You are on page 1of 3

DISE-OTSO

Siya si Jisoo, isang dalagang may malaking pangarap para sa kanyang

sarili at sa kaniyang pamilya.Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo,

at kinuha ang kursong NURSING Kahit ang kaniyang sustento ay hindi

gaanong malaki ay pinagkakasya niya ito sa mga gastusin sa paaralan,

bahay-panuluyan at sa kaniyang araw-araw na pagkain. At hindi

kailanman naging hadlang sa kaniyang pagsusumikap na makapagtapos

ang pagiging hikahos sa buhay.

Isang araw ay tumawag ang pinsan ni Jisoo na si Rosé upang ipaalam sa

kaniyang mga magulang na isinugod nila ito sa hospital. Nang malaman

iyon ng mga magulang ni Jisoo ay dali-dali silang pumunta sa hospital, at

nang makarating sa hospital ay tinanong si Jisoo ng kaniyang ina kung

ano ang nangyari at kung okay lang ba siya?,ngunit hindi nito maalala

ang kahit sinuman sa kaniyang mga magulang.

Pagkalipas ng isang linggong pamamalagi sa hospital ay inuwi na si Jisoo

sa kanilang bahay upang doon na magpagaling. Apat na araw nalang at

ika-labing walong kaarawan na ni Jisoo, Subalit pagkalipas lamang ng

tatlong araw ay binawian ng buhay si Jisoo.


PERFORMANCE TASK
No.2

FILIPINO - 10

“DAGLI”

Ipinasa ni: Jed Allistaire O. Borcelo


Ipinasa kay: Sir Anthony Rubenecia

You might also like