You are on page 1of 2

ANG PAGDURUSA NI JUSWA

ni: David Joshua Domingo at


Raniel Agliam

Sa isang bayan na kung tawagin nila ay Biringan ay may isang batang lalaki na labis
ang paghihirap. Siya ay si Juswa, labing-anim na taong gulang na kasalukuyang nag-
aaral sa ika-labing isang baiting, bunso sa pitong magkakapatid at nakatira lamang sa
tabing kalsada. Parehas na sumasideline ang kanyang tatay at nanay bilang isang
construction worker at kasambahay kaya medyo hirap silang itaguyod ang kanilang
mga anak.

Isang kwento-kwento sa bayan ng Biringan ay may naninirahan sa bundok na isang


diwata na kung saan ay tumutulong sa mga mahihirap na pamilya at marami na ang
nakakakita rito. Sa una ay ‘di naniniwala ang pamilya ni Juswa rito ngunit isang
pangyayari ang makakapagbago ng kanilang paniniwala, ang pagka hulog ng kanyang
tatay sa pinagtratrabauhan nitong building. Kinabukasan ay agad naglakbay si Juswa
sa bundok ng Biringan, pagkatapos ng limang oras na pag-akyat sa matatarik at
mababatong bundok lahat ng kanyang paghihirap ay nasuklian nung nakita nya na ang
isang babae na kumikinang sa putting bestida. Kinuwento ni Juswa ang kasasaad ng
kanyang buhay ngayon sa diwata, pagkatapos magkwento ni Juswa ay binigyan sya ng
diwata ng isang bag na may habang isang metro, “Heto, bitbitin mo itong bag na ‘to
hanggang sa iyong pag-uwi, at paggising mo bukas ay mapupuno yan ng iyong
kailangan” tugon ng diwata. Pag-gising ni Juswa ay agad nitong binuksan ang bag na
binigay ng diwata, namangha na lamang siya sa kanyang nakita dahil ang bag ay
punong-puno ng asul na pera, napasigaw nalang siya sa tuwa at saya. Agad siyang
pumunta sa hospital upang magdagdag ng pera sa gastusing ng kaniyang ama. Bumili
na rin agad siya ng malaking bahay upang hindi na sila matulog at tumira sa tabing
kalsada. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti niyang nilimot na para bang hindi na
mauubos ang kaniyang pera. Naligaw siya sa mga kahinaan ng tao: ang kasakiman,
pagkukulang sa pag-iisip, at pagnanais na magkaroon ng higit pa kahit na ito ay hindi
na kailangan. Sinugal niya ang lahat ng kanyang pinaghirapan para sa bagay na hindi
makakatulong sa kanya o sa kanyang pamilya.

Ang kanyang mga desisyon ay nagdulot ng pagkawasak sa kanyang pamilya. Ang


magulang niya, na minsan ay nagmamahal at sumusuporta sa kanya, ay napagod sa
kanyang mga pagkukulang. Hanggang sa wakas, ang kaniyang storya ay natapos sa
isang hindi kanais-nais na pamamaraan, kung saan ang pagsubok na nilampasan nila
sa simula ay nagtapos sa paghihiwalay at lungkot.

You might also like