You are on page 1of 4

Suring – Pelikula

The Womb (Inang), 2022


Fajar Nugros, Direktor
Deo Mahameru, Manunulat

I. Tauhan

Wulan
- kahera sa isang malaking pamilihan, maagang nabuntis ng kanyang
kasintahan at inabandona matapos malaman ang pagdadalang-tao nito. Pinanindigan
ni Wulan ang responsibilidad para sa kanyang anak. Naghanap siya ng mga solusyon
online at napunta si Wulan sa isang "support pregnancy group" sa isang social media
platform. Mula sa pangkat na iyon ay nakahanap si Wulan ng isang pamilya para
ampunin ang kanyang sanggol.

Eva at Agus
- ang mag-asawa ay nagmula sa mayamang pamilya ng Santoso.
Buong-puso nilang ibinibigay ang kanilang pagsisikap upang mapanatiling ligtas ang
sanggol na nasa sinapupunan ni Wulan. Tinanggap nila si Wulan sa kanilang malaking
bahay at inasikaso ang lahat ng mga medikal na pangangailangan upang ligtas ang
pagbubuntis nito. Sa pagdaan ng panahon at unti-unti lumalabas ang tunay na pakay
ng mag-asawa at nakita totoong pag-uugali ng pamilya. Dahil sa ritwal na
pinaghahandan ng mag-asawa ay unti-unti ng nagkakaroon ng masasamang panaginip
si Wulan.

Bergas
- ang isinumpang anak nina Eva at Agus. Siya ay sa ipnanganak isang
paniniwala ng mga Javanese tungkol sagradong Miyerkules na pinangalanang Rabu
Wekasan. Pinaniniwalaan na ang bawat taong ipinanganak sa araw na iyon ay
kailangang harapin ang walang katapusang kamalasan sa buong buhay nila. Sampung
taon ang kinakailangang hintayin upang maisagawa ng ritwal at madugtungan ang
buhay niya ngunit sa kasamaang-palad hindi naisagawa ang ritwal at nasagasaan siya
ng isang sasakyan sa daanan.

II. Banghay
Inumpisahan ang “The Womb” sa isang panayam na nagnanais ipabatid sa
mga manonood ang isang ritwal na umiiral sa Indonesia at tinatawag na “Wekasan
Wednesday.” Isa itong ritwal na Javanese na ginagawa upang maiwasan ang malas na
maaaring mangyari sa buhay ng isang batang ipinanganak sa araw ng Miyerkules.
Sumunod na ang kuwento ng isang dalaga na maagang nabuntis ng kasintahan
at iniwan kaagad pagkatapos niyang ihayag na siya ay buntis. Si Wulan, isang dalagita
na nagtatrabaho sa isang malaking pamilihan at itinataguyog ang kaniyang sarili sa
maliit na sahod.
Si Wulan ay nakatira sa isang maliit na kwarto at nakikita niya ang karaniwang
kaganapan sa lugar. Palagi siyang binisita ng nagmamay-ari ng kanyang tinitirhan at
dahil siya walang siyag maibayad sa kasero ay pinalayas siya pagkatapos. Inasam niya
na maaaring mapaaga ang kaniyang suweldo ngunit binastos lamang siya ng kanyang
amo. Dahil wala na siyang mapupuntahan, tinanggap niya ang alok na manatili sa
isang mag-asawang interesadong ampunin ang kanyang anak. Tinamasa niya ang
kasagaan ng buhay na hindi niya naramdaman sa kanyang kabataan. Ang mabuting
pangangalaga ng mag-asawa ay kanilang ipinadama kay Wulan upang makuha ang
kalooban niya.
Sa pananatili ni Wulan sa tahanan nina Eva at Agus ay unti-unti na siyaang
nakararamdan ng hindi magandang pangitain. Nasasaksihan niya ang ilang hindi
magandang mga pangyayari habang papalapit na ang araw ng kanyang
kapanganakan. Ang mga pangyayaring iyo ang nagdulot ng pagkabalisa ni Wulan,
nag-isip na siya mga plano upang makaalis sa tahanan ng mag-asawa. Tinawagan niya
ang kanyang kaibigan ngunit sa kasamaang-palad ay natunugan ito ng mga-asawa at
hindi naging maganda ang kanyang naging plano at nagdulot pa ng kamatayan ng
kaibigan niya. Ang pagdating ni Bergas sa tahanan kanyang tinitirhan ang naging
dahilan kung bakit siya nakaalis sa bahay na iyon. Nalaman nila ang mga pakana na
gagawin ng mag-asawa, ang pagsasagawa ng ritwal upang madugtungan ang buhay
ang nag-iisang anak nina Eva at Agus. Sa tulong ni Bergas ay nakatas si Wulan at ang
kanyang anak. Hindi naisakatuparan ang plano ng mag-asawa at nagdulot ito
kasawian sa kanilang buhay dahil inaaasahan na nila na hindi na muli ang masisiliyan
ang kanilang anak na si Bergas.
Naging ligtas ang kanilang pag-alis sa lugar na iyon, gamit ang lumang
sasakyan ng pamilya ay nakapunta sila sa bayan ngunit sa mga hindi inaaasahang
panahon at dahil hindi naisakatuparan ang ritwal ay nasagaan si Bergas ng isang
sasakayan at nagdulot ng kanyang kasawain. Marahil iyon na ang kabayaran dahil
hindi naisagawa ang ritwal upang madugtungan ang buhay ni Bergas. Sa kabilang
banda, ang anak naman ni Wulan ay nakuha din ang sumpa ng kamalasan at kung
anuman ang ginagawang pamamaraan ng mag-asawang Eva at Agus ay kanyang ding
ginagawa upang mabuhay ang kaniyang anak.

III. Paksa
Ang pinapaksa ng pelikulang ito ay tungkol sa pagbubuntis sa murang edad,
ang dalawang pamamaraan sa pagpapalaki sa anak – ang napabayaan at ang mga
magulang na gagawin ang lahat para mabuhay ang kanilang anak. Masasalamin din
ang isang ritwal ng mga Javanese, ang Wekasan Wednesday. Ang maagang
pagbubuntis ng isang dalaga, ang pag-iwan ng kanyang kasintahan at ang
pagpapalaglag dahil hindi mapanindigan ang pagiging ama ang naging pangunahing
suliranin ni Wulan ngunit hindi siya tumigil sa kanyang hangarin na maging isang
mabuting ina sa kanyang anak at kahit minsan hindi ginusto na ipalaglag ang bata.
Kahit na naranasan niya ang diskriminasyon sa kanyang kabataan ay hindi
kailanman pumasok sa kanyang isipan na ipalaglag ang kanyang anak at upang
mabigyan ng sapat atensyong medikal ang anak niya ay nakipagsundo si Wulan sa
pamilya nina Eva at Agus at siya mananatili sa kanilang tahanan at sasagutin ang mga
pangangailangan niya. Tinamasa niya ang buhay na hindi naranasan sa kanyang
kabataan, ibinigay sa kanya ang lahat ng mga bagay na makabubuti sa kanyang sarili
at sa kanyang anak.

IV. Bisa
Bisa sa Isip
Ang pagiging desperado minsan ng mga tao ang nagiging dahilan ng kanilang
mga kasawian sa buhay. Nagdudulot ito ng hindi magandang epekto sa ating pag-iisip
dahil nakabubuo ng mga paraan na hindi mabuti sa ating kapwa. Masasalalim sa
pelikula ang pagiging desperado ng mga tauhan upang masolusyunan ang kanilang
mga problemang kinakaharap. Si Wulan, Eva, Agus at Bergas ay nagpapakita iba`t
ibang mga makatotohanang pangyayari at gawi ng mga tao sa ating lipunan. Ang
kanilang mga pagkatao, katangian at kilos bilang tauhan sa pelikula ay kakikitaan ng
mga masasalimoot na tagpo na maaaring maranasan ng isang pangkaraniwang tao.
Hindi naging madali ang mga desisyong kanilang binubuo sa kanilang buhay kung
kaya marapat na huwang nating gawin ang mga bagay nakapagdudulot ng kasawian
sa ating buhay. Magkaroon ng matalinong pagpapasyo at tanggapin kung anuman
man ang maaaring matanggap natin sa ating buhay at ipagpasalamat na lamang natin
ito.

Bisa sa Damdamin
Ang damdaming nangibabaw sa pelikula para sa akin ay pagkagalit at
pagkalungkot dahil may mga taong handang manloko para sa kanilang kapakanan at
ang makabubuti lamang para sarili. Hindi ito karaniwang kwento tungkol sa
katatakutan at kababalaghan, ang daloy ng kwento sa pelikula ay tungkol sa
kamalasang maaaring mangyari sa buhay ng tao, ang mga pangyayaring nagbubukas
sa ating isipan ng mga suhestyon na maaaring magdulat ng kasiyahan sa ating sarili at
kalungkutan naman para sa iba. Hindi naging madali ang mawalan ng isang anak dahil
itinuturing siyang malas at hindi naman maganda na mawalan ng anak dahil siya ang
magsisilbing alay upang maputol ang kamalasan.
V. Pangsikolohikong Pagsusuri sa Pelikula

May mga kaganapan sa ating buhay ang nagdudulot ng malaking pagbabago


sa ating pagkatao. Kagaya ng mga pangyayari sa pelikulang “The Womb”, ipinapakita
dito ang mga salik na maaaring magpabago sa katauhan, lalong-lalo na sa buhay nina
Wulan, Eva at Agus. Iilan lamang sila sa mga tauhan mula sa pelikula na nagpakita ng
pagbabago sa kanilang sarili pagkatapos ng mga kaganapan sa kanilang buhay. Ang
mga nakatatak na pangyayari sa buhay ni Wulan mula sa kanyang pagkabata ay
nagturo sa kanya na walang magulang ang magpapabaya sa kanyang anak kahit na
nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Hindi man naging madali ang ang kalakaran sa
buhay ni Wulan ay nanindigan siya na kahit anong mangyari ay bubuhayin niya ang
kanyang anak. Gagawin niya ang lahat upang maibigay ang pangangailangan ng
kanyang anak na hindi niya naranasan sa mula sa kanyang mga magulang. Ang
pagpasok ni Wulan sa isang kasunduan ay isa mga paraan upang mapangalagaan at
matustusan ang pangangailangan niya sa pagbubuntis. Gayundin, positibo ang naging
pagbabagong naganap sa buhay ni Wulan, ang kanyang hindi magandang karanasan
sa kanyang kabataan ay nagmulat sa kanyang puso`t isipan na kailanman ay hinding-
hindi niya pababayaan ang kanyang anak kahit anumang mga paghihirap ang kanyang
mararanasan.
Sa kabilang dako, walang magulang na gugustuhing mawala ang kanilang
anak. Hangga`t maaari ay gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang
mabuhay ang kanilang anak, kahit na makipagkasunduan sila sa demonyo at imposible
mang maibalik ang buhay ng kanilang anak ay gagawin nila ang posibleng
pamamaraan upang muling nilang masilayan ang kanilang anak. Ang mga nabanggit
na pangyayari ang naging dahilan upang magawa ng mag-asawang Eva at Agus na
gawin isang ritual ng Javanese na Wekasan Wednesday at ang pakikipagkasunduan
nila sa mga buntis dahil sila ang makatutulong upang magdagdagan ng sampung taon
ang buhay ng anak nilang si Bergas. Dito ang nagbago ang katauhan ng mag-asawa at
naging desperado na sila sa kanilang mga hakbang upang makapiling lamang ang
kanilang anak.

You might also like