You are on page 1of 2

DEKADA 70

Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng


sariling katangi-tanging pagkakakilanlan.
Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at
ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan
ng mga anak sa paaralan.
Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak,
lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng
pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa
katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala
lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa
inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.
Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw
siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin
nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May panguuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling
mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules.
Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni
Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.
Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong
pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may
tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana.
Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit
hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga
anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si
Jason.
Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang
buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis.
Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng
kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.
Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng
kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame.
Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit
sa tatlong daang bilanggong pulitikal.

May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay
Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at
maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya
sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na
rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.

You might also like