You are on page 1of 28

Health

Worker

Measles-Rubella and Oral Polio


Supplemental Immunization
Activity (MR-OPV SIA)
Gabay para sa Epektibong Komunikasyon
at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad
Ang gabay na ito ay ginawa para sa mga health workers, vaccination
teams, volunteers, at social mobilizers upang magkaroon ng positibong
ugnayan sa komunidad at mapataas ang bilang ng mga batang
mababakunahan sa MR-OPV Supplemental Immunization Activity.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

2
TALAAN NG NILALAMAN

MR-OPV SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY 4

MGA GAGAWIN BAGO, HABANG, AT PAGKATAPOS 5


NG SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY

MGA DAPAT TANDAAN PARA SA MAKABULUHANG USAPAN 7

MAHALAGANG KAALAMAN

Tungkol sa Rubella, Polio at Tigdas 8

Tungkol sa COVID-19 10

MGA MENSAHE 11

SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA 14


MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH, 22


HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA 25


(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

3
MR-OPV SIA
Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra
Rubella, Polio, at Tigdas!

LAYUNIN NG MR-OPV SIA


Bakunahan ang lahat ng mga bata para mapigilan ang pagkalat ng tigdas at rubella na maaaring
mauwi sa outbreak at masugpo rin ang kasalukuyang polio outbreak. Magbibigay ng dagdag na dose
ng OPV at MR vaccine sa lahat ng bata, nabakunahan na dati o hindi pa, bilang dagdag proteksiyon
laban sa mga sakit na ito.

BAKUNANG IBIBIGAY AT EDAD NG BATANG BABAKUNAHAN


MR vaccine (turok) 9 - 59 months old

OPV (patak) 0 - 59 months old

Pagkatapos mabigyan ng bakuna ang bata, mamarkahan ang hinliliit na daliri ng kanyang kaliwang
kamay kung siya ay nabigyan ng measles-rubella (MR) vaccine at ang hintuturo ng kanyang
kaliwang kamay kung siya ay nabigyan ng oral polio vaccine (OPV).

OPV
SCHEDULE AT BAKUNANG IBIBIGAY
Phase 1 Oktubre 26 - Nobyembre 25, 2020

Regions 1, 2, 4B, 5, at CAR MR + OPV


MR
Regions 9, 10, 11, 12, CARAGA, at BARMM MR

Phase 2 Febrero 1 - 28, 2021

Regions 3, 4A, 6, 7, 8 MR + OPV

NCR MR

Unang dalawang linggo: Malawakan at sabayang pagbabakuna


Huling dalawang linggo: Follow-up sa mga hindi pa nababakunahan (rapid convenience
monitoring, mop-up)

SAAN GAGAWIN ANG PAGBABAKUNA?


Sa mga fixed posts ( e.g. rural/city health offices, barangay health stations, maternity clinics etc.) at
mga temporary vaccination posts (e.g. barangay halls, covered courts, convention halls, unused
schools etc.) sa komunidad na itatalaga ng mga lokal na pamahalaan o barangay.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

4
MGA GAGAWIN BAGO, HABANG,
AT PAGKATAPOS NG SIA

BAGO MAGSIMULA ANG SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (SIA) O


MASS IMMUNIZATION
Mahalaga ang paghahanda sa SIA para matiyak na mababakakunahan ang lahat ng bata at
maiwasan ang mga pagtanggi sa bakuna (refusal).

1. Planuhin nang mabuti at maaga kung paano mababakunahan ang lahat ng bata sa inyong
lugar (microplanning). Tukuyin din ang mga hard-to-reach, high-risk, at special populations at
kung paano sila mararating ng impormasyon at mapapapunta sa mga vaccination posts.
Kasama rito ang mga sumunod:
a. Mga nakatira sa remote areas
b. Mobile or transient populations
c. Street dwellers/homeless
d. Indigenous peoples (IP)

Hindi lahat ay nararating ng mass media, social media, o ng recorrida kaya mainam na
puntahan ang mga miyembro ng komunidad na walang access sa mga communication
platforms na ito at para matulungan silang maplano ang kanilang pagpapabakuna.

2. Ipaalam sa komunidad lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang


babakunahan ang mga sumusunod:
a. Impormasyon tungkol sa MR-OPV SIA gaya ng kung bakit ito ginagawa, sino ang
babakunahan at edad, kailan, saan, at paano.
b. Mga kailangang sundin para sa ligtas na pagbabakuna gaya ng pagsuot ng face mask
at paghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon o paggamit ng alcohol
bago at pagkatapos magpabakuna
c. Pagsunod ng mga health workers at vaccination teams sa COVID-19 infection
prevention and control (IPC) protocols para tiyaking ligtas ang pagbabakuna

3. Palawakin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa tigdas, polio at rubella at mga bakunang
ginagamit para maiwasan ang mga ito. Ipaliwanag ang maaaring mangyari kung hindi
mabibigyan ng dagdag na dose ang mga bata at kung hindi mabakunahan ang lahat ng bata sa
komunidad.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

5
MGA GAGAWIN BAGO, HABANG,
AT PAGKATAPOS NG SIA

4. Maglaan ng sapat na panahon para matugunan ang mga tanong o agam-agam ng mga
magulang at tagapag-alaga ng mga bata tungkol sa SIA.

5. Hingin ang suporta at pakikiisa ng lahat ng miyembro ng komunidad gaya ng mga lokal na
opisyal, religious leaders, IP leaders, pediatricians, health professional groups, women’s groups,
homeowners associations at iba pang civic society groups. Makatutulong sila para mapabilis
ang pagtanggap ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata sa bakuna at para makumbinsi
ang mga nag-aalinlangan o ayaw magpabakuna na mga magulang.

6. Bumuo ng grupo (vaccine refusal team) sa inyong barangay na tutugon sa mga maaaring
tumanggi sa mga bakunang ibibigay (refusals). Maaaring kasama rito ang barangay chairman,
community leader, private health professionals, community health workers at iba pang
pinagkakatiwalaan ng mga tao sa komunidad. Pag-usapang maigi kung paano magkakaroon ng
sapat at tamang koordinasyon o mga hakbang na gagawin kapag mayroong refusals.

7. Tukuyin ang mga lugar o mga pamilyang maaaring hindi makapagpabakuna, nag-aalinlangan, o
ayaw magpabakuna at tugunan ang mga isyu bago pa man magsimula ang mass campaign.

8. Alamin o kilalanin ang mga private doctors at practitioners sa lugar na maaaring tumulong o
makonsulta kung sakaling may mga tatanggi sa pagbabakuna.

HABANG ISINASAGAWA ANG SIA


1. Gawing regular ang pagbibigay ng impormasyon sa komunidad hangga’t mayroon pang mga
batang hindi nababakunahan at mas bigyang pansin ang mga pamilya o mga lugar na hindi
pa nakapagpabakuna.

2. Puntahan ang mga pamilyang hindi pa nagpapabakuna sa takdang schedule at alamin ang
dahilan. Depende sa dahilan, tulungan at sikaping mahikayat silang pumunta sa health center
o vaccination post. Kung kailangan, ipagbigay-alam ito sa vaccine refusal team o sa mga
opisyal ng barangay upang makatulong sa paghikayat sa mga magulang o tagapag-alaga ng
bata.

3. Agad tugunan ang anumang kumakalat na maling impormasyon.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

6
MGA DAPAT TANDAAN PARA SA
MAKABULUHANG USAPAN

PAGKATAPOS NG SIA
1. Pasalamatan at i-recognize ang pakikiisa ng mga miyembro ng komunidad lalo na ang
mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata.

2. Magbigay ng update sa lahat ng tumulong sa SIA tungkol sa resulta ng pagbabakuna at


hingin ang patuloy na suporta at pakikiisa sa routine immunization at iba pang
programa ng lokal na pamahalaan.

3. Ituloy ang paaalala sa mga pamilya na tiyaking kumpleto ang bakuna ng mga bata ayon
sa immunization schedule.

4. Ipaalam na tuloy ang mga serbisyo sa health center at maaari silang magpabakuna
habang sumusunod sa mga ipinapatupad na alituntunin para sa proteksiyon laban sa
COVID-19.

5. Ipaalala sa mga lokal na opisyal ang kahalagahan ng mataas na immunization coverage


na hindi bababa sa 95% sa lahat ng mga bata para maiwasan ang mga
vaccine-preventable disease outbreaks.

MGA DAPAT TANDAAN PARA SA MAKABULUHANG USAPAN


● Maging palakaibigan at magalang.

● Gumamit ng simpleng salita tuwing nagpapaliwanag.

● Hikayating magtanong at magpahayag ng saloobin ang kausap.

● Hayaan ang kausap na ipahayag ang kanilang tanong, saloobin, o agam-agam


bago sagutin o tugunan ang mga ito at iwasto ang anumang maling
impormasyon.

● Iwasang gumamit ng mga salitang mapanghusga.

● Kung mayroong mga tanong na hindi masagot, sabihin sa kausap na babalik ka


para maibigay ang tamang impormasyon mula sa mga pinagkakatiwalaang
sources. Huwag magbigay ng impormasyon kung hindi sigurado.

● Bago matapos ang usapan, magpasalamat sa pagtanggap nila sa iyo at sa oras


ng ibinigay nila para inyong talakayan

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

7
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA RUBELLA, POLIO, AT TIGDAS

ANO ANG POLIO?


● Sakit na dulot ng poliovirus
● Umaatake ang poliovirus sa spinal cord at mga nerves na nagpapagalaw sa mga muscles,
lalong lalo na sa paa, hanggang ang mga ito ay hindi na maigalaw at maparalisa
habangbuhay.
● Maaari ring maparalisa ang ating diaphragm o ang ating “breathing muscle”, kung kaya’t
maaaring mahirapang huminga ang pasyente. Maaari niya itong ikamatay.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG POLIO?


Karamihan ng polio infection ay walang sintomas. Kung meron man, maaari itong maihalintulad sa
ibang mga sakit, tulad ng trangkaso na may lagnat at pananakit ng ulo, pagkapagod o fatigue. Maaari
ring magkaroon ng paninigas ng leeg o stiff neck, o panghihina ng mga braso at binti.

PAANO KUMAKALAT ANG POLIO?


Pumapasok ang poliovirus sa bibig ng tao sa pamamagitan ng mga kamay, pagkain at inumin na
kontaminado ng dumi ng tao na may poliovirus.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa polio. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito. Bilang bahagi
ng routine immunization, binibigyan ng OPV ang mga batang 1 ½ buwan (1st dose), 2 ½ buwan (2nd
dose), at 3 ½ buwan (3rd dose) at Inactivated Polio Vaccine (IPV) sa mga batang 3 ½ buwan, kasabay
ng 3rd dose ng OPV. Tuwing may outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose ng
OPV sa mga bata.

ANO ANG TIGDAS?


Ang tigdas ay isang sakit na lubhang nakahahawa dulot ng measles virus. Ang sakit na ito ay
maaaring magdulot ng mga kumplikasyon katulad ng pneumonia, ear (otitis meda) at conjunctivitis,
pagtatae, pamamaga ng utak (encephalitis), iba pang kumplikasyon kagaya ng malnutrisyon at
kamatayan.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

8
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA RUBELLA, POLIO, AT TIGDAS

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG TIGDAS?


● Lagnat
● Conjunctivitis o pamumula ng mata
● Cough o ubo
● Coryza o sipon
● Mapupulang pantal o rashes

PAANO ITO KUMAKALAT?


Ang virus ng tigdas ay airborne at maaaring maipasa kapag kapag iniubo o ibinahing sa hangin ng
isang taong may tigdas at nalanghap ng isang taong hindi protektado dito. Kailangang maihiwalay
ang mga batang may tigdas sapagkat ito ay lubhang nakahahawa.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa tigdas. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito. Bilang bahagi
ng routine immunization, binibigyan ng Measles, Mumps, Rubella (MMR) vaccine ang mga batang 9
na buwan (1st dose) at isang taon (2nd dose). Tuwing may outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay
ng dagdag na dose ng measles-containing vaccine sa mga bata.

ANO ANG RUBELLA?


Ang rubella ay kilala rin bilang "German measles" at ito ay sanhi ng rubella virus. Kung magkakaroon
ng rubella ang isang babae habang siya ay buntis, maaari siyang makunan o ang anak niya ay
isisilang na may mga malulubhang depekto.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG RUBELLA?


● Lagnat (low grade)
● Panghihina ng katawan
● Kulani (lymphadenopathies)
● Rashes o pantal
● Pamumula ng mata

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

9
MAHALAGANG KAALAMAN
TUNGKOL SA COVID-19

PAANO KUMAKALAT ANG RUBELLA?


Naipapasa ito sa pamamagitan ng droplets na may dalang virus na iniubo o ibinahing ng
taong may rubella.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa rubella. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito.
Bilang bahagi ng routine immunization, binibigyan ng Measles, Mumps, Rubella (MMR)
vaccine ang mga batang 9 na buwan (1st dose) at isang taon (2nd dose). Tuwing may
outbreak o banta ng outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose ng Measles-Rubella (MR)
vaccine sa mga bata.

MAHALAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA COVID-19


ANG SIA AY ISASAGAWA HABANG PATULOY PA RIN ANG PAGKALAT NG
COVID-19. MAHALAGANG MALAMAN AT MAIBAHAGI ANG MGA IMPORMASYON
TUNGKOL SA COVID-19 AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN.

ANO ANG COVID-19?


Ang COVID-19 ay dulot ng isang bagong virus. Mabilis itong kumalat at makahawa lalo na sa
mga taong may iba pang mga sakit, karamdaman, at mga matatanda.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG COVID-19?

Ang mga kadalasang sintomas nito ay: May mga ilan ding nakararanas ng:

● Lagnat ● Pananakit ng katawan


● Dry cough ● Baradong ilong
● Pagkapagod ● Sipon
● Pamamaga at sakit ng lalamunan
● Hirap sa paghinga
Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumabas mula 2 hanggang 14 na araw pagkatapos
ma-expose. Hindi lahat ng taong may COVID-19 ay may sintomas. Maaari pa rin nilang
maikalat ang virus.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

10
MGA MENSAHE

PAANO ITO KUMAKALAT?


Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng droplets o talsik ng laway o sipon na galing sa taong
may COVID-19. Nahahawa ang ibang tao kapag ang droplets na ito ay nahawakan at pumasok sa
bibig, ilong, o mata. Maaaring maiwan ang mga droplets sa mga surfaces at pwede itong maipasa
sa mga taong nakahawak sa mga bagay. Nananatili ang virus sa mga bagay na ito sa loob ng ilang
araw.

NAGAGAMOT BA ITO? PAANO ITO MAIIWASAN?


Walang gamot laban sa COVID-19 at wala pang bakuna para maiwasan ito ngunit kayang iwasan
at pabagalin ang pagkalat nito sa pamamagitan ng:

● Madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based sanitizer


● Paggamit ng face mask
● Pagsunod sa physical distancing o isang metro o higit pa ang layo mula sa ibang tao kung
lalabas ng bahay
● Tamang pagbahing o pag-ubo gamit ang looban ng siko o malinis na tisyu
Karamihan sa mga may COVID-19 ay gumagaling nang walang espesyal na gamutan maliban sa
paggamot sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, at sipon ngunit may ibang kaso rin na nauuwi ito
sa pulmonya o kaya pagkamatay.

PANGKALAHATANG MENSAHE PARA SA KOMUNIDAD TUNGKOL SA


MR-OPV SIA
1. May malaking banta ng outbreak o malawakang pagkalat ng tigdas. Dumadani rin ang kaso
ng rubella habang kasalukuyan pa ring may polio outbreak sa bansa.

a. Nangyayari ang mga ito dahil dumami ang bilang ng mga batang hindi
nabakunahan o hindi kumpleto ang bakuna laban sa mga sakit na ito.
b. Sa pagkaantala ng pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa pandemyang dulot ng
COVID-19, lalo pang dumami ang bilang na ito.

2. Para mapigilan ang pagkalat ng mga sakit na ito, kailangang magsagawa ng isang
malawakang pagbabakuna o mass immunization campaign. Bibigyan ng dagdag na dose
ng OPV ang lahat ng mga batang wala pang 5 taong gulang (0-59 buwan) at MR vaccine
ang lahat ng mga batang mula 9 hanggang 59 na buwan.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

11
MGA MENSAHE

3. Ang tigdas, polio at rubella ay lubhang nakahahawa at mabilis kumalat. Ang tigdas ay
nagdudulot ng mga malubhang kumplikasyon. Ang polio naman ay nagdudulot ng
habangbuhay na pagkaparalisa. Ang rubella ay maaaring magdulot ng mga congenital
defects sa sanggol ng nanay na nagkaroon ng rubella infection. Parehong nakamamatay ang
polio at tigdas.

4. Walang gamot sa mga sakit na ito at bakuna lamang ang tanging paraan para maiwasan ang
mga ito.

5. Ang mga bakunang ibibigay sa mass immunization na ito ay ginagamit na sa Pilipinas sa loob
ng 40 taon bilang bahagi ng routine immunization program. Ang mga ito ay libre, ligtas at
epektibo.

MENSAHE PARA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG MGA BATA


1. Habang nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic, may malaking banta ng outbreak o
malawakang pagkalat ng tigdas. Dumadami rin ang kaso ng rubella at kasalukuyan pa ring
may polio outbreak sa bansa.

○ Pinakamapanganib ito sa mga batang walang pang 5 taong gulang


○ Maaaring mahawaan ang ating mga anak kung wala silang dagdag na proteksiyon
laban sa mga sakit na ito.

2. Malubha ang mga kumplikasyon na dulot ng tigdas at rubella at ang polio ay nagdudulot ng
habangbuhay na pagkaparalisa. Parehong nakamamatay ang tigdas at polio. Ang rubella ay
nagdudulot ng congenital defects sa mga sanggol na maaaring magdulot ng
panghabangbuhay na kapansanan.

3. Walang gamot sa mga sakit na ito at tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ang
mga ito.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

12
MGA MENSAHE

4. Sa gagawing measles-rubella and oral polio vaccine supplemental immunization activity


(MR-OPV SIA) sa inyong lugar, pabakunahan ang mga anak para may dagdag proteksiyon sila
laban sa tigdas, polio at rubella, nabakunahan na dati o hindi pa.

○ Kailangang bigyan agad ng dagdag proteksiyon ang ating mga anak lalong lalo na
ngayong panahon ng pandemya kung saan nahihirapan na ang ating mga health
workers na harapin ang pagdagsa ng mga pasyente. Maging ang mga ospital at iba
pang health facilities ay nahihirapan na ring tumanggap ng mga nagpapagamot.
○ Ang mga bakunang ibibigay sa SIA na ito ay ginagamit na sa Pilipinas sa loob ng 40
taon bilang bahagi ng routine immunization program. Ang mga ito ay libre, ligtas at
epektibo.

5. Magtanong sa mga health workers at barangay officials sa inyong lugar para sa schedule ng
pagbabakuna sa health center or vaccination posts at iba pang detalye.

PAGPAPATUPAD NG LIGTAS NA PAGBABAKUNA SA MGA HEALTH CENTER


AT VACCINATION POSTS
1. Mahigpit na sumusunod ang mga health workers at vaccination teams sa COVID-19 IPC
protocols. Nakasuot sila ng face mask at face shield tuwing magbabakuna at susunod din sa
tamang paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon o alcohol bago at
pagkatapos magbakuna.

2. Kapag nagpapatak ng OPV, hindi hinahayaang lumapat ang dropper sa kahit anumang bahagi
ng bibig ng bawat batang papatakan para hindi ito ma-contaminate.

3. Ang pagbabakuna ay gagawin sa bahagi ng health center o vaccination post na:


○ Hindi kulob o may ventilation
○ Nakahiwalay ang mga magpapabakuna sa mga nagpapagamot
○ May sapat na space para maipatupad ang physical distancing

4. Bago magbakuna, magkakaroon muna ng COVID-19 rapid screening para sa mga magulang
ng batang babakunahan para malaman kung mayroon silang sintomas ng COVID-19 at kung
na-expose sila sa taong may COVID-19 o suspect case, at para magawa ang tamang hakbang
depende sa resulta.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

13
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

5. Lilimitahan ang physical contact sa pagitan ng vaccinator at batang babakunahan, kasama


ang kanyang magulang o tagapag-alaga.
6. Ang mga magulang at tagapag-alaga ng batang babakunahan ay dapat nakasuot ng face
mask at maghuhugas ng kamay o gagamit ng alcohol bago at pagkatapos magpabakuna.

7. Isang magulang o tagapag-alaga lang ang maaaring magdala ng batang babakunahan sa


loob ng health center o vaccination post.

A. TUNGKOL SA MR-OPV SIA O MASS IMMUNIZATION CAMPAIGN


BAKIT KAILANGAN NG KAMPANYA OR SIA LABAN SA TIGDAS AT POLIO?
Malaki ang banta ng malawakang pagkalat o outbreak ng tigdas. Dumdami rin ang kaso ng rubella at
kasalukuyan pa ring may polio outbreak sa bansa. Sa mga nakaraang taon, dumami ang mga bata
na hindi nabakunahan o protektado laban sa tigdas, polio, at rubella at lalo pang dumami ito dahil sa
pagkaantala ng pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa COVID-19 pandemic.

ANO ANG KAIBAHAN NITO SA ROUTINE IMMUNIZATION?


Ang SIA ay isang malawakang pagbabakuna o mass immunization na isinasagawa para agad na
mapigilan ang banta ng measles outbreak, pagkalat ng rubella at masugpo ang kasalukuyang polio
outbreak. Ang mga bakunang ibibigay ay dagdag sa mga bakunang ibinibigay sa mga bata bilang
bahagi ng routine immunization.

BAKIT KAILANGAN ITONG ISAGAWA NGAYON KAHIT NASA GITNA TAYO NG


COVID-19 PANDEMIC?
Habang naaantala ang pagsasagawa ng kampanyang ito, dadami ang batang walang proteksiyon
laban sa tigdas, polio at rubella. Sa mabilis na pagkalat ng measles virus, lalong malalagay sa
panganib ang mga bata sa malubhang kumplikasyon na dulot ng tigdas o kaya pagkamatay. Patuloy
rin ang polio outbreak sa ilang lugar sa ating bansa, at ang karagdagang dose ng OPV ay magbibigay
ng karagdagang proteksyon laban sa sakit na ito.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

14
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

KUNG NA-EXPOSE KAMI NG AKING ANAK SA TAONG KUMPIRMADONG MAY


COVID-19 O HINIHINALANG MAYROON NITO, PUWEDE PA RIN BA KAMING
PUMUNTA SA HEALTH CENTER PARA MAGPABAKUNA?

Hangga’t maaari, manatili sa loob ng bahay at ipagbigay-alam ang inyong sitwasyon sa mga health
workers o kahit sinong miyembro ng barangay health emergency team (BHERT) upang madesisyunan
kung kailan at paano mababakunahan ang inyong anak at para ma-monitor ang inyong kalagayan o
sintomas, kung mayroon.

DAHIL ANG OPV VIAL AY MULTI-DOSE AT IPINAPATAK ITO SA BIBIG NG IBA’T


IBANG BATA GAMIT ANG IISANG DROPPER, HINDI BA ITO MAGDUDULOT NG
PAGKALAT NG SAKIT KUNG MAY BATANG NAPATAKAN NA MAY
NAKAKAHAWANG SAKIT GAYA NG COVID-19?

Tuwing magpapatak ng OPV, tinitiyak na hindi lalapat ang dropper sa kahit anong parte ng bibig ng
bata. Ang mga vaccinators ay sinanay sa tamang pagpatak ng OPV. Sa ganitong paraan, maiiwasan
na hindi ito mako-contaminate, mananatiling malinis, at magagamit pa rin pangpatak sa iba pang
bata.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

15
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

PAANO MATITIYAK NA HINDI LALONG KAKALAT ANG COVID-19 HABANG


ISINASAGAWA ANG KAMPANYANG ITO?
May mga ipinatutupad na safety protocols para sa ligtas na pagbabakuna gaya ng mga
sumusunod:

● Ang mga health worker ay nakasuot ng face mask at face shield. Lilimitahan din ang
contact sa mga magulang at batang babakunahan
● Ang mga magulang at tagapag-alaga ng batang babakunahan ay kailangang magsuot
ng face mask
● Magpapatupad ng crowd control measures sa mga vaccination posts para masunod
ng tamang physical distancing (1 metro o higit pa)
● Gagawin ang pagbabakuna sa parte ng health center o lugar na well-ventilated at
palaging dini-disinfect.

MAAARI BANG ISABAY ANG PAGBIBIGAY NG IBANG BAKUNA DITO SA


KAMPANYANG ITO?
Maaaring ibigay ang mga iba pang bakuna para sa bata basta’t naaayon ito sa routine
immunization schedule.

MAAARI BANG BAKUNAHAN ANG BATA KAHIT MAYROON SIYANG SINAT O


UBO?
Maaaring bakunahan ang mga batang may banayad na sintomas gaya ng sinat. Bago
magbakuna, lahat ng bata ay iiksaminin muna ng doktor, nurse o health personnel bago
bigyan ng bakuna. Kung makita na ang bata ay may ibang sakit na malubha, maaaring
ipagpaliban ang pagbabakuna hanggang sa gumaling siya.

Gayunpaman, ang batang mayroong sintomas ng COVID-19 ay dapat i-report sa BHERT lalo
na kung siya ay nagkaroon ng close contact sa isang taong may COVID-19 o kung
maraming kaso ng COVID-19 sa lugar. May mga panuntunan mula sa DOH na kailangang
sundin ang mga health worker para sa case management.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

16
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

B. TUNGKOL SA TIGDAS AT MR VACCINE

LIGTAS AT EPEKTIBO BA ANG BAKUNA LABAN SA TIGDAS?


Oo, ligtas at epektibo ang mga bakuna laban sa tigdas. Mahigit apatnapung (40) taon na ang
pagbabakuna laban sa tigdas at polio sa ating bansa. Katulad din ng ibang mga bakuna para
sa mga bata, ito ay dumaan sa masusing pag-aaral upang matiyak na ito ay ligtas at
epektibo.

MAY SIDE-EFFECTS BA ANG MR VACCINE? ANU-ANO ANG MGA ITO?


Pagkatapos mabakunahan, maaaring magkaroon ng sinat, kirot at pamumula sa parteng
binakunahan. Ang mga ito ay banayad lamang, pansamantala at bahagi ng normal na
reaksyon ng katawan sa bakunang ito para mabuo ang immunity laban sa tigdas. Para
mawala ang lagnat, maaaring bigyan ng paracetamol ang bata ayon sa dose na
rekomendado ng doctor.

Ipagpatuloy din ang pagpapasuso sa sanggol o pagpapainom ng maraming tubig o juice sa


mga nakakatandang mga bata habang may lagnat. Para naman maibsan ang pamamaga,
maaaring lagyan ng di masyadong malamig or cool compress ang bahaging binakunahan.
Huwag din itong lagyan ng iba pang mga gamot o kahit anong maaaring magdulot ng
infection sa parteng binakunahan. Magkonsulta agad sa doktor kung hindi gumagaling ang
pamamaga sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

17
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

SINU-SINO ANG MGA HINDI MAAARING BIGYAN NG MR VACCINE?


Para sa kampanyang ito, ang hindi maaaring bakunahan ay ang mga sumusunod:

● may severe allergy sa mga previous injectable vaccine o measles-containing vaccines


o kahit anong component ng bakuna
● may mataas na lagnat (higit sa 37.8°C) o may malubhang karamdaman
● immunocompromised o mahina ang resistensya ng katawan dahil sa isang sakit o
dahil umiinom ng steroids o immunosuppressant drugs
● may active TB
● may leukemia, lymphoma at iba pang malubhang sakit

MAAARI BANG BIGYAN NG MR VACCINE ANG BATANG MALNOURISHED?


MAY MILD DIARRHEA? MAY MILD RESPIRATORY ILLNESS?
Oo. Kailangang mabakunahan pa rin ang bata kahit siya ay malnourished, may mild diarrhea,
o mild respiratory illness. Mas higit silang nangangailangan ng dagdag na proteksyon laban
sa mga nakahahawang sakit. Ang mga batang may mga skin allergy or asthma ay maaari
ring bigyan ng MR vaccine.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

18
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

NAKUMPLETO NA NG AKING ANAK ANG DALAWANG DOSES NG MEASLES


VACCINE. KAILANGAN PA BA NIYA NG DAGDAG NA DOSE?
Oo, babakunahan ang lahat ng mga batang 9 na buwan hanggang wala pang limang taong
gulang ng MR vaccine, kasama ang mga nakakumpleto na ng dalawang doses ng
measles-cointaning vaccine. Ang karagdagang dose ay magsisilbing booster at magbibigay
ng karagdagang proteksyon sa inyong anak lalo na at may banta ng measles outbreak.

POSIBLE BANG MAGKATIGDAS PA RIN ANG BATA KAHIT KUMPLETO NA ANG


KANYANG BAKUNA LABAN SA TIGDAS AYON SA ROUTINE IMMUNIZATION
SCHEDULE?

May maliit na posibilidad na magkatigdas pa rin ang bata kahit nakumpleto na niya ang
kanyang bakuna ayon sa routine immunization schedule. Ngunit kung magkatigdas man
siya, hindi magiging malubha o basta-basta magkakaroon ng kumplikasyon na maaaring
mauwi sa kamatayan. Ang dagdag na dose na ibibigay sa SIA campaign na ito ay
magsisilbing dagdag na proteskyon ng bata laban sa tigdas.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

19
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

C. TUNGKOL SA POLIO AT OPV

LIGTAS AT EPEKTIBO BA ANG ORAL POLIO VACCINE O OPV?


Oo. Matagal na nating ginagamit ito sa Pilipinas at ito rin ang ginagamit sa buong mundo para
protektahan ang mga bata laban sa polio. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 18M na
ang nakaiwas sa pagkalumpo dulot ng polio sa higit na 30 taon na paggamit ng bakunang OPV.

LIGTAS BA NA MABIGYAN ULI NG OPV ANG MGA BATA, KAHIT NA ILANG


BESES NA SILANG NAKATANGGAP NITO?
Oo. Ligtas ito at walang overdose. Mahalagang mabigyan ng OPV ang mga bata dahil ito ang
nakapagbibigay ng kasiguruhan ng proteksyon. Ang bawat karagdagang dose ay lalong nagpapatibay
ng proteksyon ng bata laban sa polio.

LIGTAS BANG MABIGYAN NG OPV ANG MGA BAGONG SILANG NA


SANGGOL? ILANG ORAS ANG DAPAT HINTAYIN PAGKASILANG NG SANGGOL
BAGO SIYA BIGYAN NG OPV?
Oo. Sa katunayan, mahalagang mabigyan ng OPV ang mga sanggol na bagong silang dahil
mahina pa ang kanilang immunity. Sa routine immunization schedule, ibinibigay ang OPV sa
mga batang 1 ½ buwan (1st dose), 2 ½ buwan (2nd dose), at 3 ½ buwan (3rd dose). Ngunit
kapag may mass immunization campaigns gaya ng MR-OPV SIA, ibinibigay ito kahit sa mga
bagong silang na sanggol. Maaaring ibigay kaagad ang OPV kasabay ng BCG at Hepatitis B
vaccine pagkapanganak sa sanggol basta’t masigla ito, sumususo, at walang ibang
karamdaman.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

20
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA
MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BATA

ILANG DOSES NG OPV ANG KAILANGAN PARA MAGING PROTEKTADO


ANG AKING ANAK LABAN SA POLIO?
Kailangan ng maraming doses para mabuo ang proteksiyon ng bata laban sa polio.
Kaya sa schedule ng routine immunization, ang OPV ay ibinibigay ng tatlong beses at
ang IPV ay isang beses. Ngunit ngayong may outbreak, nagbibigay ng dagdag na dose
ng OPV sa mga bata. Ang dagdag na dose ng OPV ay hindi nagdudulot ng overdose at
ito ay hindi nakakasama. Mas lalo itong nagpapaigting ng proteksyon laban sa polio.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

21
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

LOW-INCOME GROUPS (RURAL AND URBAN)

1. Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para matukoy sila at matulungan silang


makapunta sa health center o vaccination post sa takdang araw ng pagbabakuna.
2. Gumamit ng mga simpleng salita at ibahagi ang mga impormasyon sa paraan na
madaling maintindihan gaya ng pagkuwento kung paano nagkaroon ng kumplikasyon
ang isang bata sa lugar dahil wala siyang bakuna kontra tigdas.
3. Makipag-ugnayan sa mga NGOs o pribadong sektor na tumutulong sa mga low-income
groups at hingin din ang suporta nila. Isama rin sila sa mga orientation at briefing
sessions tungkol sa mass immunization.

GEOGRAPHICALLY ISOLATED AND DEPRESSED AREAS (GIDA)

1. Puntahan at maglaan ng sapat na oras para marating sila bago magsimula ang mass
immunization. Gamitin ang mga pamamaraan na ginagamit ng lokal na pamahalaan
para marating ang mga lugar na ito.
2. Isabay ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga outreach activities sa mga lugar na
ito kung mayroon.
3. Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay, NGOs, pribadong sektor, at iba pang
nakakarating sa mga lugar na ito at hingin ang suporta nila. Isama rin sila sa mga
orientation at briefing sessions tungkol sa gaganaping mass immunization.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

22
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

PEOPLE/CHILDREN WITH DISABILITY


1. Tukuyin at puntahan ang mga pamilyang ito. Marating man sila ng mass media, social
media, o ng local public address system, mainam na makausap sila para matulungan
silang maplano kung paano madadala ang bata sa health center kung siya o ang
nag-aalaga sa kanya ay may kapansanan at kailangan ng suporta.
2. Para maging inclusive ang pagbibigay ng impormasyon, sikaping magkaroon ng sign
language interpretation sa mga miting at sa mga audio-visual materials. Para naman sa
mga may visual impairment, makatutulong ang mga audio messages.

TRANSIENT AT MOBILE POPULATIONS


1. Maaari pa rin silang marating ng mass media at social media, depende sa kanilang
lokasyon.
2. Kung may mga transient workers sa inyong lugar na kasama ang mga pamilya at anak,
makipag-ugnayan din sa mga may-ari ng mga boarding houses, apartments, temporary
housing or shelters o di kaya’y puntahan sa bahay kung saan sila nakikitira.
3. Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para matukoy sila at maplano kung
paano sila mararating.

PEOPLE LIVING IN THE STREETS AND HOMELESS


1. Tukuyin ang mga lugar kung saan sila karaniwang “tumitira” at “bisitahin” sila sa oras
na nandoon sila.
2. Makipag-ugnayan din sa mga NGOs at iba pang grupong tumutulong sa mga
pamilyang walang tirahan, nakatira sa bangketa o street dwellers at planuhin kung
paano maipaparating ang impormasyon at kung paano sila matulungan sa pagpunta sa
health center o vaccination post sa araw ng pagbabakuna.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

23
SOCIAL MOBILIZATION PARA SA HARD-TO-REACH,
HIGH-RISK, AT SPECIAL POPULATIONS

CONFLICT-AFFECTED AREAS
Makipag-ugnayan sa mga lider ng komunidad para makapasok o makaikot ang mga
social mobilizers sa lugar at matiyak ang kaligtasan ng lahat.

INDIGENOUS POPULATIONS (IP)


1. Puntahan at makipag-ugnayan sa kanilang IP o tribal leader. Hingin ang kanyang
suporta na i-endorso ang mass immunization sa kanilang tribo o komunidad. Isama rin
sila sa mga briefing at orientation sessions.
2. Mahalagang magsama ng taong marunong o makaintindi ng kanilang indigenous
language o dialect para sa epektibong pakipag-ugnayan sa kanila.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

24
MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA
(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

Maaaring gamitin ang ang mga sumusunod na mensahe bilang tugon sa mga
dahilan ng refusal. Ngunit ang mga ito ay halimbawa lamang at tandaan na
kailangan pa ring i-akma ang bawat mensahe ayon sa sitwasyon ng kausap, sa
paraan na madali niyang maiintindihan.

TAKOT SA INJECTION
● I-focus ang usapan sa benepisyong makukuha sa bakuna.

Halimbawa: Naiintindihan namin na bilang mga magulang, ayaw ninyong masaktan ang
inyong anak dahil sa turok. Ngunit dapat din nating maintindihan na ang panandaliang kirot
na mararamdaman ng ating anak ay maliit na bagay lamang kung ang kapalit naman nito ay
proteksiyon laban sa mga nakamamatay na sakit at kapayapaan ng ating isip (peace of
mind). Bilang mga magulang, responsibilidad din nating mapanatiling ligtas at malusog ang
ating mga anak. Karapatan din ng ating mga anak na maging ligtas sa mga sakit at maging
malusog para sa kanilang kinabukasan.

TAKOT SA SIDE EFFECTS NG BAKUNA


● Bigyang diin na kung mayroon mang side effects ang bakuna kontra tigdas (MR), ito
ay banayad, mawawala rin, at normal na reaksiyon ito ng katawan.
● Ituro ang dapat gawin kung sakaling magkaroon ng side effects.

Halimbawa: Walang side effects ang polio vaccine. Maaari namang magkaroon ng banayad
na side effects ang MR vaccine tulad ng kaunting sinat, panandaliang rashes, kirot at
pamumula sa parte ng braso na binakunahan ngunit ang mga ito ay banayad lamang at
pansamantala. Kung kailangan, maaaring bigyan ng paracetamol ang bata ayon sa dose na
rekomendado ng doctor para bumaba ang lagnat at lagyan ng cool compress ang parte ng
braso na binakunahan para mabawasan ang pamumula. Huwag mabahala dahil ang mga ito
ay normal na reaksiyon ng katawan.

Kung sakaling may ibang sintomas, komunsulta agad sa doktor dahil maaaring dala ito ng
ibang sakit na walang kinalaman sa bakuna at ngunit ganunpaman, kailangang magamot
kaagad o mabigyang lunas.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

25
MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA
(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

TAKOT SA BAKUNA
● Bigyang diin na ang mga bakunang ibibigay ay bahagi ng routine immunization at
matagal ng ginagamit sa Pilipinas.

Halimbawa: Apatnapung (40) taon ng ginagamit sa Pilipinas ang mga bakuna laban sa polio
at tigdas at maaaring nabigyan na ang iyong anak dati pa. Karaniwang ibinibigay ito bilang
bahagi ng routine immunization. Walang dapat ikatakot sa mga bakunang ito dahil ligtas at
epektibo ang mga ito.

TAKOT MAHAWA NG COVID-19


● I-acknowledge ang nararamdaman ng kausap at bigyang-diin na may magagawa para
makaiwas sa COVID-19.
● Ipakita at sabihin kung paano kayo sumusunod sa mga panuntunan para sa ligtas na
pagbabakuna.
● Ibahagi kung paano sinisiguro ang ligtas na pagbabakuna sa health center o
vaccination post gaya ng pagpapatupad ng physical distancing at madalas na
pag-disinfect sa lugar kung saan nagbabakuna.

Halimbawa: Naiintindihan ko ang iyong takot ngunit mayroon tayong magagawa para
maprotektahan ang ating sarili at kapwa habang iniiwasan nating mahawa ang ating mga
anak ng mga nakamamatay na sakit.

Pagpunta niyo sa health center o vaccination post, magsuot lamang ng face mask at kung
maaari ay iwasang makipagsalamuha sa ibang mga nanay o caregiver sa loob ng health
center o vaccination post. Ang mga health workers ay mahigpit din na sumusunod sa IPC
protocols para sa ligtas na pagbabakuna. Ipinapatupad din ang physical distancing.
Titiyaking sa mga lugar na well-ventilated gagawin ang pagbabakuna at madalas itong
idi-disinfect. Sa health center, nakahiwalay din ang mga magpapabakuna sa mga
pasyenteng nagpapagamot sa iba pang mga sakit.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

26
MGA KARANIWANG DAHILAN NG PAGTANGGI SA BAKUNA
(REFUSAL) AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO TUGUNAN

MAY SARILING PEDIATRICIAN


● Banggitin na ang SIA na ito ay ine-endorso ng maraming pediatricians at suportado rin
ng Philippine Pediatric Society (PPS).
● Ipakita sa magulang ang video ng kanilang pediatrician na nagpapakitang ine-endorso
niya ang mass immunization na ito, kung mayroon. Maaari ring ipakita ang video mula
sa iba pang pediatricians.
● Bago pa magsimula ang pagbabakuna, hingin ang suporta ng mga pediatricians.

Halimbawa: Ang dagdag na dose ng OPV and MR vaccine ay ibinibigay lamang sa


pamamagitan ng kampanyang ito. Ang gobyerno ay naglaan ng sapat na dagdag bakuna para
sa lahat ng mga bata, kasama ang mga batang may pediatrician. Bawat bata, may
pediatrician man o wala, ay nangangailangan ng dagdag na dose para sa karagdagang
proteksiyon. Suportado rin ito ng Philippine Pediatric Society at Philippine Foundation for
Vaccination.

BAWAL SA RELIHIYON O SALUNGAT SA PANINIWALA (case of hard refusal)


● Respetuhin ang kanilang relihiyon.
● Humingi ng pagkakataon na maipaliwanag pa rin ang kahalagahan ng pagbabakuna.
● Sikaping makuha ang suporta ng mga religious leaders bago pa man magsimula ang
pagbabakuna.
● Hingin ang tulong ng iba pang taong pinagkakatiwalaan ng magulang na tumatanggi.
● Sabihin na tatanggapin sila sa health center kung sakaling magpasya silang
pabakunahan na ang kanilang anak.

Halimbawa: Naiintidihan at nirerespeto namin ang inyong relihiyon o personal na paniniwala.


Gayunpaman, maaari mo ba kaming bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang tungkol sa
mga bakunang ito at kung ano ang mga posibleng mangyari sa inyong anak kung hindi siya
mabakunahan? (Ipaliwanag) Bukas ang health center para bakunahan ang inyong anak mula
Lunes hanggang Biyernes at ito ay libre para sa lahat. Kung sakaling kayo ay magpasyang
pabakunahan na ang inyong anak, kayo ay malugod na tatanggapin ng mga health workers
dahil hangad nilang maprotektahan at ligtas ang inyong anak.

Measles-Rubella and Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)


Gabay para sa Epektibong Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad

27

You might also like