa.

Bilateral tubal ligation (BTL) or


female sterilization

- Ito ay ang pagputol at pagtali sa

anurang-itlog (fallopian tubes) ng

babae na siyang nagdadala ng itlog

mula sa obaryo papuntang matris

upang hindi na magtagpo ang punlay

(sperm) ng lalaki at walang

pagbubuntis na magaganap.

Vasectomy (non-scalpel vasectomy or NSV)

- Ito ang pagputol at pagtali ng anurang-

punlay o vas deferens ng lalaki na

dinadaan ng punlay (sperm). Madali

itong isagawa (isang maliit na butas

lámang ang ginagawa). Hindi ito

nakaaapekto sa pakikipagtalik kay misis

at sa pagkalalaki ni mister.

62
MGA PAPEL NG KALALAKIHAN SA PAGPAPLANO NG PAMILYA

Karamihan sa mga desisyon at kagustuhan ng kalalakihan sa bílang at agwat ng

anak ay may epekto sa pagbubuntis ng asawa. Halimbawa, dahil sa kagustuhan

ng kalalakihan ng mas maraming anak, napipilitan ang kababaihang katuwang

nila na pagbigyan sila sa takot o sa pagnanais na masunod ang kanilang asawa.

> Madalas, ang babae ang gumagamit ng family planning methods. Hindi

sumasama ang lalaki sa pagkuha ng impormasyon sa family planning kaya

hindi sila gumagamit nito.

Upang matiyak ang maayos na pagpaplano ng pamilya, ang mga katuwang na

lalaki ay maaaring:

> Makipag-usap sa asawa kung ilan ang gustong anak at kung kailan ang

susunod. Respetuhin ang desisyon ng asawa kung nagpasiyang limitahan o

itigil na ang panganganak dahil siya ay nahihirapan. Kung sakali mang

pumayag pa ang asawang dagdagan pa ang anak, dapat isinasaalang-

alang ang kanilang kakayahang mabigyan ito ng magandang kinabukasan.

Laging tanungin “kaya pa ba natin ang isa pa?”

> Laging makibahagi sa pag-aaruga ng mga anak upang matiyak ang

kanilang kalusugan at maayos na paglaki. Sa ganitong paraan,

nararamdaman ng asawang lalaki ang hirap at mga tungkulin sa

pagpapalaki ng anak na siyang magiging basehan niya ng pagdedesisyon

kung gusto pa nilang magkaanak muli.

> Maaaring gumamit ng condom at vasectomy ang lalaki bilang paraan sa

pagplano ng pamilya.

> Maaaring maging modelo o huwaran ang lalaking nag-family planning sa

kaniyang mga katropa o kabarkada.

63
PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. MAGPLANO KA, PAREKOY!

1. Bumuo ng apat na grupo mula sa mga kalahok.

2. Sabihan ang bawat grupo na isadula (role play) ang sumusunod:

PARA SA UNANG PANGKAT

Isang araw, naimbitahan kayo ng grupo ng mga


tambay na uminom. Sa pakikisama, nakiupo at
nakipagkuwentuhan kayo sa kanila. Nalaman
ninyong isa sa mga kainuman ninyo ay buntis na
naman ang asawa sa kaniyang pang-apat na anak.
Alam ninyong walang permanenteng trabaho at
pinagkakakitaan ang lalaking ito. Ano ang maaari
ninyong ipayo sa lalaking ito?

PARA SA IKALAWANG PANGKAT

Isang araw, may pumuntang lalaki sa inyong


opisina at humihingi ng tulong para sa may
sakit niyang anak. Nalaman ninyong
nahihirapan siya sa pamumuhay pero
mayroon siyang limang anak. Ano ang maaari
ninyong ipayo sa lalaking humihingi ng
tulong?

64
PARA SA IKATLONG PANGKAT

Naimbitahan kayong maging ninong sa


isang kasalan. Sa gitna ng handaan,
naimbitan kayong magbigay ng payo sa
bagong mag-asawa? Ano ang maibibigay
ninyong payo sa kanila tungkol sa
pagpaplano ng pamilya?

PARA SA IKAAPAT NA PANGKAT

Bilang Chairperson ng Committee on Family, Women


and Children sa inyong barangay, ipinatawag ka ni
Kapitan para bigyan siya ng payo hinggil sa isyu ng
pagdami ng populasyon sa inyong barangay. Alam mong
maraming anak ang mga pamilya sa inyong barangay at
karamihan ay hindi nagpa- family planning. Alam mo
ring hindi pabor si Kapitan sa family planning dahil sa
kaniyang relihiyon. Ano ang sasabihin mo kay Kapitan
para makumbinsi siyang pumayag na magkaroon ng
family planning program sa inyong barangay?

1. Sabihan ang bawat grupo na isadula (role play) ang sitwasyong nakaatas sa

kanila. Ang mga sagot nila sa mga tanong sa bawat sitwasyon (case study) ay

ibabahagi bilang parte ng pagsasadula.

2. Iproseso ang kanilang mga gawain at bigyang-diin ang mga pangunahing

mensaheng natalakay sa sesyon.

65
66
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Ang matibay at matatag na samahan ng mag-asawa o magkatuwang ang pundasyon

ng isang panatag at masayang pamilya. Bilang katuwang, kailangan ng kalalakihang

patuloy na pagyamanin ang kanilang samahan. Tatalakayin ng sesyong ito kung paano

mapagaganda at mapananatiling masaya ang samahan ng mag-asawa o

magkatuwang.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang mga pamamaraan, gawain, at tungkulin ng kalalakihan upang lalo

pang mapanatili ang magandang samahan nilang mag-asawa o magkatuwang

Ibahagi ang kanilang karanasan at ginagawa upang maging matatag ang


2.
pagsasama nila ng kaniyang asawa o katuwang.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

1. Sabihin ang mga pambungad na pananalita:

ang pagsasama
Katulad ng isang masarap na pagkain,
angang kumpleto
ng mag-asawa o magkatuwang ay kail
gkap.
ang sahog at tama ang sukat ng mga san

2. Tanungin ang bawat kalahok kung anong lutong Pinoy ang maaaring ihalintulad

sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Hikayatin ang mga kalahok na

ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pagsasama.

67
3. Iproseso ang gawain at simulan ang talakayan sa pamamagitan ng sumusunod

na katanungan:

ng naibahagi
Katulad ng masasarap na pagkain na inyo
ang sangkap ng
at mula sa inyong karanasan, ano-ano
mag-asawa o
isang masaya at matatag na samahang
magkatuwang?

4. Itala o isulat ang mga naibahaging karanasan at gawin itong basehan o

halimbawa sa pagtalakay ng mahahalagang kaalaman. Bigyang-diin ang mga

hindi nabanggit ng mga kalahok.

OPSIYON 2. MASAYANG PAGSASAMA

1. Mag-download o kumuha ng video o audio-visual material mula sa internet

tungkol sa masayang pagsasama ng mag-asawa o magkatuwang. Ipanood sa

mga kalahok.

2. Iproseso ang napanood na video o audio-visual material sa pamamagitan ng

sumusunod na tanong:

a. Paano ninyo mailalarawan ang samahan ng mag-asawa sa video? Bakit

ninyo nasabi ito?

b. Ano ang nararamdaman ninyo sa inyong napanood?

c. Base sa inyong karanasan, ano-ano ang sangkap ng isang masaya at

matatag na samahan ng mag-asawa o magkatuwang?

3. Itala o isulat ang mga naibahaging karanasan at gawin itong basehan o

halimbawa sa pagtalakay ng mahahalagang kaalaman. Bigyang-diin ang mga

hindi nabanggit ng mga kalahok.

4. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng sumusunod na salita:

68
Bilang lalaki, mayroon tayong malaking papel na
ginagampanan sa pagpapatatag ng samahan natin ng
ating asawa o katuwang. May mga ginagawa tayo na sa
tingin natin ay tanggap ng lipunan bilang lalaking
asawa pero minsan ay nakasasakit at nakasisira ito sa
pagsasama. Sa sesyong ito, pag-uusapan at palalalimin
natin , ang mga sangkap ng maganda at matatag na
pagsasama sa pamamagitan ng inyong karanasan .

OPSIYON 3. LOVE STORY

1. Hikayatin ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang “love story” o kuwentong

pag-ibig sa pamamagitan ng tanong:

a. Paano nabuo ang pagsasama o pag-iibigan ninyong mag-asawa o mag-

partner? Paano kayo nagkakilala?

b. Ano ang pinakagusto o pinakamamahal mong katangian ng iyong asawa o

katuwang?

2. Iproseso ang mga ibinahagi at simulan ang talakayan sa pamamagitan ng

sumusunod na tanong:

a. Paano nabuo ang pagsasama o pag-iibigan ninyong mag-asawa o mag-

partner? Paano kayo nagkakilala?

b. Ano ang pinakagusto o pinakamamahal mong katangian ng iyong asawa o

katuwang?

ng naibahagi
Katulad ng masasarap na pagkain na inyo
ang sangkap ng
at mula sa inyong karanasan, ano-ano
mag-asawa o
isang masaya at matatag na samahang
magkatuwang?

69
3. Itala o isulat ang mga naibahaging karanasan at gawin itong basehan o

halimbawa sa pagtalakay ng mahahalagang kaalaman. Bigyang-diin ang mga

hindi nabanggit ng mga kalahok.

OPSIYON 4. WIKA NG PAGMAMAHAL (LANGUAGE OF LOVE)

1. Ipakilala ang gawain sa pamamagitan ng sumusunod na mensahe:

Ang matatag na pagsasama ng


magkatuwang ay nangangailangan ng
komunikasyon o palaging pag-uusap.
Mahalagang naipahihiwatig ng bawat
isa ang kanilang pagmamahal sa
pamamaraang naiintindihan upang
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Paano ninyo ipinahihiwatig ang


pagmamahal sa inyong katuwang?
Paano ninyo gustong ipahiwatig ng
inyong katuwang ang pagmamahal sa
iyo?

70
Ihanda at ipamigay sa bawat kalahok ang Questionnaire sa ANNEX D. Hayaan

silang sagutan ang mga tanong sa loob ng tatlong minuto.

Bumuo ng “dyad” o pahanapin ng partner ang bawat kalahok.

Iproseso ang kanilang mga sagot.

Sabihan silang ibahagi sa napiling partner ang kanilang mga sagot at kung ano

ang pangunahing pamamaraan nila sa pagpapahayag ng pagmamahal.

Hikayatin ang mga kalahok na magbahagi sa buong grupo.

Itala o isulat ang mga naibahaging karanasan at gawin itong basehan o

halimbawa sa pagtalakay ng mahahalagang kaalaman tungkol sa “Wika ng

Pagmamahal.” Bigyang-diin ang mga hindi nabanggit ng mga kalahok.

MAHAHALAGANG KAALAMAN

Ang pagtataguyod ng isang matibay na


samahang mag-asawa o mag-partner ay
nagsisimula sa pagpapahalaga sa bawat
isa. Kailan ang huling pagkakataong
nabigyan mo ng pagpapahalaga o
naipahayag ang pagpapahalaga mo sa
iyong katuwang? Madalas, sa pagtakbo ng
panahon, ang pagsasama ay nababalewala,
bumababaw ang pagpapahalaga lalo na
kung ang magkatuwang ay magkalayo o
hindi nag-uusap nang madalas.

71
PAANO NATIN MAPAHAHALAGAHAN ANG ATING KATUWANG?

Laging balikan kung ano ang nagustuhan mo sa iyong katuwang

Laging balikan kung ano ang nagustuhan mo sa iyong katuwang.

> Ang mga bagay na ito ang siyang makatutulong sa pag-aayos ng anumang

hindi pagkakaunawaan o hindi pagkakasundo. Kapag dumating ang panahong

unti-unting nagsasawa ang mag-asawa sa isa’t isa, mawawala ang

pagpapahalaga at maaari itong humantong sa hiwalayan. Ang mga bagay na

nagustuhan mo sa iyong katuwang ang maaari mong balikan upang mabigyan

mo siya ng halaga.

Ipahayag o ipadama ang pagpamamahal

> Ang matibay na samahan ay nangangailangan ng pagdama ng bawat isa sa

pagmamahal ng kanilang katuwang. Ang pagmamahal ay naipahihiwatig o

naipadarama sa pamamagitan ng iba’t ibang “wika” o pamamaraan.

> Ayon kay Dr. Gary Chapman, ang naglimbag ng librong “The Five Languages

of Love,” bawat isa ay may pangunahing pamamaraan sa pagpapahayag at

pagtanggap ng kaniyang pagmamahal sa at mula sa katuwang. Minsan, ang

pamamamaraan ng magkatuwang ay magkasalungat na nagiging sanhi ng

hindi pagkakaunawaan. Kaya ang pag-intindi o pag-unawa sa pamamaraan

ng bawat isa sa pagpapahayag o pagpapadama ng kanilang pagmamahal ay

makatutulong upang magkaroon sila ng mas magandang pag-uusap at

pagsasama.

> Ang limang wika o lengguwahe ng pagmamahal ayon kay Dr. Chapman ay

ang sumusunod:

72
WORDS OF AFFIRMATION
(SALITA NG PAGMAMAHAL)

May mga táong nagpapadama ng

kanilang pagmamahal at gusto ring

maramdaman ito sa kanilang katuwang sa

pamamagitan ng mga salita. Sinasabi,

isinusulat, o ipinakikita nila sa salita ang

kanilang nararamdaman, pagsuporta,

pag-aaruga, at pangangalaga sa kanilang

katuwang.

Mga halimbawa:

Pagsabi ng “I love you”;

Pagtawag ng matatamis na salita

(hal. Mahal, Honey, Baby) sa kanilang

katuwang;

Pagpapadala ng matatamis na

mensahe sa text o sa mga

pamamaraan ng komunikasyon sa

internet;

Pagpapadala ng card, love letter, o Words of Affirmation


mga sulat na nagpapahiwatig ng

kanilang pagmamahal.

QUALITY TIME
(MAKABULUHANG
PAGSASAMA)

Sa iba, ang pagmamahal ay

ipinahihiwatig sa pisikal na

pagsasama o pagbibigay ng

makabuluhang panahon sa kanilang

katuwang. Nagiging mas

makabuluhan ang pagsasama kung

ang panahon ay nagugol nang

buong-buo kasama ang kanilang

katuwang.

73
ACTS OF SERVICES
(PANINILBIHAN)

Ipinadarama naman ng iba ang kanilang

pagmamahal sa pamamagitan ng

paninilbihan o paggawa ng mga bagay

para sa kanilang katuwang. Nabibigyang-

halaga nila ang mga bagay na ginagawa

ng kanilang katuwang para sa kanila.

Naniniwala silang mas mabisang

magpahiwatig sa gawa kaysa sa salita.

Mga halimbawa:

Pagtulong sa gawaing-bahay at

sa ginagawa ng katuwang (hal.

pagbubuhat ng gamit ng

katuwang);

Paghahanda ng pagkain para sa

katuwang;

Paggawa ng maliliit at malalaking

bagay na mahalaga sa katuwang;


Acts of Services

GIFTS
Ang pagmamahal ay ipinahihiwatig ng

iba sa pagbibigay ng regalo o mga

bagay na pinahahalagahan ng

katuwang, may okasyon man o wala.

Pinahahalagahan ng katuwang ang

ginugol sa pag-aalala, pamimili, at

pagbibigay ng mga bagay na

nakapagpapasaya sa partner at hindi sa

halaga ng regalo o bagay.

Mga halimbawa:

Pagbibigay ng regalo o bagay sa

katuwang tuwing may mahahalagang

pangyayari sa kaniyang buhay o sa

Receiving Gifts
anumang panahon upang maipakita

ang kaniyang pag-aalala.

74
PHYSICAL TOUCH
(HAPLOS NG PAGMAMAHAL)

Sa pamamaraang ito, ipinadarama

ang pagmamahal sa pamamagitan

ng paggamit ng bahagi ng katawan

para makipag-ugnayan sa

katuwang. Kasama dito ang

pagbibigay ng mapang-arugang

paghawak, pagyakap, paghalik,

paghaplos,pagniniig ng katawan o

pakikipagtalik sa katuwang.

Physical Touch

Mahalagang maunawaan ang nakagawian ninyong paraan sa pagpapahiwatig ng

pagmamahal upang lalong mapagyaman ang pagsasama.

Kung alam ng bawat isa ang kanilang nagugustuhang


paraan ng pagpapahiwatig ng pagmamahal, mas magiging
makabuluhan ang mga bagay na ginawa ng isa upang
maipakita ang kaniyang pagmamahal.

MGA SANGKAP SA MAGANDANG PAGSASAMA

Para lalong tumatag ang pagsasama, ang sumusunod na sangkap ng isang

magandang pagsasama ng mag-asawa at magkatuwang ay dapat isaalang-

alang at panatilihin:

75
MAY PANININDIGAN SA RELASYON (COMMITMENT)

> Isa sa mahalagang sangkap sa búhay mag-asawa ay ang pagkakaroon ng

paninindigan para sa isa’t isa. Kung ang mag-asawa ay naninindigang

patatagin at pagyamanin ang kanilang samahan sa kabila ng kahirapan at mga

hindi pagkakaunawaan, magkakaroon sila ng mas masaya at pangmatagalang

pagsasama.

> Ang mag-asawang madaling sumusuko sa pag-aayos ng pagsasama sa gitna

ang problema at personal na interes lamang ang iniisip ay hindi magtatagal.

Kasama sa paninindigan ang pagiging handang magsakripisyo at

magpakumbaba para sa pagsasaayos ng samahan.

PAG-UUSAP (OPEN COMMUNICATION)

> Ano mang gusot sa samahan, dapat itong pinag-uusapan para hindi maging

sanhi ng palagiang pag-aaway na nagiging sanhi ng hiwalayan.

> Sa pakikipag-usap, ang bawat isa ay naglalagay ng kani-kaniyang saloobin at

pananaw.

opsyon
Sa puntong ito, ang tagasanay ay may
dilaw na tubig
maghanda ng isang baso na may kulay
ay berde na
gamit ang jobus, isang baso na may kul
eng baso.
tubig gamit ang jobus, at isang bakant
ay dilaw at
Pagkatapos ibuhos ang tubig na may kul
walang
asul sa bakanteng baso, mapapansing
ay asul na
makikitang kulay dilaw o berde kundi kul
pakikipag-usap,
ang makikita. Nangangahulugan na sa
kundi ang
hindi ikaw ang mangingibaw sa usapin
maaaring solusyon sa pinag-uusapan.

76
PAKIKIRAMAY (EMPATHY)

Ang mag-asawa at magkatuwang ay dapat magkaramay sa hirap at ginhawa.

Ang pakikiramay o empathy ay nangangahulugan ng pag-unawa at

pagtanggap ng pananaw, nararanasan, at nararamdaman ng katuwang sa

pamamagitan ng paglalagay ng sarili sa kinalalagyan ng una.

Ang pagdamay ay mahalaga sa pag-unawa at pag-ayos ng hindi

pagkakaunawaan. Mahalaga rin ito sa pagrespeto ng karapatan at katauhan

ng bawat isa.

PAGTANGGAP (ACCEPTANCE)

Isa ring mahalagang sangkap sa maganda at matiwasay na pagsasama ang

pagtanggap. Bahagi ng pang-unawa at pagmamahal ang pagtanggap sa

kahinaan, pinanggalingan, at sitwasyon ng katuwang. May mga bagay na hindi

na kayang baguhin na kailangang bigyan ng mas malawak na pag-unawa

upang mapanatili ang magandang samahan.

Subalit ang pagtanggap ay hindi nangangahulugan ng pagpapaubaya at

paghikayat sa mga maling bagay. Kaakibat ng tunay na pagtanggap ang

pagtutulungan ng magkatuwang upang unti-unting mabago ang hindi

magandang bagay na nakasasagabal sa maayos nilang pagsasama. Dapat

tanggapin ang kamalian pero ang kaakibat nito ay ang pagsusumikap na

iwasto ito para sa magandang pagbabago.

Ang pagtanggap ay hindi rin nangangahulugan ng pagiging tahimik sa mga

bagay na hindi maganda at kaaya-aya. Pagharap ito sa problema at ang

desisyong bigyan ng kaukulang solusyon para sa ikakaganda at ikauunlad ng

pagsasama.

Palaging isipin na kapag isinara ang pintuan ng pagtanggap, magbubukas ito

ng panibagong problema, ang paghahambing ng katuwang sa iba.

77
PAGTITIWALA AT KATAPATAN (TRUST AND LOYALTY)

Ang pagtitiwala ang saligan ng isang pangmatagalan at makatotohanang

samahan. Ito ang nagbibigay ng kahulugan sa anumang pagsasama. Kung wala

ang tiwala sa isang relasyon, mababaw ito at hindi makahulugan sapagkat

pawang pagbabalat-kayo ang magiging takbo ng pakikipagrelasyon.

Ang tiwala ay pagsusuko ng sarili sa katuwang. Kapag ito ay nawala o nasira,

mahirap na itong ibalik nang buong-buo (may lamat na).

PAGKAKAROON NG MAGANDANG SAMAHANG SEKSUWAL

Ang sex o pagtatalik ay isang paraan ng pagpapahayag ng magkatuwang ng

kanilang pagmamahalan. Para sa magandang samahan, ang mga seksuwal na

gawain ng magkatuwang ay dapat may paggalang at pagmamahalan. Dapat

ay walang bahid ng pamimilit at pang-aabuso.

MATATAG NA KATAYUANG PINANSIYAL (FINANCIAL SECURITY)

Minsan, ang pag-aaway ng mag-asawa ay dahil sa pera. Ang pagkakaroon ng

matatag na katayuang pinansiyal ay makatutulong para matugunan ang

pangangailangan ng pamilya, mabawasan ang stress o pagkabahalang dulot

ng kawalan ng pantustos, at tumutok sa pagpapalalim ng pagsasama.

Dapat maging matalino sa paggastos sa pangangailangan ng pamilya. Sabay

na pag-usapan ang mga pangangailangan at mga kailangang gastusin para

maiwasan ang pag-aaway tungkol sa pera. Kapag dumating sa puntong may

hindi pagkakaunawaan dahil sa pera, mahalagang mag-usap nang maigi at

maging bukás sa anumang pamamaraan sa pagresolba ng problema.

PAGLALAGAY NG DIYOS SA GITNA NG PAGSASAMA O RELASYON

Bawat pagsasama ay nanggaling sa biyaya ng Diyos kaya marapat lamang na

Siya ang gawing pundasyon at sentro ng relasyon. Ang matibay na pagsasama

ay nangangailangan ng biyaya ng Diyos. Kapag may mga hindi

pagkakaunawaan, laging ipaubaya ang mga ito sa Kaniya na siyang magiging

sandalan ng mag-asawa.

78
Laging patatagin ang espiritwal na bahagi ng pagsasama sa pamamagitan ng

sabayang pagdarasal at pagsasagawa ng mga gawaing espiritwal. Mainam na

ibahagi ito sa lahat ng miyembro na pamilya.

PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. LOVE LETTER

1. Sabihan ang mga kalahok na isipin at ilagay ang kanilang sarili sa sumusunod na

sitwasyon:

Sa kasamaang-palad, na-diagnose o nasuri kayong may malalang sakit at

nabigyan na lang ng isang araw para mabuhay. Sa natitirang oras na ito,

paano ninyo ipahahayag ang inyong nararamdaman, pasasalamat, at

pagmamahal sa iyong asawa o katuwang. Sa pamamagitan ng isang love

letter, sumulat sa iyong asawa at sa huling pagkakataon, sabihin ang inyong

nararamdaman at pagmamahal.

2. Pagkatapos gumawa ng love letter, tanungin ang mga kalahok kung mayroong

gustong magbahagi ng kanilang ginawa.

3. Sabihan ang mga kalahok na itago ang ginawa nila at ibigay sa kanilang asawa

kung may pagkakataon.

4. Isara ang gawain sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga napag-usapan sa

sesyon.

79
80
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Bahagi ng isang matatag na pagsasama ay ang pagtutulungan sa pangangalaga sa

pagbubuntis at panganganak ng katuwang. May malaki at mahalagang papel at

tungkulin ang kalalakihan upang matiyak na malusog at ligtas ang kanilang katuwang at

sanggol na nasa sinapupunan. Sa kasalukuyan, ang tungkuling siguraduhin ang

kaligtasan ng ina habang nagbubuntis ay madalas na ginagampanang mag-isa ng

kababaihan. Sa sesyong ito, ipauunawa sa kalahok ang kahalagahan ng tungkulin at

suporta nila sa katuwang upang maging ligtas mula pagbubuntis hanggang

panganganak.

LAYUNIN NG SESYON NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang mga pamamaraan at gawain upang mapanatili ang kalusugan ng

kanilang sariling katawan at ng buong pamilya; at

2. Ipakita at ibahagi kung paano sila magiging tagasulong ng malusog na

pamumuhay sa kanilang kapamilya, kaibigan, at kabarangay.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. USAPANG BUNTIS

1. Sabihin ang mga pambungad na pananalita:

Sabi nila, nasa bingit ng kamatayan ang kababaihan


kapag sila ay nagbubuntis. Sa katunayan, ang
pagbubuntis at panganganak ay naglalagay sa
kababaihan sa matindi ngunit maiiwasang panganib. Kaya
ang pagbubuntis at panganganak ay nangangailangan ng
tulong at pangangalaga mula sa katuwang.

81
2. Sabihan ang mga kalahok na balikan ang panahon nang unang nagbuntis at

nanganak ang kanilang asawa, katuwang, o mahal sa buhay. Tanungin kung ano

ang mga napansin nila sa pag-uugali atkalagayan ng kababaihang nagbubuntis

base sa kanilang karanasan; at ano ang kanilang ginawa upang suportahan sila

sa kanilang pagbubuntis at panganganak. Hikayatin ang mga kalahok na

ibahagi ang kanilang mga karanasan.

3. Iproseso ang kanilang pagbabahagi sa pamamagitan ng pagtalakay ng

mahahalagang kaalaman.

OPSIYON 2. KUNG SI LALAKI ANG NABUNTIS

1. Ihanda ang sumusunod na bagay sa tatlong sets:

Isang (1) lobo o bola;

Bestida, maternity dress o mahabang damit

pambabae (na ginagamit sa pagbubuntis);

Isang basket o lagayan na may bitbitan at

may kaunting laman;

Isang timba na may tubig;

Isang bote;

Isang kutsara;

Isang tabo o palanggana na maliit na may

tubig;

Isang upuan o mesa.

2. Ilagay ang upuan sa isang hanay na may pagitan na tig-iisang metro sa

magkabilang panig. Ipatong sa upuan o mesa ang tabo o palanggana na may

tubig at kutsara.

3. Hatiin ang mga kalahok sa tatlong grupo. Ihanay ang bawat grupo sa tapat ng

upuan na may lima hanggang pitong metro ang layo mula dito (depende sa laki

ng lugar).

4. Ilagay sa harapan ng unang miyembro ng grupo ang damit pambuntis, basket,

lobo o bola, at ang bote.

82
5. Ibigay ang sumusunod na panuntunan:

Ang layunin ng larong ito ay paramihan ng tubig na maisasalin sa baso sa loob

nang limang minuto.

Bawat kasapi ay magsasalok ng tubig mula sa palanggana at ilalagay sa baso

gamit ang kutsara. Bago pumunta sa lagayan ng tubig, dapat isuot muna ng

kalahok ang damit at sa ilalim nito (sa bandang tiyan) ay ilalagay ang lobo o

bola upang magmistulang isang buntis, at bibitbitin ang basket.

Mula sa baso, isalin ang tubig sa bote, tatanggalin ang damit, lobo, basket at

kutsara, at ipapasa sa kasunod na kasama na uulit sa ginawa ng naunang

kasapi.

Tapusin ang ikutan sa loob nang limang minuto.

Ang may pinakamaraming tubig na naipon ang siyang mananalo.

6. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng sumusunod na tanong:

Ano ang naramdaman ninyo habang naglalaro?

Ano ang naramdaman ninyo habang suot ang damit pambuntis na may lobo o

bola sa loob, may bitbit na basket, at nagsasalin ng tubig?

Ano ang aral sa pangangalaga sa mga nagbubuntis na maaari nating makuha

mula sa isinagawang laro?

7. Itala ang kanilang sagot at gamitin ito sa pagtatalakay ng mahahalagang

kaalaman.

83
MAHAHALAGANG KAALAMAN

Ang pangangalaga sa kalusugan ng ina habang nagbubuntis ay mahalaga para

sa ligtas na panganganak. Ang responsabilidad na ito ay hindi lámang ng babae

kundi pati na rin ng asawa o katuwang. Maraming desisyon ang ginagawa ng

mga lalaki na minsan ay nakaaapekto sa kalusugan ng kababaihang

nagbubuntis.

Upang mabigyan ng mas malalim na pagpapahalaga ang pangangailangang

pangalagaan ang pagbubuntis ng kababaihan, alamin ang sumusunod na

katotohanan:

> Mula sa datos ng 2012 Family Health Survey (FHS) ng Philippine Statistics

Authority (PSA), mayroong 221 kada 100,000 ina ang namamatay dahil sa

pagbubuntis at panganganak.

> Mayroong naitalang 400,000 kaso ng aborsiyon kada taon. Marami sa

kasong ito ang mula sa kabataan. Ang aborsiyon ang isa sa mga

pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga ina.

> Isa sa sampung kababaihan ay nakaranas ng karahasan habang nagbubuntis

(Safe Motherhood Survey).

> Ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga ina habang

nagbubuntis o nanganganak ay ang sumusunod:

- Komplikasyon dahil sa panganganak;

- Hindi panganganak sa health facility o center o sa tulong ng mga

propesyonal at may kasanayan na komadrona, doktor o nars;

- Hindi pagpapacheck-up o walang plano sa panganganak; at

- Walang sapat na suporta mula sa asawa at pamilya.

84
ANO-ANO ANG MAAARING GAWIN NG KALALAKIHAN UPANG
MAPANGALAGAAN ANG PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK NG KATUWANG?

Tiyakin at samahan ang katuwang sa pagpapa-prenatal check-up sa

health center o doktor nang hindi bababa sa apat (4) na beses. Ang prenatal

check-up ay gawin sa sumusunod na panahon o iskedyul:

Bilang ng check-up Buwan ng pagbubuntis

Unang check-up Mula pagtigil ng regla hanggang

tatlong (3) buwan ng pagbubuntis

Pangalawang check-up Mula apat (4) hanggang anim (6)

na buwan ng pagbubuntis

Pangatlo at pang-apat na check-up Mula pito (7) hanggang siyam (9)

na buwan ng pagbubuntis

Sa pagpapacheck-up ng buntis na katuwang, tiyaking magagawa sa kaniya

ang sumusunod:

> Maitala ang kaniyang health history at masuri ang kaniyang katawan;

> Makuhanan ng kaniyang blood pressure (BP) at timbang;

> Magawan ng mga laboratory test tulad ng pagsusuri ng dugo o ihi;

> Mabigyan ng iron na may folic acid;

> Mabakunahan laban sa tetano; at

> Mapayuhan tungkol sa malusog na pamumuhay, paggawa ng birth plan,

pagpapasuso, at pagpaplano ng pamilya.

85
Magkatuwang na gumawa ng Birth and
Emergency Plan. Iplano ang mga gagawin

at pangangailangan ng magkatuwang upang

matiyak ang ligtas at malusog na

pagbubuntis at panganganak. Sa

pagsasagawa nito, kailangang maiplano at

mapaghandaan ang sumusunod:

> Saang hospital dadalhin ang katuwang

kung may emergency signs?

> Saan manganganak ang katuwang na

may mga sapat na gamit at propesyonal

na mangangasiwa ng panganganak

(hal., doktor, komadrona at nars) at

PhilHealth accredited?

> Magkano ang gagastusin? Maaari ba siyang makakuha ng suporta at

benepisyo mula sa PhilHealth?

> Paano dadalhin ang katuwang sa pasilidad kung oras na ng panganganak?

> Ano-ano ang gamit na kailangan ng ina at sanggol sa ospital o pasilidad?

> Ang lahat ng nasa Birth and Emergency Plan ay kailangang paghandaan

upang matiyak ang kaligtasan ng ina at ng batang kaniyang isisilang.

Bantayan ang emergency sign. Dalhin agad sa ospital o pagamutan ang

buntis na katuwang kung mangyayari sa kaniya ang alinman sa sumusunod:

> Pagdurugo sa puwerta;

> Kombulsiyon o pagkawala ng malay;

> Matinding pananakit ng ulo na may kasamang panlalabo ng paningin;

> Mataas na lagnat at panghihina;

> Matinding pagsakit ng tiyan;

> Mabilis o mahirap na paghinga; at

> Maagang pagputok ng panubigan.

86
Suportahan si Misis upang manatili siyang malusog habang nagbubuntis.
Para din sa kapakanan ng inyong anak, mahalagang manatiling malusog ang
inyong katuwang habang siya ay buntis. Mga dapat gawin:

> Pakainin siya ng sapat at masustansiyang pagkain;

> Painumin nang mula walo (8) hanggang sampung (10) basong tubig araw-

araw;

> Tulungan siyang mag-ehersisyo nang angkop sa buntis katulad ng

paglalakad-lakad;

> Tulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa pangangatawan at ngipin;

> Siguraduhing hindi siya umiinom ng alak, naninigarilyo o nakalalanghap ng

usok ng sigarilyo; at

> Huwag painumin ng gamot na hindi kumokonsulta sa midwife, nars, o doktor.

Tiyakin ang panganganak ng katuwang sa health center, ospital o lying–in


clinic. Mas ligtas doon dahil:

> Mga dalubhasang midwife, nars o doktor ang tutulong sa kaniyang

panganganak;

> Kompleto at malinis (sterile) na mga gamit at supplies;

> Wasto at agarang lunas at referral sakaling magkaroon ng emergency; at

> May bakuna laban sa Hepatitis B at BCG para sa sanggol, na ibinibigay sa

kaniya sa loob ng 24 oras matapos siyang ipanganak.

Kausapin at planuhin ang mga pamamaraan upang mapangalagaan nang


husto ang kalusugan ng bata at ng ina. Kasama na rito ang pagpaplano ng
pamilya. Pag-usapan kung anong pagpaplano ng pamilya ang gagamitin ng
magkatuwang upang matiyak ang pag-aagwat kung ayaw na munang sundan o

limitahan kung ayaw nang magkaanak.

> Bago o pagkatapos manganak, kausapin ang kumadrona, nars, o doktor

hinggil sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya na maaaring

magamit o makuha ng magkatuwang.

87
Tulungan at pangalagaan ang katuwang sa pagpapasuso sa anak sa loob
ng anim (6) na buwan. Ang eksklusibong pagpapasuso ay pagbibigay sa
sanggol ng tanging gatas ng ina -walang halong kahit anong likido.

Samahan ang katuwang sa pagpapa-check-up kung sa loob ng 48 oras ay


makaranas siya ng emergency signs gaya ng matinding pagdurugo,
lagnat, o iba pa.

Samahan siyang magpa-check-up sa loob nang isang linggo pagkatapos


niyang manganak.

PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. KAMPANYA SA BARANGAY

Bumuo ng apat na grupo mula sa kalahok. Sabihin sa mga kalahok ang


1.
sumusunod na panuntunan:

Gusto ni Kapitan na ipalaganap ang


pangangalaga sa kababaihang
nagbubuntis. Tinawag niya ang grupo
ninyo para gumawa ng isang
kampanya upang ipalaganap ito.
Anong kampanya ang gagawin ninyo
sa pagpapalaganap ng mga napag-
usapan natin tungkol sa
pangangalaga sa mga inang
nagbubuntis? (Ang kampanya ay
maaaring kanta, drama, o
pangangaral sa kalalakihan).

Bigyan ng limang (5) minuto ang bawat grupo para gawin at pagplanuhan ang
2.
kampanya at limang (5) minuto para i-presenta o ibahagi ang kanilang nagawa

sa buong grupo.

Iproseso ang kanilang mga gawain at bigyang-diin ang mga pangunahing


3.
mensaheng napag-usapan sa sesyon.

88
89
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Bahagi ng pagiging responsableng magulang ay ang pakikipagtulungan sa katuwang sa

pag-aaruga at pagkalinga sa mga anak. Bílang mabuting ama, ginagampanan ng

kalalakihan ang kanilang responsabilidad at obligasyon sa kanilang mga anak upang

mapalaki sila nang maayos. Pag-uusapan sa sesyong ito ang mga kahalagahan at

pamamaraan upang maging mabuting ama.

LAYUNIN NG SESYON

1. Ibahagi ang kanilang kaalaman at karanasan sa pagtaguyod ng kanilang mga

anak kasama ang kanilang katuwang; at

2. Ipaliwanag sa kanilang mga kaibigang ama ang mga tungkulin nila sa kanilang

mga anak.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. KUWENTO NG ISANG AMA


Mag-download o kumuha ng video mula sa


1.
internet tungkol sa isang tatay at anak.

Iproseso ang kuwento gamit ang

sumusunod na tanong:

> Anong bahagi ng video ang

nagustuhan ninyo? Ano ang

nakaantig sa inyong damdamin.

> Ano-anong aral ang makukuha sa

video patungkol sa pagiging isang

mabuting ama?

2. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng sumusunod na salita:

Nang ipinanganak ang anak ninyo, ano ang inyong naramdaman? Ano ang
>
nararamdaman ninyo ngayong lumalaki na siya? Masasabi mo bang

nagampanan mo ang iyong tungkulin bílang ama?

Sa sesyong ito, pag-uusapan natin ang mga tungkulin ng isang ama sa


>
kaniyang anak. Ang inyong mga karanasan ang siyang makapaglilinaw sa

atin kung ano-ano ang tungkuling ito.

90
MAHAHALAGANG KAALAMAN

Bílang ama, tungkulin nating mapalaki nang maayos, responsable at higit sa

lahat, matulungan ang ating mga anak na maabot ang kanilang pangarap sa

buhay.

Ilan sa mga tungkulin ng ama sa anak ay ang sumusunod:

Pagbibigay ng pangunahing pangangailangan para mabuhay nang maayos.

Ang pagtiyak na sapat ang kanilang pagkain, damit, pamamahay,

edukasyon, kalusugan, nutrisyon, at iba pa ay ilan sa mahahalagang

tungkulin ng mga ama sa kanilang mga anak.

Pangangalaga at pagmamahal sa kanila nang walang kondisyon.

Ang bawat ama ay may kani-kaniyang pamamaraan para maipakita

ang pagmamahal sa kanilang anak. Ang pinakabuod ng lahat ng ito ay

ang pagpapahalaga sa mga anak, pagpaparamdam na sila ay

nabibigyan ng sapat na panahon at importansiya.

Pagdidisiplina at pagpapalaki nang maayos sa mga anak.

Ang ama, katuwang ng ina, ay ginagabayan ang kanilang anak na:

> Magkaroon ng maganda at tamang halagahan (values) at basehan ng

moralidad para sa kaniyang pagdedesisyon;

> Magkaroon ng pangarap at kakayahang makamit ito;

> Maging responsable at may pananagutan sa kaniyang ginagawa at

mga desisyon;

> Maging responsable sa kaniyang karelasyon – sa pamilya, barkada, at

katuwang; at

> Magkaroon ng integridad at mabuting pagkatao.

Sa pagdisiplina ng anak at pangangaral sa kanila kung paano mabuhay,

dapat maging huwaran o modelo ang mga magulang.

91
Paghubog sa kakayahan nilang maging responsable sa pakikipag-ugnayan sa

kapuwa.

Mabigyan ng tamang edukasyon sa pagiging responsableng mamamayan

at pagpapahalaga sa kultura.

Pagdisiplina sa tamang paggamit ng pera, oras, at iba pang yaman.

Pagtuturo ng takot sa Diyos.

Ano ang mga balakid sa pagiging mabuting ama?

Mga maling paniniwala sa pagiging “macho” at tunay na lalaki:

> Ang pag-aaruga sa mga anak ay inaasa lámang sa mga ina;

> Ang ama ay dapat maging matapang sa mga anak, hindi nagpapakita

ng kahinaan at emosyon kaya madalas ay hindi nakikipag-usap sa mga

anak; at

> Ang mga ama ang nasusunod sa tahanan kaya kailangan niyang

panindigan anuman ang sasabihin.

Kakulangan sa oras sa anak at pamilya

Ang mga ama ang madalas na naghahanapbuhay at ang ina ay nasa

bahay;

Hindi siya madalas tumutulong sa pag-aaruga ng mga bata;

Kontentong nakapagbigay ng kabuhayan; at

Maraming ama ang nahihirapang magbigay ng de-kalidad na oras dahil

sa trabaho at posisyon sa lipunan;

Pagiging iresponsable o hindi pananagutan sa kaniyang tungkulin

Pag-iwan sa katuwang dahil hindi handang panagutan ang kaniyang

responsabilidad sa anak at pamilya;

Pagkakaroon ng ibang priyoridad at pagpapahalaga; at

Pagkakaroon ng masama o nakasasamang bisyo.

92
PAANO MAPAGAGANDA ANG SAMAHAN NG AMA-AT-ANAK.
UPANG MAISAKATUPARAN ITO, KAILANGAN NG ORAS.

O ras para sa pag-aalaga at pakikipaglaro, pakikinig, pakikipag-usap sa

mga anak

Ang simpleng pakikinig sa kuwento ng mga anak ay pagpapakita na

nabibigyan sila ng mahalagang panahon at oras. Isa rin itong

pamamaraan upang malaman ng ama at ina ang mga pinagdaraanan

ng anak upang magabayan siya o mabigyan ng tamang pangangaral

at suporta.

R esponsabilidad sa pagbibigay ng pangangailangan ng pamilya

Hindi lamang pangangailangang pinansiyal at pisikal ang kailangang

maibigay ng ama sa pamilya at anak. Kasama rito ang kalidad na

panahon, suportang moral, emosyonal, at espiritwal.

Hindi malalaman ng ama ang pangangailangan ng anak kung hindi

niya nakasasalamuha at nakakausap nang madalas at malalim.

A tensiyon sa ginagawa at mahahalagang pangyayari sa búhay ng anak at

pamilya

Mahalaga sa anak ang atensiyon at suportang naibibigay ng

magulang lalo na sa mga panahon at okasyong mahahalaga sa

kaniya. Malaking bagay sa anak kung ang magulang ay nasa kaniyang

kaarawan, unang pagpasok sa paaralan, graduation, at iba pang

okasyong dapat kasama ng anak ang magulang.

Kasama sa atensiyon ang pagbibigay ng papuri at pagkilala sa mga

nagawang maganda ng anak. Ang pagpuring ito ay mahalaga sa

paghubog ng pagtitiwala ng anak sa sarili at sa kaniyang kakayahan

at pagpapahalaga sa tagumpay at mabuting gawain.

S akripisyo para sa kapakanan ng anak at pamilya

Ang sakripisyo ay pagpapasiyang gumawa ng isang bagay na may

mas magandang hangarin kapalit ng isang bagay na mahirap

palampasin o nakagawian.

Sa pagiging mabuting ama, may mga bagay na dapat siyang

pagpilian – bisyo o oras para sa anak o pamilya, pakikisama sa

barkada o pagsuporta sa okasyon ng anak, at iba pa. Ang isang

mabuting ama ay binibigyang-priyoridad ang pagsuporta sa anak sa

halip na mga personal na bagay na nakapagpapasaya sa kaniya.

93
PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. PAYO NG ISANG AMA


1. Ibigay sa mga kalahok ang sumusunod na panuntunan:

Habang kayo ay nagpapatrol sa barangay, may isang batang nagsumbong sa

inyo na siya ay binubugbog ng kaniyang tatay. Dahil sa ordinansa ng inyong

barangay na nagbabawal sa pambubugbog sa anak, pinapunta ninyo ang

tatay sa barangay para pangaralan. Ano ang sasabihin ninyo sa tatay?

Sa isang metacard, isulat ang sasabihin sa tatay base sa ating napag-

usapan.

Bubunot ng pangalan ng tatlong kalahok upang magbahagi sa grupo ng

kaniyang sinulat.

Bigyan ng 5 minuto ang bawat grupo para gawin ang sagot.


2.

3. Iproseso ang kanilang mga gawain at bigyang-diin ang mga pangunahing

mensaheng napag-usapan sa sesyon.

OPSIYON 2. PAMBUNGAD NA GAWAIN


Maaaring gawing pangwakas na gawain ang isa sa mga pambungad na gawain.

94
95
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Bahagi ng pangangalaga at pagprotekta sa pamilya ay ang kaalaman kung anong mga

batas ang umiiral na maaaring gamitin upang maipagtanggol o mapigil ang anumang

banta sa pamilya. Ang kaalaman sa mga batas na ito ay maaari ding magsilbing gabay

sa kalalakihan sa pakikitungo sa kanilang asawa, katuwang, anak, at iba pang kasapi ng

kanilang pamilya. Ang ilan sa mahahalagang batas pampamilya ang pag-uusapan sa

sesyong ito.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Talakayin ang mahahalagang bahagi ng ilang batas na maaaring pumrotekta sa

mga kasapi ng pamilya lalo na mula sa karahasan at pananamantala; at

2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga batas na ito sa pangangalaga ng pamilya.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. BAWAL O PWEDE?

BAWAL o
PWEDE?
1. Patayuin ang lahat ng kalahok. Maglagay ng

dalawang upuan sa harap – ang isa ay may

tatak na “BAWAL” at ang isa ay “PUWEDE.”

2. Sabihan ang mga kalahok na may mga

babanggiting gawain o pag-uugali na may

kinalaman sa ugnayan sa pamilya. Papilahin

sila sa upuan na sa tingin nila ay Bawal o

Puwede ayon sa batas sa Pilipinas.

96
1. Pananampal o pananakit sa katuwang kung hindi nakagawa ng gawaing-

bahay o napabayaan ang anak;

2. Pambababae kung ang asawa ay hindi maaaring magkaanak o kung

ayaw makipag-sex;

3. Pagpigil sa asawang babae sa pagtatrabaho o paggawa ng mga bagay

na labas sa kaniyang tungkulin bilang ina;

4. Hindi pagbibigay ng pera sa katuwang dahil ito ay may nagawang

kamalian o pagkukulang;

5. Pag-leave sa trabaho ng mga isang buwan kung ang asawa ay

manganganak;

6. Pag-leave ng babae mula sa trabaho kung maooperahan sa kaniyang

matris;

7. Pagpilit sa asawa na makipagtalik;

8. Pagsabi ng malalaswang jokes o kuwento basta’t hindi na nao-offend o

nababastusan ang kausap na babae;

9. Pagsipol sa dumadaang kababaihan;

10. Pagbugaw sa asawa at anak na makipagtalik sa iba na may bayad kung

sila ay may pahintulot;

11. Pagpalo sa bata bílang bahagi ng pagdidisiplina;

3. Iproseso ang gawain sa pamamagitan

ng pagtalakay ng iba’t ibang batas para

maprotektahan ang pamilya.

97
MAHAHALAGANG KAALAMAN

THE FAMILY CODE OF THE PHILIPPINES (EXECUTIVE ORDER NO. 209, S. 1987)

- Ito ang pangunahing batas na batayan at namamahala sa relasyon ng

mag-asawa at pamilya, kanilang ari-arian, at mga responsabilidad at obligasyon

sa kanilang anak.

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN LAW (RA 9262)

- Pinipigilan at pinarurusahan ng batas na ito ang lahat ng karahasan sa

kababaihan at kanilang anak. Kabilang dito ang pisikal, emosyonal, sikolohikal,

at ekonomikong karahasan.

- Maaaring magsampa ng kaso ang kababaihang kasalukuyan, dating karelasyon,

at anak laban sa sinumang gumawa ng karahasan.

- Pinarurusahan nito ang mga karahasan katulad ng:

Pagbabanta, pananakit, pangha-harass, pagkukulong, at iba pang katulad

na gawain;

Seksuwal na karahasan kasama ang panghahalay, sexual harassment,

pambabastos at malalaswang gawain sa biktima, pamimilit sa biktimang

gumawa ng kalaswaan, at pamimilit sa biktima na makipagtalik sa iba na

may kaukulang bayad;

Paggawa ng mga bagay o gawain na nagdudulot ng pagkabahala at

pagkaapekto sa pag-iisip ng kababaihan at kaniyang anak (hal., pambabae

ng kalalakihan, pamamahiya sa publiko at pagmumura); at

Hindi pagbibigay ng pinansiyal na suporta.

- Para sa pansamantalang proteksiyon, maaaring kumuha ng Barangay Protection

Order (BPO) o Temporary Protection Order (TPO) ang biktima upang hindi siya

malapitan ng inirereklamo.

98
RESPONSIBLE PARENTHOOD AND REPRODUCTIVE HEALTH LAW
(RPRH) LAW (RA 10354)

- Pinalalawig at isinusulong ng batas na ito ang reproduktibong kalusugan

(reproductive health) ng lahat

- Isinusulong din nito ang sumusunod na impormasyon at serbisyo sa lahat ng

pampublikong pasilidad na pangkalusugan (health facilities):

Pagpaplano ng pamilya (family planning);

Pakikilahok ng kalalakihan sa reproduktibong kalusugan;

Edukasyon sa seksuwalidad lalo na sa kabataan upang maiwasan ang

maagang pagbubuntis;

Ligtas na pagbubuntis at panganganak ng kababaihan;

Paggamot sa mga sakit na panreproduktibo;

Pag-iwas at paggamot sa sakit na nakukuha mula sa pakikipagtalik (hal.,

HIV/AIDS);

Paggamot sa infertility o pagbibigay lunas na mapabuti ang kondisyon ng

mag-asawang manganak; at

Pag-iwas at paggamot sa komplikasyon ng aborsiyon.

MAGNA CARTA OF WOMEN (RA 9710)

- Itinatakda at itinatagubilin nito ang iba’t ibang mekanismo upang maisulong at

maipatupad ang mga karapatan ng kababaihan. Kabilang dito ang pagsugpo

sa lahat ng mga estruktura at patakarang nagdidiskrimina laban sa kababaihan

at pagbibigay ng pantay na pagkakataon para sa kanilang kaunlaran.

- Iniuutos nito ang pagtatayo at pagpapatupad ng Violence Against Women

(VAW) Desk sa lahat ng barangay sa bansa.

- Iniuutos rin nito ang pagkakaroon ng hindi bababa sa limang porsiyento (5%) ng

kabuoang badyet ng lahat ng institusyon ng gobyerno para sa pagpapatupad ng

Magna Carta of Women.

99
ANTI-RAPE LAW (RA 8353)

- Pinalalawak nito ang sakop ng krimeng panghahalay (rape) para maisama ang

pamimilit sa asawa na makipagtalik (marital rape).

- Sa batas na ito, sinumang may kinalaman sa panghahalay ay maaaring

magsumbong o magsampa ng kaso sa korte. Dahil ang panghahalay ay labag sa

katauhan nino man, hindi napapawi ng pagpapatawad ng biktima sa nanghalay

ang kasong kriminal ng huli.

- Itinatakda rin nito ang krimen na panghahalay ang pakikipagtalik sa kabataang

labindalawang (12) taóng gulang, wala o mayroon man itong pahintulot.

ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT (RA 9208)

- Ipinagbabawal ng batas na ito ang pangangalakal o paggamit sa mga tao

bilang kalakal, mayroon man o walang pahintulot ang biktima. Ang

pangangalakal ay nagreresulta sa prostitusyon, pornograpiya, pang-aabuso, at

sapilitang pang-aalipin.

PANGWAKAS NA GAWAIN

OPSIYON 1. AY GANUN PALA…

1. Hikayatin ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang natutuhan sa pagsagot ng

tanong na:

Anong bagong
kaalaman ang iyong
natutuhan sa ating
talakayan?

2. Iproseso ang kanilang ibinahagi sa pagbibigay-diin sa mahahalagang

kaalamang natalakay.

100
101
PAGPAPAKILALA SA SESYON

Layunin ng programa o kilusan ng KATROPA na mahikayat ang kalalakihan upang

maging responsable at tapat sa kanilang papel bilang isang ama, katuwang, o asawa,

kapatid, at mamamayan. Sa pamamagitan ng mga aral na naibahagi sa iba’t ibang

sesyon, inaaasahang isasabuhay at ibabahagi ito ng mga kalahok sa kanilang pamilya

at sa lipunang ginagalawan. Kaya ang pagpapalaganap ng KATROPA ay nagsisimula sa

sarili. Sa pagsasabuhay nito, maisusulong ang adhikain ng isang lipunang aktibong

nakikibahagi ang kalalakihan sa pagpapatatag ng kababaihan, kabataan, at pamilya.

LAYUNIN NG SESYON

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahang kaya na ng mga kalahok na:

1. Ibahagi ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang pamamaraan kung paano

maisasabuhay ang KATROPA sa kanilang pamilya at komunidad;

2. Ihayag ang kanilang pangako o panunumpang maging KATROPA sa lahat ng oras

at sitwasyon; at

3. Iplano ang mga hakbang o gawain na maaari nilang isagawa sa kanilang

sariling institusyon o komunidad.

PAMBUNGAD NA GAWAIN

OPSIYON 1. PANUNUMPA NG ISANG KATROPA

1. Bigyan ng isang magandang papel at panulat ang bawat kalahok.

102
2. Sabihan silang isulat sa papel ang

g
“Bilang isan
kanilang kayang gawin upang

upang
maisabuhay at maibahagi ang

mga katangian ng isang KATROPA KATROPA,


ayon sa mga aral na kanilang
a is a b u h a y ko ang mga
m
natutunan
napulot mula sa mga talakayan.

Simulan ang kanilang pangako


aral na aking
o, gagawin
sa sesyong it
ng: “Bilang isang KATROPA,
upang maisabuhay ko ang mga
a n g s u m u s unod sa
aral na aking natutunan sa ko
abot ng aking
sesyong ito, gagawin ko ang
sumusunod sa abot ng aking
makakaya…” makakaya…”

3. Hikayatin ang mga kalahok na ibahagi sa grupo ang kanilang mga pangako.

4. Iproseso ang kanilang mga ginawa sa pamamagitan ng pagtalakay sa iba’t

ibang gawain na maaari nilang gawin upang maisabuhay ang pagiging

KATROPA.

MAHAHALAGANG KAALAMAN

OPSIYON 1. PANUNUMPA NG ISANG KATROPA

PAANO KO MAISUSULONG ANG KATROPA?


Pagsasabuhay ng natutuhan para maging huwaran

> We can be the change that we want (Ang pagbabago ay nagsisimula sa

atin).

> Ang pagsasabuhay sa lahat ng natutuhan natin ay maaaring

makapagdulot ng pagbabago hindi lámang sa personal nating buhay

kundi pati na rin sa mga katrabaho sa barangay, kapitbahay, kaibigan, o

pinagsisilbihan.

> Ang pagbabago ay laging nagsisimula sa sarili. Hindi natin maaaring

baguhin ang iba kung tayo mismo ay hindi nagbabago.

103
Magsagawa ng mga gawaing makapagpapalaganap ng KATROPA katuwang

ang kinabibilangang institusyon at komunidad

> Pag-oorganisa ng kalalakihan at pagbibigay sa kanila ng seminar sa

KATROPA sa komunidad;

> Paggawa ng ordinansa o programa na nanghihikayat sa kalalakihang

dumalo sa pagtitipon ng KATROPA o katulad na mga gawain;

> Pagsasagawa ng pagtitipon ng mga mag-asawa para sa seminar ng

responsible parenthood, family planning, at KATROPA;

> Pagsasagawa ng mga selebrasyon o pagkilala (awards) sa mga huwarang

pamilya, mag-asawa o KATROPA sa barangay;

> Paggawa ng mga IEC material para palaganapin ang KATROPA;

> Paghihikayat sa kalalakihang maging buháy na testimonya ng KATROPA

(hal. pagsasalita o pagpapatotoo sa mga seminar ng KATROPA sa

barangay);

> Pagtatayo ng pasilidad para sa mga nabibiktima ng pambubugbog ng

asawa (hal. Women’s Desk or VAWC Desk

104
PANGWAKAS NA GAWAIN

ACTION PLAN

1. Bumuo ng apat na grupo. Bawat grupo ay mag-uusap at sasagutin ang tanong:

Ano ang maaaring gawin ng barangay o ng aking komunidad upang maisulong o

maipalaganap ang KATROPA?

2. Ipasulat ang sagot sa metacard. Ipaproseso sa bawat grupo ang kanilang sagot

sa pamamagitan ng pagsama-sama ng magkakaparehong idea. (10 min)

3. Ibahagi sa malaking grupo ang gawa ng bawat grupo.

4. Pagsama-samahin ang magkakapareho.

5. Tanungin sa grupo kung alin sa mga natukoy na gawain ang maaari talagang

gawin sa taóng ito at sa susunod na taon. Ipasok ito sa isang action plan:

6. Tulungan ang mga kalahok na gumawa ng Action Plan. Bigyang-diin na ang action

plan na ito ay dapat isagawa ng barangay. Maaari din nilang tukuyin ang tulong

na gusto nilang makuha sa POPCOM at ang counterpart ng barangay.

_________________________

1 Department of Health, 2018

2 Philippines Global Youth Tobacco Survey (GYTS) 2015: Centers for Disease Control and

Prevention; 2017.

Available from: nccd.cdc.gov/GTSSData/default/default.aspx

3 https://www.verywellmind.com/big-tobaccos-list-of-599-cigarette-additives-2824422

4 https://psa.gov.ph/content/2015-global-adult-tobacco-survey

105
106
ANNEX A
TRAINING DESIGN

KATROPA HANDBOOK FOR TRAINERS AND ADVOCATES

Opsiyon 1 – Buong apat (4) na araw.

107
Opsiyon 2 – Buong tatlo (3) na araw.

108
Opsiyon 3 – Buong dalawa (2) na araw.

109
Opsiyon 4 – Buong isang (1) araw.

110
ANNEX B
Session Evaluation Sheet

Pangalan (Opsyonal): __________________ Date:____________


Salamat sa paglahok, makakatulong ito kung isusulat mo ang iyong puna mula sa sesyon ngayon.

Mangyaring markahan ang iyong rating ng " ".

111
ANNEX C
Mga Pamamaraan ng Pagpapapakilala

KATROPA – Handbook for Trainers and Advocates

(Gabay para sa mga Tagasanay at Tagasulong)

1. ANG HAWAK KO'Y AKO... Imungkahi sa kalahok na kumuha ng isang bagay na malapit sa

kinauupuan nila o suot suot nila at sabihin ang kaugnayan nito sa kanya.

Hal. Ako ay katulad ng lapis..maaring nagkakamali ngunit maaari ko naman itong baguhin

2. SABAW QUESTION Kung ikaw ay isang sahog o sangkap sa isang lutuin... Ano ito at

bakit?

Hal. Ako ay asukal, habang inilalagay lalong tumatamis..

3. BIDA QUESTION Magbigay ng palabas na huli mong pinanood. Tauhan ka na ngayon nito.

Sino ka at bakit?

Hal. Ang huling palabas na aking pinanood ay "Pepito Manaloto" ako na ngayon si Pepito,

sapagkat siya ay katulad ko ring may mabuting kalooban para sa kapwa...

112
ANNEX D
The Five Love Languages Test

By Dr. Gary Chapman

Basahin ang bawat pares na pangungusap at bilugan ang higit na nagpapakilala sa iyo.

1. ____ A. Masaya ako kapag nakakatanggap ako ng sulat ng pagsangayon mula sa iyo.

____ E. Masaya ako kapag niyayakap mo ako.

2. ____ B. Gustong gusto ko na nag lalaan ka ng oras para sa ating dalawaI lamang

____ D. Gusto kung tinutulongan mo ako sa mga gawain ko

3. ____ C. Gusto ko na binibigyan mo ako ng regalo

____ B. Masaya ako kapag magkasama tayong naglalakad.

4. ____ D. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag tinutulongan mo ako

____ E. Nararamdaman kung mahal mo ako kapag niyayakap mo ako o hinahawakan

ang aking kamay

5. ____ E. Nararamdaman kung mahal mo ako kapag hinahawakan mo ako sa braso.

____ C. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag nakakatangkap ako ng regalo galing

sa iyo.

6. ____ B. Gusto kong pumunta sa ibang lugar na kasama ka.

____ E. Gusto kong hinahawakan mo ang aking kamay.

7. ____ A. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag pinapansin mo ako

____ C. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag binibigyan mo ako ng regalo

8. ____ E. Gusto kong magkatabi tayo

____ A. Gusto kong sinasabihan mo ako na maganda/gwapo.

9. ____ B. Gusto kong magkaroon ng mahabang oras na magkasama tayo

____ C. Gusto ko na binibigyan mo ako ng kahit maliit na regalo.

10.____ D. Alam kong mahal mo ako kapag tinutulongan mo ako

____ A. Kapag sinasabi mong mahalaga ako sayo ay kinikilig ako

11. ____ B. Gusto ko na gumawa ng mga bagay na magkasama tayo

____ A. Gusto ko na pinupuri mo ako..

12.____ E. Pakiramdam ko na kumpleto na ako kapag niyayakap mo ako.

____ D. Mas naaapektohan ako sa sinasabi mo ng higit kesa sa ginagawa mo

13.____ A. Mas pinahahalagahan ko na pinupuri mo ako at hindi sinisisi.

____ C. Mas gusto ko na lagi mo akong binibigyan ng regalo madalas kahit hindi mamahalin.

113
14.____ E. Nararamdaman kong malapit tayo sa isa’t isa kapag niyayakap mo ako

____ B. Nararamdaman kong magkalapit tayo kapag magkasam tayong gumagawa

15.____ A. Gusto ko na pinupuri mo ako sa mga tagumpay na nagawa ko.

____ D. Alam kong mahal mo ako kapag gumagawa ka para sa akin kahit alam kong ayaw

mo itong gawin.

16.____ E. Gusto ko hawak kamay tayo habang naglalakad.

____ B. Gusto ko na nakikinig ka sa aking mga kwento.

17.____ C. Natutuwa talaga ako kapag nakakatanggap ako ng regalo mula sa iyo.

____ D. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag tinutulonggan mo ako sa gawaing bahay.

18.____ A. Gusto ko na sinasabihan mo ako ng gwapo/maganda.

____ B. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag inuunawa mo ang aking mararamdaman.

19. ____ E. Nararamdaman ko na secure ako kapag hinahawakan mo ako sa kamay

____ D. Ang Pagtulong mo sa akin ay nakakapakilig sa akin.

20.____ D. Pinapahalagahan ko ang mga ginagawa mo para sa akin.

____ C. Gusto kong nakakatanggap ng regalo sa iyo.

21. ____ B. Masaya ako kapag ang buong attention mo ay nasa akin lamang.

____ D. Masaya ako kapag gumagawa ka ng kahit anung pagtulong para sa akin

22.____ C. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag pinagdiriwang mo ang aking kaarawan na

may regalo ka para sa akin.

____ A. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag nagdiriwang tayo ng kaarawan ko at

binibigyan mo ako meaningful words (written or spoken.)

23.____ D. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag tinutulongan mo ako sa gawaing bahay

____ C. Alam kong iniisip mo ako kapag ikaw ay nagbibigay ng regalo para sa akin.

24.____ C. Pinapahalagahan ko kapag naaalala mo ang mga espesyal na araw para sa atin lalo na

kung may regalo ka.

____ B. Pinahahalagahan ko na nakikinig ka lamang sa akin at di mo ako sinasaway kahit mong

wala naman itong kabay-bagay.

25.____ B. Natutuwa akong kasama ka kahit pa matagal ang paglalakbay natin

____ D. Masaya akong malamang concerned ka sa akin sa lahat ng aking ginagawa

26.____ E. Kinikilig ako kapag hinahalikan mo ako unexpectedly.

____ C. Kinikilig ako kapag binibigyan mo ako ng regalo kahit hindi ko birthday

27.____ A. Gusto kong sinasabihan mo ako, na gusto mo ako.

____ B. Gusto ko na tinititigan mo ako habang kinakausap mo ako.

114
28.____ C. Ang regalo mo ay espesyal para sa akin

____ E. Kinikilig ako kapag hinahalikan mo ako

29.____ A. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag sinasabihan mo akong mahalaga ako sa iyo.

____ D. Nararamdaman kong mahal mo ako kapag masaya ka na ginagawa mo ang inuutos ko

sa iyo.

30.____ E. Gusto ko na niyayakap mo ako araw-araw.

____ A. Gusto ko na sinasabihan mo ako ng words of affirmation araw-araw.

Bilangin lahat ang mga namarkahan letra na binilugan..Tuosin at ilagay ang tamang bilang na tinuos

sa letrang kinaaayunan sa ibaba.

A. ____ Words of Affirmation B. ____ Quality Time C. ____ Receiving Gifts

D. ____ Acts of Service E. ____ Physical Touch

PAGPAPALIWANAG:. Kunin ang unang dalawang pinaka mataas na bilang at iprosseso. Ipaliwanag

na maaring ang lahat ng pagpapahayag ng pagmamahal ay magbago sa mahabang panahon at sa

bawat sitwasyon, ngunit ang unang dalawang pinakamataas na nakuhang bilang ang posibleng

pangunahing hinahanap niya upang madama niya na siya ay minamahal ng kanyang karelasyon.

Tandaan: Maaaring iba ang pagtanggap niya ng pagmamahal (receiving) at iba sa kanyang pag-

bibigay o pagpapahayag (giving) ng pagmamahal sa kanyang karelasyon. Maaaring ang kanyang

pagtanggap (receiving) at pagpapahayag (giving) ng pagmamahal ay iisa lamang.

115

You might also like